top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 28, 2026



BULGARY - CARMINA, SHOCKED NA ‘DI PA RIN NAKA-MOVE ON ANG MADLANG PIPOL SA NANGYARI SA LOVE LIFE NIYA-IG _mina_villaroel

Photo: IG _mina_villaroel



Hindi pa rin nakaka-move on ang ilang netizens sa mga nakaraang relasyon ni Carmina Villaroel, bagay na ikinagulat ng aktres nang matanong siya tungkol dito sa kanyang pagge-guest sa YouTube (YT) channel na KC After Hours.


Ayon sa aktres, matagal na siyang nakabawi sa kanyang nakaraan. 

Sey niya, “Minsan, napapaisip ako, pero ngayon natatawa na lang ako. ‘Yung parang, ‘Guys, ‘di pa ba talaga kayo nakakapag-move on?’ ‘Yung parang, ‘Talaga ba?’ I mean, ‘Nawala na nga ‘yung taong ‘yun and yet, ‘di pa rin kayo nakaka-move on?’”


Dagdag pa niya, “Ang iniisip ko na lang is ang dami nilang oras talaga. I’m so naiinggit to them that they have all the time in the world.


“Wala ka namang choice, eh. Wala kang choice, eh. Like I said, we don’t live in a perfect world, so you’re given this situation, ano’ng gagawin mo?


“It’s either gawan mo ng solusyon, mag-move on ka, or namnamin mo ‘yung problema and ganyan ka lang for life.”


Para sa aktres, ang tunay na healing ay nagsisimula sa sandaling tinanggap mo ang reyalidad ng nangyari nang hindi nanunuro o nagkikimkim ng sama ng loob.

“Ako talaga, I wanted to move on. Ang una r’yan is to accept na okay, i-accept mo na this is what happened to me,” pagbabahagi niya.


Aniya pa, “Wala nang sumbat-sumbat na, ‘Kasalanan mo ‘to’ o ‘Kasalanan ko ‘to.’ Wala nang ganu’n kasi parehas n’yo namang ginusto ‘yan. Pareho, eh. It’s just that, ‘yun ang ending, it’s a sad ending. Wala rin namang may gusto nu’n.”


Walang binanggit na pangalan ang aktres kung sino ang kanyang tinutukoy, pero marami ang nag-iisip na baka ito ay ang failed marriage nila ni Rustom Padilla na ngayon ay si BB Gandanghari na.





Viral ang video ni Angelica Panganiban sa promotional reel para sa isang endorsement kung saan binalikan niya ang ilan sa kanyang mga pinakasikat na karakter sa TV at pelikula.


Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ipinakitang mine-make-up-an ang aktres.

Aniya sa caption, “Na-achieve n’yo na ba ang pagkembak (comeback) ng SWIFT Mighty Meaty Hotdog? Our TVC is out and so are the hotdogs! Attack na mga bakla! #siksurapdiba.”


Sa nakakatuwang video, makikita si Angelica na nakasuot ng kaswal na light blue cardigan at maong at handang-handa na para mag-shoot.


Gayunpaman, isa-isang pumapasok sa frame ang iba’t ibang bersiyon ng kanyang sarili upang magbigay ng kanilang mga hindi hinihinging komento.


Kabilang dito ang karakter niya sa Beauty in a Bottle (BIAB), na nagtatanong kung mukha pa ba siyang bata at maganda.


Ang kontrabidang Madam Claudia Buenavista naman sa Pangako Sa ‘Yo ay inuutusan siyang maging mas matapang at mas dramatic.


Iconic line ni Angge, “Puwede mo pang gawing mas matapang! Gawin mo! GAWIN MWOAHHHHH!”


Sabi pa niya, “Nand’yan lang pala kayo mga bakla! Tawag na tayo ni Direk! Tama na ‘yang mga chika! Achieve na achieve na ‘yan!”


Tinanong naman ng makeup artist kung nasaan ang isa pang iconic na karakter ni Angelica na si Rubi.


Sey nito, “ICONIC! Nasaan si Rubi?”


Hilarious namang sagot ni Angelica, “@mikkamarcaida Nahulog kasi sa building si bakla.”

Ang biro niyang iyon ay tumutukoy sa naging kapalaran ng karakter ni Rubi sa teleseryeng Rubi, kaya maraming longtime fans ang naka-gets sa reference at natuwa rito.


