top of page
Search

ni Lolet Abania | July 8, 2020



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Bukod sa pandemya nating kinakaharap, may sakit na maaaring hindi namamalayan na nakukuha na pala. Ito ay ang prostate cancer, na isang uri ng karamdaman na ang tinatamaan ay mga kalalakihan. Subalit, posible naman na hindi na magkaroon ng ganitong sakit ang ating mga tatay, kuya, uncle at iba pa. Ang Kailangan lang ay palakasin at maging malusog ang kanilang prostate. Heto ang mga pagkain na makakatulong para pangalagaan ang prostate health.

  1. Kamatis. Mayroon itong matinding antioxidant na lycopene. Malaking tulong nito para maiwasan ang prostate cancer, gayundin, mababawasan ang paglaki ng tumor sa mga lalaking mayroon nang prostate cancer. Ang lycopene ay nakapagpapababa ng cell damage at napapabagal ang cancer cell production at ang taglay nitong antioxidant ay magpoprotekta sa cells mula sa pagkasira.

  2. Broccoli. Isa gulay na maraming complex compounds na makakatulong para protektahan ang katawan mula sa cancer. May pag-aaral na iniuugnay sa dami ng cruciferous vegetables na kinakain at ang broccoli ay kasama rito, na nagpapababa ng tsansang magkaroon ng prostate cancer. Ayon sa mga eksperto, mayroong phytochemicals na makikita sa gulay na ito, tulad ng sulforaphane, kung saan tinatarget at pinapatay ang cancer cells habang iniiwan nitong normal ang prostate cells na malusog.

  3. Green tea. Nagsagawa ng mga pag-aaral tungkol sa pag-inom ng green tea at maramin nagpapatunay na nagsasabing may special compound ito na nababawasan ang tsansa ng prostate cancer na hindi lumaki ang tumor, mamatay lahat ng cell, at problema sa hormone.

  4. Legumes at soybeans. Mga halimbawa ng legumes ay beans, peanuts at lentils. Mayroon itong active plant compounds na tinatawag na phytoestrogens. Ang isoflavones na meron ang soybean ay nagtataglay din ng phytoestrogen. Isang pag-aaral na nagpapatunay na ang pagkain ng mayroong phytoestrogen ay 20 porsiyentong mababa ang tsansa ng prostate cancer kumpara sa hindi kumakain nito. Ayon sa National Cancer Institute (NCI), iniuugnay nila na ang pagkain ng soy ay nakababawas sa lebel ng prostate-specific antigen (PSA).

  5. Isda. Mayroong polyunsaturated fats, kasama rito ang omega-3s at omega-6s, na kailangang fatty acids ng katawan. Ang pagkakaroon ng balanseng omega-3 at omega-6 fatty acids ay pagtataglay ng mabuting kalusugan. Ang pagkain ng maraming fatty fish ay makapagbibigay ng higit na benefits sa ating kalusugan.


Kaya para sa mga kalalakihan maging maingat palagi dahil kayo ang lakas at nagsisilbing sandigan namin sa anumang laban natin sa buhay.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Usung-uso ngayong quarantine ang pagluluto ng iba’t ibang pagkain katulad ng mga pastries at hindi nagpapauli ang sikat na sikat na ube cheese pandesal kaya ‘wag nang magpahuli, mga mamsh dahil masusubukan n’yo na rin ito sa inyong tahanan!

Ito ang mga kakailanganin sa paggawa ng ube cheese pandesal ayon sa Pagkaing Pinoy TV: 1 cup fresh milk warm, 2 tsp. dry yeast, 2 cups plain flour, 1 cup bread flour, 1/2 cup white sugar, 1/2 cup vegetable oil, 1 tsp salt, 1 tsp. vanilla essence, 1 tsp. purple yam flavor, 1/2 cup ube powder, 1 block cheddar cheese cut into cubes, at 1/2 cup bread crumbs.

Instructions sa paggawa ng ube cheese pandesal: sa maliit na bowl o cup, paghaluin ang warm milk at 1 tbsp. sugar. Haluin hanggang ma-dissolved. Ilagay ang dry yeast at maghintay ng 5-10 mins. hanggang maging foamy. I-mix thoroughly ang flour, bread flour, asin at white sugar sa isang large bowl at ihalo ang yeast mixture, cooking oil, vanilla essence at ube flavor. Maaari ring gumamit ng ube halaya. I-mix ang dough hanggang sa maaari na itong masahin. I-knead ito ng 8 mins..

Ilagay ang dough sa greased bowl at takpan ng tea towel sa loob ng 1 ½ oras. Maaari rin namang i-pre-heat ito sa oven sa loob ng 10 mins. in 100°C.

Maaari nang iporma at dough at hiwain sa 20-25 piraso. I-flat ito at lagyang ng cheese filling, i-seal at ikorteng bilog. I-arrange ang dough at takpan ng tea towel sa loob ng 30 mins o isang oras. I-pre-heat ang oven sa 180°C. Ilagay ang dough sa bread crumbs at i-bake sa loob ng 10-15 mins. hanggang sa maging lightly brown at maaari nang i-enjoy ang ube cheese pandesal!

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Heads up mga sushi lovers! Gusto n’yo bang subukan ang sushi bake sa inyong tahanan? Well, well, well, ito na mga mamsh!

Simpleng recipe lang ang kailangan. Para sa toppings: 3/4 cup Japanese mayo (substitute: regular mayonnaise with rice wine vinegar and sugar), 1/4 cup cream cheese, softened, Asian chili sauce (maaari ring gumamit ng sriracha, Japanese chili oil), 1/2 cup ebiko/tobiko, 1 lb salmon chopped.

Ito naman ang mga kakailanganin para sa sushi: 3 tbsp. rice wine vinegar, 3 cups cooked rice, Furikake (optional), Nori sheets.

I-combine ang Japanese mayo, softened cream cheese, chili sauce at chopped salmon o kani, atbp. para sa sushi topping. Paghaluin ang rice wine vinegar at cooked rice sa oven-safe tray. Lagyan ng furikake ang rice in an even layer. Maaari ring gumamit ng sesame seeds at shredded nori kung wala kayong furikake. Ilagay ang sushi topping sa rice in an even layer din at lagyang muli ng furikake. I-bake sa broiler o maaari ring gumamit ng oven, in 500 degrees sa loob ng 10 minuto hanggang maging bubbly. Siyempre, i-serve ito by sccoping into nori sheets at ayan, meron na kayong sushi bake!

Maaari ring tignan ang pepper.ph para sa iba pang recipe na nais ninyong subukan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page