top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May 23, 2025



Photo: Vico Sotto at Robin Padilla - IG


Nananatili pa rin si Senator Robinhood Padilla sa The Hague, Netherlands bilang pagbibigay ng suporta kay former President Rodrigo Roa Duterte.


Matapos ngang i-announce noon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na si Robin ang napipisil na maka-tandem bilang VP ni Sara Duterte sa 2028 elections, 


kalat naman ngayon sa X (dating Twitter) ang piktyur ni Sen. Robinhood na may nakasulat na posibleng tumakbo ang mister ni Mariel Rodriguez hindi lang bilang VP kundi bilang presidente sa 2028 national elections.


Nakalagay sa post, “Sen. Robinhood Padilla: Possible 2028 Presidential or VP candidate.”


Kung mangyayari ‘yan sa 2028, makakatapat ni Sen. Robinhood si Pasig City Mayor Vico Sotto sa presidential election.


Oh, ‘di ba, tinawag ni Bossing Vic Sotto ang kanyang anak na si Vico na “the next President”?


Abangan na lang!


Ipinakilala na ng anak sa US… PACQUIAO AT JINKEE, PROUD SA MEXICAN GF NI JIMUEL



Early this week ay naispatan na namin ang post ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram (IG). Agad na kumuha ng atensiyon namin ang babaeng kasama nina Jinkee, mister na si Manny Pacquiao at panganay na anak nilang si Jimuel.


Never pa kasing lumantad ang babaeng katabi ni Jimuel sa piktyur na naka-angkla ang kamay sa braso ng anak ng boxing champ habang namamasyal sa Amerika.

Nasa US si Manny para maghanda sa pagbabalik niya sa boxing arena pagkatapos mapabagsak ng mga Pinoy sa kanyang senatorial bid last election.


Habang si Jimuel naman ay matagal nang nasa US dahil sa kanyang boxing career.

Bukod sa mala-‘family picture’ nina Jinkee with the girl na ang description ng mga netizens ay mukhang Mexicana, may iba pang pictures ang nanay ni Jimuel kung saan magkabeso-beso pa sila ng mukhang Mexican girl and rumored GF daw ng 24-year-old nang eldest child nila ni Manny.


May larawan na ipinost si Jinkee na magka-holding hands habang naglalakad si Jimuel at ‘yung mukhang Mexican girl.


Obviously, proud si Jinkee sa kanyang future daughter-in-law kaya may-I-post siya sa socmed (social media) ng mga larawan nila.


Si mukhang Mexican girl ang ikatlong babae na na-link at naging girlfriend ni Jimuel.

Last girlfriend ni Jimuel ay ang Kapamilya star na si Arabella del Rosario.


Noong December, 2020, isinapubliko ng dalawa ang kanilang pagmamahalan nang mag-post si Jimuel sa X (dating Twitter) ng mga larawan niya kasama si Arabella.


At siyempre, ang unang nabalita sa publiko na girlfriend ni Jimuel ay walang iba kundi si Heaven Peralejo.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 22, 2025



Photo: BINI sa Dubai - BINI PH


Dinumog ang first leg outside the Philippines ng world tour ng P-Pop all-female group na BINI sa Coca-Cola Arena sa Dubai last Sunday.


May resibo ang management ng BINI kung gaano karami ang nanood sa concert nila. May 11,000 daw ang dumating sa venue na may capacity na 17,000.


Hindi tuloy napigilang maging emosyonal ng walong members ng BINI sa dami ng mga nanood sa kanila sa Dubai kahit na nga nagkaroon ng injury si BINI Aiah.


Nagka-leg cramps ito, pero kahit may iniindang sakit, tuloy pa rin ang performance ng BINI. The show must go on pa rin ang BINI, siyempre.


Sa kabila ng tagumpay ng konsiyerto, may mga negative feedback na kumalat sa X (dating Twitter) mula sa mga dismayadong fans nila.


