top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 6, 2025



Photo: Rufa Mae Quinto


Bagama’t wala pang official statement mula kay Rufa Mae Quinto sa sanhi ng kamatayan ng kanyang mister na si Trevor Magallanes, may mga lumulutang na balitang nakapag-iwan daw ito ng kanyang Last Will and Testament kung saan iniiwan niya ang kanyang mga naipundar sa kanilang unica hija na si Athena. 


Ganunpaman, pareho namang hindi pa nag-file ng divorce sina Rufa Mae at Trevor kahit na naghiwalay na sila, kaya ang aktres-komedyana pa rin ang lumalabas na legal wife ni Trevor. At may karapatan siya kung anuman ang yaman ng mister na naiwan nito.


Pero may tsikang hindi boto kay Rufa Mae ang mga partidos ni Trevor, kaya maaari siyang tutulan na mabigyan ng parte sa mga ari-arian ng  namayapang mister at posibleng ang anak lang nilang si Athena ang pamamanahan.



NAIYAK si Dina Bonnevie sa isang episode ng House of D (HOD) nang purihin at pasalamatan siya ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto, ganoon din ng kanyang manugang na si Kristine Hermosa. 


Bilang ina, istrikto at disciplinarian si Dina. Hindi lumaking spoiled at bratty sina Oyo at Danica dahil sa pagsubaybay niya. 


At noong maliliit pa ang mga anak ay isinasama niya kapag may shooting siya.

Kaya naman ngayon na may sarili nang pamilya sina Oyo at Danica, na-realize nila na para sa kanilang kapakanan ang lahat ng ginagawang paghihigpit ng kanilang Mommy Dina. 


Nagagamit nila ngayon sa kanilang mga anak ang tamang pagdidisiplina.

Sey nga ni Kristine, thankful siya kay Dina dahil nagkaroon siya ng mabait at responsableng asawa na tulad ni Oyo.


Kahit istrikto sa kanyang mga anak si Bonnevie ay naging mabuti namang parents sina Oyo at Danica.



MASUWERTE si Carmi Martin na sa loob ng mahigit apat na dekada niya sa showbiz ay patuloy na dumarating sa kanya ang magagandang TV at movie offers. Naranasan na niyang magbida noon sa ilang pelikula at nakatambal pa si Dolphy sa Dolphy’s Angels (DA).


Nagkaroon din siya ng mga TV shows tulad ng Tonight with Dick and Carmi (TWDAC) at Chicks to Chicks (CTC)


Sa loob ng 45 years ay walang tumayong manager si Carmi. Ngayon lang siya nagpa-manage kay Noel Ferrer, ang manager ni Ryan Agoncillo.


Nangarap din si Carmi na magkamit ng acting award. Kaya naman, sa payo ng mga kaibigan ay nag-undergo siya ng acting workshop kay Direk Ryan Carlos bago niya tinanggap ang role sa Ang Himala ni Sto. Niño (AHNSN) na serye sa TV5. Dito nga siya nanalong Best Actress mula sa Golden Dove Awards. Ito ang kauna-unahang acting award na natanggap ni Carmi, kaya memorable ito sa kanya.


Sa edad niyang 61, nanatiling single si Carmi Martin. Pero wala siyang regrets dahil personal choice niya ito. Masaya naman siya sa buhay niya ngayon.



MARAMI ang naantig ang loob nang mapanood ang interview sa veteran comedienne na si Nova Villa sa YouTube (YT) channel ni Julius Babao. Sa kabila ng pagiging masayahin ni Nova ay may mabigat siyang problemang dinadala.


Ten years nang bedridden ang mister niyang si Freddie Gallegos. Na-stroke ito noong 2017. Si Nova Villa ang nag-aalaga sa kanyang mister, kinakaya niya ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay.


Hindi open si Nova sa kanyang private life, kaya bihira ang nakakaalam sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. 


At nagpapasalamat siya sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng project, kaya may pantustos siya sa gamot ng kanyang mister.


Regular na napapanood si Nova sa sitcom na Pepito Manaloto (PM). Kasama rin siya sa action-drama seryeng Sanggang Dikit (SDFR)

Mahal na mahal ni Nova Villa ang mister niyang na-stroke, kaya patuloy niya itong inaalagaan.


