top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 16, 2025



Photo: Kim Chiu - IG


Hula ng mga netizens ay pera ang ugat ng tampuhan ni Kim Chiu at ng kanyang Ate Lakam. 


Hangga’t maaari ay ayaw na sana ng aktres-host na malaman ng publiko ang nangyaring tampuhan nila, pero maraming tao sa kanilang paligid ang nakakaalam ng istorya kaya hindi maiwasan na kumalat sa social media. 


Ayon sa ilang malalapit kay Kim, pera ang dahilan ng gap nilang magkapatid. Nag-unfollow na sa isa’t isa sa Instagram sina Kim at Ate Lakam niya. Diumano, natuklasan ni Kim na nawawala ang malaking halaga na ibinigay niya sa mga negosyo na ipinamahala niya sa kanyang Ate Lakam. 


Milyon ang perang involved at may mga utang pa na dapat bayaran si Kim kaya masama ang loob niya sa kanyang Ate Lakam na itinuring pa naman niyang pangalawang ina. 


Noong una, ang akala ng marami ay si Paulo Avelino ang dahilan ng gap nina Kim at Lakam. Balita kasing hindi boto ang ate niya sa aktor. Pero ngayon, ang kumakalat ay pera ang dahilan ng lahat. 


Well, papaano kaya ireresolba ang alitang ito ng magkapatid? Hindi ba puwedeng gumitna ang kanilang ama para maayos na ang kanilang hindi pagkakaunawaan?



NALALAPIT na ang pagtatapos ng dance show ng GMA-7 na Stars On The Floor (SOTF) hosted by Alden Richards. Ilang episodes na lang at malalaman na kung sinu-sino ang maglalaban sa finale round.


Ngayon pa lang ay nakakaramdam na ng sepanx si Alden. Nag-enjoy siya sa pagho-host ng SOTF at kakaibang experience ang kanyang naranasan. 


Kaya naman, humihirit na ang aktor kay Annette Gozon-Valdes na sana ay magkaroon ng Season 2 ang dance show. Mami-miss niya ang mga judges na nakatrabaho niya. Medyo nabitin nga siya kaya nakiusap na kunin uli bilang host ng SOTF.



KAPANSIN-PANSIN ang malaking pagbabago sa katawan ngayon ng singer-actress na si Manilyn Reynes. Sineryoso niya ang pagbabawas ng timbang, pero hindi naging ganoon kadali para sa kanya ang magpapayat. 


Isang taon siyang nag-diet, nag-gym, at binantayan ang kanyang food intake, pero 30 lbs. lang ang nabawas sa kanyang timbang. 


Ganunpaman, masaya na si Manilyn at ipagpapatuloy ang kanyang routine upang bumalik ang pangarap niyang figure. 


Ipinagpapasalamat niya na nananatili siyang malakas at malusog, at ang sitcom na Pepito Manaloto (PM) ang naging malaking inspirasyon sa kanya para ingatan ang kanyang kalusugan. 


Malaking factor na masaya ang buong cast kapag nasa taping ng PM. For 15 years ay magkakasama ang regular cast, kaya pamilya na ang turing nila sa isa’t isa.



Aleng Maliit, kakaiba ang ganda!

RYZZA MAE, 42 ANG MANLILIGAW



ANG haba-haba ng hair ni Ryzza Mae Dizon dahil marami palang manliligaw kahit petite siya at tinutuksong “Aleng Maliit”.  Natuwa ang lahat ng mga hosts ng Eat… Bulaga! nang malaman nilang 42 ang suitors niya. 


Siyempre, may nagustuhan si Ryzza Mae na isa sa mga suitors na ka-height din niya upang hindi sila maging alangan sa isa’t isa. 


Well, marami namang katangian si Ryzza Mae na magugustuhan ng mga kalalakihan. Napaka-down-to-earth at marunong makisama sa kapwa. Isa rin siyang mabait at masunuring anak. 


Naitaguyod niya ang kanyang pamilya dahil sa kanyang pag-aartista. 

Hindi malilimutan ng publiko nang manalo si Ryzza Mae sa Little Miss Philippines dahil binigyan siya ng sarili niyang show. At ang maganda pa, kahit noon na nasa awkward age si Ryzza Mae ay nanatili pa rin siyang bahagi ng EB! at inalagaan nina Tito, Vic, at Joey.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 15, 2025



Photo:Vice Ganda - IG


Wala pang official statement mula sa kampo ni Vice Ganda kung totoong suspended siya at pinagpahinga muna sa programang It’s Showtime (IS)


Wala ring balita kung ilang araw ang ipinataw na suspension sa kanya (kung suspended nga siya) o sinadya na lang ba ni Vice Ganda na magpahinga muna at huwag sumipot sa IS, habang nasa kainitan pa ang issue ng kanyang panlalait sa dating Pangulong Rodrigo R. Duterte. 


