top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 14, 2026



WINNER - HEART BASTA MAY PERA, OKAY NA ‘KO!-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Trending online ang pinakawalang statement ni Heart Evangelista ukol sa ‘pera’ at ‘kaibigan’.


May question kasi sa kanyang programang The People Have Spoken sa GMA-7 kung ano ang mas nakakalungkot — walang kaibigan o walang pera, kaya bumanat si Heart ng sarili niyang opinyon sa tanong.


“Wala naman akong kaibigan. Basta may pera, okay na ‘ko,” prangkang sabi niya.

Umani ng batikos si Heart dahil sa kanyang pahayag sa socmed (social media).

“Taliwas talaga ang pangalan n’ya sa ugali n’ya, ah.”


“Ang tanong, saan galing ang marami mong pera? Hahaha!”

“So, ‘yung mga nakakasalamuha mo, pinaplastik mo lang? Ganern?”

“Wow! Ang ganda ng values mo, Heart. #MukhangPera.”


Grabe sila kay Heart.





NAGPATAWAG ng meeting si Dingdong Dantes para sa mga kasamahan niya sa Aktor PH noong Linggo, at dumating naman ang mga artistang kasama niya sa board.


Ipinost ng aktor sa Instagram (IG) ang larawan ng mga papel kung saan nakasulat ang agenda ng pagmi-meeting-an nila para sa ikalawang board meeting ngayong taon.


At ang pangalawang larawan sa kanyang IG post ay ang mga um-attend na officers tulad nina Piolo Pascual, Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith at Mylene Dizon.


Caption ni Dingdong, “Ano? Meeting on a Sunday? Sige, laban. Busy kasi ang lahat sa kani-kanilang trabaho, kaya ito lang talaga ang araw na nagawa naming magkita-kita ulit bilang Board of Directors ng AKTOR. (Minus Cherry Pie, whom we missed. She wasn’t able to join us as she’s currently abroad to be with her family.)


“There is still so much to do, so much to build, and so much to accomplish... and yet, time always seems too short. But yesterday was a reminder that when people are united by purpose, every meeting becomes an opportunity to move things forward.


“With only 10 months left in our term, our focus is simple: to leave AKTOR in an even stronger position for those who will carry it forward... and for our beloved community of proud, professional performers.”


Pinuri si Dingdong ng mga kasamahan niyang artista sa kanyang dedikasyon sa Aktor PH.


“Salute @dongdantes. Despite your busy days, you still have time to do things that benefit everyone. That, for me, is very noble. God bless you consistently,” comment ni John Arcilla.


Papuri ni Iza kay Dingdong, “Kung ano ang inumpisahan, tatapusin ng buong puso! What an honor to work with you, Chair, and our team of dedicated actors and partners that care about our community!”


“Behind you, Chief,” reaksiyon ni Agot Isidro.


Wow!

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 14, 2026



TEKA NGA - KYLINE, SOBRANG HURT KAY KOBE, AYAW MUNANG MAG-BF ULI-IG _itskylinealcantara & __kokoparas

Photo: IG _itskylinealcantara & __kokoparas



Umamin si Kyline Alcantara sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWB) na wala muna sa isip niya ang muling umibig matapos ang masakit na paghihiwalay nila ni Kobe Paras, kaya mas pinipili niyang mag-focus sa kanyang sarili at career.


Ininda nito nang husto ang kanilang paghihiwalay dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on ang aktres. 


Hindi raw siya magmamadaling umibig muli dahil sa leksiyong kanyang natutunan sa pag-ibig. Ine-enjoy muna nito ang pagiging single at malaya niyang nagagawa ang lahat ng gusto niya. 


Well, may special guest role si Kyline sa Taskforce Firewall (TF), kung saan muli silang magkikita ni Galo (Miguel Tanfelix), na minsan ay naging bahagi ng kanyang nakaraan.





TOP secret ang inihandang birthday party ng kanyang pamilya para sa ika-80 kaarawan ng producer/director na si Ben Yalung, a.k.a. M7 ng Cine Suerte, Inc..

Awards night ang theme ng nasabing surprise birthday party na may red carpet pa sa lobby ng events place sa 5th floor ng Power Plant Rockwell. 


Ilang buwan na preparasyon iyon ng mga anak ni Ben para sa kanyang espesyal na araw.


Dumating sa party ang ilang artistang nakagawa ng pelikula sa Cine Suerte Films tulad nina Snooky Serna, Rey PJ Abellana, Lloyd Samartino, Lindsay Custodio, Rez Cortez, Leo Martinez at Epy Quizon. Naroon din si Giselle Sanchez na naging kaibigan ni Ben sa Oasis of Love.