Kuwento ni Nova kay Julius Babao, 15 years old lang siya nang pumasok sa showbiz. Si FPJ ang nakadiskubre sa kanya. Naging leading lady siya nito sa tatlong pelikula.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 6, 2025


6

Photo: Rufa Mae Quinto - IG


Bagama’t wala pang official statement mula kay Rufa Mae Quinto sa sanhi ng kamatayan ng kanyang mister na si Trevor Magallanes, may mga lumulutang na balitang nakapag-iwan daw ito ng kanyang Last Will and Testament kung saan iniiwan niya ang kanyang mga naipundar sa kanilang unica hija na si Athena. 


Ganunpaman, pareho namang hindi pa nag-file ng divorce sina Rufa Mae at Trevor kahit na naghiwalay na sila, kaya ang aktres-komedyana pa rin ang lumalabas na legal wife ni Trevor. At may karapatan siya kung anuman ang yaman ng mister na naiwan nito.


Pero may tsikang hindi boto kay Rufa Mae ang mga partidos ni Trevor, kaya maaari siyang tutulan na mabigyan ng parte sa mga ari-arian ng  namayapang mister at posibleng ang anak lang nilang si Athena ang pamamanahan.



NAIYAK si Dina Bonnevie sa isang episode ng House of D (HOD) nang purihin at pasalamatan siya ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto, ganoon din ng kanyang manugang na si Kristine Hermosa. 


Bilang ina, istrikto at disciplinarian si Dina. Hindi lumaking spoiled at bratty sina Oyo at Danica dahil sa pagsubaybay niya. 


At noong maliliit pa ang mga anak ay isinasama niya kapag may shooting siya. Kaya naman ngayon na may sarili nang pamilya sina Oyo at Danica, na-realize nila na para sa kanilang kapakanan ang lahat ng ginagawang paghihigpit ng kanilang Mommy Dina. 


Nagagamit nila ngayon sa kanilang mga anak ang tamang pagdidisiplina.

Sey nga ni Kristine, thankful siya kay Dina dahil nagkaroon siya ng mabait at responsableng asawa na tulad ni Oyo.


Kahit istrikto sa kanyang mga anak si Bonnevie ay naging mabuti namang parents sina Oyo at Danica.



MASUWERTE si Carmi Martin na sa loob ng mahigit apat na dekada niya sa showbiz ay patuloy na dumarating sa kanya ang magagandang TV at movie offers. Naranasan na niyang magbida noon sa ilang pelikula at nakatambal pa si Dolphy sa Dolphy’s Angels (DA).


Nagkaroon din siya ng mga TV shows tulad ng Tonight with Dick and Carmi (TWDAC) at Chicks to Chicks (CTC)


Sa loob ng 45 years ay walang tumayong manager si Carmi. Ngayon lang siya nagpa-manage kay Noel Ferrer, ang manager ni Ryan Agoncillo.

Nangarap din si Carmi na magkamit ng acting award. Kaya naman, sa payo ng mga kaibigan ay nag-undergo siya ng acting workshop kay Direk Ryan Carlos bago niya tinanggap ang role sa Ang Himala ni Sto. Niño (AHNSN) na serye sa TV5. Dito nga siya nanalong Best Actress mula sa Golden Dove Awards. Ito ang kauna-unahang acting award na natanggap ni Carmi, kaya memorable ito sa kanya.

Sa edad niyang 61, nanatiling single si Carmi Martin. Pero wala siyang regrets dahil personal choice niya ito. Masaya naman siya sa buhay niya ngayon.



MARAMI ang naantig ang loob nang mapanood ang interview sa veteran comedienne na si Nova Villa sa YouTube (YT) channel ni Julius Babao. Sa kabila ng pagiging masayahin ni Nova ay may mabigat siyang problemang dinadala.


Ten years nang bedridden ang mister niyang si Freddie Gallegos. Na-stroke ito noong 2017. Si Nova Villa ang nag-aalaga sa kanyang mister, kinakaya niya ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

Hindi open si Nova sa kanyang private life, kaya bihira ang nakakaalam sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. 


At nagpapasalamat siya sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng project, kaya may pantustos siya sa gamot ng kanyang mister.


Regular na napapanood si Nova sa sitcom na Pepito Manaloto (PM). Kasama rin siya sa action-drama seryeng Sanggang Dikit (SDFR)


Mahal na mahal ni Nova Villa ang mister niyang na-stroke, kaya patuloy niya itong inaalagaan.