Hanggang ngayon ay hindi pa rin maawat ang mga DDS (diehard Duterte supporters) sa kanilang pamba-bash kay Vice. 


At maging si Sen. Rodante Marcoleta ay pumalag din dahil pati siya ay ginawang katatawanan ni Vice Ganda sa kanyang concert sa Araneta Coliseum. 


Well, balitang milyones ang nawawala sa talent fee (TF) ni Vice sa hindi niya pagsipot sa IS


Pinagtutulungan naman ng mga hosts na itayo ang noontime show kahit wala ang main host na si Vice Ganda. 


Todo-effort sina Anne Curtis, Kim Chiu, Karylle, Amy Perez, Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Jhong Hilario at iba pa upang mabigyan ng magandang show ang mga viewers.



IKATUTUWA ng mga fans ni Donna Cruz ang kanyang muling pagbabalik-showbiz. Tatlong dekada rin na tumigil si Donna sa pag-arte dahil naging priority niya ang kanyang pamilya. She’s happily married to Yong Larrazabal at may 3 silang anak.


Well, through the years ay na-maintain ni Donna ang kanyang ganda at youthful look, kaya puwedeng-puwede pa rin niyang balikan ang kanyang acting career. Magiging bahagi siya ng GMA Sparkle Artist Family. 


Bukod sa pag-arte ay magaling ding singer si Donna, galing siya sa angkan ng mga Cruz na kilalang mga singers tulad nina Tirso Cruz III, Geneva Cruz, Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Rayver Cruz atbp..


Sa mga unang taon niya sa showbiz ay nakagawa si Donna ng ilang pelikula tulad ng Do Re Mi (DRM), Muling Umawit ang Puso (MUAP) at Villa Quintana (VQ). Nakapag-record din siya ng ilang awitin bago siya nag-lie-low sa kanyang showbiz career.


Sa edad niyang 48, marami pang puwedeng gawin si Donna upang muling bumalik ang kinang ng kanyang career. Hindi naman siya maninibago dahil nasa GMA Network pa rin ang kanyang mga pinsan na sina Sunshine Cruz, Sheryl Cruz at Rayver Cruz.



2 yrs. pa lang tumatakbo… RESORT NI GLAIZA SA BALER, AURORA, FOR SALE NA



MARAMI ang nagtatanong kung bakit ibinebenta na ni Glaiza de Castro ang naipundar niyang property sa Baler, Aurora. 


Taong 2023 lang niya binuksan ang negosyo niyang bed and breakfast resort, ang Casa Galura, na may swimming pool, work area at rooftop. Isa ito sa mga properties na kanyang nabili at naging investment mula sa kinita niya sa showbiz. Balitang P59 million ang selling price ng Casa Galura. 


May ilang nag-iisip na baka plano na ni Glaiza at ng kanyang mister na si David Rainey na sa abroad na manirahan, kaya ibinebenta na ang kanilang resort. Pero may kontrata pa naman ang aktres sa GMA Network at kasama siya sa action/fantasy seryeng

Sanggre: Encantadia Chronicles (SEC). Markado ang role rito ni Glaiza. 


Well, kahit anong role, bida o kontrabida man ay hindi inaayawan ni Glaiza kaya naman hindi siya nawawalan ng project sa GMA-7. Subok na ang kanyang pagiging de-kalibreng aktres at isa siya sa mga masasabing loyal Kapuso artists. 


Kailanman ay hindi niya naisip na lumipat ng ibang network.



Nasira ang friendship… KIM, UMAMING SI DINGDONG ANG DAHILAN NG AWAY NILA NI ANTOINETTE


SA guesting ni Kim delos Santos sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), natanong siya kung ano ang dahilan ng gap nila ni Antoinette Taus. 


Dating magkaibigan sina Antoinette at Kim at magkasabayan sila noon sa GMA Network. 


Inamin ni Kim kay Boy Abunda na si Dingdong Dantes ang dahilan kaya nasira ang friendship nila ni Antoinette. Crush ni Kim ang aktor at pinagselosan si Kim ni Antoinette. Sina Antoinette at Dingdong noon ang magka-love team. 


Lumipas ang pagka-crush ni Kim sa aktor at na-in love siya sa aktor/dancer na si Dino Guevarra na member noon ng Abztract Dancers. Nagpakasal sina Kim at

Dino noong 2002 pero nagkahiwalay sila noong 2004. 


Nang maghiwalay sila ni Dino ay nag-migrate sa USA si Kim at doon nagpatuloy sa pag-aaral, nakatapos siya ng Nursing course. Wala silang naging communication ni Dino simula nang maghiwalay. 


Well, nakatagpo si Kim ng bagong pag-ibig sa isang non-showbiz guy pero naghiwalay din.


