top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 6, 2026



Ai Ai Delas Alas - IG

Photo: Ai Ai Delas Alas - IG



Marami ang nagulat at hindi makapaniwala sa lumabas na post ni Ai Ai delas Alas sa social media na isang non-showbiz guy ang nag-propose sa kanya na kanya namang tinanggap.


Wala namang binabanggit si Ai Ai na may bago siyang karelasyon ngayon. At sa kanyang mga interviews dati ay madalas niyang sabihin na hindi pa siya totally nakaka-move on sa hiwalayan nila ni Gerald Sibayan.


Ngayon pa lang ay marami na ang nagko-comment na hindi na natuto si Ai Ai sa ilang beses niyang pagkabigo sa pag-ibig. Tiyak na masasaktan na naman daw siya sa bago niyang dyowa. Dapat daw ay ine-enjoy na lang ng Comedy Queen ang pagiging single ngayon.


Pero sa kanyang Facebook Live kahapon, inamin ni Ai Ai na “it’s a prank” lang ang naturang proposal at ni hindi nga raw niya kilala ‘yung lalaki na nag-propose sa kanya sa resto. 


Sa ibang girl pala nag-propose ang guy na “Alvin” ang pangalan at napagkatuwaan lang ni Ai Ai na kunwari ay magpo-propose rin ito sa kanya.


Kaya sana raw, tama na ang pamba-bash sa kanya na wala siyang kadala-dala dahil hindi na raw siya tanga ngayon sa pag-ibig.


Sa isang pakikipagtsikahan ni Ai Ai kay Karen Davila ay napag-usapan nila ang ilang Hollywood celebrities na ilang beses na ring nagpakasal tulad ni Elizabeth Taylor na 8 times na nagpakasal sa iba’t ibang lalaking nakarelasyon. At si Jennifer Lopez ay tatlong beses na ring nagpakasal.


Si Ai Ai ay tatlong beses na ring nagpakasal. Una, kay Miguel Vera na isang singer. Pangalawa ay kay Jed Salang na tumagal lang ng isang buwan ang pagsasama. At ang huli ay kay Gerald Sibayan na tumagal ng 8 years.

So, si J.Lo pala ang peg niya?


Well, wala namang masama kung muling umibig at magmahal dahil karapatan niyang lumigaya. Mas maging maingat at wais na lang siya ngayon. 



MARAMI ang nagtatanong kung babalikan ba ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang pag-arte. 


Hinahanap na rin siya ng kanyang mga fans dahil kahit daw sana sa telebisyon ay muli siyang mapanood.


May ilang grupo naman ang kumukumbinse kay Gov. Fernando na mag-produce ng pelikula. Pero dahil hindi na ganoon kasigla ang movie industry ngayon ay medyo nagdadalawang-isip siya. 


Sakaling may offer sa kanya na serye, gusto niya ng project na action-drama, hangga’t maaari ay ayaw niya ng kontrabida role.


Ilang acting awards na rin ang napanalunan ni Daniel Fernando. Nanalo rin siyang Best Supporting Actor sa Star Awards for TV noong 2017. Nami-miss din niyang umarte at muling makasama ang mga artistang nakatrabaho niya sa pelikula.


Kung tutuusin, pasado pa rin si Gov. Daniel Fernando na magbida dahil alagang-alaga niya ang kanyang katawan.


Samantala, last term na niya ngayon sa kanyang puwesto bilang gobernador ng Bulacan. So far, maganda naman ang ratings na ibinigay sa kanyang performance bilang pulitiko. Natugunan niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga kababayan. Kaya marami na ang nag-aabang kung ano ang susunod niyang agenda bilang public servant. Tatakbo ba siyang congressman o mayor ng Bulacan?


May posibilidad naman na mag-tandem sila ni Vice-Governor Alex Castro, ang mister ni Sexbomb Sunshine Garcia. Maaari silang magpalitan ng puwesto.



MAY offer kay Harlene Bautista na muling balikan ang pag-arte sa teatro. Matagal-tagal na rin na hindi siya nakakaarte sa theater at kakaibang experience at fulfillment ito para sa kanya.


Excited naman ang mga anak niya nang malaman na may offer ito para sa isang play sa teatro. Lahat ay boto na tanggapin ni Harlene ang offer.


