top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May 27, 2025



Photo: Julian Estrada - IG


Nagsalita na ang anak ni Senator Jinggoy Estrada na si Julian Estrada sa insidenteng nangyari sa kanya sa Boracay last Saturday.


Unang lumabas sa balita na nilapitan daw ng isa sa mga suspek ang isang biktima at biglang sinuntok. Nu’ng umawat ang isa pang biktima ay itinulak at sinuntok din ng tatlong lalaki sa tapat ng isang hotel sa Bgy. Balabag.


Narito ang pahayag ni Julian sa kanyang Instagram (IG) Story, “To set the record straight.. there was no fight, it was an unprovoked attack.


“Jelo and I were already walking away from a peaceful night, heading home. When one of them walked up, said a few words and threw the first punch.


“What followed wasn't a scuffle, it was a group jumping and yet people online were so quick to say ‘deserved,’ ‘buti nga,’ funny how loud people get when they're hiding behind screens...

“Twisting a story they weren’t even there for. This wasn’t some bar fight.


“We weren’t looking for trouble and we sure as hell didn’t start any but it's easier I guess for strangers to believe the version that fits their bias.


“It’s easier to hate than to ask what really happened so before you speak of someone else’s pain, make sure you know the truth because what you say says more about you than it ever will about me. To everyone who checked in, messaged or simply kept it real, thank you. Your support didn't go unnoticed. I'm taking time to rest and move forward, that's all there is to it.”


Naghain na ng reklamo si Sen. Jinggoy laban sa mga suspek na umano’y nanakit kay Julian at sa pamangkin na si Jefferrely sa isla ng Boracay.


Nagtamo si Julian ng sugat sa ulo at nasira ang isang kuko sa paa pagkatapos daw sipain nang sunud-sunod. May tama naman daw sa ilong ang pinsan ni Julian.


As of this writing, nagpapagaling daw sa ospital ang magpinsan.


Hati naman ang mga netizens sa kanilang reaksiyon sa pahayag ni Julian Estrada:

“Kinda hard to believe coming from you.”


“Oo nga. Ilabas n’yo rin ‘yung version ng kabilang panig…”


“Kilala mo ba kung sino ako? Unprovoked ‘yon ????”


“Hindi ka mabugbog na walang dahilan. Period.”


Sey ng ibang mga netizens, “Maangas or not, it’s not right na binugbog sila.”

“Reason enough na ba ‘yun, para upakan at bugbugin mo ang tao? Kahit saan tayo pumunta, meron at meron tayong ma-meet na mga tao na mahangin at maporma. Kung hot-headed ka, abutin mo kulong at sakit ng katawan.”


“Boracay should be cleansed again. To think there’s also an unresolved murder of a female foreigner in Boracay. Also, suspects of kidnapping/murder were found hiding in Boracay etc..”


May ilan naman na pati nakaraang insidente tungkol kay Julian ay kinakalkal pang muli:

“Sabi mo ‘yan, eh… dumaan nga lang si Ben Simmons, tinawag mong supot! (nasa IG post n’ya) Malamang umariba na naman kayabangan mo kaya ka na-jombag.”


“Ganyan din s’ya nu’ng teenage years n’ya kasama n’ya si Diego Loyzaga noon, nasangkot din sila sa gulo.”


Sabeee?



INALALA ni Matet de Leon ang ika-40 araw ng pagkawala ng kanyang ina, ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.


Ipinost ni Matet sa kanyang Instagtam (IG) ang picture ng pagbisita nilang magkakapatid sa puntod ni Nora kasama ang kanilang mga anak kahapon.


Caption ni Matet sa kanyang IG post, “Today marks 40 days since our mommy left this world. In our tradition, the 40th day is a time to remember, pray, and let go with love - trusting that her soul is finding peace and rest.


“Not a day has passed without thinking of her - her kindness, her laughter, her quiet strength. She gave so much of herself to everyone around her, and even in her silence, she had a way of making you feel loved.


“The pain of losing her is still so real. Some days it feels like she’s just in the next room, and others, her absence is too loud to ignore. But even in grief, I find myself remembering her smile, her guidance, and the many lessons she left behind - in the way she lived, loved, and believed.


