top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 8, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 8, 2025 (Lunes): Malaki ang maitutulong sa iyo ng pangingibang-bansa, dahil ayon sa araw ng iyong pagsilang, nasa malayong lugar ang magagandang kapalaran para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Huwag kang maniniwala sa mga maririnig mong magagandang ideya dahil anumang pagbabago sa paniniwala mo ay maaaring hindi makabuti sa takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-16-20-23-29-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit dikit ka nang dikit sa taong hindi naman naniniwala sa iyo? Nagsasayang ka lang ng oras sa kanila, kaya mas mabuti pang maghanap ka ng bagong mga kaibigang maaasahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-8-15-22-33-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Mag-ingat ka, dahil may babala na mapapahamak ka dahil sa isang akala mo’y tunay na kaibigan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-20-25-37-40.


CANCER (June 21-July 22) - Ipagpaliban mo ang pagpunta sa malayo kung hindi ka pa handa. Ang sugod nang sugod ay madalas na nauuwi sa panghihinayang. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-10-29-32-38-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang kuwento nang kuwento sa araw na ito, dahil may nag-aabang na madiskubre ang kapintasan mo at ibabahagi iyon sa mga taong magkakalat ng iyong kahinaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-17-21-24-27.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka makakakilos ngayon. Mas magandang makinig ka muna sa masasayang musika upang makondisyon mo ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-7-20-25-28-30.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwedeng manatili ka lang sa loob ng bahay. Mapapansin mong nananamlay ka kapag hindi ka nakakalabas. Kaya isaalang-alang mo ang pamamasyal sa bahay ng iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-25-29-34-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lilitaw na naman ang iyong kalungkutan. Kahit ang pinakamagagandang tanawin ay ‘di sapat para malabanan ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-15-22-31-36-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unahin mo ang pagkita ng pera at pagpapalago ng kabuhayan. Hindi dapat tularan ang mga nagsasaya pero pag-uwi sa kanila ay napakaraming problemang naghihintay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-21-30-38-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit ka nagpapagod para sa iba? Baka matulad ka sa mga nagsisisi dahil inuna nila ang kapakanan ng ibang tao. Mas mabuti kung kahit paano’y may pakinabang ka rin para sa sarili mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-20-24-26-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iplano mo muna ang mahabaang pamamasyal. Ang nakahanda ay mas sumasaya kesa sa mga may obligasyong nakagugulo lamang sa isipan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-19-25-28-30.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, hindi na pahahalagahan ng langit ang iyong mga kahinaan at pagkukulang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-21-23-33-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 7, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 7, 2025 (Linggo): Taglay mo ang malikhaing kaisipan. Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya na puwedeng magpayaman sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalawak ngayon ang iyong pang-unawa . Kaya naman magagandang plano ang namumuo sa iyong isipan, daan upang matalo mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-21-29-30-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakinggan mo ang mga payo ng malalapit sa buhay mo para hindi ka maligaw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-24-26-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi dapat maantala ang mga plano mo dahil lang sa mga taong hindi naniniwala sa iyo. Tandaan mo, hindi mo sila kailangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-25-29-33-44.


CANCER (June 21-July 22) - Nagbabala na ang mga negatibong pananaw at hindi ka nila titigilan. Mas mabuting magbalik-tanaw ka sa mga nakaraang mabibigat na pagsubok na iyong napagtagumpayan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-11-18-28-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag madami ang hinihingan ng payo, mas naguguluhan ang tao. Gawin mong simple ang lahat, at sundin mo lang ang taong pinagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-20-23-36-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lahat ay naghahangad ng magandang buhay. Kaya lang, mas madami ang hindi naman tinututukan ang mga bagay na magpapaganda sa kapalaran nila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-19-25-30-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Naiiba ang kilos ng tao kapag umaawit ng masayang musika. Ito ang solusyon sa kasalukuyang pananamlay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-22-29-32-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang pinakamalaki sa mga pangarap mo, iyon ang tutukan mo! Wala kang dapat ipag-alala. Kahit hindi mo agad makamit, tiyak na susulong nang malaki ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-17-28-38-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit nakaramdam ka ng pagod, huwag kang hihinto, lalo na’t malapit mo nang maabot ang tagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-26-30-33-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang itanim mo, iyon ay lalaki, lalago, at mamumunga ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-25-27-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi basta-basta sumusuko ang makulit hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. Tularan mo ang ganitong determinasyon upang hindi ka mabigo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-17-23-29-31-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasulong ang lakad ng mga paa, kaya dapat pasulong din ang buhay mo. Hindi maganda kung patuloy kang mabubuhay sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-28-33-35-43.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 6, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 6, 2025 (Sabado): Patuloy ang dating ng iyong mga suwerte. Walang magagawa ang mga lihim mong  kaaway kundi patuloy na mabuhay sa inggit at galit.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mo ang buhay mo at hanapin mo kung saan ka puwedeng magkaroon ng pagbabago. Kung may kailangan ayusin, ayusin mo at kung may puwede pang pagandahin, pagandahin mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-20-24-29-34-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw pa rin ang mas masuwerte kesa sa mga naghahangad na sila ay buwenasin. At dahil likas kang mabait, mas maganda kung ibabahagi mo ito sa mga walang-wala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-25-29-30-33.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Talasan mo ang pakiramdam mo para hindi makalagpas ang isang malaking pagkakataon na lalagay sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-20-27-35.

 

CANCER (June 21-July 22) - Unahin mo kung paano mo palalakihin ang iyong kita, habang kalimutan mo muna ang ibang bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-13-28-31-32.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan at pasayahin mo ang hindi mo kakilala. Magugulat ka, dahil bigla na lamang darating sa iyo ang mga suwerteng hindi mo akalain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-26-30-37-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakararamdam ka ng hindi maipaliwanag na lungkot. Balewalain mo dahil ang ganitong bagay ay mula lang naman sa mga araw na kasiyahan na makikitang may dala ring lungkot, ngunit pagkatapos ng lahat ng ito ay ligaya at tagumpay na ang kasunod. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-14-20-27-35-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sundin mo ang payo sa iyo ng iyong sarili. Ang mga taong nakikinig sa sariling payo ay nagkakaroon ng magandang kapalaran. Pero ang nakikinig sa iba ay kadalasang napapahamak lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-31-32-38.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong ipagpaliban ang iyong mga plano, bagkus labanan mo ito upang ‘di masayang ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-20-29-38-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang kailangan mo ngayon. Pero kung magtatrabaho ka pa rin, hinay-hinay lang. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-22-28-33-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hind para sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa hawak. At sabi pa ng iba, hindi mo dapat bilangin ang hindi mo pa hawak. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-19-25-32-38-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasobrahan ka sa saya kaya ngayon nalulungkot ka. Pansamantala lang naman ito dahil ang totoo sa buhay mo ay kakambal mo ang saya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-20-25-30-36.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka para sa paglalakbay mo para hindi na maulit pa ang nakaraang kabiguan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-17-21-31-37.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page