top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 26, 2026



BULGARY - MAUI, UMAMING MILYONES ANG ALOK KAPALIT NG SEX-IG _therealmauitaylor

Photo: IG _therealmauitaylor



Inamin ni Maui Taylor sa panayam sa kanya sa Your Honor (YH) na hanggang ngayon ay nakatatanggap pa rin siya ng mga indecent proposals o malalaswang alok kahit matagal na siyang hindi aktibo bilang sexy star. 


Inamin niya na ang pinakamalaking alok na natanggap niya ay umabot sa milyun-milyong halaga, at ang pinakahuling alok ay ilang buwan pa lamang ang nakalilipas.


Kuwento niya, “Nasa millions din. Merong isa, siguro a couple of months ago.”

Nang tanungin kung tinanggap niya ito, direkta niyang sagot, “Hard pass, sorry talaga!”


Binigyang-diin niya na hindi niya isinasakripisyo ang kanyang mga prinsipyo kapalit ng malaking halaga ng pera. 


Dahil dito, umani ng papuri si Maui mula sa maraming netizens dahil sa kanyang pagiging tapat at sa matatag niyang pagtanggi. 


Si Maui ay dating miyembro ng Viva Hot Babes. Noon pa naman daw ay marami na siyang natatanggap na malalaswang proposals mula sa mga lalaki, pero ni isa raw sa mga iyon ay hindi niya pinag-ukulan ng pansin.


Kahit ilang taon na raw ang nakalipas matapos niyang iwan ang tugatog niya bilang sexy star, patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng alok na mas mataas pa raw kaysa noon.


Sey niya, “Marami ka talagang mami-meet na they just want to get in your pants. Hanggang ngayon ang dami, eh!”





Aktres sa Obsession… 

JANINE, PROUD NA NAKA-FOLLOW SA KANYA SI INDE NAVARRETTE



NAGING fangirl si Janine Berdin dahil nag-follow sila ni Inde Navarrette sa isa’t isa sa Instagram (IG).


Ibinahagi ni Berdin sa X (dating Twitter) na simula June, 2026 ay nakasubaybay na sila sa isa’t isa ng aktres ng Obsession.


Ipinakita sa kanyang post ang screenshot ng kanilang unang pag-uusap, kung saan ipinahayag ng mang-aawit at aktres ang kanilang paghanga sa trabaho ng isa’t isa.


“Hello!!! IDK (i don’t know) IF YOU JUST CLICKED IT BY ACCIDENT BUT Oh my God THANK YOU FOR FOLLOWING ME, this is so crazy because I’ve seen your new film TWICE IN THE THEATERS HERE IN THE PHILIPPINES because it’s AMAZING and you WERE AMAZING AND YOU ARE AMAZING! I’m genuinely fangirling so hard. You are one of the most talented actresses ever to me. I know it doesn’t mean anything at all, but just now Obsession is in this little Filipina’s Letterboxd top 4,” ani Janine sa kanyang X account.


The screenshot also showed a snippet of Inde’s reply, which read, “OMG! OMG I LOVE YOU! I’m such a fan!! Your music is on repeat for me!”


Ang post ni Janine ay lumabas matapos mapansin ng isang tagahanga na nag-repost si Inde ng video sa TikTok (TT) ng mang-aawit.


“Okey, magagamit ko ‘to bilang dahilan para mag-flex ngayon. ‘Di ako nag-post tungkol dito dahil inirerespeto ko s’ya at mahal na mahal ko s’ya… Sinusundan n’ya ako sa Instagram (IG) at talagang nag-uusap kami. Nag-follow sa akin si Inde Navarrette, si Janine Berdin mula sa Mactan, Cebu,” sey ni Janine.


Si Inde Navarrette ay pumatok sa indie horror movie na Obsession ng Focus Features. Ipinalabas noong Mayo 2026 na may badyet na $750,000, ang pelikula ay isang hindi inaasahang tagumpay dahil kumita ito ng $148 milyon sa buong mundo sa loob ng dalawang linggo.





PINASAYA ni Jinkee Pacquiao ang kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng pagbabahagi ng nakaaantig na mga sandali ng pamilya mula sa isang pagtitipon sa Los Angeles, California kasama ang kanyang apo na si Clara.


Nakunan ng mga larawan ang pamilyang Pacquiao na nagsasaya. Siyang-siya naman ang magandang grandma ni Clara sa pamimili ng mga laruan para sa apo.


Nagbahagi rin si Jinkee ng isang madamdaming pamamaalam kina Clara at Carolina, na nagpapakita ng malalim na ugnayan ng pamilya sa kabila ng kanilang distansiya.


Ang mga nakaaantig na kuha ay nagpakita ng masayang relasyon ng pamilya na ikinatuwa ng maraming tagasuporta ni Jinkee sa social media.