Sey ng mga fans: “Blooms expressed disappointment over BINI_ph’s Biniverse Dubai concert, citing the lack of production design, no LED screen for fans in a 17,000-capacity venue, and a missing ‘wow’ factor — many felt the ticket price just wasn’t worth it (heartbroken emoji).”

“I absolutely love the girls, but the production was a bit disappointing. There was no live screen for those of us at the back, so it was hard to really enjoy the show. With the ticket prices being that high—actually more expensive than Coldplay's concert last January—we honestly expected more (teary-eyed emoji).”


“Terribly disappointing. The worst concert that I have been in. I should have watched in YouTube instead. A LED screen is a basic necessity for a concert venue fit for 17,000 people. Lack of common sense and decency towards their supporters. Charged to experience but never again.”


“Producer ran all the money, forgetting the audience’s satisfaction. I was on VIP so it’s ok, but the back audience, without projector screen. Sigh.”


“#BINIverseDubai you gave us an experience that we can't forget... disappointment (crying emoji). No screens that will show or focus at least the faces? To think that you expected already audiences below 14 years of age. My Goodness! (heartbroken emoji).”


“It appears to me like a mall tour not a world tour level—production quality is low, no LED screen, no camera, nothing special... sa Dubai pa talaga ginawa where supposed most world-class concert is held...”


“That concert was… not worth the money. No LED screen kaya nagmukhang mall show.”

“Bakit parang ayaw mag-present nu’ng ibang BINI, lots of dead air, may songs na ini-lip sync lang. Still a good night but they could really have done better. Tickets weren’t cheap.”

Hala!



ISHINARE ni Charo Santos sa Instagram (IG) ang naging karanasan niya sa kanyang kauna-unahang TV exposure noong ‘70s.


Si Rikki Jimenez ang naka-discover kay Charo sa Calapan, Mindoro. That time, kilala bilang fashion designer si Rikki. Niyaya ni Rikki si Charo na pumunta ng Maynila at gawing isa sa mga model niya.


Panimulang kuwento ni Charo, “In the ‘70s my mom and I traveled all the way from Calapan, Oriental Mindoro to Manila. Hanggang nakarating kami ng studios ng Channel 13.”


Aniya, “I was invited to guest by the late Rikki Jimenez, the person who discovered me, to walk down the ramp on the show Seeing Stars with Joe Quirino.”


“Pagdating ko sa studio, pasok ako ng dressing room at nakita ko na ang mga kasama ko ay mga city girls, mga models na sanay na sanay na, mga inglesera. Naku, itong probinsiyanang ito, biglang na-insecure. Kinabahan ako. I felt so out of place na ayaw ko nang gawin.”


Agad daw nilapitan ni Rikki ang ina ni Charo pagkatapos niyang mapansin ang pag-aatubili ng kanyang bagong modelo.


Pagpapatuloy ni Charo, “So, si Rikki Jimenez, pinuntahan ang nanay ko. Sabi niya, ‘Mrs. Santos, ano ba naman ‘yang anak mo, bumiyahe pa kayo all the way from Calapan, pagkatapos iiyak lang dito.’ Because I really broke down in the banyo.


“But and behold, two models approached me and asked me, ‘Oh, Charo, bakit ka umiiyak?’ Sabi ko, ‘Kasi hindi ko kaya talaga. Kinakabahan ako, so ayaw ko na.’ (Sabi nila), ‘Charo naman, maglalakad ka lang. It’s okay. This will not kill you. You will not die.’”


Kung hindi in-encourage ng mga models si Charo, eh, di sana, hindi siya naging "reyna"  sa ABS-CBN at hawak ang record as host ng longest-drama anthology show on TV na Maalaala Mo Kaya.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 21, 2025



Photo: Vice Ganda sa concert ni Lady Gaga - IG


Agaw-eksena ang It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda pagdating niya sa venue ng concert ni Lady Gaga sa Singapore last Sunday, May 18.


Ipinost ni Vice sa kanyang socmed (social media) accounts ang short videos ng pagrampa niya papasok sa isang stadium na venue for the opening night of Lady Gaga’s Mayhem concert tour.


