top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 27, 2026



TEKA NGA - RICHARD MERCK, ‘DI PINAMANAHAN NI NORA-FB Circulated

Photo: FB Circulated



Nakausap namin recently si Richard Merck nang pumasyal ito sa Kamuning Bakery Cafe kasama ang kanyang misis. At dahil nababalita na isa siya sa pinamanahan ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor, natanong namin siya tungkol dito.


Open naman sa showbiz na naging misis ni Merck si Nora. Nagulat nga siya dahil hindi siya aware tungkol sa isyu ng mana.


Itinanggi ni Merck na may iniwang mana ang Superstar sa kanya. Ikinalungkot at nanghinayang siya sa pagpanaw nito. Napabayaan ni Nora Aunor ang kanyang kalusugan.


Nabanggit din namin kay Merck ang tampuhang namagitan sa magkakapatid na Ian, Lotlot at Matet dahil sa isyu ng pamanang naiwan. Pero sa bahaging ito ay hindi raw siya nakikialam sa usapin ng mga anak.


Nagkakausap naman daw sina Merck at Ian de Leon, at may communication din sila ni Matet.


Ngayon, 70 years old na siya at nagso-show sa mga casino. Medyo pumayat lang siya ngayon, pero tahimik at masaya ang kanyang buhay. 

Dalawa ang naging anak ni Richard sa una niyang misis na yumao na.





TEENAGER na ngayon si Ellie, ang anak nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann, kaya doble ang ibinibigay na atensiyon at pangangalaga sa kanya. Marami nang pagbabago kay Ellie ngayong nagdadalaga na siya.


Nasubaybayan ni Jake ang mga kaganapan sa buhay ni Ellie mula nang ito’y bata pa. Magkasama silang nagbabakasyon abroad tuwing summer break sa school ni Ellie. Pati sa pag-aaral ay natutukan ni Jake ang anak.


Maganda rin ang setup ng co-parenting nila ni Andi. Minsan, kapag summer vacation ay namamalagi si Ellie sa Siargao upang makapiling ang kanyang mommy at ang dalawa niyang kapatid.


Samantala, maraming kaibigan ni Jake Ejercito ang nagsasabing nakalimutan na nito ang love life dahil sa pag-aasikaso kay Ellie. Umiikot na lang ang mundo ng aktor sa kanyang unica hija.

Nagpapasalamat naman si Andi kay Jake dahil napalaki nito nang maayos ang kanilang anak. Napakabait at mapagmahal nito.





Iniwan man ng ilang showbiz friends….

ARNELL, SUPORTADO NG MGA OFWS



INAMIN ni Arnell Ignacio na may mga dati siyang kaibigan na lumayo at dumistansiya sa kanya nang magkaroon siya ng problema sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kaya hindi niya maiwasang magtampo sa mga ito.


Gayunman, may mga kaibigan naman sa showbiz na dumamay sa kanya nang dumating ang matitinding pagsubok sa kanyang buhay. Unang-una na rito ang King of Talk na si Boy Abunda. Tumawag daw si Abunda at kinumusta siya.


Maging sina Ai Ai delas Alas, Janice de Belen at Edu Manzano ay dinamayan si Arnell. Nagbigay din ng moral support ang maraming OFWs (Overseas Filipino Workers) na nag-text at nagme-message sa kanya at pinalalakas ang kanyang loob.


Regular ding dumadalaw ang mga non-showbiz friends ni Arnell sa kanyang lugawan sa Marikina upang siya ay aliwin at patawanin. Kahit paano ay nababawasan ang kanyang depression at stress sa buhay.


Sa likod ng kanyang pagiging komedyante, may panahon ding naaapektuhan siya ng mga intriga at problema. Pero patuloy siyang bumabangon at lumalaban.

Thankful si Arnell sa mga OFWs na ipinagdarasal na malagpasan niya ang mga pagsubok sa buhay.





MARAMING viewers ng The Master Cutter (TMC) ang nakikiusap sa writer ng serye na huwag munang patayin ang character ni Shuvee Etrata bilang si Tonet. Marami kasi ang naaaliw sa kanya, kuwelang-kuwela ang aktres at may pagka-kikay pa.


