top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 29, 2026



TEKA NGA - SARAH, BUNTIS NA RAW KAYA NAPATAWAD NA NG PARENTS-IG _justsarahgph

Photo: IG _justsarahgph



Masayang-masaya ngayon ang mga fans ni Sarah Geronimo dahil sa wakas ay napatawad na siya ng kanyang parents at muli na silang nagkasama-sama.


Isa itong magandang birthday gift sa Popstar Royalty na nagdiwang ng kanyang ika-38 kaarawan noong July 25.


Mahigit limang taon ding tiniis ni Sarah ang pagtatakwil ng kanyang mga magulang nang magpakasal siya kay Matteo Guidicelli.


Sobrang na-miss ni Sarah ang kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin, gayundin ang kanyang mga kapatid.


At ngayon ay dininig din ng Diyos ang mga dasal niya. Lumambot din ang puso ni Mommy Divine at hindi siya natiis. Umiral ang pusong ina nito.


Well, may usap-usapan sa showbiz circle na preggy na raw si Sarah dahil nag-iba ang porma ng kanyang katawan. Wala pang pag-amin mula sa kanila ni Matteo pero marami ang nagsasabi na buntis na si Sarah. Ito raw ang dahilan kaya tinanggap na siya at napatawad na ni Mommy Divine.


Tiyak na ang kasunod nito ay matatanggap na rin nina Mommy Divine at Daddy Delfin si Matteo.





Tulad ni Heart…

JINKEE, NO SHOW DIN SA SONA 2026



NO show si Heart Evangelista sa ika-limang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. nu’ng Lunes, July 27.


Marami pa namang nag-aabang dahil gustong makita kung ano ang isusuot ni Heart na siguradong agaw-pansin sa lahat. 


Kilala siya bilang fashionista kaya nakaw-eksena ang kanyang mga outfit at alahas.


Wala rin sa State of the Nation Address si Jinkee Pacquiao, na isa rin sa mga inaabangan.


Namataan naman ang Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos, kasama ang anak na si Cong. Ryan Christian Recto. 


Dumalo rin si Yassi Pressman, na kasama ng fiancé niyang si Cong. Luigi Villafuerte.


Rumampa rin ang mga senadora na suot ang kanilang Filipiniana dress na gawa ni Michael Leyva.


Sa taong ito ay walang red carpet na inihanda sa ika-5 SONA ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM). Simple at hindi gaanong magagarbo ang mga kasuotan ng mga dumalo kumpara sa mga nakaraang SONA ng pangulo.


Ganunpaman, ang mas inabangan at hinintay ng lahat ay ang pasabog na mga pangako ni PBBM.





NAKARANAS nang masaktan sa una niyang pag-ibig ang Kapuso Limitless Star na si Julie Anne San Jose. Matagal din bago siya naka-move on.


Hindi man niya pinangalanan kung sino ang guy na una niyang minahal, alam sa showbiz na ito ay walang iba kundi si Alden Richards.


Naging close sila noon ni Alden nang nagsisimula pa lang na umarangkada ang kanyang career. 


Umasa si Julie Anne na mauuwi sa seryosong relasyon ang lahat, pero may career silang dapat na unahin.


Maraming fans ang humadlang sa pagitan nila ni Alden, kaya pareho silang nagdesisyon na career muna ang dapat nilang unahin. 


Masakit man, pinilit ni Julie Anne na maka-move on. Ibinuhos niya ang kanyang panahon at atensiyon sa kanyang career.


Ngayon ay nakamit na niya ang kanyang pangarap na makilalang singer at host. Nakatagpo na rin siya ng tunay na pag-ibig sa katauhan ni Rayver Cruz. Nagtutulungan sila sa kanilang career dahil pareho silang mahilig sa musika.


Ipinagkatiwala ng GMA-7 kay Julie Anne San Jose ang pagho-host ng The Clash (TC) at The Voice Kids (TVK). Regular din siyang napapanood sa All-Out Sundays (AOS).


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 29, 2026



TALKIES - “BAHALA NA ANG DIYOS SA BUHAY KO” - DOC WILLIE ONG-FB Doc Willie Ong

Photo: FB Doc Willie Ong



Nagbahagi ng pinakabagong update tungkol sa kanyang kalusugan ang cardiologist, internist at public health advocate na si Doc Willie Ong, na may mahigit 17 milyong followers sa kanyang Facebook (FB) page.


Ayon kay Doc Willie, “Health Update: Kumusta sa lahat ng mahal kong followers. Stable ang condition ko (Stage 4 sarcoma). Itinutuloy ko ang maintenance na gamutan sa akin na immunotherapy at targeted therapy. Minsan good news, minsan may bad news. Bahala na ang Diyos sa buhay ko. I love you all very much. Maraming salamat sa mga panalangin ninyo para sa akin.”


Dagdag pa niya, “I love you all very much. Naantig ako sa mga comments ninyo.”

Matatandaang noong 2024 ay na-diagnose si Doc Willie ng Stage 4 sarcoma, isang uri ng kanser. Sumailalim siya sa malawakang gamutan sa Singapore at patuloy na nagpapagamot.


Praying for your complete healing and fast recovery, Doc Willie. 

God bless you!





HINDI man direktang pinangalanan ni Sen. Robin Padilla ang tinutukoy sa kanyang pahayag, umani ito ng iba't ibang espekulasyon mula sa mga netizens.


May ilang naghihinala na si Lourd de Veyra ang kanyang pinatutungkulan dahil sa kanyang naging pahayag kung saan gumamit ang senador ng word na “lord”. 


