top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni KyleShereen Bago (OJT) @Special Article | July 18, 2026



SPECIAL ARTICLE (OJT) - MARIEL, HUMIRIT NA PROTEKTAHAN SI SEN. ROBIN, TINAWAG NA SIRAULO-IG _marieltpadilla

Photo: IG _marieltpadilla



Sa halip na suporta, kaliwa't kanang batikos ang inani ni Mariel Padilla matapos niyang ibahagi sa kanyang Facebook account ang isang larawan na may nakasulat na "PROTECT SENATOR PADILLA MOVEMENT" nitong Huwebes, Hulyo 16.


Hindi ito nagustuhan ng maraming netizens na agad nagtanong kung bakit kinakailangang protektahan ang kanyang asawang si Senador Robin Padilla. 


Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at bumaha ng mapanuring komento sa naturang post.


Kabilang sa mga naging komento ang…

"Solohin mo na lang, Mariel. Huwag mo na kaming idamay.”  

"Hoi... Hahahahaha! Ano nangyari sa ‘yo, dzai?"

"Mariel, anong kab*b*han na naman ito?"  

"Sira*lo din ito, nahawahan na." 

"Mga baliw!”


May ilan ding nagsabing wala silang nakikitang dahilan para magkaroon ng ganitong panawagan lalo na't kamakailan lamang ay sunud-sunod na umani ng batikos si Sen. Robin dahil sa ilan sa kanyang mga naging pahayag at kilos bilang senador.


Matatandaang naging laman ng usapan sa social media si Robin nitong mga nagdaang araw matapos kuwestiyunin ng ilang netizens ang kanyang mga naging komento at pagganap sa Senado. 


Pinuna rin siya ng aktres na si Angel Locsin sa pag-amin niyang komunista siya.

Sa kabila ng matinding batikos, wala pang inilalabas na pahayag sina Mariel at Senador Robin kaugnay sa mga negatibong reaksiyon na kanilang natanggap mula sa social media.





Buking ng mga fans, atras na…

IVANA, NAMIMIGAY KUNO NG IPHONE 17, NAGPO-PROMOTE PALA NG SUGAL



IVANA, NAMIMIGAY KUNO NG IPHONE 17, NAGPO-PROMOTE PALA NG SUGAL


USAP-USAPAN ngayon sa social media ang viral giveaway ni Ivana Alawi matapos mapansin ng mga netizens na ang kanyang pamimigay umano ng 100 pieces ng iPhone 17 ay may kaugnayan pala sa promosyon ng online gambling platform na Casino Plus.


Matatandaang nag-trending nitong Huwebes ang post ng aktres at vlogger kung saan ibinahagi niyang bumili siya ng 100 iPhone na maaaring mapanalunan ng mga netizens. 


Upang makasali, kailangan lamang umanong mag-like, share, at ikomento ang paboritong kulay ng iPhone.


Gayunman, napansin ng ilang netizens ang isang link na nakapaskil sa comment section ng naturang post. 


Ayon sa kanila, ang link ay patungo umano sa Casino Plus, at hinihikayat pa raw ng aktres ang kanyang mga followers na sundan ang nasabing online gambling company.


Dahil dito, bumuhos ang batikos at pangamba mula sa ilang netizens na nagsabing tila ginagamit umano ang malaking giveaway upang makahikayat ng mas maraming tao na pumasok sa online gambling.Narito ang ilan sa kanilang mga komento…


“Matagal nang promoter ‘yan ng sugal.” 

“Napaurong na lang din ako sa pakiki-join, eh.” 


Ilan sa mga netizens ang nagsabing hindi na sila nagulat sa pagkakaugnay ni Ivana sa naturang kumpanya dahil ilang beses na rin siyang nakita sa mga advertisements at commercial ng Casino Plus.


Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Ivana Alawi kaugnay sa isyung ibinabato sa kanya online.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 18, 2026



BULGARY - ROMMEL, APRUB SA BANAT KAY ANGEL, NA-REAL TALK DAW-FB ROMMEL PADILLA

Photo: FB ROMMEL PADILLA



May naging reaksiyon ang kapatid ni Sen. Robin Padilla na si Rommel Padilla sa patutsada ni Angel Locsin sa aktor-senador.