Sa huli, napailing ang totoong Angelica at sinabing “Ano ba ‘yan! Ang dami n’yo namang sinabi. Ako lang ‘to, ‘noh?!”


Marami ring celebrities ang natuwa sa konsepto at nagkomento.

Sabi ni Ria Atayde, “Walang sinabi ang Spider-Verse sa Angelica Multiverse.”

Sey naman ni Eugene Domingo, “The essential Angelica! I love you!!!”


Sey pa ng ibang friends ni Angge, “Nag-iisa lang ‘yan, pero apat sila. Akalain mo ‘yun.”

“The range of the one and only @iamangelicap.”

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 28, 2026



BIDA - JULIE ANNE SAN JOSE, UMAMING NAANING SA FIRST LOVE-IG _myjaps

Photo: IG _myjaps



Naghulaan ang mga fans kung si Alden Richards ba o si Benjamin Alves ang tinukoy ni Julie Anne San Jose na first love niya na ‘nagpaaning’ sa kanya. 


Nabanggit ito ng singer-actress sa podcast na TRGGRD!, short for triggered, hosted by Thea Astley, Sean Lucas, Jeff Moses, Vince Maristela, at Cheska Fausto. 


First time inamin ni Julie na hindi right time sa kanilang dalawa ng guy ang magkaroon ng relasyon noong panahong ‘yun.


Aniya, “Naaning talaga ako. And then we both had the peak of our careers siguro. So,

parang inaway-away kasi s’ya ng mga fans yata. Siguro, naging factor din ‘yun na ‘Career muna ‘ko,’ ganyan. So, I thought we had a good thing.”

Mas marami ang naniwalang si Alden ang tinukoy ni Julie dahil ‘first love’ at hindi first boyfriend ang binanggit nito. 


First boyfriend niya si Benjamin, pero si Alden ang first love niya. Hindi nga lang umabot sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Alden dahil nagkagulo nga ang mga fans.


Nag-away-away sila at dahil mas sikat si Julie that time, inakusahan si Alden na ginagamit ang singer-actress. 


Natatandaan namin, pumanaw ang mom ng aktor at ginamit ‘yun ng mga fans para i-bash si Alden, na sobrang naapektuhan. Isa ‘yun sa mga rason kung bakit nagkaroon ng isyu ang dalawa. Matagal silang hindi nagbatian at hindi nag-usap.


Natatandaan din namin na nabanggit ni Julie na nasa States siya nang magkagulo ang mga fans nila ni Alden. Pagbalik niya from the States, hindi na sila nag-usap at matagal na nagdedmahan.


Matagal din bago naging friends ulit sina Alden at Julie at ngayon, pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay. Nag-uusap na sila at okay na magkasama sa project. 

May boyfriend na si Julie, samantalang si Alden ay naghahanap pa ng kanyang true love.





UMAPELA ng blood donors sa publiko si Martin del Rosario para sa ama niyang may sakit at sasailalim sa triple bypass surgery sa puso. Kailangan ni Martin at ng kanyang pamilya ng 16 blood donors para sa ama na si Robert del Rosario, na naka-confine sa Philippine Heart Center.


Nauna nang nagpasalamat si Martin sa magbibigay ng tulong at pinayuhan ang magdo-donate na mag-send sa kanya ng direct message para sa details kung paano makakapag-donate ng dugo.


Aniya, “IN NEED OF BLOOD DONATION. We are urgently looking for 16 blood donors for my dad who will be undergoing triple bypass surgery.”


Binanggit din ni Martin na kailangang 16 to 65 years old ang donor, at least 110 pounds, in good health, at must be feeling well. 


Hopefully, may mga lumapit nang blood donors kina Martin para makatulong sa heart operation ng ama.





Aktres na fiancee, inirampa sa SONA 2026…

YASSI, OBYUS NA AYAW PAKAWALAN SI CONG. LUIGI SA HIGPIT NG KAPIT



FIRST public appearance ni Rep. Luigi Villafuerte at fiancée na si Yassi Pressman sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni President Bongbong Marcos (PBBM) kahapon, July 27. 


They make a lovely pair at ikinatuwa ng mga netizens ang paghawak ni Yassi sa braso ng fiancé.


Mahigpit daw ang hawak nito na tila hindi pakakawalan, at hindi siya bumitaw habang ini-interview si Cong. Luigi. 


