top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 1, 2025



Vina Morales via Bulgar Showbiz

Photo: Vice Ganda



Dahil sa pagkakabunyag ng maluhong lifestyle ng pamilyang Discaya, lumamig na ang issue ng mga DDS (Duterte fans) sa bad joke ni Vice Ganda kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 


Natuon ang pansin ng publiko sa mga maanomalyang flood control projects na bilyun-bilyon ang napunta sa mga contractors.


At dahil din sa pagpapa-interview ng mag-asawang Discaya kina Julius Babao at Korina Sanchez, nalantad ang sobra-sobrang yaman na galing sa kinita nila bilang contractor ng mga projects sa Department of Public Works and Highways (DPWH). 


Pansamantala ay nawala ang atensiyon ng publiko kay Vice Ganda, kaya naman join na rin siya sa pagkalampag sa mga contractors na kumita nang malaki sa mga flood control projects.


Pati ang mga “Nepo Babies” ay sentro na rin ng mga hot issues ngayon at bidang-bida sila sa social media. 


Well, hindi na kailangan ni Vice Ganda na manlibre sa McDo upang makakuha ng kakampi. Natabunan na ng Discaya issue ang galit ng mga DDS sa kanyang bad joke kay PRRD. Magiging normal na ulit ang buhay niya. 


Ganunpaman, “persona non grata” pa rin siya sa Davao City at markado pa rin siya sa mga DDS.



Pramis, natural daw ang ilong…

HEART, UMAMING LABI LANG ANG IPINARETOKE



HANGGANG ngayon, hindi pa rin tinitigilan ng mga bashers si Heart Evangelista at ayaw paniwalaan na wala siyang ipinaretoke sa kanyang mukha at katawan. 


Sosyal na sosyal at pang-international model ang aura ngayon ni Heart kumpara sa hitsura niya noong hindi pa siya rumarampa sa Paris at New York Fashion events.


Ang laki raw ng ipinagbago sa looks ngayon ni Heart kaya mabentang-mabenta siyang endorser ng iba’t ibang beauty products at designer outfits. 


Basta nakitang suot o gamit niya ang anumang brand ng luxury bags, shoes at damit sa kanyang pagrampa sa Paris at New York Fashion Week, tiyak na magiging mabenta ang mga ito.


Ilang beses nang sinagot ni Heart ang “retoke issue” sa kanya, pero marami pa rin ang ayaw maniwala. Tiyak daw na may ipinaretoke ito kaya gumanda siya nang husto. 


Kaya naman, dumating sa puntong inilabas na niya sa kanyang Instagram (IG) account ang picture ng kanyang ina kung saan makikita na carbon copy siya nito, likas na matangos ang ilong.


May nakakaalala rin na minsan, sa isa niyang vlog habang nagme-makeup, ay kaswal niyang nabanggit na ang tanging ipina-enhance niya ay ang kanyang labi upang ma-achieve ang mala-Angelina Jolie na pout lips. At bumagay naman ito sa kanya.



MAY chemistry kaya ang tambalang Kathryn Bernardo at James Reid? 

Ito ang tanong ng mga netizens ngayong magkakasama na sila sa isang serye under Dreamscape.


Malaking risk ito dahil bukod kay Daniel Padilla, si Alden Richards pa lang ang tinanggap ng mga fans na kapareha ni Kathryn. 


Kaya ang payo sa kanila ay huwag lagyan ng love angle ang Kathryn at James dahil hindi kapani-paniwala.


Si Nadine Lustre pa rin ang gusto ng marami para kay James. At para kay Kathryn, si Alden ang perfect kapareha niya on screen. 


Maraming fans ang kinikilig sa KathDen (Kath at Alden) kahit na nali-link ang aktres sa mayor ng Lucena na si Mark Alcala.


Magiging “hard sell” lang ang James Reid at Kathryn Bernardo love team. Pero puwede naman silang magtambal sa isang serye na hindi lalagyan ng romantic angle dahil alam naman ng lahat na may kani-kanya na silang partner off-camera.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 30, 2025



Vina Morales via Bulgar Showbiz

Photo: Vina Morales via Bulgar Showbiz



Makulay ang naging love life ni Vina Morales at marami siyang naging manliligaw noong bata-bata pa siya. Halos lahat ng young actors ay na-in love sa kanya, at may ilan ding non-showbiz guys. May nakarelasyon din siyang isang pulitiko.


Pero hindi sinuwerte si Vina Morales sa mga lalaking nakarelasyon. Pagkatapos ng isang traumatic experience sa isang lalaking naugnay sa kanya ay hindi na siya ulit umibig nang seryoso. Ibinuhos na lamang niya ang kanyang panahon sa anak niyang si Ceana na ngayon ay 16 years old na.