Naging usap-usapan sa social media ang pag-share ni Rommel sa post ng isang netizen na direktang pumupuna at sumisita sa aktres dahil sa kanyang naging pahayag laban sa senador.


Sa kanyang FB account, matapang na nanawagan si Angel hinggil sa usapin ng red-tagging, kung saan sinumbatan niya si Robin kung bakit ‘di siya ipinagtanggol sa akusasyon sa kanya gayung alam daw nito ang totoo.   


Iginiit din niyang hindi na ito ang dating Robin Padilla na kanyang nakilala.

“Ang tanong ko lang, nasaan ka nu’ng panahong nire-red-tag ako kahit alam mong ‘di totoo? Actually, kasama mo pa nga at ka-chika-han ‘yung mga nangre-red-tag,” sey ni Angel kamakailan.


“Tama na, Kuya. Gising na. ‘Di pa huli ang lahat,” diin pa ng aktres.

Isang netizen ang bumanat kay Angel at sinabing tila pinipili lamang ng aktres ang mga isyung ginagamit nito para makapag-ingay. 


“Nag-ingay si Angel Locsin sa issue ni Robin pero tahimik s’ya sa baha, nakawan at flood control. Angel, ‘yung ipinagtanggol ni Robin, ibinoto ng 32 milyon vs. pansarili mong issue. Akala ko, matalino ka, pang-Darna ka lang pala talaga. Ding, ang bato!” ayon sa post ng netizen.


Ini-reshare ni Rommel ang post sa kanyang opisyal na Facebook (FB) account na may kalakip na simpleng caption na tila sumasang-ayon sa naging kritisismo laban sa aktres.

Sey ni Rommel, “#ReaLTaLK.”


Sa kabila ng mabilis na pagkalat ng kanyang post at mga reaksiyon ng publiko, wala pa ring inilalabas na opisyal na pahayag si Sen. Robin hinggil sa mga naging banat ni Angel laban sa kanya.





‘Di pa raw dyowa, nanliligaw pa lang…

DUSTIN, NEVER SAY DIE KAY BIANCA



KAHIT na anong piga ni Boy Abunda, ayaw pang umamin nina Dustin Yu at Bianca de Vera sa tunay nilang relasyon. 


Guest kasi sila sa programa ng King of Talk noong Hulyo 16 na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Inamin ng aktres na mahalaga sa kanya si Dustin at sinabi niyang nagbibigay ito sa kanya ng kapanatagan.



Sinabi naman ng aktor na gusto niyang dahan-dahang buoin ang kanilang samahan at mas kilalanin pa si Bianca.


Well, tinanong din sila ni Kuya Boy tungkol sa mga fans na nahahati sa DusBia (Dustin at Bianca) at WillCa (Will Ashley at Bianca).


Ayon sa aktres, hindi niya tinitingnan ang dalawang tandem bilang magkatunggali at nagpapasalamat siya sa suportang natatanggap niya mula sa parehong fan groups.


Pareho rin nilang sinabi na nais nilang unahin ang kanilang mga proyekto habang hinahayaang kusang umunlad ang kanilang personal na relasyon.


Samantala, napasok din ang pangalan ni Ivana Alawi sa kanilang panayam.

Ano ba ang totoo kina Dustin at Ivana?


Ayon sa young actor, wala naman daw isyu tungkol sa kanilang dalawa ng aktres.

Sagot ni Dustin, “Nagkaroon lang po kasi ng pagsi-ship ng mga netizens sa amin ni Ivana habang magkasama kami sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang house guest. May chemistry daw po kami.”


Nakabuo siya ng magandang samahan kay Ivana dahil sa kanilang natural na kulitan at chemistry. Wala pa raw noon si Bianca.


Siyempre, tinanong ng TV host kung crush niya si Ivana.

Sey niya, “Hindi po. Naaaliw po kasi ako sa kanya ‘pag napapanood ko s’ya.”


Dahil dito, nabuo ang tambalang DustVan (Dustin + Ivana), at marami ang nagsimulang mag-edit at mag-post ng kanilang sweet moments sa social media.


Nang makalabas si Ivana sa PBB house, sinabi niyang nakita niya ang mga edits ng fans at pabirong sinabi, “Kinikilig s’ya, kinikilig din ako.” 


Lalo pang kinilig ang mga fans nang i-follow ni Ivana si Dustin sa Instagram (IG) at nangakong iimbitahan niya ito sa isa sa kanyang mga vlogs.


