ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 11, 2026

Photo: Mayor Mark Alcala - FB
Hindi masaya ang mga mamamayan ng Lucena sa pagkaka-involve ni Kathryn Bernardo sa kanilang mayor na si Mark Alcala. Hindi na raw nagagampanan ni Mayor Mark ang kanyang tungkulin bilang halal na public servant.
Madalas ay ‘missing in action’ si Mayor Mark sa mahahalagang events sa Lucena dahil sa kasasama sa mga lakad abroad ni Kathryn. Mas binibigyan daw nito ng panahon ang kanyang love life.
At sa dami ng kanyang mga nakarelasyon ay naging chickboy ang kanyang image. Ilang celebrities na rin kasi ang naugnay kay Mayor Mark Alcala tulad nina Ashley Ortega, Mika Reyes, at Sanya Lopez.
May tsika pa na kaya raw dyinowa nito ngayon si Kathryn Bernardo ay dahil may balak itong si Mayor Alcala na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028.
Well, maipanalo kaya siya ni Kathryn Bernardo kung saka-sakali?
Parents at mga kaibigan, no show…
KC, MAG-ISANG NAG-CELEBRATE NG B-DAY
LAST April 7 ay nag-celebrate ng kanyang 41st birthday si KC Concepcion, pero tahimik ito at walang bonggang party.
May post nga si KC sa social media kung saan binanggit niya na wala siyang kasamang sinuman sa kanyang pamilya sa araw ng kanyang kaarawan.
Well, wala man lang bang nakaalala na bumati at samahan si KC Concepcion sa kanyang special day? Nasaan ang kanyang daddy na si Gabby Concepcion?
Nasaan ang kanyang Megastar mom na si Sharon Cuneta? Nasaan ang kanyang malalapit na kaibigan?
Anyway, dahil mature na si KC, hindi na ito madrama sa kanyang kaarawan. Nagpapasalamat na lang si KC sa Diyos na healthy siya at nae-enjoy ang kalayaan bilang single.
Gayunpaman, umaasa ang mga fans ni KC Concepcion na isang araw ay darating din ang kanyang “the one”, ang kanyang prince charming. Pero wala siyang dapat ipag-alala dahil maraming opportunities na dumarating ngayon sa kanyang buhay. At 41 years old, financially stable na si KC Concepcion at may mga negosyo nang naipundar.
DAHIL napakabata pa nila noon, madalas ay nag-aaway sina John Prats at Heart Evangelista nu’ng magkarelasyon pa sila.
Ani Heart, tinatawag pa siyang maarte ng aktor. Pareho pa silang immature noon kaya humantong sa paghihiwalay ang kanilang relasyon.
Pagkalipas ng mahabang panahon, muling nagkita sina Heart at John. Nai-guest ni Heart ang first BF sa kanyang show sa GMA-7, ang Heart’s World (HW).
Masaya ang pagkikitang iyon nina Heart at John. Kuwentuhan at kumustahan lang ang nangyari at walang sumbatan sa kanilang nakaraan.
Ngayon ay pareho na silang masaya sa piling ng kani-kanilang pamilya.
Kuwento nga ni Heart, siya ang naging tulay upang magkakilala sina John Prats at Isabel Oli na ilang taon nang mag-asawa.
Samantala, naibahagi rin ni Heart kung paano niya pinaghahandaan ang bawat pagrampa niya sa Paris Fashion Week at sa New York Fashion Week.
Bagama’t libre at may sponsors ang lahat ng isinusuot niyang wardrobe, may glam team naman siyang kanyang pinapasuweldo. Sila ang nag-aayos at nagme-make-up kay Heart sa tuwing rumarampa siya sa Paris at New York.
Tanging ang kanyang sariling sapatos ang binibili ni Heart dahil small ang kanyang shoe size.
NAGTATANONG ang mga viewers ng Pepito Manaloto (PM) kung bakit pasulput-sulpot na lang ang character ni Jessa Zaragoza sa sitcom. Si Jessa ang gumaganap bilang Deedee na anak ni Nova Villa sa kuwento. Kaibigan nila ang pamilyang Manaloto.
Si Ronnie Henares (as Tommy) ang love interest ni Deedee.
Busy kaya ngayon si Jessa kaya hindi niya maharap ang regular na taping sa PM? Maganda pa naman ang exposure niya at sayang naman kung iiwanan niya.
Consistent pa naman ang mataas na ratings ng Pepito Manaloto at 15 years na itong napapanood sa GMA-7.
Samantala, marami ang natutuwa kay Clarissa (Angel Satsumi) na nagdalaga na sa set ng Pepito Manaloto. Marami na siyang manliligaw na siyempre ay sinasala at binabantayan nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.).


