top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 25, 2026



JOHN, UMAMING MAY 2 EX NA AKTRES, ISA KASAMA SA SERYE, ISA HIWALAY NA

Photo: IG John Arcilla



Mas nakilala man bilang magaling na aktor at tumatak lalo na sa mga estudyante bilang si Heneral Luna, may ibubuga rin pala sa kantahan ang veteran actor na si John Arcilla.


Sa ginanap na Star Magic Spotlight mediacon nu’ng Huwebes sa Dolphy Theater, nagpa-sample si John ng kanyang bagong kantang Ano Ba ‘Yan P*nyeta na siya mismo ang nagsulat ng lyrics habang si Jonathan Manalo naman ang naglapat ng musika under Star Music Records.


Naka-upload na ngayon sa YouTube ang naturang kanta na within a month ay may 66,246 views na habang isinusulat namin ito.


Kuwento ni John, na-inspire siyang isulat ang Ano Ba ‘Yan P*nyeta nang marinig ang song ni JK Labajo na Ere na may linyang Hmm, 'di ba? Nakaka-p*tang ina,” at naisip niyang kung natanggap ito ng mga Pinoy listeners, bakit hindi ang “P*nyeta” na linyang tumatak kay John bilang si Heneral Antonio Luna.


Aminado si John Arcilla na sa ilang dekada na niya sa showbiz at sa dami na ng roles na nagawa niya, ang lead role sa Heneral Luna movie ang talagang tumatak sa kanya at in fact, after this, times 10 daw ang itinaas ng talent fee niya! Wooohhh!  


Samantala, after the mediacon, na-curious kaming itanong kay John Arcilla ang love life niya. Bilang magaling din pala siyang kumanta, tinanong namin kung may “hinarana” din ba siyang female celebrities noon.


Pag-amin ni John, “Oo naman!” kaya sinundan na nga namin ng tanong kung kumusta ang puso niya ngayon. Parang wala kasi kaming naririnig tungkol sa buhay-pag-ibig niya at ang impression nga sa kanya ng marami ay nakakatakot siya.


Natawa muna si Heneral Luna bago sumagot, “Mapagmahal naman ako,” na sinundan ng maikling kuwento, “Meron akong isang celebrity na… well, dalawa siguro ‘yun, na dumaan sa akin, hinarana ko. Naging maayos naman nang konti, tapos biglang hindi rin nag-work. So parang it’s not… For me, it’s really worthy to reminisce pero wala na, eh, kailangan nang mag-move on. Haha!” sabay tawa nito.

Follow-up question namin, “Active pa rin ba sa showbiz ‘yun?”


Game namang sagot ni John, “Oo, parehong active sa showbiz. Ngayon nga, kasama ko ‘yung isa sa isang project. ‘Yung isa, may-asawa na, hiwalay na!” na sinundan uli nito ng tawa at may palakpak pa sabay hirit na, “Tama na!” 


At nu’ng kinantiyawan uli namin kung bakit hindi na siya nagmahal uli, sagot nito, “Sure ka ba?” sabay tawa at humirit na patigilin na raw kami sa pangha-hot seat sa kanya.

Buti na lang at nasa mood si Sir John Arcilla, hindi kami nasabihan ng “P*nyeta!!!” 

Hahaha!


Anyway, sa mga naku-curious, panoorin n’yo na lang ang music video ng Ano Ba ‘Yan P*nyeta sa YouTube at baka maka-relate kayo kung bakit ganu’n ang title ng song ni John Arcilla.





Todo-tanggol sa ex mo, Kylie…

AJ: ALJUR, RESPONSABLENG AMA AT PARTNER



SHOWBIZ SPECIAL - AJ ALJUR, RESPONSABLENG AMA AT PARTNER-IG _ajravsss


HINDI lang si Aljur Abrenica ang isa sa mga celebrities na bumisita na sa Maddox Jewelry shop ni Ms. Charo Cordial, kundi maging si AJ Raval, naka-visit na rin at naka-chika-han pa ng businesswoman na puwede ring maging TV reporter sa galing mag-interview.


Bihira nang lumabas ngayon sa mga TV shows at movies si AJ mula nang piliin niyang bumuo ng pamilya kasama si Aljur, although active na active pa rin naman siya sa social media. 


Ang katwiran ni AJ na inamin niya sa panayam sa kanya ni Ms. Charo habang nagpapasuri ng kanyang mga dalang alahas, gusto nilang ilayo ni Aljur sa mata ng publiko ang kanilang mga anak.


Ayon kay AJ, matagal nilang sinadyang huwag ilantad ang kanilang mga anak dahil nais nila itong mabigyan ng normal na buhay at maprotektahan mula sa mga intriga at negatibong komento sa social media.