Pero sa edad niyang 49, taglay pa rin ni Vina ang ganda at karisma na gugustuhin ng sinumang lalaki. 


Pinayuhan din si Vina ng kanyang mga showbiz friends na muli siyang umibig upang may makasama sa panahon na matanda na siya. 


Dalaga na ang kanyang anak at posibleng iwanan din siya ‘pag nagkaroon na ito ng sariling pamilya.


Hindi naman tuluyang isinasara ni Vina ang kanyang puso, posibleng umibig siyang muli. Nangangarap din siyang maikasal at makapag-asawa tulad ng ibang mga kasabayang aktres.



Kahit siya ang Big Winner ng PBBCCE… 

MIKA, TANGGAP NA MAS SIKAT SA KANYA SI SHUVEE


HINDI na maawat ang mga fans nina Mika Salamanca at Shuvee Etrata. Si Mika raw ang itinanghal na Female Grand Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition pero si Shuvee ang sikat na sikat ngayon at maraming endorsements.


Nasapawan na raw si Mika nang husto ni Shuvee at mas pinagkakaguluhan kapag nasa mall shows. 


Marami ring TV guestings si Shuvee pagkatapos niyang lumabas sa PBB house.

Well, kahit na ano pang pagkukumpara ang gawin ng ilang fans ay hindi nagpapaapekto sina Mika at Shuvee. Masaya si Mika at hindi naiinggit sa tagumpay ni Shuvee. Mabait daw ito at mapagmahal sa kanyang pamilya kaya deserve ang mga blessings na dumarating sa kanya ngayon. 


Karapat-dapat na idolohin ng mga kabataan si Shuvee. 

Naniniwala si Mika na darating din ang panahon niya sa showbiz basta patuloy siyang magsisikap sa kanyang career.



MARAMI ang nagsasabing kung patuloy na mabibigyan ng magagandang projects si Joshua Garcia, mas lalawak pa ang mga oportunidad para sa kanya at magle-level-up pa nang husto ang kanyang pagiging aktor.


Puwede na siyang ihanay kay John Lloyd Cruz dahil dati na siyang tinatawag na junior version nito. 


Naghahakot na si Joshua ng acting award. Itinanghal siyang Best Drama Actor sa nakaraang 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV. 


Drama ang forte ni Joshua pero puwede rin siya sa rom-com. Hindi siya nakatali sa iisang love team lamang at puwede siyang ipareha kahit kaninong aktres.

Wish ng mga tagahanga ni Joshua ay huwag itong magbago kapag sumikat na nang husto at huwag din siyang mabarkada sa ibang aktor na magiging bad influence sa kanya. 


Mahal ni Joshua ang kanyang pamilya kaya patuloy siyang nagsisikap sa kanyang career. Maganda rin ang pakikitungo niya sa kanyang mga fans kaya patuloy siyang sinusuportahan.


Malalaking endorsements na rin ang dumarating ngayon kay Joshua Garcia dahil malakas ang karisma niya sa mga tao.



MASAYANG-MASAYA ang buong cast ng sitcom na Pepito Manaloto (PM) at Bubble Gang (BG) nang manalong Best Comedy Actress si Chariz Solomon sa nakaraang 37th PMPC Star Awards for TV. 


Truly deserving daw si Chariz dahil kinarir ang pagiging comedienne.

Fifteen years na siyang bahagi ng PM at nagmarka ang kanyang role bilang si Janice, ang asawa ni Patrick (John Feir) at sekretarya ni Pepito Manaloto (Michael V). 


Natural ang atake ni Chariz Solomon sa kanyang role, effortless ang kanyang pagiging comedienne. 


Magaan siyang katrabaho at swak kahit sino ang kaeksena niya sa mga skits ng BG. Gamay na gamay din niya ang kanyang role kaya nagtagal ang kanyang character sa sitcom.


Samantala, isa pang asset sa PM ay ang komedyanteng si Mosang. Tulad ni Chariz, natural na natural din siyang umarte at hindi pilit ang kanyang pagpapatawa. Matagal na rin na bahagi ng serye si Mosang at napamahal na siya sa pamilyang Manaloto.


Bukod sa pag-aartista, isa rin siyang negosyante. May carinderia siya na dinarayo ngayon. Fifteen years na ito at patuloy na kumikita. 


Thankful si Mosang sa GMA Network at sa bumubuo ng Pepito Manaloto sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng trabaho at itinuturing na niyang pamilya ang buong cast.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 29, 2025



Julius Babao - YT

Photo: Julius Babao - YT


Pinaninindigan ng veteran broadcast journalist na si Julius Babao na wala siyang tinanggap na cash incentive mula sa Discaya couple nang itampok niya ang mga ito sa kanyang YouTube (YT) channel na Unplugged


Hindi raw niya ito ginawa upang maging bahagi ng news program kundi para sa content ng kanyang vlog.


