top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 22, 2026



BULGARY - ZEINAB, MADASALIN DAW PERO KAMPON NI SATANAS-IG _zeinab_harake

Photo: IG _zeinab_harake



Binatikos ang vlogger na si Zeinab Harake dahil panay daw ang post ng Bible quotes, pero todo-promote naman ng sugal.


Pagkatapos kasi ng wedding nila ni Ray Parks, Jr., mas madalas magbahagi ng mga Bible quotes si Zeinab.


Araw-araw din daw siyang nagbabasa ng Bible, nagsisimba tuwing Linggo, at si Ray ang malaking impluwensiya sa kanyang faith journey.


Ilang buwan ang nakalipas, opisyal namang ipinakilala si Zeinab bilang pinakabagong endorser ng isang online gaming platform na lisensiyado at inire-regulate ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Kinondena ng isang netizen si Zeinab.


Sey nito, “Zeinab? Pick a side it’s either you’re full blown ‘Christian’ kuno o full blown promoter ni Satanas. ‘Di ako na-inform na puwede pala magbasa ng Bible at the same time mag-promote ng online gambling. Ano ba talaga? And all these people are amazed how Ray Parks influenced you by being godly/holy. My God! Ang daming utu-uto at ang dami mong nauto.”

Sey pa ng ibang mga netizens…


“Kaya pala sinasabi ng lolo ko, ‘Apo, mag-focus ka lang sa Diyos, ‘wag sa mga tao dahil ang mga tao, kahit na kilala ‘yan, ‘di ‘yan maka-Diyos at maraming mapanlinlang.’”


“Gets ko na never admired celebrities/influencers... Now I get it na mag-focus lang sa nakakataas. At the end of the day, mamamatay din naman tayo.”

“Kudos kay Lans, s’ya lang ang may sense na influencer.”


“Saka sa mga nagsasabi na walang masama sa ginagawa n’ya, ‘She has the right, buhay n’ya ‘yan. Nagpo-promote lang s’ya,’ still masama pa rin ang ginagawa n’ya na makakaapekto sa mga Pilipino.”


“Don’t look for integrity in an empty can. Obviously, faith is just an aesthetic for her. She’s definitely rebranding from ‘kanal’ to Christian. Kaya ‘wag na kayong magtaka at lalong ‘wag nang mag-expect. Lata na walang laman naman talaga s’ya ever since.”


“And who even spends P5M on teeth????? WTF (what the f*ck).”

“What a talentless woman. LOL (laugh out loud).”

"Pray muna bago mag-casino. Hahaha!”

“‘Pag inggit, pikit! Huh!”





Kaya dedma na kabit daw at todo-promote ng sugal… 51 M FOLLOWERS NI IVANA SA FB




Umabot na sa 51 million ang followers sa Facebook (FB) ng internet sensation na si Ivana Alawi, isang bagong milestone sa kanyang karera sa social media.


Ibinahagi niya sa kanyang Instagram (IG) Story ang pagbati mula sa kanyang management, na pumuri sa kanyang kabutihang-loob at pagiging inspirasyon sa milyun-milyong tao.


Ang caption, “Congratulations, Ivana Alawi. Nasa puso mo talaga ang pagtulong sa kapwa.

“Ang 50 milyong tagasunod sa Facebook ay isang kahanga-hangang milestone na nagpapatibay sa inyong pamumuno bilang pinakasinusubaybayang Facebook page sa Pilipinas.”


Si Ivana ay kilala sa paggamit ng kanyang platform upang tumulong sa mga biktima ng bagyo at lindol, pati na rin sa mga nagtitinda sa kalye at mga magsasaka.


Sa isang panayam, sinabi niya na ang pagtulong sa mga tao ang mahalaga, anuman ang sabihin ng mga kritiko na todo-promote siya ng sugal at kabit ng pulitiko.


“Ang iniisip ko ay ‘yung mga nagmamahal sa akin at kung paano ako makakatulong,” wika niya.





IVANA AT KARA, TIE SA BEST PUBLIC SERVICE HOST



FIRST time na nagbigay ng parangal ang award-giving body na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa pamamagitan ng FAMAS Broadcast Arts Awards, na ginanap noong Hulyo 20 sa The Manila Hotel. 


