ni Julie Bonifacio @Winner | July 14, 2026

Photo: IG _iamhearte
Trending online ang pinakawalang statement ni Heart Evangelista ukol sa ‘pera’ at ‘kaibigan’.
May question kasi sa kanyang programang The People Have Spoken sa GMA-7 kung ano ang mas nakakalungkot — walang kaibigan o walang pera, kaya bumanat si Heart ng sarili niyang opinyon sa tanong.
“Wala naman akong kaibigan. Basta may pera, okay na ‘ko,” prangkang sabi niya.
Umani ng batikos si Heart dahil sa kanyang pahayag sa socmed (social media).
“Taliwas talaga ang pangalan n’ya sa ugali n’ya, ah.”
“Ang tanong, saan galing ang marami mong pera? Hahaha!”
“So, ‘yung mga nakakasalamuha mo, pinaplastik mo lang? Ganern?”
“Wow! Ang ganda ng values mo, Heart. #MukhangPera.”
Grabe sila kay Heart.
NAGPATAWAG ng meeting si Dingdong Dantes para sa mga kasamahan niya sa Aktor PH noong Linggo, at dumating naman ang mga artistang kasama niya sa board.
Ipinost ng aktor sa Instagram (IG) ang larawan ng mga papel kung saan nakasulat ang agenda ng pagmi-meeting-an nila para sa ikalawang board meeting ngayong taon.
At ang pangalawang larawan sa kanyang IG post ay ang mga um-attend na officers tulad nina Piolo Pascual, Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith at Mylene Dizon.
Caption ni Dingdong, “Ano? Meeting on a Sunday? Sige, laban. Busy kasi ang lahat sa kani-kanilang trabaho, kaya ito lang talaga ang araw na nagawa naming magkita-kita ulit bilang Board of Directors ng AKTOR. (Minus Cherry Pie, whom we missed. She wasn’t able to join us as she’s currently abroad to be with her family.)
“There is still so much to do, so much to build, and so much to accomplish... and yet, time always seems too short. But yesterday was a reminder that when people are united by purpose, every meeting becomes an opportunity to move things forward.
“With only 10 months left in our term, our focus is simple: to leave AKTOR in an even stronger position for those who will carry it forward... and for our beloved community of proud, professional performers.”
Pinuri si Dingdong ng mga kasamahan niyang artista sa kanyang dedikasyon sa Aktor PH.
“Salute @dongdantes. Despite your busy days, you still have time to do things that benefit everyone. That, for me, is very noble. God bless you consistently,” comment ni John Arcilla.
Papuri ni Iza kay Dingdong, “Kung ano ang inumpisahan, tatapusin ng buong puso! What an honor to work with you, Chair, and our team of dedicated actors and partners that care about our community!”
“Behind you, Chief,” reaksiyon ni Agot Isidro.
Wow!

