top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 18, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 18, 2026 (Miyerkules): Wala kang dahilan para mabigo, lalo na’t pinagkalooban ka ng lakas ng loob at tapang na magagamit mo sa anumang layunin mo sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Simulan mo na ang mga diskarte at paraan kung paano mo pa mas pagagandahin lalo ang buhay mo. Muli, iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-26-37-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo kung kikilos ka nang hindi nag-aalinlangan. Lakasan mo ang loob mo, wala kang dapat ipag-alala at wala ka ring dapat katakutan ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-24-28-31-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla ang iyong mararamdam ngayon, dahil makakatanggap ka ng suwerte ngayong buwan ng Pebrero hanggang Marso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-19-27-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Makakalimutan mong ikaw ay mahina, dahil lalakas ka na para bang wala nang atrasan kahit sino ang makaharap mo. Minsan, maganda rin ang maging mahina dahil nakokontrol mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-28-30-35-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang hihinto! Hindi panahon ngayon para umatras. Maaaring hindi mo alam na ang langit mismo ang gumagawa ng paraan upang makuha ang gusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-12-25-31-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ka para sa iyong pag-asenso. Mas maganda kung ang mga kilos ay nakatuon lang sa iisang bagay. Ang madaming pinagkakaabalahan ay hindi magandang pormula ng tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-16-21-39-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang paaawat. Pero hindi mo masisisi ang mga malalapit sa iyo na kabahan sa mga kinikilos mo dahil nag-aalala lang sila na baka mabigo ka, gayunman, hindi naman mangyayari sa iyo ‘yun. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-23-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang tahimik na pamumuhay pero higit na maganda ang madaming kaibigan na handang umalalay sa iyo sa panahon ng kagipitan. Magkaganunman, piliin mo lang ang mga kaibigang iyong mapagkakatiwalaan at maaasahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-18-22-37-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Humingi ka ng tulong o alalay sa mga taong hindi naghihintay ng kapalit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-13-24-32-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo muna ang mga hindi mo nagawa sa nagdaang mga araw. Kumilos ka lang nang kumilos, dahil langit na mismo ang mag-aalis ng mga sagabal at hadlang sa iyong daraanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-19-28-31-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hinay-hinay lang lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon. Ang anumang pagmamadali ay puwedeng pagsisihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-20-27-33-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbababala ang araw na ito na huwag kang masyadong maging galante sa kapwa at sa sarili mo. Alalahanin na isa sa mga epektibong susi kung paano hindi magigipit ang isang tao ay ang pagtitipid. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-10-21-25-34-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 17, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 17, 2026 (Martes): Matagal nang nakatakda ang iyong pag-unlad. Kaya agad na susuko ang mga kalaban mo ngayon. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling pagagaanin ng langit ang iyong buhay, kaya magdaratingan na sa’yo ang mga suwerte. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-24-29-35-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo lang ang iyong laban. Sa paraan na ito, maging maliit man o malaki ang iyong hinaharap na problema, hindi ka pa rin mahihirapan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-11-17-20-32-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang pagiging maunawain sa iyong mga kaaway. Mas makabubuti ngayon kung magkukunwari kang mahina. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-10-15-25-34-45.


CANCER (June 21-July 22) - Sosorpresahin ka ngayon ng langit. Ikaw mismo at ang mga nasa paligid mo ay hindi makakapaniwala at tiyak na mamamangha. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-18-21-27-29-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ang pagiging malakas mo ang sandata para makatulong sa mahihina. Huwag mo silang layuan kahit ano’ng mangyari, dahil sa kahinaan nila ikaw ay mangingibabaw. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-14-22-33-36-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipakalat mo ang iyong mga nalalaman. ‘Wag mong ipagdamot dahil bibiyayaan ka ng nasa Itaas ng mga panibago at mas magaganda pang mga ideya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-19-23-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tulungan mo ang mga taong nangangailangan. Hindi mo man sila mabigyan ng materyal na bagay, puwede mo namang ibigay sa kanila ang simpleng pagtulong, na sapat na para sila ay sumigla at lumigaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-21-30-34-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magiging malakas ka at ito na ang oras upang ipakita mo ang iyong kakayahan. Huwag kang matakot, dahil langit mismo ang papanig sa’yo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-14-20-32-37-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unahin mo ang iyong sarili at ‘wag mo munang isipin ang ibang tao. Kapag matatag ka na, saka mo sila balikan. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-17-28-35-38-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatakda para sa’yo ang araw na ito. Kaya walang dahilan para panghinaan ka ng loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-14-25-31-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ang iyong pagkakamali ay puwedeng maging sanhi ng iyong pagbagsak, at ng mga taong nakapaligid sa’yo. Kaya pag-aralan mo munang mabuti ang bawat ikinikilos mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-22-27-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - ‘Wag kang mag-alala, dahil sarili mo lang naman ang kalaban mo ngayon. Ang inaakala mong hindi mo kaya ay makakayanan mo na ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-16-20-28-33-42.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 16, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 16, 2026 (Lunes): Magagandang ideya ang mabubo sa iyong isipan. Kung lalakipan mo ito ng kaukulang pagkilos, mabilis kang yayaman. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madaragdagan ang kaalaman mo sa pamamagitan ng pakikinig sa mga may alam at sanay na. Sa ganitong paraan, malabo kang mabigo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-19-24-30-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumukupas ang pag-ibig kapag kulang sa romansa at sa dilig ng pagmamahalan. Huwag mong hayaang mabawasan ang pagtitinginan ninyo ng iyong karelasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-16-18-28-31-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakasawa ang paulit-ulit na ikot ng buhay. Gayunman, hindi ka puwedeng matalo ng kalungkutan. Kaya gumawa ka ng paraan upang ang kaluluwa mo ay sumaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-25-34-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Mula sa malayo, ang magagandang bagay ay magdaratingan na sa buhay mo. Wala kang dapat gawin ngayon kundi tanggapin ito. Hindi dapat na umiral sa iyo ang pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-27-29-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bagong pananaw ang papasok sa isipan mo, kakaiba ito kesa sa dating pinaniniwalaan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-19-21-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagapagturo ang papel mo ngayon sa mundo. Kaya huwag mong pagdamutan ng mga kakaibang kaalaman ang malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-20-28-31-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung nasaan ang puso mo, roon ka! Puwede mo ring labanan ang iyong damdamin, kaya lang ang lihim na kalungkutan ay mamalagi pa rin sa iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-22-30-36-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Salubungin mo ang mga araw na darating, kung saan madaming oportunidad ang mapapasaiyo. Ngayon pa lang ay puwede ka nang magdiwang kasama ang ilang mga kaibigan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-24-26-37-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi dapat inaawat ang taong galit na galit, bagkus hayaan n’yo lang ito dahil kahit gaano katindi ang galit, tulad ng malakas na bagyo, humuhupa rin ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-19-23-34-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang masama sa pagtatanong, lalo na kung gusto lang naman talaga matuto. Pero mag-ingat ka sa nagtatanong sa iyo na may masamang motibo at kumukuha lang ng personal na impormasyon sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-18-21-33-40


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dapat matinding paghahanda ang gawin mo kung gusto mo ng malaking proyekto. Ibig sabihin, huwag kang sugod nang sugod para ‘di ka magkamali sa pagdedesisyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-25-28-30-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mauubusan ngayon ng suwerte. Lakasan mo ang loob mo na gawin anumang gusto mo. Makipagsapalaran ka para mapasaiyo ang walang kapantay na ligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-14-29-35-44.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page