Ganunpaman, para sa kanya ay masaya na siya sa kanyang buhay ngayon. Kampante na siya sa mga bagay na kanyang pinagkakaabalahan. Iba na ang kanyang mga priorities. Wala sa kanyang plano ang balikan ang teatro.


Flattered si Harlene na kinokonsidera siya sa isang stage play. At dumating siya sa punto na kailangan niyang mamili. Pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang pamilya, may negosyo rin siyang inaasikaso.


Simple at tahimik na buhay ang gusto ni Harlene Bautista. At for sure, naiintindihan ito ng kanyang mga kasamahan sa teatro.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 5, 2026



TEKA NGA - BINI, TAOB SA SEXBOMB_IG _bini_ph & _sexbombgirls_official_(Erlinda Rapadas)

Photo: IG _bini_ph & _sexbombgirls_official_(Erlinda Rapadas)



Bukod sa kanilang matagumpay na pagbabalik sa concert scene, may pinauso rin na bagong style sa pananamit ang Sexbomb Girls (SBG), na ginagaya ngayon ng mga teen-agers. 


Sa pag-iikot namin sa Baguio City, marami kaming nakitang kabataan na mala-Sexbomb ang style ng pananamit. Halatang marami ang umiidolo ngayon sa kanila.


May ilan ang nagsasabing kapag pinagsabay ang concert ng BINI at Sexbomb Girls, mas dudumugin ang huli. 


Naghihintay na rin ang ilang mga show promoters abroad dahil marami ang nagre-request na dalhin ang SBG sa USA, Canada, Hong Kong, Australia, Middle East, atbp.. Gusto nilang maramdaman ang saya at sigla kapag nagpe-perform ang Sexbomb Girls on stage.



Natipuhan ng cong... ANNE, TAOB SINA IVANA AT SANYA SA LAKAS NG SEX APPEAL



ANG lakas pala ng sex appeal ni Anne Curtis sa mga kalalakihan. Isa sa mga nabighani sa kanya ay si Cong. Bong Suntay. 


Hindi kagandahan ang kanyang naging komento kay Anne. At kahit wala naman siyang masamang intensiyon sa pagpapahayag ng kanyang paghanga, para sa nakararaming kababaihan ay isa itong pambabastos at hindi nararapat na isang public official tulad niya ang magkomento.


Ito ay senyales ng kawalang-respeto sa kababaihan. Maging si Quezon City (QC) Mayor Joy Belmonte ay hindi nagustuhan ang naging komento ni Suntay kaya pinayuhan niya ang kongresista na humingi ng apology. 


Samantala, wala pa namang reaksiyon sa nasabing isyu si Anne dahil nasa Oman pa ito ngayon kasama ang kanyang mister na si Erwan Heussaff at ang kanilang anak na si Dahlia.


Well, kinabog talaga ni Anne Curtis ang ibang sexy stars tulad nina Ivana Alawi, Sanya Lopez, atbp. sa lakas ng kanyang sex appeal.





UMIRAL ang pagiging mala-tigre ni Karla Estrada sa mga comments ng ilang bashers na sana ay magpakamatay din ang anak niyang si Lella Ford tulad ng yumaong anak ni Kuya Kim Atienza na si Emman Atienza. 


Ang bunso ni Karla ang itinanghal na Kapamilya Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2) Big Winner. Full support ang pamilya ni Lella, especially ang kanyang mom at brother na si Daniel Padilla.


Baka nga mas malaki pa ang ginastos ng pamilya nila sa pagsuporta ng boto kay Lella kesa sa cash prize na napanalunan nito sa PBBCCE2.


Well, matindi ang galit ng mga bashers sa pagkapanalo ni Lella Ford, kaya wala sa katinuan ang kanilang mga komento. 


Kahit tawagin na si Karla na ‘stage mom’ dahil siya ang humaharap kapag nasasangkot sa isyu o bashing ang mga anak mula noon pa man, wala siyang pakialam at nagbanta pa ngayong reresbak.


Hindi raw mangyayari na makaranas ng mental depression si Lella Ford dahil suportado siya ng kanyang pamilya. May aktibo siyang relasyon sa kanyang mom at mga kapatid. At tulad ni Karla Estrada, palaban si Lella Ford at may strong personality.





