top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 21, 2026



BIDA - “AT MY HAPPIEST!” - BEA-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



May bagong post si Bea Alonzo ng hawak-kamay nila ng asawang si Vincent Co at sa photo, makikita ang suot na wedding at engagement rings ng aktres. May overlay text ang post na, “At my happiest.”


Sa isa pang post ni Bea, makikita rin ang suot na dalawang singsing at may caption naman na ‘New season’.


 

Bea at Vincent - IG story


Kita sa mukha ng aktres na masaya nga siya sa bago niyang role bilang wife ni Vincent Co at naniniwala ang mga fans nito na mas maggo-glow pa si Bea kapag nagkaanak na silang mag-asawa.


May fans naman na nagka-countdown kung ilang araw o ilang weeks nang Mrs. Co si Bea at siguro raw, nasanay na itong tawagin siyang Mrs. Bea Co. 


Inulit nila ang pagko-congratulate nila sa aktres at may kasamang wish for her to have a happy married life.


Samantala, tuluy-tuloy ang taping ni Bea ng Whispers from Heaven (WFH) at ang feeling ng fans, tatapusin muna nito ang taping ng political series bago sila mag-honeymoon ni Vincent.





MULING gaganap sa role ni Dr. Jose Rizal si Alden Richards at ito ay sa pelikulang Liwanag at Dilim: (Heneral Emilio Jacinto). 


Si Gerald Santos ang gaganap na Emilio Jacinto at siya ang nag-post ng larawan nila ni Alden na nakasuot-bayani ng bansa.


Pahayag niya, “Week 4 Filming LIWANAG AT DILIM: (Heneral Emilio Jacinto).

“So happy to announce that Alden Richards is part of my movie LIWANAG AT DILIM: Heneral Emilio Jacinto) as Dr. Jose Rizal! Thank you bro @aldenrichards02 for being part of this monumental film!”


Kasama rin sa cast sina Sid Lucero, Alex Medina, Ima Castro, Aicelle Santos, Aljur Abrenica, Nikko Natividad, Alexa Miro, at Angel Aquino. 


Si Antonino  Rommel Ramilo ang director nito.


This is not the first time na gumanap na Dr. Jose Rizal si Alden. Una na niyang ginampanan ang role ng National Hero natin sa Ilustrado noong 2014. Kaya masasabing hindi na siya nahihirapang i-portray ang nasabing role.


And speaking of Alden, nagte-taping na rin siya ng medical series na Code Grey (CG) ng GMA-7. Sa Ospital ng Maynila ang taping ng series at sa nasabing ospital din ang immersion ng cast.


Inaabangan na ang series na ito kung saan first time gaganap na doctor ang aktor. Doble ang effort nina Alden at ng cast dahil medical series at alam nilang nakatutok ang viewers  at inaabangan kung may mali sa mga eksena, sa medical jargon at sa mga gagawin ng aktor na gumanap na mga medical practitioner.





JULIE ANNE, SI RAYVER NA ANG GUSTONG MAKASAMA SA PAGTANDA



BIRTHDAY ni Rayver Cruz kahapon at isang filled with love ang birthday message sa kanya ng girlfriend na si Julie Anne San Jose. Ramdam ang lubos na pagmamahal ni Julie sa boyfriend.


Aniya, “Happy Birthday to the man I want to grow old with.


“Words are not enough to describe how special it is that I get to love you and be loved by you-to hold you through the storms, to treasure the quiet moments in between and to witness how you achieve your dreams as they take flight. I want you to know how proud I am of you and everything you do, even the things you think are unnoticed. And when life isn’t kind, remember that no matter what, you’ll always have me by your side.


“I pray that this new chapter brings you countless blessings that go far beyond what you can imagine and happiness that your heart truly deserves.

“Ray, I love you in this life and every life after.”


Sagot ng aktor-dancer, “Thank you, my love, Huhuhu, I love you so much forever and  ever napakasuwerte ko na nand’yan ka sa tabi ko palagi.”


Nakakatuwa ang comment ng mga fans na, “‘Wag mo na papakawalan ‘yan,” “You are the best! You and @myjaps are best for each other!” “Kinilig at naiyak na naman ako sa b-day message mo, Jules,” at “‘Di naman ako ang may birthday pero naiiyak ako sa message. Stay in love, couple. We can’t wait for the next chapter of your lives.”


Sa reels ni Rayver na ipinost ni Julie, kumakanta ito ng Just Once at may mga nag-comment na mas maganda sana kung Grow Old With You ang kinanta ng BF. Nasa message raw kasi ni Julie na si Rayver ang guy na gusto niyang makasama sa pagtanda.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 20, 2026



TEKA NGA - MAYOR MARK, AYAW NANG MASABIHANG LAGING NAKABUNTOT KAY KATHRYN-IG _markalcala10 & _bernardokath

Photo: IG _markalcala10 & _bernardokath



Dahil patuloy siyang bina-bash at ginagawan ng isyu dahil kay Kathryn Bernardo, mukhang umiiwas at ayaw nang sumama ni Mayor Mark Alcala sa mga showbiz events. 