Tiyak na ikalulungkot nina Ibyang (Sienna Stevens) at Ate Eme (Jo Berry) kapag nawala si Shuvee sa TMC. Siya ang makakatuklas ng tunay na pagkatao ng anak nina Audrey (Max Collins) at Natoy (Dingdong Dantes).


Bigyan pa raw ng extension ang exposure ni Shuvee sa serye. 

Well, kailan kaya papasok ang character ni Jennylyn Mercado?


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 27, 2026



TALKIES - HEART, MAGRE-REPLY DAW SA EX ‘PAG NAG-TEXT-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte




“Magre-reply ako,” ito ang nakakagulat ngunit nakakatawang sagot ni Kapuso actress Heart Evangelista nang tanungin kung ano ang gagawin niya sakaling bigla siyang i-chat ng kanyang first love ngayong muli itong single.


Napag-usapan ang tungkol sa mga ex sa pinakabagong episode ng The People Have Spoken (TPHS), kung saan magkasamang hosts sina Heart Evangelista at Sean Lucas.


Sa umpisa ng usapan, si Heart ang nagtanong kay Sean.


Aniya, “Paano ba ‘to? Bigla raw nagparamdam ang first love mo ngayong single ka na ulit. Ano’ng gagawin mo? Re-reply-an mo ba ‘yan o makikita ko na lang sa TikTok?”


Napatawa naman si Sean sa tanong at pabirong sumagot, “Hoy, grabe! Ba’t bigla akong na-hot seat? Pero ako, isi-seen zone ko na lang siguro. Pero ito, ikaw ang gusto kong malaman. Kung kinumusta ka bigla ng first love mo, what would you do?”


Walang pag-aalinlangang sumagot si Heart, “Magre-reply. Hahaha!”


In fairness, muli na namang napangiti si Heart nang mapag-usapan ang kanyang ex. 

Well, ano kaya ang magiging reaksiyon ng mister niyang si Chiz Escudero sa pahayag na ito? 


Pakihulaan nga, madlang people!





Ibinida ng aktres-beauty queen na si Megan Young sa kanyang Instagram (IG) ang ilang larawan na nagpapakita ng kanyang fitness journey.


Ayon kay Megan, “It’s been quite the journey! Sobrang hirap dahil ‘di ako kumuha ng shortcuts at kinailangan kong maging disiplinado sa aking workouts at food intake. But we’re not stopping here — road to building muscle, here we go!”


Matatandaang nanganak si Megan noong Mayo 20, 2025 sa kanilang unang anak ng kanyang asawang si Mikael Daez. Isang baby boy na pinangalanan nilang Leon.





ANG ina ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na si Angelica Yulo ay nagbahagi ng mga larawan sa kanyang social media post kasama ang kanyang mga magulang at asawa niyang si Mark Andrew Yulo.


Ibinahagi niya ang kanilang first domestic travel bilang pamilya pero hindi kasama ang kanilang mga anak kundi ang mga magulang nila.


Ikinuwento rin niya ang saya ng kanyang ama na unang beses na nakasakay ng eroplano.


Ayon sa kanyang post, “First domestic travel together.”


Dagdag pa niya, “Giving them the world because they gave me mine. Lord, ipanalo Mo ako not for myself but for the people who I love the most.”


Ibinahagi rin niya ang excitement ng kanyang ama, “‘Yung tatay mo na first time sumakay ng eroplano, sobrang excited s’ya.”


Enjoy your vacation, Angelica and Mark Yulo!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 27, 2026



SPECIAL - JERIC, HAPPY PARA KINA RABIYA AT JAKE-IG _jericgonzales07 & _rabiyamateo

Photo: IG _jericgonzales07 & _rabiyamateo




Video na pakakasalan ang girl, kumalat…

JERIC AT PRODU SA MOVIE, UMAAKTING LANG DAW


Determino ang lady producer ng A&S Productions na si Ms. Sucil Nipa na gumawa ng mga de-kalidad na pelikula dahil malaki raw ang paniwala niya na magagaling na aktor ang kanyang nakuha para magbida sa mga pelikulang naka-line-up gawin ng kanyang production company.