Eight years nang single si Kim delos Santos at ngayon ay nagbabalak balikan ang kanyang showbiz career.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 14, 2025



Photo: Shuvee at Melai sa Kuan On One - YT / ABS CBN


Sobrang proud ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata nang ikumpara siya ni Direk Johnny Manahan kay Melai Cantiveros. Malaking privilege raw para sa kanya ang ihalintulad kay Melai na kanyang iniidolo. 

Well, nasubaybayan ni Shuvee ang pagsikat ni Melai mula nang maging Big Winner sa PBB. Pareho silang Bisaya at mahilig magpatawa kaya marami ang naaaliw kina Melai at Shuvee. 


Sey naman ni Melai, napakaganda ni Shuvee at matalino pa. Pero para kay Shuvee, si Melai ang patunay na ang mga babaeng Bisaya na napadpad sa Maynila ay hindi lang pagiging yaya ang kayang gawin. Puwede rin silang sumikat at kayang pumantay sa iba. 


Hindi sila papayag na api-apihin at tapak-tapakan ng sinuman tulad ni Shuvee Etrata na palaban sa buhay at hindi agad sumusuko sa hirap at mga pagsubok na kanyang pinagdaanan bago nakamit ang tagumpay.



EXCITED at masayang-masaya ang StarStruck 4 Ultimate Female Survivor na si Kris Bernal sa kanyang pagbabalik sa Kapuso Network. 


Pumirma ng kontrata si Kris sa Sparkle GMA Artist Center at muling gagawa ng serye. Hindi niya akalain na muli pa siyang makakabalik sa GMA Network. 


Taong 2019 nang siya ay mag-lie-low sa kanyang showbiz career at nagpakasal sa businessman na si Perry Choi. Biniyayaan sila ng isang anak na babae. 


May sarili ring negosyo si Kris — ang SHE Cosmetics. Nauna rito ay may coffee shop siya at burger house. 


Well, buhay-prinsesa si Kris sa piling ng kanyang rich hubby na si Perry.

Ipinagpatayo siya ng mansion at panay ang travel nila abroad. 


Marami ang naiinggit sa kanyang magandang suwerte pero nami-miss ni Kris ang pag-arte. At very supportive naman ang kanyang mister at pinayagan siyang balikan ang kanyang acting career. 


Sayang nga lang at wala na sa GMA Network si Aljur Abrenica na dati niyang ka-love team. Puwede sana silang muling magtambal. Nag-click noon ang kanilang tambalan.



MALAKING hamon sa kakayahan ni Direk Johnny Manahan a.k.a. Mr. M ang kanyang pagpasok sa Kapatid Network, ang TV5. Muling masusubok ang pagkakaroon ni Mr. M ng Midas’ touch. Marami siyang pinasikat na artista noong bahagi siya ng ABS-CBN (Kapamilya Network). 


Si Direk Johnny ang humubog sa malalaking artists noon ng ABS-CBN tulad nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Kim Chiu atbp.. 


May mata si Mr. M kung sinu-sinong baguhan ang may potensiyal na sumikat at may talent sa pag-arte. Kay Direk Johnny ipinagkatiwala ng ABS-CBN ang lahat ng kanilang malalaking artista at hindi nabigo si Mr. M na pasikatin ang mga ito. 


Magaling din siya sa strategy at mga gimmicks kung paano ilapit ang mga artista sa mga fans at kung paano i-promote ang mga pelikula ng Star Cinema. 


Nang magsara ang ABS-CBN, sa GMA Network naman napunta si Direk Johnny. Dito ay ginabayan niya ang mga baguhang artista at nabuo ang GMA Sparkle Artist Center. 


Nang matapos ang kanyang kontrata sa Kapuso Network, sa TV5 (Kapatid Network) napadpad si Mr. M. Ipinamahala sa kanya ang musical show na VIBE


May mga netizens ang nagpayo na dapat nang tumuklas ng kanilang sariling roster of talents ang TV5 na maaalagaan at pasisikatin ni Direk Johnny Manahan. 

Good idea ‘yan!



RIGHT decision para kay TJ Marquez ang kanyang pagpirma ng kontrata sa GMA Sparkle Artist Center. Matagal din naman siyang Kapuso artist, lumabas na siya sa ilang serye ng GMA-7. Naudlot lang ang pagsikat niya nang husto dahil mas pinili niya at naging prayoridad ang mga offer na shows abroad. Mas luminya si TJ sa kanyang pagiging singer/performer. 


Pero ngayon, na-realize ni TJ na puwede naman niyang pagsabayin ang kanyang acting at singing career. Pinayuhan din siya ng mga kaibigang Kapuso actors na balikan ang kanyang pag-arte at mag-concentrate rito. Maging ang mga fans ni TJ Marquez ay natutuwa sa desisyon niyang magbalik sa GMA Network. Kayang-kaya naman niya na makipagsabayan sa mga sikat na mga Kapuso stars.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page