Mahigit 10 taon na naming hindi nakikita at nakakausap si M7 mula nang tumigil siya pansamantala sa pagpo-produce ng pelikula. Ilan sa mga nagawa at naidirek ni Ben Yalung ay ang Partida na pinagbidahan ni Fernando Poe, Jr.. Si Bong Revilla, Jr. ay dalawa ang nagawa sa Cine Suerte, ang Target: Sparrow Unit (Sparrow Unit: The Termination Squad) at Moises Platon (MP)


Si Sen. Lito Lapid ay nagbida naman sa Jones Bridge Massacre (JBM), samantalang si Phillip Salvador ay nagbida sa Cain at Abel (CAA) at Kumander Dante (KD)


Si Christopher de Leon ay lumabas sa Ama Namin (AM) at Divine Mercy sa Buhay ni Sister Faustina (DMSBNSF). Maging si Ace Vergel ay nakagawa rin ng pelikula na idinirek ni Ben Yalung, ang Basag ang Pula (BAP).


Tumatak naman sa publiko ang pelikulang Zuma na pinagbidahan nina Max Laurel, Snooky Serna, at Rey PJ Abellana. 


Kuwento ni Ben Yalung, one year in the making noon ang Zuma at Zuma II dahil wala pang modern animation noong mga panahong iyon.


Ngayon, muling magbabalik sa pagpo-produce ang Cine Suerte ni Ben. Nakatakda nilang gawin ang Teresing at ang biopic ni Archbishop Teofilo Camomot ng Cebu, na kasalukuyang nasa landas tungo sa pagiging santo. 


Well, mahal siya ng kanyang mga artista dahil napakabait at generous ni Ben Yalung. Patuloy siyang magpo-produce ng mga pelikulang stories of faith ang tema.





PASOK na sa afternoon soap na Born to Shine (BTS) si Golden Cañedo dahil swak sa kanya ang role. Dito niya magagamit ang kanyang talento sa pagkanta. 


Ilang taon siyang huminto sa showbiz matapos magwagi sa talent search show ng GMA-7 na The Clash (TC). Mas binigyan niya ng prayoridad ang kanyang pag-aaral at ngayon ay isa na siyang ganap na nurse.


Hindi pinanghinayangan ni Golden ang mga oportunidad na kanyang pinalampas. Nanaig ang kagustuhan niyang makatapos sa pag-aaral. 


At nang maka-graduate siya sa kolehiyo ay saka niya binalikan ang kanyang singing career.


Thankful si Golden na tinanggap pa rin siya ng GMA-7 at binigyan ng mga proyekto. Madalas siyang mag-perform sa programang All-Out Sundays (AOS) at ngayon ay isinama sa seryeng BTS


Handang-handa na si Golden sa kanyang journey na makabalik at makilalang muli sa larangan ng pagkanta. Inihahalintulad siya ng marami kay Sarah Geronimo.





MARAMI ang naaaliw sa mga eksena nina Max Collins at Shuvee Etrata sa seryeng The Master Cutter (TMC). Bongga ang akting ni Shuvee na ang motibo ay pagselosin si Max at umarteng siya ang girlfriend ni Atoy (Dingdong Dantes). 


Lumalabas ang natural na pagiging kikay ni Shuvee. Swak din ang mga eksena nila ni Jo Berry.


Well, marami ang bumibilib sa husay umarte ng child actress na si Siena Stevens, ang gumaganap na Ibyang, na lumaki sa bahay-ampunan. Astig at madiskarte ito.


Nakatagpo siya ng pamilyang nagmahal at kumupkop sa kanya sa piling ni Atoy.

Relate na relate si Dingdong sa mga eksena nila ni Siena dahil halos kasing-edad ito ng anak niyang si Zia. Nakikita niya kay Ibyang ang isang batang nangangailangan ng kalinga at pagmamahal. 


Kaya, maraming viewers ang nagaganyak na panoorin ang action-drama dahil pampamilya ang tema nito.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 14, 2026



DONITA NOSE

Photo: File



Usapang pag-ibig ang naging sentro ng talakayan sa podcast na Your Honor (YH) nina Chariz Solomon at Buboy Villar nang mag-guest ang komedyanteng si Donita Nose.

Sa panayam, ibinahagi ni Donita ang ilang detalye tungkol sa kanyang long-term relationship.


Dahil dito, natanong siya ni Chariz, “Paano ka nakakakuha ng long-term relationship? Napaka-rare nu’n sa panahon na alam mong this is for real.”

Hirit ni Buboy, “Wow! Eight years!”


Ipinaliwanag ni Donita na isa sa mga dahilan kung bakit maraming relasyon noon ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang hindi nagtatagal ay dahil sa panghuhusga.