Halatang sabik na sabik sina Manny at Jinkee sa pagiging lolo’t lola.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 26, 2026



BIDA - DONNY AT BELLE, PINE-PRESSURE NA GUMAWA NA NG BABY-IG _belle_mariano

Photo: IG _belle_mariano



Nakakaaliw ang comment sa Instagram post ni Donny Pangilinan na karga ang pamangkin (anak ng sister niyang si Ella) at may caption na: “Tito is homeee” habang nakatitig siya sa baby.


Paano ka naman hindi maaaliw sa mga comments na “Cute ng baby ni Belle” na ang tinutukoy ay ang ka-love team ni Donny na si Belle Mariano? 


May comment pa na “Pauwi na si Mommy” na si Belle pa rin ang tinukoy. 

“Okayy! After 2 years, feel ko magpapakasal na kayo ni @belle_mariano, tapos magka-baby na kayo. Yieee! Chaaar!”


May comment pa na “Daddy Donato NEXT!” na para bang pine-pressure si Donny na mag-asawa para magka-baby na.  


May comment ding “Plot twist, kasama si Belinda sa bahay tapos siya kumuha ng pic.” 

At ang mas nakakatawa pa ay “Anak natin ‘yan Donny, sana maamin mo na sa mundo. Huhuhu!”    


‘Katuwaan lang naman ng mga fans nina Donny at Belle ang mga comments, hindi dahilan para magalit ang ibang fans sa fans na gusto nang magka-baby si Donny sa kanyang ka-love team.


Pero, tama ang nag-comment na paano raw ba magkaka-girlfriend si Donny at paano rin magkaka-boyfriend si Belle kung tutok sa kanila ang kanilang mga fans? 


Paano raw kung ma-in love sa iba ang dalawa at hindi sa isa’t isa?


‘Yan ang aabangan nating lahat. But for now, hayaan muna nating i-enjoy ni Donny ang pagiging tito sa una niyang pamangkin.





Piktyur, kumalat… 

BEA, LIPAT-BAHAY NA PARA MAKASAMA ANG MISTER NA SI VINCENT



BONGGA ang collaboration nina Anne Curtis at Bea Alonzo ng kani-kanyang ine-endorse na product. 


Anne with her BLK endorsement of make-up line and Bea with her Bash Manila products. 


Sa photos, makikitang nakalagay sa Bash pouch ang BLK make-up line. Kapag lumabas na sa market ang collab na ito, siguradong papatok.


Ang Bash Manila ay travel lifestyle essentials gaya ng luggages, bags, tote, packing cubes at ngayon, make-up pouch. Unexpected daw ang collab na ito at maganda kung sino ang nakaisip dahil mabilis tatanggapin sa market.


Speaking of Bea, mula nang ikasal kay Vincent Co, hindi pa uli sila nakitang magkasama in public. Nang manood sa PETA ang aktres, mga kaibigan ang kasama nito. 


Nagtatanong ang mga fans kung kailan uli makikitang magkasama ang mag-asawa.

Samantala, may kumalat ding picture ni Bea na napapalibutan ng mga boxes at mukhang handang-handa na ito sa paglilipat-bahay.


Hindi naman kataka-taka kung magsasama na sila sa bahay ni Vincent dahil mag-asawa na nga sila.





INIHALINTULAD ni Director Roman Perez, Jr. kay Amanda Page si Alecca Adarna, ang bida sa pelikula niyang Todo Kayod2.


Amanda Page raw ang datingan ng VMX star, mula sa mukha, tindig at aura. Pareho rin daw maputi, makinis at inglesera ang dalawa at isa ito sa mga mapapansin ng mga fans at subscribers ng VMX kapag napanood ang dalaga sa movie. 


Grateful si Alecca sa mga papuri ni Direk Roman at lalo raw siyang inspiradong magtrabaho kung ganitong malaki ang paniniwala sa kanya ng kanyang director. 

Pinasalamatan din nito ang mga nagiging co-stars sa VMX movies na nagawa na niya, very welcoming at mabilis siyang tinanggap.


Kuwento ni Alecca, matagal na siyang ine-encourage ng mga kaibigan na pasukin ang showbiz at ang sabi pa ng mga friends niya, bagay siya sa VMX dahil nga maputi, makinis at sexy. Ginawa nga ito ng dalaga at heto siya ngayon, magsasabog ng kaseksihan sa VMX.


Nabanggit nito na gusto rin niyang makatawid sa mainstream at alam na tutulungan siya ng Viva na matupad ang pangarap niyang ito. 

Sa ngayon, masaya siya sa mga ginagawa niya sa VMX and she’s willing to bare more.


Related kay Ellen Adarna si Alecca at taga-Cebu rin siya. Nakakatuwa na hindi niya ginagamit si Ellen para siya makilala at magkaroon ng more projects. 

Magsisipag daw siya para mas gumaling pa at para mas mabigyan ng more sexy projects sa VMX and later on, sa Viva Films.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 25, 2026



WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla

Photo: IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla



SI Sen. Robin Padilla daw ang susunod na presidente ng Pilipinas. 


