top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 16, 2026



BULGARY - ECHO, ‘NAMATAY’ NANG SABIHAN NI MATT DAMON NA GUSTO SIYANG MAKA-WORK-IG _jerichorosalesofficial

Photo: IG _jerichorosalesofficial



Isa sa pinakamasayang sandali kay Jericho Rosales ang international premiere ng The Odyssey (TO) sa Mumbai, India.


Nakilala kasi ni Jericho sina Matt Damon, Christopher Nolan, Emma Thomas, at Tom Holland sa premiere nito.


Habang pinipirmahan ni Matt ang notepad ni Echo, sinabi ng aktor na malaking inspirasyon sa kanya ang Hollywood actor.


Nagpasalamat si Matt, at bago umalis si Jericho, sinabi ng Hollywood actor, “Hope we get to work together.”


Labis na naantig ang aktor sa sinabi ni Matt at ibinahagi niya ito sa Instagram (IG): “I died when he said that. I’ll support this man forever. God bless you, Matt Damon!”

Sa mas mahabang video sa Instagram Stories, makikitang hindi makapaniwala si Jericho at paulit-ulit niyang sinabi na, “What? Work together?”


Maraming celebrities ang natuwa para kay Jericho, kabilang sina Janine Gutierrez, Vina Morales, Ogie Alcasid at Karen Davila, na nagpahayag ng suporta at pag-asang balang-araw ay magsasama nga sila ni Matt Damon sa isang proyekto.


Bukod dito, sinabi rin ni Jericho na napaiyak siya sa pagganap ni Matt sa TO

Isa pa, pangarap niyang makatrabaho ang direktor na si Christopher Nolan, at pabiro pa niyang sinabi na handa siyang mag-audition kahit ‘isang espada’ lang ang papel niya sa pelikula.





HILIG daw talaga ng aktor na si River Joseph ang umarte.

Ayon sa dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) housemate sa isang panayam, sinisigurado niyang mahahasa ang kanyang mga kasanayan sa pamamagitan ng pagsali sa mga workshops.


“Feeling ko, pagkatapos lang talaga ng PBB ako natutong umarte. Pagkatapos ng PBB, nakakagawa ako ng mga proyektong tuluy-tuloy at feel ko, pagkatapos ng bawat proyekto, natututo talaga ako at kahit kaunti lang ay may improvement,” pahayag ni River.


“Sa bawat pagkakataong nakukuha ko, sinisikap kong dalhin ang mga natutunan ko mula sa mga nakaraang proyekto at matuto hangga’t maaari mula sa mga bagong proyekto,” dagdag niya.


“Yes, I take workshops pa rin, so continuous pa rin ‘yun ‘pag walang project, ‘pag medyo free ang schedule. I’m either doing acting workshop or ngayon, nag-a-action workshop na rin ako para lang handa ako pagdating ng mga eksena,” lahad pa niya.

Nang tanungin kung ano ang pakiramdam ng pagtatrabaho kasama sina Gerald Anderson at Richard Gutierrez, puro papuri ang ibinigay ng baguhang aktor para sa kanila.


“Ako, gusto kong maging katulad nila paglaki ko. Sa hinaharap, s’yempre, sila ang mga hinahangaan ko at gusto kong maging katulad nila. Ang dami kong natututunan sa pagsama sa kanila. Lahat sila ay napakamapagkumbaba at napaka-down-to-earth, at ‘yun ang gusto ko ring maging,” pagtatapos niya.





NAGSALITA na si Ellen Adarna kung bakit wala si John Lloyd Cruz sa recital photo ni Elias, ang anak nila ng aktor. 


Sey niya ay naroon ang aktor pati ang pamilya nito kaya kumpleto sila sa kaganapan.

“Present po s’ya (John Lloyd) at ‘yung family n’ya. Not feeling well s’ya kaya after tumugtog si Elias, nagpahinga sa car. Kaya ‘di nakasama sa picture, LOL (laugh out loud),” aniyang nakangiti.


Hindi na kailangang sabihin pa, marami ang pumuri kay Ellen sa paglilinaw ng totoong nangyari kay John Lloyd at sa recital.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 16, 2026



BIDA - KASALANG BEA-VINCENT, SOBRANG SIMPLE-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Kung simple ang kasal nina Vincent Co at Bea Alonzo, simple rin ang reception setup para sa kanilang mga guests. 