Pagkatapos ng PBB, nagkaroon naman ng mas malapit na samahan sina Dustin at Bianca. Lumipat naman ang atensiyon ng mga fans sa tambalang DustBia. Hanggang sa lagi na silang magkasama sa bawat lakaran.


Kaya ang tanong ni Kuya Boy ay kung magdyowa na nga ba sila, na pareho naman nilang itinanggi.


Pero inamin naman ng rumored celebrity couple na espesyal sila sa isa't isa.

Sabi nga ni Dustin, “Patuloy ko s’yang liligawan, ‘di ako susuko at seryoso ako kay Bianca.”


Wika pa niya, “Hanggang dulo ng panahon ang panliligaw ko kay Bianca.”

O, ‘di ba, nakakakilig? Sana all!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 17, 2026



WINNER - ANGEL KAY ROBIN TAMA NA, GISING NA, ‘DI PA HULI ANG LAHAT-IG _therealangellocsin & FB Robin Padilla

Photo: IG _therealangellocsin & FB Robin Padilla



Nagsalita na ang aktres na si Angel Locsin tungkol sa deklarasyon ni Sen. Robin Padilla na isa siyang ‘komunista’. 


Nagulat ang mga netizens sa muling paglitaw ng aktres sa social media. Ilang buwan din itong nanahimik online.


Sa kanyang post ay pinaalalahanan ni Angel si Robin, na tinawag niyang ‘Kuya’, tungkol sa pag-akyat ng senador sa bundok.


Pahayag ni Angel, “Nu’ng mga panahong magkasama tayo, madalas mong ikuwento ‘yung panahon na namundok ka at nag-armas para ipaglaban ang bayan. Sabi mo pa nga, dinadalaw ka ng ex mo sa bundok.


“Sa statement mo na ‘to, kahit papaano, natuwa akong makita ulit ‘yung dating Robin Padilla na nakilala ko. At least, honest ka ngayon, Kuya.


“Ang tanong ko lang, nasaan ka nu’ng panahong nire-red-tag ako kahit alam mong ‘di totoo? Actually, kasama mo pa nga at ka-chika-han ‘yung mga nanre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit sa katotohanan.”


Ibinuhos din ni Angel ang disappointment niya kay Sen. Robin bilang halal na opisyal ng bayan.


Pagpapatuloy ni Angel, “Isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit ka ibinoto ng maraming Pilipino ay dahil inasahan nilang magiging matapang kang boses para sa mga kapatid nating Muslim. Pero bakit parang mas ipinaglalaban mo pa si Quiboloy? Naniniwala ka ba talaga na s’ya ang ‘appointed son of God’?


“Isa ka sa pinakamakabayang taong nakilala ko. Ikaw si Andres Bonifacio. Kaya nakakalungkot ‘pag nakakabasa ako ng stand mo pagdating sa China. ‘Di ito ang Robin Padilla na nakilala at hinangaan ko.


“Kahit paano, alam kong halos pareho tayong landas na dinaanan. Galing sa hirap, nagtrabaho nang maaga, tinangkilik at nakapagpasaya ng mga tao. Ang utang na loob natin ay sa ating Diyos at sa lahat ng Pilipino — ‘di lamang sa isang tao.

“Tama na, Kuya. Gising na. ‘Di pa huli ang lahat. @robinhoodpadilla.”


Dahil dito, umani ng papuri sa comment section si Angel.

Sey ng mga netizens…


“Si ate @therealangellocsin at ang kanyang 3 AM thoughts. Hahaha! Ganyan nga, i-call out na ‘yang mga ‘yan. Tama na, sobra na.”


“Ang tapang! Talagang naka-tag at ‘di pagpaparinig lang!”

“Sa sobrang lala ni Robin, napa-socmed si Angel!”


Habang ang mister ni Angel na si Neil Arce ay tinawag na ‘Narda’ ang aktres mula sa kanyang superhero character sa Darna serye, gayundin ang kaibigan niyang si Anne Curtis.


Say ni Neil, “Lika na, Narda! Hanapin natin ‘yung bato.”

“Welcome back, Mars. Ay! Darna pala,” comment ni Anne.

‘Di na talaga nakapagpigil si Angel, huh?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page