‘Yan ang pahayag ni Atty. Salvador Panelo sa kanyang latest interview.

“‘Pag si Inday Sara (Duterte), ‘di tumakbo for whatever reason, papatakbuhin natin si Robin Padilla S’ya ang susunod na presidente,” mariing sabi ni Atty. Panelo.


Naniniwala ang abogado na malaki ang tsansa na manalo ang aktor-pulitiko bilang pangulo. Remember, si Sen. Robin ang nag-number one sa Senate race noong nakaraang election, at first term pa lang niya.


“Tandaan mo ‘yang si Sen. Robin Padilla. During the survey, tumatakbo lang ang survey n’ya sa number 9, 10, 11. Madaling sabi, nasa bottom line. Marami nga ang nagsasabi, ‘‘Di mananalo ‘yan, ex-convict ‘yan. Artista lang ‘yan, ‘di naman graduate ‘yan.’ Ang ‘di nila alam, graduate ‘to ng Criminology kaya may alam sa batas. Nag-aral ng pagka-pulis, eh,” depensa pa ni Atty. Panelo kay Sen. Robin.


Umalma ang mga netizens sa pahayag ni Atty. Panelo tungkol sa posibilidad ng pagiging presidente ni Sen. Robin sa susunod na election.


“MAAWA TAYO SA PILIPINAS. Lugmok na lugmok na ang bansa natin.”

“Eh, di wow na. Good luck!”


“Gusto ni Panelo because they can manipulate Robin thereafter.”


“Mind conditioning na ba ‘yan para sa Plan A to Z? (laughing emoji). Kawawang Pilipinas ‘pag nagkataon.”


Ganern?!





HUMABA na ang usapin dahil kay Direk Erik Matti matapos niyang i-repost ang Facebook (FB) post ng direktor at cinematographer na si Neil Daza.


Diretsong inamin ni Direk Erik na siya ang tinutukoy online sa post ni Neil.

“So much passion for making films, yet no passion to show up when it comes to labor issues,” post ni Neil.


Pumutak si Direk Erik sa caption ng kanyang IG post para sa kapwa direktor.

Sey ni Direk Erik, “Ikaw na ang tagapaglaban ng industriya, Neil Daza. Ikaw na ang sukatan kung sino ang may malasakit sa pelikula at sa labor.


“Nagreklamo ka. Nagkaroon ng meeting sa Film Academy of the Philippines (FAP). Mabuti. Karapatan mo ‘yan. At ginagalang ko ‘yan. Naka-dalawang meeting na nga kayo. Tatlo dapat, pero sa isa, ‘di naman kayo sumipot.


“Pero ‘di naman mandatory ang attendance ko sa meetings na ‘yan. Nand’yan ang producer namin.


“‘Di ako pumunta. Marami akong ginagawa. ‘Di ibig sabihin nu’n, wala na akong pakialam sa industriya.


“Ang nakakatawa, parang gusto mong sukatin ang pagmamahal ng tao sa pelikula base sa attendance sa meeting. Ganu’n na ba ngayon?”


Alam daw ni Direk Erik na siya ang tinutukoy sa FB post ni Neil dahil galing daw sa FAP mediation si Neil at hinahanap siya, pati si Dondon Monteverde.

Aniya, “‘Wag mo na daanin sa general statement. Alam naman ng lahat sa industriya na gigil ka sa akin.” 


Pagpapatuloy ni Direk Erik, “Diretsuhin mo ako, diretso akong tao. Eto, diretsuhin kita. ‘Di ko gusto ang ilaw mo, medyo TV. Dati maganda. Ngayon, ‘di na. ‘Yan, diretso. Sinasabi ko opinyon ko sa ilaw mo, I’m sure, ‘di mo rin gusto mga pelikula ko. Ayos lang.


“Klaruhin ko lang po, ‘di attendance ang sukatan ng malasakit sa industriya. At lalong ‘di ikaw ang magbibigay ng grades kung sino ang may passion at sino ang wala.


“Bawat isa sa atin, may kani-kanyang paraan ng pagtulong sa industriyang ito. Hindi lang ‘yung paraang gusto mo.


“At kung ang batayan mo ng pagmamahal sa pelikula ay kung sino ang present sa meeting, napakababaw naman ng standard na ‘yan.


“May respeto ako sa 'yo dahil sa trabaho mo. Kaya binaitan ko ang post na ‘to. Sana, may respeto ka rin sa akin.


“Tapusin na natin ito sa FAP. ‘Wag mo dalhin sa social media. May reklamo ka na nga sa FAP, may patutsada ka pa sa FB.


“Du’n na natin sa FAP tapusin. Kung manalo ka sa isyu mo, eh, di good. Kung manalo kami, eh, di sorry.”


Sinilip namin ang FB account ni Neil. Wala kaming nakita na post niya bilang sagot sa mga sinabi ni Direk Erik. Baka naman magkakausap na lang sa personal.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page