top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sptember 12, 2024



Showbiz news

Wala man sa local showbiz, mukhang sa pagiging sikat na modelo mauuwi ang anak ni Patricia Javier na si Robert Douglas Walcher IV, na itinanghal na Mr. Teen International 2023 sa Thailand at kinilala bilang isa sa mga modelo ng U.S.-based Filipino-American designer na si Kenneth Barlis.


Hindi pa rito nagtatapos ang journey ni Robert dahil pupunta siya sa Paris, France sa susunod na buwan kasama ang kanyang pamilya — ang kanyang Mommy Patricia, Daddy Robert Douglas Walcher, at ang kanilang bunso na si Ryan — dahil rarampa siya sa Paris Fashion Week sa Oktubre 4, 2024.


Robert Walcher IV / IG

Sa interbyu kay Patricia, “He’s always working out, eating healthy food, and busy rehearsing his runway walk. He’s very excited kasi first time n’yang makakasali sa Paris Fashion Week at makakasama niya ang iba’t ibang mga modelo mula sa iba’t ibang panig ng mundo,” pagmamalaki ng aktres sa kanyang panganay.


Dagdag pa niya, “The event is two days only, but we are joining him—my husband Dr. Rob and our youngest son Ryan. Wala namang conflict sa school nila dahil semestral break kaya we can all go, parang family vacation na rin. 


“We are flying to France on October 1 and we will celebrate the 13th birthday of Ryan there. He’s turning 13 on October 2.”


Ayon kay Patricia, sinusulit lang ni Robert IV ang panahon nito bilang ramp model dahil ang pag-aaral pa rin ang pangunahing priority ng kanyang anak, ang makapagtapos ng college course at kumuha ng kurso gaya ng sa ama na isang chiropractor.


Robert Walcher IV

“Robert is serious with his studies. After high school, he will take a pre-med course. Four years ‘yun then another four years for his chiropractic degree in the USA. Pero sinabi ni Robert na gagawin n’ya ang lahat habang nandito s’ya sa Pilipinas, tatanggap pa rin siya ng mga TV guesting, modelling stints, at product endorsements. 


“Madalas din s’yang imbitahan na judge sa mga beauty pageants. Saka tinutulungan nila ako ni Ryan sa mga community charity work ko, like Balik-Eskuwela,” pahayag ni Patricia Javier.



Pagkatapos ng kanilang 12 taong relasyon, ikinasal na rin ang TV at movie personality na si Kaladkaren (Jervi Li) sa kanyang British fiancé na si Luke Wrightson. 


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook (FB) post noong Setyembre 9, 2024, inanunsiyo ni Kaladkaren ang kanilang kasal noong Setyembre 8 sa ceremonial county ng Scarborough, North Yorkshire sa England.


Lahad niya, “The Wrightsons. 8th of September 2024. Wedding in the clouds.”

Kaugnay ng kanyang post, pangarap daw sana nina Kaladkaren at Luke na isang “sunny day” ang kanilang kasal, pero biglang naging “cloudy” at halos wala nang makita dahil foggy ang paligid. 


Sa kabila nito, naging masaya pa rin si Kaladkaren na pakiramdam niya ay siya ang pinakamasuwerteng babae dahil pinakasalan niya ang “love of my life” niya.

Inanunsiyo ni Kaladkaren ang engagement nila ni Luke sa pamamagitan ng Instagram (IG) noong Setyembre 9, 2020.


Mensahe ni Kaladkaren sa caption, “The man of my dreams asked me to marry him in our own little balcony. It’s OFFICIAL! May… Nagkatuluyan! #Engaged #LoveWins #TransLOVEmatters.”


Nagkaroon naman ng second proposal si Luke kay Kaladkaren noong Hulyo 25, 2024. Sa IG noong araw na iyon, ibinahagi ni Kaladkaren ang mga kuhang litrato ng second proposal sa kanya ng nobyo na nangyari pa mismo sa kalagitnaan ng prenup shoot nila sa London.


Maramdamin ang kanyang mensahe sa caption, “Proposal 2.0!!! (crying in tears emojis) Heart is full, hand is heavy! [ring emoji] #TheWrightsons. Luke and I got engaged in the middle of the pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn’t even have the chance to have a proper photo shoot until now. 


“I thought it was just an ordinary prenup shoot! Sobrang gulat ko nang muli s’yang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!! Huhuhu. Worth the wait! You make me the happiest, my love!”

 
 

ni Nitz Miralles @Bida  | August 29, 2024



Showbiz News
Photo: Chiz Escudero

Mas nalungkot pa ang mga fans kesa kay Heart Evangelista sa in-announce ng aktres na hindi siya makakadalo sa New York Fashion Week (NYFW). 


Paliwanag nito kung bakit she is skipping the NYFW, “Those asking, I won’t be attending New York Fashion Week. Aside from work in Asia, Milan and Paris Fashion Week. It wouldn’t be smart for me to be all over the place. Maybe next season, but it still depends. Time is precious and health is important. (Bawal haggard).”


Naka-schedule ang NYFW sa September 6-8 at kasunod nito ang Milan Fashion Week sa September 17-23. Susunod naman ang Paris Fashion Week sa September 23-October 1. 

Mas priority ni Heart ang Milan at Paris Fashion Week, kaya rito na lang siya abangan ng kanyang mga fans at supporters.


And speaking of Heart, nagiging favorite photographer nito ang asawang si Senate President Chiz Escudero. Si Chiz uli ang kumuha ng photos ni Heart na suot ang nauusong mala-lambat na kasuotan. Naka-tag si Chiz, ibig sabihin, siya uli ang kumuha ng pictures ni Heart.