Malalaking parangal ang napanalunan ng ABS-CBN tulad ng sumusunod:

Best Variety Show – It’s Showtime (IS)

Best Host for Entertainment – Vice Ganda

Best Series (Long/Short Form) – FPJ’s Batang Quiapo (BQ)

Best Anthology – Maalaala Mo Kaya (MMK)

Best News Program – The World Tonight (ANC)

Humakot din ng mga parangal ang FPJ’s Batang Quiapo tulad ng Best Director for Series and Anthology at Best Screenplay for Series and Anthology para kay Coco Martin, at Best Supporting Performer for Series and Anthology para kay Joel Lamangan.

Ang iba pang mga nanalo ay ang sumusunod…

Best Performer for Series and Anthology – Kelvin Miranda (Encantadia)

Best Comedy Show – CongTV

Best Educational Show – Born to Be Wild (BTBW)

Best Show for Game, Reality and Competition – Family Feud (FF/GMA)

Best Entertainment Talk Show – Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA/GMA)

Best Lifestyle Show – Biyahe ni Drew (BND/GMA)

Para sa Balita at Radyo:

Best News Anchor – Korina Sanchez

Best AM Anchor – Papa Ahwel Paz (DZMM)

Best FM Radio DJ – Papa Jack

Best Radio Drama Show – Gabi ng Lagim (DZRH)

Best Podcast – Facts First 

Best Podcast Host – Christian Esguerra

Para sa Public Service:

Best Public Service Show – Ivana Alawi

Best Host for Public Service – Ivana Alawi at Kara David (tie)


Sa acceptance speech ng TV host, actor/comedian, nagpasalamat si Vice Ganda sa ‘madlang people’ at sinabi niyang umaasa siyang patuloy na uunlad ang telebisyon at bagong media.


Samantala, ibinahagi naman ni Ivana Alawi na nagsimula lamang bilang katuwaan ang kanyang vlogging, ngunit kalaunan ay naging daan ito upang makatulong at makapagbigay-inspirasyon sa maraming tao.


Ang seremonyang ito ang pinakaunang FAMAS Broadcast Arts Awards na inilunsad ng FAMAS upang kilalanin ang kahusayan sa telebisyon, radyo, podcast, at digital media.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 22, 2026



BIDA - SHUVEE, BINOYKOT DAHIL DDS-FB Shuvee Etrata & IG _joshuagarciae

Photo: FB Shuvee Etrata & IG _joshuagarciae



Makaka-relate si Shuvee Etrata sa nangyayari ngayon kay Joshua Garcia na bina-bash dahil nalamang maka-DDS (Duterte diehard supporter). Katakut-takot din ang bashing na ginawa kay Shuvee, sa kanyang pamilya, at sa friend niyang si Kitty Duterte nang malamang DDS supporter siya.


Grabe ang nangyari sa aktres. She was cancelled, sinabihang wala nang career at ipina-boycott pa ang produktong ine-endorse niya, pati ang shows niya sa GMA-7. Nag-sorry si Shuvee at in-unfollow si Kitty sa Instagram (IG), pero hindi pa rin tumigil ang pamba-bash sa kanya.


Mabuti na lang at hindi siya tinanggal sa mga produktong ine-endorse niya at hindi rin siya binitawan ng GMA. May mga projects pa rin siya at kasalukuyang napapanood sa The Master Cutter (TMC). Kasama rin siya sa cast ng Code Grey (CG) with Alden Richards.


Si Joshua, bina-bash ngayon at nag-double trending pa sa X (dating Twitter) ang isang hashtag na nakasulat: Joshua Garcia Faces Backlash Over Duterte Ties on Social Media. Nag-post kasi si Joshua ng video tungkol sa impeachment ni Vice-President Sara Duterte.

Sa X, mababasa ang disappointment ng mga netizens kay Joshua at kahit in-unfollow nito ang IG nina VP Sara at Senator Alan Peter Cayetano, ayaw pa rin siyang tigilan ng mga netizens. 


Naalala pa na inendorso niya si Rep. Edwin Gardiola at ang dala nitong Construction Workers Solidarity Partylist.