Lumitaw ang naturang haka-haka matapos maglabas ang brodkaster ng isang bukas na liham na umano'y para sa mga staff ng senador. Nakiusap kasi si De Veyra sa mga staff ng opisina ng senador na gabayan at alalayan si Padilla sa kanyang gampanin bilang senator-judge sa impeachment trial ni Vice-President Sara Duterte, kasunod ng mga pambabatikos sa kanya online.


Sa kabila ng mga espekulasyon, wala pang kumpirmasyon mula kay Sen. Robin kung sino ang tunay niyang tinutukoy.


Sa isang event, sinabi ng senador na hindi niya kinikilala ang sinumang gumagamit ng impluwensiya o katungkulan upang mangibabaw sa iba.


“Pakiramdam niya, 'lord' siya. Alam n'yo, galit kami sa diyos-diyosan kaya hindi kami naniniwala sa mga 'lord,' lalo na sa mga gambling lord, drug lord," pahayag ng senador.

Iginiit din ni Sen. Robin na hindi dapat idamay ang kanyang mga staff o opisina sa mga isyung personal niyang kinahaharap.


"'Wag mo akong daanin sa ikaw ay media, ikaw ay may platform. Walang kinalaman ang mga nagtatrabaho sa 'kin sa opisina," aniya.


Tungkol naman sa usapin ng impeachment, sinabi ng senador na personal niyang pananagutan ang lahat ng kanyang mga pahayag.


"‘Yang impeachment na 'yan, lahat ng sinasabi ko, akin galing. Ipagpapasa-Diyos na lang kita," dagdag ni Sen. Robin.


Barakallahu feek, Senator Robin. May Allah bless you and grant you goodness!





Na-nega sa sablay na joke…

VICE, BUMAWI, NAGBIGAY NG P70K SA CONTESTANT NG IT’S SHOWTIME



HINDI lang saya ang hatid ng Unkabogable Star na si Vice Ganda (VG) sa kamakailang episode ng It’s Showtime (IS), nagbigay din siya ng karagdagang P70,000 sa contestant na si Budang matapos nitong manalo ng P30,000 sa segment na Laro Laro Pick.


Hindi kasi pinili ng contestant na isang masahista ang jackpot prize at pumayag na ito sa P30K lang na maiuuwi niya. Dahil gustong makatulong ni Vice sa contestant na breadwinner, dinagdagan pa niya ng P70K ang maiuuwi nito.


Todo-pasalamat naman ang contestant sa malaking tulong sa kanilang pamilya ng P100K.


Well, at least, na-bash man last time dahil sa kanyang insensitive joke, may pinasaya na naman si Meme Vice Ganda. 


Good job, VG!


 
 

ni RJ Matociiños (OJT) @Run Wild | July 29, 2026



SPECIAL ARTICLE (RJ) - JAMES, NAWALAN NG P150 M DAHIL SA TIWALA SA KASOSYO SA NEGOSYO-IG _james

Photo: IG _james



Naging emosyonal at bukas ang puso ng actor-singer na si James Reid sa madamdaming panayam sa kanya ng OPM icon na si Gary Valenciano sa Unshaken vlog nito sa YouTube (YT), kung saan inilabas nito ang pinagdaanang matinding depresyon, naging buhay sa showbiz, at ang nakapanlulumong P150 million na nawala sa kanyang negosyo.


"ISSA WOKE ME UP TO ALL OF IT!" pahayag ni James sa naturang panayam.

Inamin ni James na halos lahat ng pinagpaguran at naipon niya sa loob ng sampung taon sa industriya ay pikit-matang nawala dahil sa sobrang pagtitiwala sa kanyang dating business partner.


“I lost P150 million. It’s what I had lost throughout that whole process. That was like the last 10 years of work that I’ve done... It was heavy. I really got tricked into this crazy situation where he had a little bit too much control over what I would spend on and there was a little bit too much trust there," pag-amin ng aktor.


Ayon pa kay James, kahit marami nang nagbabala sa kanya ay ayaw niyang maniwala dahil sa matinding tiwala at pagkakaibigan. 


Sa gitna ng dilim at pagsubok na ito, ang kanyang GF na si Issa Pressman ang naging ilaw niya at nagpadilat ng kanyang mga mata.


“It was Issa actually that woke me up to all of it. She’s the one that really had to like to shake me. Issa was such a huge part of that whole experience... but while this was happening, this was the time that me and Issa started dating, so something even more beautiful happened at the same time,” dagdag pa ni James.


Agad namang inulan ng suporta si James Reid mula sa mga tagasubaybay:

“This is one of my favorite episodes. I love how the conversations just flowed along, and they really went deep and raw without getting too heavy.” 


“This is literally the other side or the real side of James Reid, ladies and gentleman.”

“Lalim talaga ni James. Thanks for this in depth interview, Sir Gary.”





May kani-kanyang gusto, nagkahiwalay din…

MICHAEL, INAMIN ANG NANGYARI SA KANILA NI CASSY



NAGSALITA na ang Sparkle actor na si Michael Sager kaugnay ng tunay na naganap sa pagitan nila ng Kapuso actress na si Cassy Legaspi.


Sa isang panayam, ibinunyag nitong nagkaroon sila ng espesyal na nakaraan ngunit nagdesisyong mag-focus muna sa kani-kanilang karera.


Nilinaw ni Michael na hindi naman ‘naudlot’ ang mayroon sila noon, kundi sadyang nagbago lamang ang panahon at prayoridad nilang dalawa.


“‘Di ko naman masasabing naudlot. Siguro, the times have changed lang and it comes to a level of personal na a bit of something that we just decide on ourselves,” pahayag ng aktor.


Idinagdag pa nitong pareho pa silang bata at nakatutok ngayon sa kani-kanilang showbiz career.


“And ganu’n talaga, we’re both… She’s also very young. I’m still also young focusing on career and I’m just happy that we had good memories together,” paliwanag ng Kapuso actor.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page