top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 20, 2026



BULGARY - BEA, NAG-BRIDAL SHOWER SA BANGKOK, THAILAND BAGO IKINASAL KAY VINCENT-FB Circulated

Photo: FB / Circulated



Ang galing pala talagang magtago ng sikreto ni Bea Alonzo.

Ilang araw bago pala siya nagpakasal kay Vincent Co, nagkaroon siya ng surprise bridal shower kasama ang intimate friends na ginanap sa Bangkok, Thailand.


Umaapaw nga ang suportang natatanggap ni Bea ngayon mula sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz at maging sa likod ng camera. 


Nagkaroon sila ng simpleng surprise para sa bride sa Bangkok kung saan nakasakay pa sila sa isang yate.


Sa mga larawang lumabas, kabilang sa mga nakitang kasama ni Bea sina Dimples Romana, Bea Saw (matagal na kaibigan ni Bea), Brina Secosana at ilan pang malalapit niyang non-showbiz friends mula sa kanyang inner circle na hindi lahat ay ipinakilala sa publiko.


Napansin din ng mga netizens na wala sa bridal shower ang ilang celebrity friends ni Bea gaya nina Angelica Panganiban, Enchong Dee, atbp..


Gayunman, wala namang pahayag na may isyu. Mukhang sadyang intimate at maliit ang bridal shower, na para lamang sa kanyang pinakamalalapit na kaibigan.


Sey ng isang netizen, “So happy she’s finally home. Although, I am just very curious kasi knowing her, very family-oriented s’ya. Wala ang mama n’ya na isa sa pinakamahalagang tao sa buhay n’ya? I hope na okay lang sila ng pamilya nila para complete happiness.”





Tamang yabang lang daw…

BANGS, TODO-FLEX NA BRITISH CITIZEN NOON, BALIK-‘PINOY NGAYON, SOPLA SA NETIZENS



Tila every year ay isine-celebrate ni Bangs Garcia ang pagiging British citizen niya.

Aniya sa kanyang Instagram (IG) Stories, “I just realized it’s almost been 2 years since I became a British citizen and it all happened in July too. Just 3 days apart - July 17, 2024, I became a British citizen, July 14, 2026, I reacquired my Filipino citizenship.





“And here is a fun little coincidence, I only noticed that I wore the exact same pair of heels to both my Oath of Allegiance ceremonies for the UK (United Kingdom) and the Philippines! I guess these heels were destined for dual citizenship too.”


Tila nayabangan naman ang mga netizens sa ipinost na larawan ng dating aktres. Ilan sa mga reaksiyon ay…


“Kailangan bang ipaalam ang buhay mo?”

“Sorry, pero pang-inggit ang POV (point of view) mo.”


“Ilang years na n’yang ginagawang bragging rights ‘yang British citizenship n’ya, tapos balik-dual din pala. Balik-‘Pinas siguro ‘yan.”


“Eto na naman si Geotag Queen (mga mahilig maglagay ng location), LOL.”

“‘Di maka-move on si ate sa citizenship n’ya. Char!”


“Eto ba ‘yung mahilig mag-geotag? Pilit na pilit ang pa-British accent! At kung maka-London, ‘di naman taga-London. Hahaha!”


“Well, citizen na s’ya ru’n, ikaw hanggang ‘Hahaha!’ na lang.”

“Maganda s’ya kaya lang baduy.”

“Nakalimutan n’ya ang location.”

“Feel na feel ni Ms. England.”


“‘Day, kailangan talagang ipangalandakan ang mga ganyan?”


“OA (overacting) talaga ‘to si Geotag Queen. USC (U.S. Citizen) na ako since 2019 at ‘di ko na kailangang i-post pa. Walang nakaaalam nito sa pamilya ko sa ‘Pinas.”

Ganern?