Marami pa ring fans ni Joshua ang nakaiintindi sa kanya at nangakong hindi nila bibitawan ang suporta sa aktor. Ang payo nila, manahimik muna si Joshua at 'wag sagutin ang mga bashings sa kanya.





MAY appreciation post si Kylie Padilla para sa co-actor niya sa Taskforce Firewall (TF) na si Miguel Tanfelix. Sa post nito sa Instagram (IG), pinuri niya ang husay ng aktor.


“I always wanted to do a buddy cop project. I think we do it well. So cheers to my partner and bad cop to my good cop @migueltanfelix_. Husay mo,” sabi ni Kylie.

Sagot ni Miguel, “Cheers to us both, partner.”


Hindi magkatambal sa nasabing action series sina Kylie at Miguel, and yet, kinakitaan sila ng chemistry. May mga requests na nga sa GMA na bigyan ng next project ang dalawa at sana ay action din dahil bagay sa kanila. Nasabayan daw ni Miguel ang husay ni Kylie sa action.


Ang katambal ni Kylie sa series ay si Luis Hontiveros, na gumaganap na kanyang asawa, at ang nakakatuwa, tanggap ang tambalan nila. Marami sa mga viewers ang kinikilig sa mga eksena ng dalawa, kahit ang mga eksenang sila ay nag-aaway. After Ruru Madrid, kay Luis daw bumagay ipareha si Kylie.


And speaking of Kylie, mabuti at hindi siya ikinokonek ng mga netizens sa isyu ng ama niyang si Senator Robin Padilla. Dati, kapag may isyu kay Robin, pati si Kylie ay inaaway at bina-bash ng anti-Duterte supporters. 


Ngayon, tahimik ang IG feed ng aktres, walang hate comments, kaya malaya siyang nakakapag-post dahil alam niyang walang mamba-bash sa kanya.





NAG-PROMOTE si John Arcilla ng pelikulang Drug War: A Conspiracy of Silence (DWACOS). Ini-repost nito ang post ng Rein Entertainment at ipinakita ang poster kung saan makikita ang mukha ng aktor na si Ian Veneracion.


Aniya, “Malapit nang mabunyag ang lahat! Catch the official trailer premiere of the series Drug War: A Conspiracy of Silence this July 23. Watch the series premiere this July 30 on Rein Entertainment’s YouTube (YT) channel. Don’t miss this limited screening!”


Napanood namin ang pilot episode ng series sa direksiyon ni Shugo Praico at gugustuhin mong mapanood ito hanggang ending para malaman kung paano nagtapos ang story. Gugustuhin mo ring malaman kung ano ang nangyari sa mga karakter sa series na pawang mahuhusay.


Bukod kina Ian at John, kabilang pa sa cast sina Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Harvey Bautista, Jane Oineza, Joem Bascon, at Ryan Eigenmann. Kasama rin sina Art Acuña, Malou Crisologo, Gabby Padilla, Janus del Prado, at Lotlot de Leon.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 21, 2026



WINNER - VILMA, GAME MAKASAMA SI VICE, ‘WAG LANG GAWING KATAWA-TAWA-Vilma Santos-Recto IG _praybeytbenjamin

Photo: Vilma Santos-Recto / IG _praybeytbenjamin



Inilatag ni Batangas Gov. Vilma Santos kahapon ang mga accomplishments niya sa lalawigan ng Batangas sa loob ng isang taon.


Isang makabago at mas makabuluhang State of the Province Address (SOPA) ang inihatid ni Gov. Vi sa mga Batangueño sa pamamagitan ng isang theatrical presentation para mas madaling maunawaan ng publiko ang mga programa, proyekto at tagumpay ng Pamahalaang Panlalawigan sa nakalipas na isang taon.


Tinutukan talaga ni Gov. Vi ang paglilingkod sa kanyang bayan sa unang taon niya.

Pahayag ni Gov. Vi, “Siguro, palagay ko, malalaman n’yo rin kung bakit medyo ‘di ako naging visible sa industry. At talagang kahit paano, naging priority ko talaga itong one year. To really serve Batangas with a lot of innovations.


“And ang pinakamalaking bagay dito ay ang inobasyon ko na ang Kapitolyo ang lalapit sa tao. Kaya busy talaga kami going out. Wala kami sa opisina, talagang lumalabas kami going universities.”