“Alam mo kung bakit ‘di nagtatagal ang mga relasyon noon ng mga bakla? Kasi nga, nadya-judge. Isa ‘yun sa mga nagiging problema ng mga lalaki. Ngayon kasi, naging mas open na tayo. Ang relasyon ng bading at ng lalaki ay ‘di na hinuhusgahan katulad ng dati. Mas natatanggap na tayo ngayon, kahit papaano,” aniya.


Iginiit din ni Donita na may mga lalaking tunay na nagmamahal sa kapwa lalaki.

Sey pa niya, “At saka, ‘di mo maitatanggi na meron talagang totoong lalaki na nagmamahal ng bading — tunay na pagmamahal. Totoo ‘yun.


“Kaya maraming salamat sa lahat ng mga taong umuunawa ngayon sa ganitong klaseng relasyon. At the same time, sa mga lalaking ‘di natatakot na lumabas at ipaglaban ang kanilang totoong pagmamahal sa mga tulad namin.”


Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Chariz Solomon tungkol sa pag-ibig.

Aniya, “Love is love, guys. Love is love. Walang different forms of love.”


Well, kantahan na nga lang natin si Donita ng awiting, “Love moves in mysterious ways… It’s always so surprising. How love appears over the horizon… I’ll love you for the rest of my days…”


Pak, ganern!





NAGBAHAGI ng isang bukas at emosyonal na liham ang aktres na si Judy Ann Santos para sa kanyang anak na si Lucho sa pamamagitan ng kanyang Instagram (IG) account.


Kalakip ng post ang larawan nila ng asawang TV host na si Ryan Agoncillo kasama ang kanilang anak matapos ang isang international football tournament.


Bukod sa husay sa paglalaro, mas ikinatuwa umano ng aktres ang pagiging mapagmahal ng kanyang anak sa pamilya.


Aniya, “My dearest boy, Mama’s heart couldn’t be more proud of you. Watching how you pour your heart, energy and dedication into every game. YOU ARE AMAZING! You are amazing in many, many ways. Being named ‘Player of the Match’ for your team to rank 16 out of 70+ international teams, you’ve come a long way, my love.


“This experience has opened up a lot of options and opportunities for you to become what you really want to be in the future. I love watching you play again with some of your childhood friends and become friends with new ones. I love how focused you are in every game.


“But you know what I love the most? It’s the tight hugs and kisses you give me and Dada every after game. The way you still kiss your sisters on their forehead every time you see them makes me more proud of the man you’re becoming.


“My love, go and chase your dreams. We will support you no matter what. As long as you want me to cook rice (kanin is life), adobo and salpicao for you and do your laundry for every tournament such as this, I will do so with a very happy heart.

“You will always be Mama’s favorite son. I love you to the moon and back a thousand times and beyond.”


Matatandaang kamakailan lamang ay hinirang si Lucho bilang Player of the Match sa isang international football tournament na ginanap sa Spain. 

Higit pa rito, nakapasok ang kanyang koponan sa Top 16 mula sa mahigit 70 international teams na lumahok sa kompetisyon.


Isang malaking congratulations, Lucho!


At siyempre, congratulations din sa super-proud na lola ni Lucho, Mommy Carol Santos!





NAGPA-TATTOO si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski kay Grace Palicas, pamangkin ng legendary mambabatok na si Apo Whang-Od, at ibinahagi ang karanasan sa kanyang social media.


Ani Bea sa kanyang post, “Proud to be inked by the great @palicasgrace and carry the stories of the generations of women who came before me.


“The three dot signature represents the continuation of the mambabatok art form through the legendary Apo Whang-Od, her niece Grace Palicas, and her grandniece Elyang Wigan. To me, they also serve as a reminder of my mom and lola, who shaped me into the woman I am today.


“As a pageant queen I am often asked about my perception and definition of beauty, but I was reminded in the lush contours of the Cordillera and in the presence of the women mambabatok that beauty is more than meets the eye. For the Kalinga, tattoos are markers and enhancers of beauty. It was believed that you could not bring gold, silver, or any worldly possessions into the afterlife. You could only bring the markings on your bodies.


“However, mambabatok was pushed to the brink of extinction due to the forces of modernization and American occupation. Tattooed women were shamed for the complex patterns of figs, snakes, prayers, and ferns that bloomed across their bodies.


“But one trailblazer was able to preserve the art form for future generations. Due to the work of Apo Whang-Od, mambabatok has not only survived, but thrived and found its way onto the skin of Filipinos around the country and visitors from around the world.


“My tattoo also serves as a reminder of the strength and perseverance of Filipino culture, one that I will be proud to share on the international stage.”


Samantala, nakatakdang irepresenta ni Bea Millan-Windorski ang Pilipinas sa Miss Universe 2026 pageant na gaganapin sa Puerto Rico sa Nobyembre.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page