Kuwento ni Nova kay Julius Babao, 15 years old lang siya nang pumasok sa showbiz. Si FPJ ang nakadiskubre sa kanya. Naging leading lady siya nito sa tatlong pelikula.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 5, 2025



Photo: Sanya Lopez - IG


Marami ang halos hindi nakakilala kay Sanya Lopez noong GMA Gala 2025. Halatang-halata kasi na nagparetoke siya ng ilong na hindi naman bumagay sa kanya. 

Pareho na raw sila ng hitsura ni Ynez Veneracion, kaya naba-bash si Sanya Lopez ngayon.


Pati ang mga fans ay nagtatanong kung bakit ipinagalaw pa ni Sanya ang kanyang ilong, gayung dati na siyang maganda. Wala nang dapat ipabago sa kanyang mukha dahil maganda ang hugis nito.


Tiyak na mahihirapang umarte si Sanya Lopez kapag ang kanyang role ay madrama o anak-mahirap lang. Hindi siya magiging komportable sa hitsura niya ngayon.


Ang tawag nga kay Sanya ng mga bashers ay ‘witch’ dahil sa sobrang tulis ng kanyang ilong. Dapat ay ibalik na lang ni Sanya Lopez sa dati ang kanyang ilong.


Ex-GF, may kapalit na raw…

RICO, NAGMUKHANG BATA AFTER NG BREAKUP NILA NI MARIS


MARAMI ang nagsasabing ibang-iba na raw ang aura ngayon ng singer-composer na si Rico Blanco. Bumata raw ito at masiglang-masigla nang makasama niya sa isang musical event ang grupong SB19.


Kaya marami ang nagsasabing baka nakahanap na si Rico ng bagong inspirasyon kapalit ni Maris Racal. Ang laki ng ipinagbago ng hitsura ni Rico ngayon, parang nagkaroon ng ‘breakup glow’ at punumpuno ng energy kapag nagpe-perform on stage. Mukhang naka-move on na siya sa breakup nila ni Maris. 


Labis itong ikinatuwa ng mga loyal fans ni Rico Blanco. Mas mapapadalas na raw nila itong mapanood sa mga shows at concerts at sisiglang muli ang singing career niya.



MARAMI ang nag-react nang si Kyline Alcantara ang napiling Female Best Dressed sa ginanap na GMA Gala 2025 sa Marriott Hotel. 


Marami raw GMA stars ang mas magaganda at agaw-pansin ang suot na gown. Mas deserving manalo ng Best Dressed si Charlie Smith na makulay ang suot na gown.


Pero depensa ng mga fans ni Kyline Alcantara, kakaiba at may class ang gown ng aktres na galing sa Annie’s Collection ng Joan of Arc Gown. Nasa kalahating milyon umano ang halaga nito.


Samantala, natalbugan ni Kyline Alcantara si Kylie Padilla sa suot niyang exotic gown. Si

Kylie ang Female Best Dressed noong GMA Gala 2023 at 2024. Ngayong 2025 ay naagaw na ni Kyline ang korona kay Kylie.

Si David Licauco naman ay dalawang taon nang nananalong Male Best Dressed sa GMA Gala — 2024 at 2025.



STILL on GMA Gala, in fairness, nag-effort naman ang lahat ng dumalo ritong Sparkle artists.


Hindi dumalo si Pokwang sa big event dahil mas pinili niyang magluto ng kanyang paninda dahil sa dami ng bulk orders. 


Si Beauty Gonzalez naman ay mas piniling gumala sa India kaysa rumampa sa blue carpet ng GMA Gala.


May mga nagtatanong din kung bakit hindi dumalo sa GMA Gala ang cast ng Pepito Manaloto (PM), lalo na sina Michael V. at Manilyn Reynes.


Kakaiba ang design ng gown na isinuot ni Heart Evangelista na inspired sa kanyang mga paintings. Kakaiba rin ang pasabog ni Ai Ai delas Alas nang dumalo sa GMA Gala. Balot na balot ang kanyang katawan at hindi agad makikilala.


Scene-stealer na naman si Carla Abellana na lutang ang ganda sa suot na yellow gown. Nagmukha siyang Disney Princess.


Couple of the Night naman sina Mika Salamanca at Brent Manalo.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page