ni Beth Gelena @Bulgary | July 28, 2026

Photo: IG _mina_villaroel
Hindi pa rin nakaka-move on ang ilang netizens sa mga nakaraang relasyon ni Carmina Villaroel, bagay na ikinagulat ng aktres nang matanong siya tungkol dito sa kanyang pagge-guest sa YouTube (YT) channel na KC After Hours.
Ayon sa aktres, matagal na siyang nakabawi sa kanyang nakaraan.
Sey niya, “Minsan, napapaisip ako, pero ngayon natatawa na lang ako. ‘Yung parang, ‘Guys, ‘di pa ba talaga kayo nakakapag-move on?’ ‘Yung parang, ‘Talaga ba?’ I mean, ‘Nawala na nga ‘yung taong ‘yun and yet, ‘di pa rin kayo nakaka-move on?’”
Dagdag pa niya, “Ang iniisip ko na lang is ang dami nilang oras talaga. I’m so naiinggit to them that they have all the time in the world.
“Wala ka namang choice, eh. Wala kang choice, eh. Like I said, we don’t live in a perfect world, so you’re given this situation, ano’ng gagawin mo?
“It’s either gawan mo ng solusyon, mag-move on ka, or namnamin mo ‘yung problema and ganyan ka lang for life.”
Para sa aktres, ang tunay na healing ay nagsisimula sa sandaling tinanggap mo ang reyalidad ng nangyari nang hindi nanunuro o nagkikimkim ng sama ng loob.
“Ako talaga, I wanted to move on. Ang una r’yan is to accept na okay, i-accept mo na this is what happened to me,” pagbabahagi niya.
Aniya pa, “Wala nang sumbat-sumbat na, ‘Kasalanan mo ‘to’ o ‘Kasalanan ko ‘to.’ Wala nang ganu’n kasi parehas n’yo namang ginusto ‘yan. Pareho, eh. It’s just that, ‘yun ang ending, it’s a sad ending. Wala rin namang may gusto nu’n.”
Walang binanggit na pangalan ang aktres kung sino ang kanyang tinutukoy, pero marami ang nag-iisip na baka ito ay ang failed marriage nila ni Rustom Padilla na ngayon ay si BB Gandanghari na.
Viral ang video ni Angelica Panganiban sa promotional reel para sa isang endorsement kung saan binalikan niya ang ilan sa kanyang mga pinakasikat na karakter sa TV at pelikula.
Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ipinakitang mine-make-up-an ang aktres.
Aniya sa caption, “Na-achieve n’yo na ba ang pagkembak (comeback) ng SWIFT Mighty Meaty Hotdog? Our TVC is out and so are the hotdogs! Attack na mga bakla! #siksurapdiba.”
Sa nakakatuwang video, makikita si Angelica na nakasuot ng kaswal na light blue cardigan at maong at handang-handa na para mag-shoot.
Gayunpaman, isa-isang pumapasok sa frame ang iba’t ibang bersiyon ng kanyang sarili upang magbigay ng kanilang mga hindi hinihinging komento.
Kabilang dito ang karakter niya sa Beauty in a Bottle (BIAB), na nagtatanong kung mukha pa ba siyang bata at maganda.
Ang kontrabidang Madam Claudia Buenavista naman sa Pangako Sa ‘Yo ay inuutusan siyang maging mas matapang at mas dramatic.
Iconic line ni Angge, “Puwede mo pang gawing mas matapang! Gawin mo! GAWIN MWOAHHHHH!”
Sabi pa niya, “Nand’yan lang pala kayo mga bakla! Tawag na tayo ni Direk! Tama na ‘yang mga chika! Achieve na achieve na ‘yan!”
Tinanong naman ng makeup artist kung nasaan ang isa pang iconic na karakter ni Angelica na si Rubi.
Sey nito, “ICONIC! Nasaan si Rubi?”
Hilarious namang sagot ni Angelica, “@mikkamarcaida Nahulog kasi sa building si bakla.”
Ang biro niyang iyon ay tumutukoy sa naging kapalaran ng karakter ni Rubi sa teleseryeng Rubi, kaya maraming longtime fans ang naka-gets sa reference at natuwa rito.
Sa huli, napailing ang totoong Angelica at sinabing “Ano ba ‘yan! Ang dami n’yo namang sinabi. Ako lang ‘to, ‘noh?!”
Marami ring celebrities ang natuwa sa konsepto at nagkomento.
Sabi ni Ria Atayde, “Walang sinabi ang Spider-Verse sa Angelica Multiverse.”
Sey naman ni Eugene Domingo, “The essential Angelica! I love you!!!”
Sey pa ng ibang friends ni Angge, “Nag-iisa lang ‘yan, pero apat sila. Akalain mo ‘yun.”
“The range of the one and only @iamangelicap.”