Sa ginanap na movies launching ng A&S Productions sa Manila Hotel last Thursday, dumating nga ang ilang big stars ng industriya sa pangunguna nina Ms. Tessie Tomas, Bembol Roco, Jay Manalo, Art Acuña, Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Kaleb Ong, at Direk Joel Lamangan upang mag-represent sa mga pelikula nila under A&S Productions.

Una nang natapos actually ‘yung Senior Moments na bida sina Ms. Tessie, Nova Villa and Noel Trinidad at palabas na this August 2026.


Susunod namang ipapalabas on September ang Deadly Hours na pinagbibidahan nina Bembol Roco at Jay Manalo na gumaganap na mag-ama sa movie.


Si Kristoffer ay bida naman sa The Death Wish, habang si Jeric ay dalawang pelikula ang gagawin, ang A Doctor's Prayer kasama si Art Acuña at Hello, Mr. Chen kasama ang award-winning actor-director na si Direk Joel Lamangan.


Of course, super happy si Jeric na 2 movies ang ipinagkatiwala sa kanya ni Ms. Sucil, na minsan nang na-link sa kanya matapos mag-viral ang video na sweet sila at tinatanong siya ng producer kung pakakasalan ba niya ito, na sinagot lang niya ng “Darating tayo d'yan.”


Walang naging pahayag si Jeric about sa video pero si Ms. Sucil ang sumagot na nagwo-workshop lang daw sila that time. May nagkalat lang ng video na ginawan ng malisya ang eksena nila, ayon pa sa produ.


Hindi na namin tinanong si Jeric about sa controversial video dahil nagpasabi na ang handler niya under Sparkle na no personal questions. So, na-gets na naming ayaw nilang pag-usapan ito.


Kaya nang ma-one-on-one interview namin si Jeric, ang kinumusta na lang namin sa kanya ay ang hiwalayan nila ni Rabiya Mateo, na ngayon ay haping-happy na sa BF na si Jake Cuenca.


Sabi ni Jeric, maayos ang naging hiwalayan nila ni Rabiya at bagama't ‘di pa sila nakakapag-usap uli ay open naman daw sila sakaling may kailangan sila sa isa't isa.

Nakikita rin daw niya ang mga sweet photos at video reels nina Rabiya at Jake sa

socmed at masaya siya para sa dalawa.


Hindi raw niya personal na kilala si Jake pero alam niyang magaling na aktor ito kaya kung mabibigyan sila ng chance na magkasama sa isang project ay very much willing siya.


Thankful si Jeric sa opportunity na ibinigay sa kanya ni Ms. Sucil at this time, mas magpo-focus daw siya sa kanyang acting career kesa sa love life.


Well, sana nga dahil sayang, guwapo na ay magaling pang aktor si Jeric, pero bakit nga ba mas maingay ang love life niya kesa sa performance niya bilang aktor?

Good luck naman to Ms. Sucil at sana nga, maging big success ang pagpasok niya sa movie production.





AKTOR, NABUNTIS ANG TAGA-PRODUKSIYON NG SERYE, TANGGAP PA RIN NG DYOWANG AKTRES




BLIND ITEM


BLIND ITEM:


Kalat na pala ngayon at marami nang nakakaalam na nabuntis ng isa sa mga aktor sa serye ang isa sa mga bossing sa production. Nagkasama sa isang nagtapos nang serye ang dalawa at mukhang du'n sila na-develop sa isa't isa dahil sa halos araw-araw nilang taping.


Ang siste, may dyowang aktres ang aktor at matagal na ang kanilang relasyon. Kaya naman nang papiliin ng nabuntis na girl si aktor, siyempre ay si dyowang aktres pa rin ang pinili niya.


Dahil mahal din talaga ng aktres ang aktor, tinanggap pa rin niya ito, pero may kapalit nang kondisyon.


From now on, siya na ang hahawak ng pera ng aktor at sa kanya rin manggagaling ang sustento nito sa nabuntis na girl na malapit nang manganak.


Naku, ‘wag n'yo na akong tanungin sa clue, pahulaan na lang natin sa mga manghuhula d'yan sa Quiapo. Char!!! ‘Yun na, mga Ka-Bulgar!!!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page