Ipinasilip ng H. Lopez Event Styling ang setup ng reception, simple rin lang at ang description ay “Simple. Clean. Intentional.”


Kahit parehong bilyonaryo sina Bea at Vincent, walang masyadong burloloy na nakalagay sa isang long wooden table, at ang nakita lang naming decor ay glowing candles at calla lilies na nakalagay sa glass vases.


Sa mga nagtanong kung bakit walang photos sa reception, ang paliwanag, “For those asking for photos with Ms. Bea, we honestly didn’t take any because it was such a private and intimate celebration. We wanted to respect the moment and didn’t want to intrude.”

Nag-post si Bea ng wedding photos nila ni Vincent sa kanyang Instagram at ang ginamit na background music ay Palagi nina TJ Monterde at KZ Tandingan. 

Naalala namin, may napanood kaming reel ng couple habang nasa Noctos Bar. Nag-duet sila sa nasabing kanta at hawak ni Vincent ang kanyang phone habang kumakanta para sa lyrics ng song.

Natuwa ang mga netizens sa eksenang ‘yun. Nakita nila si Vincent hindi bilang bilyonaryo kundi isang simpleng lalaking in love sa kanyang girl.


HINDI matutuloy sa July 31, 2026 ang dapat sana ay first major concert ni Jillian Ward. Naglabas ng official statement ang producer ng concert na Stage Nova Entertainment Production at sinabi nila ang rason.

Pahayag nila, “To our valued supporters, due to unforeseen circumstances, we regret to inform you that Jillian Ward’s concert, originally scheduled for July 31, 2026, has been rescheduled to December 8, 2026.

“We sincerely apologize for any inconvenience this change may cause and truly appreciate your understanding, patience, and continued support.

“With this additional time, we are fully committed to making every moment of the wait worthwhile. We promise to deliver a bigger, better, and more unforgettable concert experience — one that will truly exceed expectations and give our audience the show they deserve.

“Thank you for standing with us. We look forward to celebrating an incredible night with all of you on December 8, 2026.”

Kasama rin sa ipinaliwanag na ang mga nabiling tiket para sa July 31 schedule ay valid pa rin para sa bagong petsa. Positive ito para sa mga fans ni Jillian dahil mas may time siya to rehearse at para rin makapili ang mga producers ng tamang guests para sa kanyang concert.

May mga nag-comment pa na sana ay bigyan ng mas maraming panahon na mai-promote ang concert para mas marami ang maging aware sa bagong concert date. 

Hihintayin nila ang bagong petsa ng concert ni Jillian na gagawin pa rin sa New Frontier Theater.


PAGKATAPOS ng apat na supporting roles sa apat na horror movies, bida na si Rose Van Ginkel sa Viva Films movie na Rosario

Ikinatuwa rin ni Rose na sa nasabing pelikula, hindi na multo ang kanyang role. Sa past four horror movies na ginawa niya, puro multo kasi ang kanyang role.

“Nagulat nga ako dahil laging multo ang role ko. Siguro, nakita ng mga producers at directors ng past movies ko na bagay ako bilang multo. Ngayon ko lang din naisip, pero ‘di problema sa akin ‘yun. At least ngayon, bida na ako at title role pa,” sey ng aktres.

Isa pang ikinatuwa ni Rose, parang para talaga sa kanya ang pelikula dahil ang real name niya ay Rosalie at malapit dito ang pamagat na Rosario.

Tungkol sa pamahiin kapag may patay, ikinuwento ni Director Roni S. Benaid ang kuwento ng kanyang mom at ang obserbasyon nito tuwing may namamatay, laging may hawak na rosaryo. 

Si Direk Roni rin ang sumulat ng story at script ng movie.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 15, 2026



WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nancy Binay

Photo: FB Nancy Binay



Love wins para kina Bea Alonzo at Vincent Co!

Natuloy na rin finally ang controversial na wedding of the year.

Gaya ng titulo ng pelikula ni Bea with John Lloyd Cruz, may pa-A Second Chance ang aktres sa kanyang ex-fiancé.