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 20, 2026



BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel Locsin & Mariel Rodriguez-Padilla & Anne Curtis

Photo: IG-FB Angel Locsin & Mariel Rodriguez-Padilla & Anne Curtis



Nakitaan na naman ng isyu sina Angel Locsin at Mariel Rodriguez. Ibig sabihin, binabantayan ang kanilang bawat kilos.


Hindi natapos sa pag-a-unfollow ni Mariel kina Angel at Anne Curtis sa Instagram (IG) ang isyu na nagsimula sa pagko-call out ni Angel kay Sen. Robin Padilla.


Ang bagong isyu ay ang pagla-like ni Angel sa post ng isang website sa balitang in-unfollow siya at si Anne ni Mariel sa IG.


Minarkahan pa ng red circle ang name ni Angel para makita ang kanyang pangalan na isa sa mga nag-like.


Ayun, na-trigger ang mga naghahanap ng isyu at kontrobersiya. May kumampi kay Angel dahil wala raw masama sa ginawa nito. Hindi siya nagpa-interview pagkatapos ng post niya patungkol kay Robin at hindi na uli nag-post.


Sabi naman ng kampi kay Mariel, parang dinagdagan ni Angel ang init ng isyu kung sakaling hindi magugustuhan ni Mariel ang ginawa niya.





NAG-CELEBRATE ng kanilang 8th anniversary as a couple sina Ruru Madrid at Bianca Umali. May common post ang dalawa, photo nila na ang caption ay: “Fit check ng 8 taon nang magkasama.”


Marami ang nag-congratulate sa dalawa at ang ibang well-wishers ay may kasamang tanong kung kailan sila magpapakasal.


Minsan nang nasagot ni Ruru ang isyung kasalan, hindi pa nila ito ipinaplano. 

Nabalita rin na gusto muna nilang magpagawa ng bahay at pinag-iipunan nila ito.


May kinalaman din ang very active career ng dalawa kaya hindi muna sila magpapakasal. 


Si Ruru ay sunud-sunod ang project. May dalawang pelikula siya at ang isa ay pang-Cinemalaya.


Nagte-taping din siya ng Hari ng Tondo (HNT), ang action series kung saan gaganap na kontrabida niya si Dennis Trillo.


Si Bianca, katatapos lang ng Sang’gre at may animation film na Ella Arcangel (EA) na boses niya ang ginamit sa karakter ni Ella.


Bata pa naman ang dalawa. Wedding can wait at dapat pagplanuhan nang husto.





NAGING usap-usapan online ang pag-iwan ng komento ng misis ni Baron Geisler na si Jamie Evangelista sa Instagram (IG) post ng aktor.


Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa umano'y problema sa kanilang pagsasama nang mag-comment si Jamie sa joint Instagram (IG) post ni Baron kasama ang isang aesthetic clinic, kung saan makikita ang aktor na sumasailalim sa facial treatment.


Ani Jamie, “Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems. I doubt a facial can heal that.”


Bagama’t deleted na ang naturang komento, kumalat na ang screenshots nito sa social media. Dahil dito, marami ang nag-isip na posibleng nag-relapse si Baron, na dati nang umamin sa kanyang naging problema sa droga at alak.


Matatandaang noong Hulyo 2025, may balitang gumamit siya ng droga sa loob ng isang cubicle sa ABS-CBN bago siya humarap sa audience. Ikinuwento rin niya na humingi siya ng tulong sa kanyang mga kapatid upang maipasok sa isang rehabilitation facility, na nagsilbing simula ng kanyang recovery journey.


Inamin din noon ng aktor na isa pa rin siyang ‘recovering alcoholic’. Nilinaw din niya na karamihan sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya matapos ang kanyang rehabilitation, kabilang ang naging viral na away nila ni Kiko Matos noong 2016, ay diumano sinadya.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 19, 2026



TEKA NGA - IVANA, BINATIKOS SA PAMIMIGAY NG IPHONE 17, PAGKAIN NA LANG DAW ANG ITULONG-FB Ivana Alawi

Photo: FB Ivana Alawi



Umani ng iba’t ibang reaction ang pamimigay ni Ivana Alawi ng maraming iPhone 17 sa kanyang mga followers.