Pormang Lady Gaga siyempre ang look ni Vice from head to toe wearing a red ensemble.


As usual, may nang-bash kay Vice sa kanyang outfit. OA raw at sobrang papansin.

Pero dinepensahan naman siya ng kanyang mga followers saying na ganoon naman talaga ang mga fans ng international artist kapag nanood sa concert ng kanilang idolo.


Ginagaya nila ang outfit ng idol nila at mas madalas sobrang exagg pa ng suot nila. Ginagawa nila ‘yun para talaga magpapansin sa idolo nila.


At si Vice, matagal nang fan ni Lady Gaga. Kaya kung awrahan din lang naman, of course, ‘di pahuhuli ang IS host.


Ang tanong lang ay kung napansin kaya si Vice ni Lady Gaga during the concert? May nag-viral kasi na isang gay impersonator ni Lady Gaga ang nakuha ang pansin ng singer sa concert at nakapagpa-picture pa with her.



PATULOY na nananahimik si dating OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Arnell Ignacio sa pagkakasibak sa kanya sa puwesto at sa alegasyon ukol sa unauthorized P1.4 billion deal.


Sa kabila nito, panay ang pagtatanggol kay Arnell ng mga taong naniniwala sa kanya and at the same time, ang pagbira ng kanyang mga kritiko.


May naniniwala na biktima si Arnell ng pulitika sa bansa dahil sa dalawang political parties na dating united pero ngayon ay nagbabangayan na.


Masyadong identified daw kasi si Arnell sa partido ni dating Presidente Rodrigo Duterte, habang “winawalis” daw ng nakaupo sa gobyerno ngayon ang mga kaalyansa ni FPRRD.

Sey ng mga netizens: 


“In 2022, Ignacio was appointed by President Bongbong Marcos as the new administrator of OWWA. 


“But in May 2025, he was dismissed from the same position due to loss of trust and confidence following his involvement in a P1.4-billion land acquisition deal intended for the accommodation of Overseas Filipino Workers that was allegedly acquired without the required legal approval and authorization of OWWA's Board of Trustees.”


“Pandemic pa lang, nasa OWWA na s’ya.”


“He was first appointed by Duterte in 2016 to Pagcor as a political reward. And then to OWWA in 2019. He stepped down in 2019. He was appointed again to OWWA by Marcos in 2022 before the demise of the Uniteam.”


May pa-benefit of the doubt naman ang ibang mga netizens kay Arnell.


“What if lang naman inutusan si Arnell to do that or else tatanggalin s’ya? Then in the end, that very thing he did to keep his post is what they will use against him. It sucks to be a pawn in the game.”


“Smart naman ‘yan si Arnell. Alam niya from the very start ang pinasok niya. Walang what if sa gobyerno. Part siya ng gov and mataas pa position. Have you seen his very expensive watches?!”


“Imposible na hindi alam ‘yan ng board of trustees unless lagi lang silang tulog.”

“This should be investigated. Something is not right. Parang nagamit lang si Arnell.”


Kaya panawagan nila kay Arnell, magsalita na para malaman ang katotohanan.

“I would like to hear Arnell’s explanation, and the evidence presented. We need transparency.”

“Arnell, magsalita ka and defend yourself. ‘Wag ka matakot.”


We heard from a source, in due time ay magsasalita rin si Arnell to clear his name. But as for now, quiet muna siya.


Sa true lang, baka lumala pa ang sitwasyon kapag nagsalita si Arnell. Remember, nakaupo sa gobyerno ang makakanti niya once he reveals his side.


Mas makabubuti siguro talaga na quiet na lang muna si Arnell. Nalaman namin from a source na mabuting magkaibigan pala si Arnell at ang ipinalit sa kanya bilang bagong OWWA administrator na si Patricia “PY” Caunan.


At si Admin PY pala ay dating schoolmate sa elementary ni First Lady Liza Marcos sa Poveda.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page