Pero eventually, nag-decide silang sila na mismo ang magbahagi ng kanilang mga larawan bago pa ito gawin ng ibang tao


"Inunahan na po namin. Kesa iba ang unang maglabas ng pictures nila, kami na mismo," ayon sa aktres. 



Ikinuwento rin ni AJ ang naging kakaibang landas ng kanyang pag-aaral. Sa edad na 22, natapos niya ang high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) matapos maputol ang kanyang pag-aaral dahil sa madalas na paglipat-lipat ng tirahan at maagang pagtatrabaho. 


Aniya, naging malaking oportunidad ang ALS hindi lamang para sa kanya kundi para rin sa iba pang nais makabalik sa pag-aaral. 


Naging bukas din si AJ tungkol sa kanyang relasyon kay Aljur. Sa kabila ng mga batikos na kanilang natatanggap, sinabi niyang responsable si Aljur bilang ama at partner. 


Aniya, hindi nito nakakalimutan ang lahat ng kanyang mga anak at sinisikap nitong maging patas sa pagbibigay ng oras at suporta sa kanila. 


Ibinahagi rin ni AJ kung bakit mas pinili nilang manirahan sa probinsiya kaysa sa siyudad.


Para sa kanya, mas gusto niyang maranasan ng kanyang mga anak ang simpleng pamumuhay—pag-akyat sa puno, paglalaro sa damuhan, at pagkakaroon ng treehouse—sa halip na puro gadgets ang kanilang kinagigiliwan.


Sa gitna ng kanilang pag-uusap tungkol sa pamilya, ipina-test din ni AJ ang ilan sa kanyang mga alahas.


Isang necklace na regalo ng kanyang kapatid ang kanyang ipinabenta, habang ang diamond earrings na ibinigay naman ng kanyang amang si Jeric Raval ay sinuring mabuti at napatunayang natural diamond, bagay na ikinatuwa ng aktres. 


Ayon kay AJ, marami pa rin siyang iniingatang mga alahas na bigay ng kanyang pamilya dahil higit pa sa halaga ng mga ito ang sentimental value na kanyang pinanghahawakan.


Marami pang naging makukulay na kuwentuhan at personal na rebelasyon si AJ Raval sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry.


Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 25, 2026



BULGARY - MARIEL, NATAWA RAW SA POST NA LAOS NA SI ANGEL-IG _charliemanapat & FB Angel Locsin

Photo: IG _charliemanapat & FB Angel Locsin



Magmula nang magkaroon ng isyu si Angel Locsin kay Sen. Robin Padilla dahil sa red-tagging at kinampihan ni Mariel Rodriguez ang mister, nagkasira na ang dating magkaibigan.


First time kasing in-activate ni Angel ang kanyang social media matapos ang matagal na pananahimik kasunod ng pag-amin ng senador na siya ay isang komunista.


Dahil dito, nag-react si Locsin sa kanyang Instagram (IG) account. Marami pa siyang nasabi na hindi nagustuhan ni Mariel hanggang sa in-unfollow siya ng misis ni Robin.


Lalo pang tumindi ang isyu dahil ang mga content creators ay gumagawa rin ng mga kuwento para lalo pang pagsabungin ang dalawang female celebrities.

May lumabas kasing post sa Threads (@) na may isang laos na gusto raw sumikat muli, na ang pinatutungkulan umano ay si Angel.


May quote pa umanong mula sa aktres na nagsasabing “Let me give you a heads up, if you don’t stop flooding my page with nonsense, I will trace you and tap your employer, your family, anything.”


May nagsabi namang “Mariel Padilla, isa sa nagla-laugh react sa post ng isang Facebook (FB) page na laos na si Angel Locsin.”


May nagkomento naman na, “Mag-research ka muna bago ka magtanong ng ganyan online. Kung para kay Mariel naman ang tanong mo, mas mabuti pang i-direct message mo na lang s’ya para s’ya mismo ang makasagot sa ‘yo. 


“Medyo nakakatawa kasing magtanong sa social media ng bagay na s’ya lang naman ang makapagbibigay ng tamang sagot. Baka mas mabilis ka pang makakuha ng sagot kung idiretso mo na lang sa kanya.”


May punto naman ang commenter.


Gumagawa lang ng kuwento ang ilan para lalo pang magbardagulan ang dating magkaibigan.





GINULAT ni Kris Bernal ang maraming tagahanga nang magkaroon siya ng positibong reaksiyon matapos na biglang nakansela ang kanyang pinakahihintay na out-of-town flight. 


Sa halip na magreklamo online, hayagan niyang pinuri ang sikat na airline dahil sa pag-una nito sa kaligtasan ng lahat.


Sa kabila ng nakakadurog-pusong pagkansela, binigyang-diin niya ang mabilis na proseso ng pag-refund ng airline, na naging dahilan upang ang isang malaking pagkadismaya ay mauwi sa pasasalamat, dahilan para hangaan ng libu-libong fans niya ang kanyang maturity at positibong pag-iisip.