Ang ginawa ni Babao ay isang feature story na nagpapakita ng rags-to-riches story ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, para magsilbing inspirasyon sa iba pang nagsisikap din na umangat sa buhay. 


Ganito rin naman ang naging presentasyon ni Korina Sanchez nang i-feature niya sa kanyang show ang Discaya couple.


Sa mahigit tatlong dekada (30 years) ni Julius Babao bilang journalist, malinis ang kanyang record at hindi siya nasangkot sa anumang anomalya at kontrobersiya.


Kaya naman minabuti ni Julius na mag-leave muna sa kanyang news program sa TV5, ang Frontline Pilipinas (FP), hangga’t hindi nalilinis ang kanyang pangalan.


Isang malaking pagsubok ang kanyang pinagdaraanan ngayon sa kanyang propesyon, at nagpapasalamat siya sa ilang totoong kaibigan na dumamay at nagbigay ng moral support.



P10M gastos sa kasal, sayang daw…

“‘WAG MANGIALAM SA BUHAY NG MAY BUHAY” - SHAIRA



Grabe namang maka-react ang ilang netizens nang malaman na P10 million ang nagastos nina Shaira Diaz at Edgar Allan “EA” Guzman sa kanilang kasal. 

Komento ng ilang bashers, puwede naman daw gawing simple lang ang kasal at hindi na gagastusan ng malaking halaga. Puwede raw sanang itabi ang kalahati ng halagang iyon para sa future ng kanilang magiging anak. Dapat daw ay naging praktikal sila sa buhay.


Ganunpaman, mas marami naman ang nagtatanggol kina Shaira at EA. Deserved daw nila ang dream wedding na pinag-ipunan nila nang maraming taon. Kaligayahan na ng isang bride ang makitang maganda ang preparasyon sa kanyang kasal.


Sey nga ni Shaira Diaz sa isa sa mga nag-comment sa marangyang kasal nila ni EA, “‘Wag na kasing mangialam sa buhay ng may buhay.” 


Well, tama rin naman si Shaira at ayaw niyang magpaapekto sa sasabihin ng mga bashers.


Paalis ngayong first week of September sina Shaira at EA para sa kanilang honeymoon sa Switzerland. Ito ang dream destination nila na marami silang happy memories dito together.



SINASAMANTALA ni Shuvee Etrata ang pag-iipon habang maraming endorsements ang dumarating sa kanya ngayon. Hindi sa mga branded na gamit niya ginagastos ang talent fee (TF) mula sa kanyang mga endorsements. Kahit mumurahing sapatos lang ang kanyang isinusuot, hindi niya ito ikinahihiya.


Kailangan niyang makaipon ng malaking halaga dahil may dalawang properties siyang bibilhin para sa kanyang pamilya. 


Balak niyang ipagpatayo ng bahay ang kanyang mga magulang at mga kapatid sa Bantayan Island, Cebu. Pagagawan din niya ng bahay ang kanyang lola at ilang kamag-anak na nasa South Cotabato.


Sila muna ang gusto ni Shuvee na mabigyan ng maginhawang pamumuhay. 


Lahat ng kanyang pagsisikap ay para sa mga mahal niya sa buhay. Taos-puso ang kanyang pagiging breadwinner. Ang lahat ng kanyang hirap at pagsubok na pinagdaanan noon ay magsisilbing inspirasyon upang maabot niya ang mga pangarap. 

At sobrang blessed si Shuvee Etrata dahil mabuti siyang anak.



ISANG malaking sorpresa ang inihanda ni Zoren Legaspi at ng kambal na sina Mavy at Cassy noong 50th birthday ni Carmina Villarroel. 


Inilihim nila kay Mina ang mga preparasyon para sa kanyang birthday celebration, pinalabas lang nina Mavy at Cassy na may pictorial sila para sa isang endorsement kaya kailangan na mag-ayos at magbihis si Carmina.


Dati nang binabanggit ni Carmina kay Zoren na ang gusto niya sa kanyang 50th birthday ay magkaroon ng birthday concert at siya mismo ang kakanta. Ang hindi alam ng aktres, isang surprise birthday concert pala ang inihanda para sa kanya.


Dumalo ang kanyang mga matatalik na kaibigan, at maging ang girlfriend ni Mavy na si Ashley Ortega ay kumanta rin. Masayang-masaya si Carmina dahil natupad ang birthday wish niyang makapag-concert. Kinanta pa niya ang Journey na isa sa mga paborito ni Lea Salonga.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page