- BULGAR
- Aug 18
ni Julie Bonifacio @Winner | August 18, 2025

Photo: Aiko Melendez - IG
Nanuyit na raw ang hitsura ng mukha ng aktres na si Aiko Melendez sa ipinost niyang closeup photo sa Instagram (IG) recently. ‘Yan ang sabi sa comment section ng post ni Aiko sa kanyang selfie.
Halos hindi na makilala si Aiko sa kanyang latest look dahil sa sobra niyang kapayatan. Sa kabila nito, mukhang proud si Aiko sa kanyang pagpayat.
Caption ni Aiko sa picture niya, “GOOD AM (morning)! (sun emoji) Each sunrise is life’s gentle reminder that you have another chance to grow, to smile, and to make today a masterpiece (green heart emoji).”
May mga gusto ang pagpayat ni Aiko at pinuri pa siya sa kanyang look. Gandang-ganda pa rin ang mga followers niya sa kanya gaya ng TV Patrol newscaster na si Karen Davila.
Say ni Karen, “Payat! (fire emoji) looking good @aikomelendez!”
Pero marami rin ang hindi nagandahan sa pagpayat ni Aiko:
“Mas gusto ko noong mas chunky ka, mas bata kang tingnan. Mas nag-mature hitsura mo ngayon, lumabas mga wrinkles mo. Beauty pa naman.”
“Bagay sa kanya ang chunky built.”
“Tumanda nga s’ya tingnan. ‘Di ako makapaniwala na s’ya si Ms. Aiko.”
“Pumayat nga s’ya, pero tumanda.”
“Parang hindi s’ya.”
Pinagsabihan din si Aiko ni Korina Sanchez sa comment section, “Enough na, that’s good na (like emoji),” payo ni Korina.
Positibo namang tinanggap ni Aiko ang payo, “Yes, Ma’am (red heart emoji),” reply niya.
Well, super sexy naman ang aktres na si Aiko Melendez at maganda pa rin.
NANINIWALA ang AQ Prime Music artist na si Zela na everyone has a perfect time. At para sa kanya, 2025 ang taon niya to shine.
Five years ang kontrata niya with AQ Prime at tatlong taon na siya.
Sa ikatlong taon, nabigyan siya ng opportunity na mag-perform sa sikat na Waterbomb Festival sa South Korea.
Ang Waterbomb Festival ay taun-taong ginaganap sa SK tuwing summer, organized by Volume Unit Entertainment at sinimulan noong 2015.
Mga sikat na K-Pop artists ang nagpe-perform dito. For this year, naka-lineup sina Jay Park, 2NE1, Karina from aespa, Super Junior-D&E, Kiss of Life, at ITZY.
Ayon kay Zela, “Uh, we got invited po. Kasi I was with my co-artist sa AQ Prime, with BI7IB po, and I was the only P-Pop artist na babae. But I don’t really know the details that much.
“Sinabi lang po sa amin na magpe-perform kami. Nagulat lang din po kami na we’re gonna perform sa Waterbomb. It’s very famous sa Korea and first time nangyari dito sa Pilipinas.”
Sobrang nagulat daw si Zela noong malaman niyang magpe-perform siya sa Waterbomb.
Aniya, “Very surreal po ‘yung feeling. Also, I got nervous din because first big stage ko s’ya ng 2025. Pagpasok pa lang ng year, parang ‘yun agad ang nalaman namin.
“So, sabi ko sana magtuluy-tuloy na ‘yung blessings. Then eto nga, nagkaroon ako ng album after nu’ng Waterbomb.”
Nakausap namin si Zela sa launch ng kanyang first album titled Lockhart, a powerful debut that marks her entry into the growing P-pop scene. Ten tracks ang laman ng album, 6 dito ay mismong si Zela ang nag-compose. Ang title ng album ay inspired from her last name.
“My name is Zela Lockhart, so the title came from there. We decided on it because it has a personal meaning for me—most of the songs are written by me, and it all started there. ‘Lockhart’ also symbolizes being locked in on my goals and the things I want to achieve in life,” paliwanag niya.
During her album launch, kinanta ni Zela ang isa sa mga kanta, ang Ace.
“Ace means Activate Confidence to Empower. I chose to just call it ‘Ace’ because I want to empower others through my music,” sabi pa niya.
Lastly, ishinare ni Zela kung sino ang local artists na gusto niyang maka-collab.
“If I had to choose, I’d say BINI because they’re the queens of P-pop, and G22 because our genres vibe well together,” sey pa ni Zela.
Well, sana ay mangyari ‘yan. Good luck and wishing you the best, Zela.