Marami ang naghanap kay Mayor Mark sa unveiling ng Madame Tussauds wax figure ni Kathryn Bernardo sa Glorietta, Makati kamakailan. Inaasahan ng mga fans, maging ng mga vloggers at media, na sasamahan niya ang aktres.


Pero umiwas na si Mayor Mark upang wala nang masabi ang kanyang mga kababayan sa Lucena City. Inaakusahan kasi siyang lagi na lang nakabuntot kay Kathryn. Napapabayaan na raw nito ang kanyang trabaho bilang public servant. 


Tinawag pa si Mayor Mark na ‘user’ at ginagamit lang daw si Kathryn para sa kanyang political career.


Pero pinatunayan naman niya na hindi ang kasikatan ni Kathryn ang habol niya sa aktres. May ilang nagsasabi na sila na ang susunod na magpapakasal pagkatapos nina Bea Alonzo at Vincent Co. Kailangan lang munang tapusin ni Kath ang kanyang mga showbiz commitments na tinanggap. 


Busy pa rin naman si Mayor Mark sa kanyang political career.





Kaya na-postpone, ini-resched sa December…

BENTAHAN NG TIKET SA CONCERT NI JILLIAN, MAHINA RAW



MAY pagbabago sa naka-schedule na concert ng Kapuso Princess na si Jillian Ward sa New Frontier Theater. Dapat ay ngayong katapusan ng July ito, pero na-reset na sa December 8. 


Ayon sa producer ng concert, paghahandaan daw nila ito nang husto upang maging bongga at masulit ang ibabayad ng mga manonood.


May ilang netizens naman ang nang-iintriga at nag-comment na baka mahina ang ticket sales ng concert ni Jillian kaya ito na-postpone. 


Well, maliit lang naman ang New Frontier Theater, hindi tulad ng Araneta Coliseum. Sa dami ng mga fans at supporters ni Jillian, kayang-kaya niyang punuin ang New Frontier Theater. 


At suportado ng GMA Network ang concert, makakakuha pa sila ng mga sponsors.

Well, all-out naman ang effort na ibibigay ni Jillian sa kanyang first-ever concert.


For the meantime, payo ng mga nagmamalasakit sa aktres ay tumanggap muna siya ng TV guestings upang mayroon siyang pinagkakaabalahan. Dapat ay manatili siyang visible sa telebisyon at sa mga mall shows para ‘di siya makalimutan.





IKINASAL na pala si Joshua Dionisio sa kanyang non-showbiz longtime GF na si Ally Yu. 

Si Joshua ay dating ka-love team ni Barbie Forteza noong nag-uumpisa pa lang sila sa GMA-7. Pero hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang love team dahil pansamantala siyang nagpahinga sa showbiz at nagdesisyong magpatuloy sa kanyang pag-aaral.


Nang makatapos na sa kolehiyo, bumalik si Joshua sa Kapuso Network. 


Dahil dito, nabuhayan ng loob ang kanilang mga fans at nag-wish silang magkatrabaho muli sina Barbie at Joshua sa isang reunion project. 


Pero masyadong naging abala ang schedule ng aktres kaya hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong magsamang muli sa isang show.


At ngayon nga ay nagpakasal na si Joshua, at tiyak na magiging prayoridad na niya ang kanyang pamilya. 


Well, siguro ay hindi talaga pang-showbiz ang aktor. Maaaring may iba siyang kapalaran.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 20, 2026



TALKIES - VICE, IPINAGSIGAWANG NANONOOD KAY JESSICA SOHO-IG _praybeytbenjamin & km_jessica_sojo

Photo: IG _praybeytbenjamin & km_jessica_sojo



Todo-suporta si Unkabogable Star Vice Ganda sa sagot ng It’s Showtime (IS) contestant na si Jelo matapos nitong pangalanan ang broadcast journalist na si Jessica Soho bilang kanyang pinaka-idol sa segment na Laro, Laro, Pick.


Sa panayam, tinanong ni Vice si Jelo, “Sino ang pinaka-idol mo na broadcaster o journalist?”


Agad namang sumagot si Jelo, “Si Ma’am Jessica Soho po.”

Nagpahayag ng pagsang-ayon si Vice at sinabing, “Yes! We love Jessica Soho. She’s very good.”


Ipinaliwanag ni Jelo kung bakit niya hinahangaan ang beteranang mamamahayag.