“Today, as we mark her 40th day, we offer our prayers. We remember her, we honor her, and we release her - trusting that she is now in a place of peace, surrounded by the light and love she gave so freely here on Earth.


“To those who have stood by me and our family during this time - thank you. Your kindness and prayers have been a source of strength when we needed it most.


“And to you, Ma, I carry your love in everything I do. I miss you more than words can say. I hope you are at peace. I hope you know how deeply you are loved and how much you are missed.


“You are forever in our hearts.”

‘Yun na.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 26, 2025



Photo: Coco Martin PH - IG


Biyaheng Africa ang famous couple na sina Coco Martin at Julia Montes kasama ang iba pang Kapamilya stars.


Sa unang pagkakataon, dadalhin ng ABS-CBN ang Kapamilya stars sa Kenya para sa isang masayang selebrasyon upang magpasalamat sa ilang taong pagsubaybay sa mga programa ng ABS-CBN na umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa.


Isa itong milestone para sa ABS-CBN dahil pagkatapos ng maraming taon na pagtangkilik ng mga taga-Kenya sa mga Kapamilya teleserye, personal na nilang makakasalamuha ang mga Kapamilya stars na napapanood lang nila noon sa mga paborito nilang serye.


Makakasama nga ng mga fans ang CocoJul sa Kapamilya Live in Kenya para ipagdiwang ang parehong kultura ng Pilipino at Africa na gaganapin ngayong Hunyo 28 sa Nairobi Cinema.


Bukod dito, inanunsiyo na rin ng ABS-CBN ang pag-ere ng kinakikiligang serye nina Coco at Julia na Walang Hanggan (WH) sa Hulyo, at ang serye naman na pinagbibidahan ni Julia na Saving Grace (SG) na ipapalabas sa Setyembre. Pareho itong mapapanood sa StarTimes channel ngayong taon.


Tuluy-tuloy ang pamamayagpag ni Coco sa Africa kung saan patok sa mga manonood ang serye niyang FPJ’s Batang Quiapo (BQ), na kilala sa pamagat na Gangs of Manila (GOM) at kasalukuyang umeere sa 41 na bansa sa Africa. Tumatak din sa mga manonood sa Africa ang mga teleserye ni Julia tulad ng Ikaw Lamang (IL), Doble Kara (DK), Asintado, atbp..


Mahigit 2 dekada nang umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa ang mga programa ng ABS-CBN. Ilan lamang sa mga napapanood na Kapamilya teleserye ngayon ay ang Can’t Buy Me Love (CMBL), Lavender Fields (LF), What’s Wrong with Secretary Kim (WWWSK), The Broken Marriage Vow (TBMV), at marami pang iba.


Para sa iba pang mga detalye para sa Kapamilya Live in Africa, bisitahin ang Kapamilya live website. 


Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok (TT) o bisitahin ang ABS-CBN website.



Inabot ng mga aberya ang misis ni Senator Jinggoy Estrada na si Precy Ejercito at isa sa mga anak nila habang nagbabakasyon sa Boracay.


Naiulat sa isang provincial radio program sa Aklan na sinuntok ang anak nina Sen. Jinggoy at Precy ng tatlong hindi pinangalanang binata sa Station 2 ng Boracay Island noong 2 AM kahapon. 


Pero duda ng mga netizens, ang anak ni Sen. Jinggoy na tinutukoy sa mga news ay si Julian Estrada. May post kasi sa kanyang Instagram (IG) na hindi matutuloy si Julian sa event sa isang kilalang bar sa Boracay kung saan isa siya sa mga guests/performers.

Post ni Julian sa kanyang IG story, “To everyone expecting to see me at epic tonight, I won’t be able to make it. Got caught in a really unfortunate situation last night and need time to recover, both physically and mentally. 


“Appreciate all your understanding and support. See you soon.”


Ayon sa report, naglalakad daw ang dalawang biktima (anak ni Sen. Jinggoy at kasama nito) mula sa isang bar papuntang D’Mall (kilalang tourist area sa Boracay) nu’ng bigla silang sundan ng 3 lalaki. 


Nilapitan daw ng isa sa mga suspek ang isang biktima at biglang sinuntok. Nu’ng umawat ang isa pang biktima ay itinulak din siya at sinuntok din ng tatlong lalaki sa tapat ng isang hotel sa Bgy. Balabag.