May ilang nagsasabi na bahagi lang naman ‘yun ng promo ng isang online gambling at hindi lahat ay binili niya ang nasabing mamahaling cellphone.


Komento naman ng ilang netizens, sana raw, kung gusto talaga ni Ivana na makatulong ay bigas at groceries na lang ang kanyang ipamigay.


May ilang nagsabi rin na dapat ay humanap si Ivana ng mga mahihirap na batang may sakit at tulungan niya sa pagpapagamot. Ikatutuwa pa at ipagpapasalamat ito ng kanyang mga matutulungan.


Well, iba-iba ang paraan ng pagtulong ni Ivana Alawi sa mga lumalapit sa kanya at depende ‘yun sa kanilang pangangailangan.


Noong panahon ng COVID-19 pandemic, halos lahat ng kanyang kinita sa pagba-vlog ay kanyang itinulong sa mga taong nangangailangan. Namahagi siya ng bigas, groceries, cash, atbp..


Hanggang ngayon ay patuloy na namamahagi si Ivana ng kanyang blessings at wala siyang hinihinging kapalit.





SA kabila ng sinasabi ng ilang netizens na red flag si Zoren Legaspi at nagtataka ang marami kung bakit pinili siya ni Carmina Villaroel na pakasalan, dedma ang aktres.


Katwiran niya, walang alam ang mga bashers kung ano talaga ang ugali at katauhan ni Zoren off-camera.


Ilang taon na ang kanilang pinagsamahan. Dalaga at binata na ang mga anak nilang sina Cassy at Mavy.


Hindi naman magpapakamartir ang aktres na magtagal sa kanilang pagsasama kung red flag ang mister niya.


At kahit na gaano pa niya kamahal si Zoren, kung hindi siya naging mabuting asawa at ama, hindi titiisin ni Carmina ang lahat.


Noon nga raw nanliligaw pa lang ang aktor sa kanya, may mga signs siyang hiniling upang malaman kung si Zoren na ang kanyang ‘Mr. Right’. Isa sa mga signs ay kung kusang bibitbitin ni Zoren ang kanyang handbag kapag sila ay magde-date.


Hiniling din ni Carmina na sana lahat ng katangian ng kanyang ama na kalmado lang lagi at mapagmahal sa pamilya ay taglay ni Zoren.


At mukhang natupad naman kaya tumagal ang kanilang pagsasama.





FLATTERED si Golden Cañedo kapag sinasabi ng mga fans na kamukha niya ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo. 


Hindi pa siya sumasali noon sa mga singing competitions ay idolo na niya ito kaya nagsikap si Golden upang magkaroon ng pagkakataon na mapansin ang kanyang galing sa pagkanta. 


Pinag-aralan niya ang mga kanta ni Sarah. Ang pagwawagi niya noon sa The Clash Season 1 ang nagbigay sa kanya ng break upang mag-level-up ang kanyang pagiging singer. 


Inihahanda na ng GMA-7 ang pagbi-build-up sa kanyang career.


Ganunpaman, naudlot ang pangarap ni Golden na maging katulad ni Sarah. Nagdesisyon ang kanyang parents na bumalik sila sa Cebu at magpatuloy siya ng pag-aaral. Nagtapos siya ng kursong Nursing.


At ngayon ay binalikan muli ni Golden ang kanyang singing career. Napasok agad siya sa All-Out Sundays (AOS) ng GMA Network. Nasama rin siya sa seryeng Born to Shine (BTS). Mahahasang muli ang magandang boses niya sa mga shows.


Samantala, maganda ang feedback ng mga viewers sa segment ng AOS na Sing My Song. Ilan sa mga singers na ginaya ay sina Vina Morales at Jessa Zaragoza.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page