“Lagi po s’yang uso. Uso si Ma’am Jessica,” aniya.


Sumang-ayon muli si Vice at sinabi, “Ah, uso. Nakakasabay sa panahon, ‘di ba? We all watch KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho). Right, very good. Malay mo, balang-araw…”


Huwooow! Ayan na, may paramdam na si Vice kay Ma’m Jessica. Kelan nga kaya matutuloy ang one-on-one interview nila matapos na maging controversial noon ang joke ni Vice sa respetadong Kapuso broadcaster?

Ang masasabi lang ni yours truly... i-KMJS na ‘yan!

‘Yun na!





PATOK ngayon ang mga intimate wedding sa mga celebrities. Kamakailan lamang ay ikinasal ang aktres na si Bea Alonzo sa negosyanteng si Vincent Co. Sinundan naman ito ng pag-iisang-dibdib ng dating aktor na si Joshua Dionisio at ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Ally Yu.


Sa isang social media post, ibinahagi ng TV host na si Tini Balanon ang ilang larawan mula sa kasal nina Joshua at Ally. Kalakip nito ang taos-pusong mensahe para sa bagong kasal.


Aniya, “Our brother just got married. Seeing you begin this new chapter fills our hearts with so much joy. ‘Di namin ma-explain ‘yung nararamdaman namin nu’ng sabihin mo na ikakasal ka na. 


“We are so happy for you, broski, and we wish you and Ate Ally a lifetime of love, laughter, and a home filled with peace and God’s blessings. Mahal namin kayo.”

Si Joshua Dionisio ay dating ka-love team ni Barbie Forteza. Nang mawala si Joshua sa showbiz, namayagpag si Barbie bilang solo artist. 


Kung si Joshua ay ikinasal na, hanggang ngayon ay single pa rin si Barbie.

Anyway, congratulations kina Joshua at Ally! Wishing you both a lifetime of love and happiness.





USAPANG love life ang naging paksa sa online podcast ng broadcast journalist na si Susan Enriquez na Kay Susan Tayo! (KST!) sa YouTube (YT) kung saan naging guest ang ‘Lord of Scents’ na si Joel Cruz.


Sa panayam, diretsahang tinanong ni Susan si Joel tungkol sa estado ng kanyang love life.


“Punta naman tayo sa iyong love life. Kumusta ba ang love life mo ngayon? May karelasyon ka ba? Artista ba ‘to? Ano’ng mensahe mo sa kanila? Alam naman nilang sila ‘yun,” tanong ni Susan.


Nagpasalamat naman si Joel sa mga naging alaala nila.


Aniya, “Well, thank you so much for that moment na nangyari sa atin before. S’yempre, na-enjoy ko naman ‘yun at sana, na-enjoy mo rin. ‘Di naman siguro one-sided lang ‘yun.

“‘Di rin naman s’ya long relationship na umabot ng maraming taon. Ilang buwan lang, pero na-enjoy ko ang mga moments na nakasama ko s’ya.”


Nausisa rin ni Susan kung naniniwala ba si Joel na minahal siya ng dalawang dating karelasyon at hindi lang ang kanyang kayamanan ang habol.

“Tingin mo ba, minahal ka nitong dalawang ‘to? ‘Di naman habol ang yaman mo?” tanong ng broadcaster.


Aminado si Joel na posible ring nakaimpluwensiya ang kanyang estado sa buhay, ngunit hindi niya naramdamang pinagsamantalahan siya.


Sey niya, “Siguro, nandu’n na rin ‘yun. S’yempre, baka may habol din. Pero ‘di ko alam kung love ba ‘yun o baka nag-care din naman s’ya somehow. Ang maganda sa kanila, ‘di naman sila nag-take advantage. ‘Di sila ‘yung tipong sasabihin na, ‘Bilhan mo ako ng kotse’ o ‘Bilhan mo ako ng bahay.’ Simpleng-simple lang talaga.”


Nang tanungin kung ano ang pinakamahal na naibigay niya sa isa sa mga ito, sinabi ni Joel, “Cellphone lang o kaya mga gamit sa bahay.”


Sinundan pa ito ni Susan ng tanong kung may pagkakataon bang nanghiram ng pera ang kanyang mga dating karelasyon.

“Walang utang?” tanong ni Susan.

“Ay, wala,” tugon ni Joel.


Sa kasalukuyan, sinabi ni Joel na wala siyang karelasyon at mas nakatuon siya sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.


“Love life, wala. Takot din ako sa love life kasi baka ‘di rin ako maintindihan ng mga anak ko. Kaya I’ll try my best na maging mabuting ama sa kanila,” ani Joel.


Sa totoo lang, in fairness kay Sir Joel, isa siya sa mga nakilala kong tunay na mabuti at mapagmahal na ama. 


‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page