Sa hectic na schedule ni Heart, at isama pa ang pagiging president niya ng Senate Spouses Foundation, mapapaisip ka kung paano pa niya nabibigyan ng oras ang kanyang showbiz career. 


Pumirma siya ng kontrata sa GMA Network, pero mabuti na lang at next year pa ang series niya. Hindi siya maha-haggard sa kanyang schedule.



In fairness, ilang buwan na ring tumatakbo ang bardagulan ng mga supporters nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach. Everyday yata, may isyu ang dalawang kampo, at kapag nag-post ang isa kina Heart at Pia, may reaksiyon agad ang kani-kanyang supporters nila.


Sabi tuloy ng mga neutral fans, pinag-aaway ng kanilang fans sina Heart at Pia, na mabuti at hindi pa umaabot sa ganu’ng sitwasyon. Although, nagsalita na si Heart na wala siyang pinariringgan at wala siyang binanggit na pangalan, pero alam ng mga fans kung sino ang tinutukoy.


Sa isang post ni Pia na suot ang Bvlgari necklace, the same necklace na ipinasuot ni Heart sa fur baby niyang si Panda, siguradong magbabardagulan na naman ang mga fans ng dalawa. 


Actually, nagsisimula na nga ang parinigan ng dalawang kampo ng fans at nakakatawang basahin ang kanilang linyahan.


Sabi ng mga fans ni Pia, maganda ang ginawa nito na sa halip na mag-react sa pagpapasuot ni Heart sa fur baby niya ng Bvlgari necklace, nag-post na lang si Pia sa Instagram na suot niya ang the same necklace.


Ang reaksiyon naman ng mga fans ni Heart sa ginawa ni Pia, at least ‘yung Bvlgari raw ni Heart ay binili nito ng sarili niyang pera, ang Bvlgari necklace raw ni Pia ay ipinahiram lang dito ng jewelry store.


Waiting na kami, pati ang ibang netizens, kung ano ang susunod na isyu ng mga fans nina Pia at Heart na kanilang pinagkakaabalahan.



MAY advisory ang Sparkle GMA Artist sa postponement ng Sparkle World Tour na naka-schedule sa Tokyo, Japan mula August 31- September 3.


Pahayag nito, “We regret to inform you that we have made the difficult decision to postpone ‘BALIK SAYA, SUPER SAYA WITH SPARKLE’ event originally scheduled for August 31- September 1 due to the strong typhoon forecast, TYPHOON SHANSHAN (Typhoon No. 10), which is expected to make landfall in Japan this weekend.”


Kasama ang Abot Kamay na Pangarap (AKNP) cast na sina Jillian Ward at Ken Chan sa mga performers, at disappointed siguro ang dalawa, lalo’t parehong first time nila sa Tokyo. Looking forward ang dalawa na mag-perform sa harap ng mga Pinoy doon, mamasyal at mag-shopping na rin.


Ayon kay Jillian, “First time ko sa Tokyo and nagulat po ako na parte ako ng Sparkle tour na ‘to. Siyempre, magagaling ang mga kasama ko.”


Hindi naman masasayang ang paghahanda ni Jillian dahil matutuloy pa rin ang event, ipina-finalize lang ang new schedule. 


Hindi pala pahuhuli si Jillian kina Bianca Umali at lalo na kay Julie Anne San Jose pagdating sa kantahan dahil mahusay siyang kumanta. Hindi lang siya magaling na aktres, magaling pang singer at dancer din.


Teka lang, totoo bang sa South Korean actor na si Kim Ji Soo na ipapareha si Jillian sa AKNP at hindi na kay Ken Chan? Nalungkot tuloy ang mga Jillian-Ken fans sa balitang ito.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary| June 27, 2024



Showbiz News

Nag-meet sina Heart Evangelista, Avril Lavigne at Ellie Goulding sa Paris Fashion Week. Imagine, three icons in one frame!


Ibinahagi sa Instagram (IG) Story ng Global Fashion Icon ang short clip of Heart with the Canadian and English artists while watching a fashion show for the luxury brand Tamara Ralph.


Sa isang photo ay makikita naman si Heart na kausap si Ellie habang sila ay nasa front

row.


Sa fashion show, ang suot ni Heart ay isang gold rose metal at crystal top na may ternong long black pencil skirt designed by Tamara Ralph Couture.


Halatang nag-e-enjoy si Heart sa Paris Fashion Week despite being allegedly sabotaged by a group of people, to which she responded with, “Hayaan na.”


Sa first day ng fashion festivities, rumampa si Heart sa street ng Paris in a banig-inspired dress na gawa ng Filipino designer na si Ivara Seron. Pang-4th si Heart sa Top 20 global celebrities. 


Well, kinanta ni Avril ang kanyang hitmaker songs na Sk8er Boi, Complicated, at When You're Gone, samantalang si Ellie ay known for her songs na Burn and Love Me Like You Do.



MAGSASAMA sina Lea Salonga at Dolly de Leon sa upcoming play na Request sa Radyo.


Maghahalinhinan ang dalawang mahusay na aktres sa lead role ng Kroetz’s landmark theatrical piece na ang kuwento ay “Captures the poignant solitude of a woman through her meticulous evening routine.”


Ang Request sa Radyo ay mapapanood sa October 10 hanggang 20 sa Samsung Performing Arts Theater, Makati.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page