ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 9, 2024
Opisyal nang talent ng Fire & Ice Productions ang The Voice Season 19 singer na si Ryan Gallagher.
Pumirma na kamakailan ng management contract ang papable and talented singer-performer na si Ryan Gallagher sa artist agency ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño.
At unang project nga ni Ryan under Fire & Ice ang kanyang first major concert titled The Voice of Ryan on Feb. 17 na gaganapin sa Music Museum, 8 PM.
And take note, first major concert pa lang ni Ryan, ang bongga na agad ng mga guests niya na walang iba kundi ang kanyang mentor dito sa 'Pinas na si Concert King Martin Nievera, ang classical performer-songwriter na si Lara Maigue at ang singer-turned director-producer at talent manager ngang si Ice Seguerra.
Ilang beses na naming narinig kumanta si Ryan Gallagher at may music man o acapella, ang perfect talaga ng singing voice nito, never nawala sa tono at walang kasabit-sabit kahit gaano kataas 'yung mga ibinibirit niya.
Kaya excited na kaming mapanood ang duet niya with Martin, at maging kina Lara at Ice.
Anyway, sa contract signing ni Ryan, tinanong namin si Ice kung nako-consider ba nila ng misis niyang si Liza ang guwapong singer para maging 'sperm donor'.
Remember, matagal nang naghahanap ng perfect sperm donor ang mag-asawa para sa kanilang baby project. At mukhang eto na nga, si Ryan na ang kanilang hinahanap dahil bukod sa guwapo at talented, may good heart and soul pa, kaya nga talagang nagtiwala ang mag-asawa na i-manage ang career nito rito sa 'Pinas.
Birong sagot sa amin ni Ice, kasama na raw sa pinirmahang kontrata sa kanila ni Ryan Gallagher ang pagiging 'sperm donor'.
At nang si Ryan naman ang mismong tinanong namin kung willing ba siya, "Game!" ang buong-ningning na isinagot nito.
Oh, wow! I-push na 'yan nang makita na natin ang "Ice, Ice Baby" nina Ice at Liza!