Happy na for sure ang mga fans ni Bea na ipinaglaban ni Vincent ang pagmamahal niya sa aktres, na siya naman daw dapat ginawa ng Chinese businessman noong una pa mang kumalat ang balitang naudlot ang kanilang kasal dahil sa mga magulang ng lalaki.

But how true na galit diumano ang parents ni Vincent sa pasabog na wedding nila ni Bea last Monday, July 13?


Tsika ng aming source, pagkatapos ng wedding ng controversial couple, that same day ay ipinapatanggal diumano ang video ng pag-attend ni Vincent sa event ng family business nila na kumalat online.


Sa naturang video, makikita si Vincent na dumating sa event at pumunta sa kanyang seat sa venue. Pero bago siya umupo ay marami ang bumati sa kanya.

May nag-utos daw sa mga employees na burahin ang video kung saan nandu’n si Vincent.


Duda ng aming source ay baka tanggalin daw si Vincent sa kumpanya. And worst, baka itakwil pa raw ito ng kanyang pamilya?


Kunsabagay, keri naman nang magtayo ng sarili nilang business nina Vincent at Bea.

As of now, may mga negosyo na rin ang aktres na naitayo with the help of her friends and family.


Anyway, congratulations to the newlyweds!





MATAGUMPAY ang paglulunsad sa bagong singer na si Honey Love Johnson. Dalawang singles niya agad ang ibinida sa kanyang launching, ang Wait Lang at Goodbye For Now.


Released under Star Music, ipinakita ni Honey Love sa dalawang original songs niya ang kanyang versatility.


Ayon kay Honey Love, “I felt really excited to record the songs, shoot the music videos and finally see everything come together. It took a lot of work and progress, but I really love how everything turned out. I’m just very happy about it.”


Ang direktor-songwriter na si Perry Escaño ang nag-compose ng Goodbye For Now mula sa kanyang personal experience during the pandemic. May close friend si Direk Perry na namatay.


Pahayag ni Direk Perry sa launching ni Honey Love, “I actually came up with the concept during the pandemic when a very close friend of mine passed away. We shared so many memories together, and that’s when I started writing Goodbye For Now. I kept developing the lyrics and asked my friend, arranger Peter Soria, to help bring the song to life.”


Naisip din ni Direk Perry na it's time na magkaroon ng graduation theme song ang generation now. Hoping si Direk Perry na gamitin ng mga eskuwelahan ang kanta ni Honey Love na Goodbye For Now during graduation ceremonies.


May music video na rin ito kung saan naisama ang isyu ukol sa bullying na isa sa mga napapanahong pangyayari sa ilang eskuwelahan sa ating bansa.


Samantala, Wait Lang offers a completely different sound. Ini-reveal ni Direk Perry na inspired sa naging usapan nila ng ina ni Honey Love ang kanta.


“Tumawag ‘yung mommy n’ya sa akin. Sabi n’ya, ‘Why don’t we create a song about mothers and daughters?’ She shared that whenever children are asked to do something, the usual response is, ‘Wait lang, wait lang,’ because they’re busy with social media or playing games. That’s where the idea started,” lahad niya.


Para mas appealing sa mga batang listeners, sadyang in-experiment niya ang tunog ng Wait Lang with a faster musical style.


“Gusto ng new generation ngayon fast-paced music with rap and hip-hop influences. I wanted to challenge myself and create something different while still delivering a meaningful message,” diin niya.


Sakto naman dahil gusto ni Honey Love ang mag-rap.

“I love rapping, but sometimes it’s hard to keep up with all the words. At the same time, I also love singing because I’m an alto. I honestly enjoy doing both, but I naturally lean toward slower, calmer R&B songs because that’s where I feel most comfortable,” sabi ni Honey Love.


Ang collaboration between Johnson and Escaño ay nagsimula after she joined one of his acting workshops in 2023. Nakita raw agad ni Direk Perry ang potensiyal ni Honey Love not only in acting but also in singing.


Since then, they have continued developing her musical identity through training and original recordings.


Ang Goodbye For Now at Wait Lang ay available na sa streaming platforms gaya ng Star Music’s YouTube (YT) channel, Spotify, Apple Music, iTunes, Deezer, at iba pang major digital music platforms.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page