Instead na ang constituents niya ang pumunta sa Kapitolyo para humingi ng tulong, sila mismo ang lalapit sa mga lugar sa Batangas na tinawag nilang ‘Capitol on the Wheels’.

Inamin ni Gov. Vi na may mga pagkakataong napapagod din siya.

“Uh, napapagod ako, physically. I’m 35,” biro ni Gov. Vi. 


Aniya, “No, that’s it. Sometimes may oras din na bumibigay ang katawan ko. And the hardest part is, uhm, ‘di na ako ganu’n kabata.


“So ‘yung healing process is not that easy. Medyo matagal lalo na ‘pag naa-asthma ako. Pero kung minsan, ‘yun ang nagbibigay sa akin ng strength.


“Siguro, nakita n’yo naman, ‘yung teamwork. ‘Yun ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon to work harder. Kasi alam ko na kasama ko sila.


“Alam ko kung ano ‘yung gusto kong mangyari, nangyayari. ‘Yun ang nagiging inspirasyon ko to work harder. And walang ibang masarap kundi magtrabaho na masaya ang puso.

“And sometimes, nakakarinig ako sa kanila, ‘Gov., mas masipag ka ngayon kesa nu’ng naging governor ka.’ Hahaha!”


Sa kabila ng matapat na paglilingkod ni Gov. Vi, panay ang batikos ng mga kritiko niya.

“We were affected also,” sambit ni Gov. Vi.


“I mean, ‘di puwedeng ‘di ka rin maapektuhan. But at the end of the day, ‘pag nag-uusap-usap kami, alam mo, kapag hindi ka guilty, ‘di ka dapat matakot. Masakit ‘pag may itinatago ka. Pero alam mo, wala. I mean, not for anything. Ngayon, pinipilit s’yang (Executive Secretary Ralph Recto) kasuhan, ‘di ba?


“Pero lahat, dumaan na ‘yung kaso, pero pangalan ni Ralph, wala naman, eh. Dahil wala naman talaga.


“I mean, we’re not being self-righteous here. Pero palagay ko, isang natutunan ko rin kay Ralph, kaya kami tumagal nang ganito, awa naman ng Diyos, wala naman akong kaso,” sabay katok ni Gov. Vi sa lamesa.


Pagpapatuloy pa ni Gov. Vi, “Natutunan ko rin ito kay Ralph, if you serve, serve from the heart. And then, do some adjustments. Not being self-righteous, sometimes may grey area, natural lang ‘yun. But sometimes there are such things as compromise.


“‘Di naman puwedeng napakagaling mong tao, ‘di, eh. Pero puwede ka ring magsilbi. Lagi kong sinasabi, I am no saint. But definitely, I am not the devil.”


Hindi naman nagpapaapekto si Gov. Vi sa mga fake news na ibinabato sa kanya.

“‘Pag fake news na kung anu-ano lang ang inimbento dahil gusto ka lang siraan, ang pinakamabuti d’yan ay kung ano ang totoong iniwan ko sa tao. Because ang mga maninindigan, ‘Hindi naman totoo ‘yan, eh.’ ‘Yun lang ‘yun,” sabi niya.


Pero aminado si Gov. Vi na walang laban ang mga ‘biktima’ sa social media.

“Pero wala kang laban sa social media ngayon, especially if they have the clout. Wala nang takot, eh. Kaya lang, sometimes, kahit bigyan mo ng panahon ‘yan, I’m gonna focus on my job. Kasi at the end of the day, ang Diyos ang manghuhusga sa akin, ‘di ang social media,” diin pa ni Gov. Vi.


Tinanong ng aming editor na si Ateng Janiz Navida ang posibilidad ng team-up nina Gov. Vi at Vice Ganda sa pelikula.


“Oo naman. Bakit naman hindi? Nasa tamang oportunidad ‘yun. Ako naman, basta right project. Ever since naman, ang main reason ko ‘pag tumatanggap ako ng project ay right story.


“I don’t want to say this, pero ayoko namang magmukhang ridiculous. Mahiya naman ako. Basta maganda ‘yung script. Nababagay naman sa edad ko na. At ‘pag alam nilang pangit, ‘di nila io-offer sa akin. Mga kaibigan ko sila,” sey pa ni Gov. Vi.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page