Agad nakilala ang mga suspek na pawang mga residente sa isla ng Boracay at inaresto ng mga pulis, habang isinugod naman daw sa ospital ang isa sa mga biktima para sa agarang medikal na atensiyon.


May duda ang mga netizens kung bakit sinuntok ang mga biktima.

“Mga 18 years old, binugbog sila? Malamang napormahan o niyabangan n’yo.”

“So, hindi ‘yung anak ‘yung target, ‘yung kaibigan ng anak?”


“Penoys (Pinoy) doing penoy things again (laughing emoji). We all know that even the anak of kapitan feels like hari-harian (smiling emoji). What more than a son of a senator with a last name of Estrada… That’s like having two infinity stones (winking emojis).”


“Hindi mo ba alam kung sino ako.....”


“I have no sympathy for this family whatsoever.”

Ganoon?

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 25, 2025



Photo: Marian Rivera-Dantes - IG


Dawit ang pangalang Marian Rivera sa listahan ng mga tumanggap sa confidential funds ni Vice-President Sara Duterte.


Ayon sa imbestigasyon ng House prosecution panel sa confidential funds ni VP Sara, mayroon daw natagpuang acknowledgment receipts kung saan ang nakalagda ay kapangalan ng aktres na si Marian Rivera at ni Akbayan Representative-elect Chel Diokno.


Nakalagay daw sa resibo na taga-San Fernando, Pampanga ang kapangalan ni Marian na tumanggap ng P100,000. Samantalang ang kapangalan naman ni Diokno ay tumanggap ng P120,000 confidential funds.


Sa X (dating Twitter) ay nakita namin ang reaksiyon ni Akbayan Representative-elect Chel Diokno sa mga nakalkal na acknowledgment receipts ng confidential funds ni VP Sara kung saan kabilang ang kapangalan niya.


Reaksiyon ni Atty. Chel, “Lahat na ba nasa listahan ng confidential funds? Pati ba naman pangalan namin ni Ma’am Marian, idinamay nila! Grabe ang kawalang-hiyaan!”

May reaksiyon din siyempre ang mga netizens d’yan.


“Ay, pot*. Lahat na lang. Mana talaga sa ama. Hindi ako magtataka kung si Hidilyn Diaz ay nasa listahan din niya. Susme.”

“Ipapatawag sa impeachment trial sina Marian Rivera and Chel Diokno? (laughing emoji).”

Bongga! Hahaha!



SA true lang, fake news ang balitang naungusan na ng katapat na programa ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin.


Katunayan, muling gumawa ng bagong record ang BQ bilang most-watched teleserye on-air at online sa Pilipinas.


May “resibo” ang programa para patunayan na gabi-gabi pa ring sinusubaybayan ng mga Pilipino ang maaaksiyong bakbakan ni Tanggol (Coco) sa BQ pagkatapos magtala ng 24.78% average na pinagsamang national TV rating noong Mayo 1 to 20 para manatiling most-watched teleserye sa bansa.


Ang Kapamilya teleserye pa rin ang nangungunang programa sa primetime with double national TV rating kumpara sa 12.64% fused TV rating ng katapat na serye mula sa parehong urban at rural homes ayon sa datos ng Kantar Media.


Patuloy ang pamamayagpag ng BQ sa national viewership charts mula noong umere ito noong 2023 sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.


Bukod sa telebisyon, namamayagpag din ang serye sa online viewership. Para sa Mayo 1 hanggang Mayo 18, nakapagtala ito ng higit 100 million views para sa pinagsama-samang full episodes at highlights nito sa YouTube (YT). Kumpara ito sa 4 million views na nakuha ng katapat na serye para sa parehong panahon.


Lagi ngang trending sa social media ang mga eksena at karakter nito kung saan patok na patok sa mga manonood ang halu-halong emosyon, drama, at aksiyon.


Kaya naman taos-puso ang pasasalamat ng lahat ng bumubuo sa BQ para sa walang-sawang suporta ng mga manonood na gabi–gabing sinusubaybayan ang buhay ni Tanggol sa TV at online.


So, alam na, ha?


Mas marami pang maaaksiyong kaganapan sa BQ na huwag palampasin gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page