MARAMI ang sumasaludo kay Marian Rivera sa agaran niyang pagbibigay ng tulong sa veteran actress na si Odette Khan. Nang malaman ni Marian na may sakit ang batikang aktres at nangangailangan ng financial assistance, agad niya itong pinadalhan.


Hindi malilimutan ni Marian si Odette Khan na nakatrabaho niya noon sa isang serye ng GMA-7. Kay Odette naranasan ng aktres ang matinding sampal sa isang eksena, at nagdugo pa ang kanyang labi sa lakas. 


Pero hindi nagtanim ng galit si Marian kay Odette. Alam niyang bahagi iyon ng trabaho bilang artista.


Sa kabila ng sinasabi ng iba na mataray at suplada si Marian, mas marami ang nagpapatunay na mabait siya at may matulunging puso. 


Hindi lang niya ipinag-iingay ang tulong na ibinibigay niya sa mga nangangailangan. 

Samantala, may mga nag-suggest na sana ay mag-fundraising ang major cast ng Bar Boys 2: After School (BB2AS) para kay Justice Fernandez (Odette Khan). Puwede ring tumulong ang ibang artistang nakatrabaho niya sa showbiz.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 4, 2026



TEKA NGA - ALESSANDRA, PANGARAP MAGING DYESEBEL, NEVER NAMAN INALOK_IG _msderossi

Photo: IG _msderossi



Isa pala sa pangarap ni Alessandra de Rossi ang makagawa ng role bilang sirena na mala-Dyesebel ni Marian Rivera. 


Ngunit wala namang producer na nag-offer sa kanya ng ganoong role at nainip na siya sa paghihintay hanggang sa umabot siya sa edad na hindi na babagay sa kanya ang maging sirena. 


Kaya tinanggap na ni Alessandra ang katotohanan na hindi para sa kanya ang role na maging Dyesebel. Gusto pa naman niyang magamit ang kanyang galing sa paglangoy. 


Nang maging artista ay idinadasal niyang mabigyan siya ng role na sirena sa pelikula, ngunit sa mga heavy drama role siya kinilala. 


Well, nagkamit siya ng ilang acting awards at recognition. Hindi man natupad ang pangarap niyang maging sirena sa pelikula, kinilala naman siya bilang seryosong aktres at kaya na niyang mamili ng proyektong gusto niya.



Hindi na dapat pansinin pa ni Mavy Legaspi ang mga negative comments sa kanya ng mga bashers sa kanyang style ng pagho-host sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE2.0)


Naiintindihan naman ng marami na baguhan pa lang siya sa larangan ng pagho-host, kaya hindi siya dapat ikumpara kina Luis Manzano, Robi Domingo, Billy Crawford, atbp.. 

Nagsisimula pa lang si Mavy na pumalaot sa showbiz at willing naman siyang pag-aralan ang mga bagay-bagay upang mahasa nang husto. 


Ito ang magsisilbing malaking challenge para sa kanya, dapat niyang patunayan na may karapatan siyang maging bahagi ng showbiz. For sure, marami naman ang tutulong sa kanya. 


In time, makakasanayan na rin ni Mavy Legaspi ang pagho-host. Kailangan lang niya ang lakas ng loob at determinasyon. Gagabayan din siya ng kanyang mga magulang. 

Maaari rin siyang humingi ng advice kina Luis Manzano, Robi Domingo at Billy Crawford.





Malaki na raw ang bayarin…

ODETTE KHAN, NAOSPITAL DAHIL SA PNEUMONIA, TODO-HINGI NG TULONG



PATULOY ang panawagan ng anak ng veteran actress na si Odette Khan para sa medical assistance dahil nasa ospital pa rin ang batikang aktres dahil sa sakit na pneumonia. 


Malaki na ang hospital bill at kailangan na ng financial assistance mula sa mga taong may mabubuting puso. 


Huling napanood si Odette Khan sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 movie na Bar Boys 2: After School (BB2AS)


For sure, tutulong ang buong cast ng BB2AS tulad nina Rocco Nacino, Carlo Aquino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, atbp.. Sana ay maiparating din kina Sen. Robin Padilla at Bong Go ang kalagayan ngayon ni Odette Khan. 


Well, sana ay tumulong din sina Sharon Cuneta, Coco Martin, Vice Ganda, atbp..

 
 
RECOMMENDED
bottom of page