Nangyari ito habang papunta siya sa isang malaking charity event sa paaralan na inorganisa ng pamilya ng kanyang asawa.


Bagama’t maraming pasahero ang nagalit dahil tuluyang nasira ang plano sa paglalakbay, naglaan si Kris ng ilang sandali upang pagnilayan ang kanilang sitwasyon.

Binigyang-diin pa ni Kris na ang ligtas na pagdating sa destinasyon ay mas mahalaga kaysa sa anumang nakaiskedyul na kaganapan o bakasyon.


“While travel plans don’t always go as expected, it’s reassuring to know that passenger safety remains the top priority,” wika pa niya.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 25, 2026



BIDA - JOSHUA, AFTER MA-BASH SA PAGIGING DDS, TAMEME-IG _garciajoshuae

Photo: IG _garciajoshuae



Hindi lahat ay galit kay Joshua Garcia dahil DDS (Duterte diehard supporter) siya. May nag-thank you sa kanya, may pumuri at may nagpahayag ng patuloy na suporta sa kanya.


Mas naging active pa nga ang comment section ng Instagram (IG) niya dahil marami ang nag-comment, supporters and bashers alike.


Mga positive comments na, “Don’t mind the bashers. They were never your supporter anyway kung ganyan sila,” “You gained a new follower (smile emoji). Don’t mind the bashers na mga private profiles/dump accounts naman,” at “Mas maraming DDS, Joshua. Don’t worry,” ang mababasa. 


Ibig sabihin, may bumitaw man siyang fans, may mga pumalit naman.

Pati nga si Harry Roque, napa-comment din sa isyu ng aktor.


Sey niya, “Kakampinks, ‘wag na kayong ma-stress kay Joshua Garcia. In an industry where showing support to Inday Sara Duterte could invite cancellation, Joshua refuses to hide his political convictions. Daghang salamat, Joshua, for choosing integrity over manufactured image. Such conviction as yours is rare and such courage as yours, too, deserves respect.”

Ipinagtanggol din si Joshua nina Pokwang at Meryll Soriano nang mag-guest ang dalawa sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Ipinaalala ni Meryll na ang lahat ay may right to free expression, celebrity man o hindi.

“His social media is his platform at kung du’n s’ya naniniwala, kaya nga tayo may freedom of speech.


“We are free to express our own opinions and voices sa sarili nating platform. It just so happens na merong opinyon ang mamamayan, ang audiences natin,” pahayag ni Meryll.

Sabi naman ni Pokwang, “Nagkataon lang kasi na artista si Joshua, pero kapag ordinaryong tao ba ‘yan, papansinin mo ba? Nagkataon lang na artista s’ya. Karapatan n’ya ‘yun, hayaan natin s’ya.


“Marami akong kaibigan na magkaiba kami ng mga sinusuportahan. Nu’ng isang araw, kasama ko, nag-dinner kami. Wala kaming sumbatan.”


Nananatiling tahimik si Joshua Garcia sa isyung ibinabato sa kanya, na nakatulong para hindi na lumaki pa ang isyu.





SI Alden Richards ang host ng education special ng GMA Public Affairs na Rebuilding Broken Rooms (RBR) na ipapalabas ngayong Agosto.


Susuriin ng documentary ang current situation ng edukasyon sa bansa. Ipapakita ang mga challenges na hinaharap ng napakaimportanteng sektor ng lipunan.

Bibisita si Alden sa iba’t ibang lugar sa bansa at makikipagkita sa mga estudyanteng struggling with literacy and academic skills. 


Makikipag-usap din siya sa mga guro na patuloy na nagtuturo at gumagabay sa mga mag-aaral kahit humaharap sa matitinding challenges.


Bagay kay Alden ang mag-host ng documentary special about education dahil sa advocacy niya sa education. May AR Foundation siya na nagbibigay ng scholarship sa mga estudyanteng gustong makatapos ng pag-aaral pero walang kakayahan.


Ang objective ng docu, “More than presenting the realities faced by the education sector, Rebuilding Broken Rooms aims to raise public awareness and encourage collective action. Through the documentary, Alden calls on society, stakeholders, and policymakers to take meaningful, inclusive, and lasting steps toward educational reform.”


And speaking of Alden, magkakaroon ng exclusive screening ang series nila ni Nadine Lustre na Love, Siargao (LS) sa Sunday, July 26, 2026 sa Robinsons Galleria. The series is streaming on Viu at malapit na ring mapanood sa GMA-7.


Busy din si Alden sa taping ng medical series na Code Grey (CG) kung saan, sa unang pagkakataon, gaganap siyang doctor. Ipapalabas din ito sa GMA-7.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page