In fairness kay Yassi, tahimik lang siya sa tabi, nakinig lang sa mga sagot ni Rep. Villafuerte at hindi sumingit sa usapan.


Sa kanyang Instagram (IG), ipinost ni Yassi ang suot niyang Filipiniana sa SONA. Simple pero maganda ang kanyang suot at sinabayan ang simple ring Barong Tagalog na suot ng fiancé.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 27, 2026



WINNER - MAYMAY, TODO-THANK YOU NA JACKPOT SA AFAM NA BF-IG _maymay

Photo: IG _maymay




Labis ang pasasalamat ni Maymay Entrata sa relasyon niya sa kanyang American boyfriend na si Joaquin Enriquez. Ibinahagi niya ang kanyang saya sa mga larawan ng sweet moments nila.


Ayon kay Maymay, “Sharing this to show you all that this kind of love truly exists. God is good. 2gether4ever (together forever).”


Nag-emote si Maymay sa bawat picture sa kanyang latest IG post.

Sabi ni Maymay, “I thank God every single day for giving me the man I used to pray for...


“Alam kong you’ve been through so much, my love. Ang dami mong pinagdaanan. You’ve experienced pain, feeling alone, people leaving you, hurting you, and disrespecting you. Pero kahit ganu’n pa man, you never let your pain change who you are. You still choose to be kind. You still choose to respect people. You still choose to love. Kaya ang dali mo lang akong napamahal sa ‘yo.


“You came into my life at a time when I was slowly losing hope. Akala ko baka ‘di na talaga darating ‘yung taong ipinagdarasal ko. But God had a different plan. He gave me you. Thank you for loving me so gently.


“Thank you for always being consistent. For opening every door for me. For making me feel like I’m the most beautiful girl in the world, kahit sa mga araw na feeling ko, I’m at my worst. Thank you for listening to understand me, not just to answer. For praying with me every single day.


“Thank you kasi niligawan mo rin si Lola with so much respect.

“For flying all the way to the Philippines for just three days para makasama ako sa birthday ng mama ko, kasi alam mong magiging sobrang malungkot ako sa araw na ‘yan.


“Thank you for never disrespecting me, not even as a joke. Thank you for never making me feel small. You’re always so mindful of my heart.


“You do the smallest things every day just to make me smile. You cry when I cry. My happiness becomes your happiness. And no matter how busy life gets or how far the distance is, you always find a way to see me every month.


“Minsan naiisip ko... What did I ever do to deserve this kind of love? Maybe I never earned it.


“Maybe this is simply God’s grace, His way of reminding me that He heard every prayer I whispered when no one else knew I was crying.


“Thank you for loving me in a way that feels safe. Thank you for reminding me that real love is gentle, patient, consistent, and full of respect.


“Thank you for your heart. A heart that loves so deeply and gives so selflessly.

“Marami pa tayong pagdadaanan na mga pagsubok, pero hangga’t alam kong ako lang ang gusto mong makasama habang buhay, asahan mong ikaw lang ang gusto kong uuwian. Mahal kita.”





NAGPARAMDAM muli si Dennis Padilla sa kanyang anak na si Claudia Barretto sa social media.


Nag-post ito ng birthday greetings para kay Claudia sa Instagram (IG) kahapon, July 26, at she’s 27 years old now.


Ishinare ni Dennis ang picture nila ni Claudia sa IG na may mensaheng: “Happy Birthday, Claudia. Love you. Hope to see you soon. – Papa (pray, heart & cake emoji).”


Sa caption ng kanyang IG post ay nag-wish si Dennis para sa anak:

“Praying for more blessings, anak (pray, gift & heart emoji).”


Of course, umani ng iba’t ibang reaksiyon ang pagbati ni Dennis kay Claudia mula sa mga netizens. Kasi nga, akala ng mga netizens ay warla pa rin ang mag-ama.


May nagsasabi naman na baka okay na ulit ang mag-ama kaya binawi ni Dennis ang nauna niyang deklarasyon na ‘titigilan’ na niya ang kanyang mga anak, especially online.


At least, good news na rin ‘yan kung sakali. All is well nga ba between Dennis and Claudia? Ewan lang natin kung okay na rin si Dennis at ang iba pa niyang mga anak gaya nina Julia at Leon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page