top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni RJ Matociños (OJT) @Special Article | July 30, 2026



SPECIAL ARTICLE  - “PINAGKAKAKITAAN KO ANG MGA BASHERS KO” – LUIS IG _luckymanzano

Photo: IG _luckymanzano



Walang preno at punumpuno ng halakhak ang naging one-on-one interview nina Aiko Melendez at Luis Manzano, kung saan ibinunyag ng tinaguriang ‘Lucky’ ng pambansang telebisyon ang kanyang diskarte sa pagharap sa mga online critics at bashers.


“SOCIAL MEDIA BROUGHT OUT A LOT OF COWARDS!” sey ni Luis kay Aiko, sabay sabing hindi siya nangingiming patulan at sagutin ang mga bashers, lalo na kung may totoong mukha at pangalan ang mga ito at hindi troll account.


“‘Di ako sasagot sa troll. ‘Pag sinagot kita, ibig sabihin, may picture ka, at na-research na kita. So, ‘pag sumasagot ako, either na-research ko na o nakuha ko na ‘yung picture mo. 

“Wala, eh, it’s part and parcel of what we do. If it’s something constructive, no problem by all means, kung alam ko ang intensiyon mo is the betterment of my hosting o me in general. Pero kung alam kong troll, eh, di sagutan tayo! Never ako napipikon. Akala ng iba, napipikon ako, pero tawang-tawa ako!” hirit ng host-aktor.


Hindi rin napigilan ni Luis na patamaan ang mga nagtatago sa likod ng mga pekeng profile.


“Social media and anonymity brought out a lot of... sorry to say it, cowards. Kasi iba ang tapang ‘pag kaya mong tumira ng tao nang harap-harapan. Pero kapag wala kang profile picture, abot-langit ang tapang mo!”


Binigyang-diin pa ni Luis na matagal na niyang sinasabi sa kanyang mga nakaraang panayam na pinagkakakitaan niya lamang ang mga bashers at nagpapasalamat pa siya sa dagdag na kita na ibinibigay ng mga ito sa kanyang social media accounts. 


“Pinagkakakitaan ko lang mga bashers ko! Kasi ‘pag may natawa ru’n sa sagot ko sa isang basher, tataas ‘yung engagement ng post na ‘yun. ‘Pag maraming views ‘yun, eh, di tataas pa ‘yung monetization ko! So, habang namba-bash sila, sumasarap ang ulam ko!” pilyong pahayag pa ni Lucky.





MULING pinatunayan ng veteran actress na si Dimples Romana ang kanyang wagas na pagmamahal at pagsuporta sa matalik na kaibigang si Bea Alonzo, matapos siyang maglabas ng damdamin ukol sa mister na ngayon ni Bea na si Vincent Co.


“Para pa rin kaming 16 years old ‘pag nag-uusap!” pagbabahagi ni Dimples na mismong si Bea raw ang nagpadala sa kanya ng larawan nilang dalawa ni Vincent. 

Sa panayam, inalala ng aktres ang kanilang mahabang pinagsamahan mula pa noong pareho silang 16-anyos hanggang sa ngayon na nasa 40s na sila.


Aniya, tuwing mabo-brokenhearted si Bea noon ay sa bahay nila ito tumatakbo. 

Kaya naman nang makita niya ang kaligayahan ng kaibigan ngayong kasama na nito si Vincent, labis din ang saya niya.


“When you’re a friend and you’ve seen your friend cry many times or be broken over and over again, and you finally find somebody who is going to show her the love that she deserves, my heart was at peace. Parang ganu’n ‘yung naramdaman ko, parang at peace ako... and if I’m at peace, I’m sure her heart is also at peace,” emosyonal na pahayag ni Dimples.


Binigyang-diin din ni Dimples kung gaano niya nagustuhan ang pagiging payak o simple ni Vincent at ng buong pamilya nito, na bagay na bagay para sa kanyang matalik na kaibigan.


“I’m just grateful that they found each other,” dagdag pa ng aktres na puno ng pasasalamat para sa bagong kabanata ng buhay-pag-ibig ni Bea.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 30, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - COCO, 4 ORAS NAGKUKULONG SA SASAKYAN SA TAPING, ‘DI LUMALABAS KUNDI PA TATAWAGIN-YT Toni Talks (Screengrab)

Photo: YT Toni Talks (Screengrab)



First time naming nakatsikahan ang theater actor-activist at discoverer ni Coco Martin na si Ihman Esturco sa ginanap na Pan de Panitikan last Saturday sa Kamuning Bakery ni Sir Wilson Flores.


Isa si Ihman sa mga nagbasa ng sarili niyang komposisyon ng tula kasama ang aktor na si Richard Quan, ang human rights lawyer na si Atty. Virgie Suarez at iba pang poets, musicians at artists na dumalo sa event na pinangunahan ni Mr. Vim Nadera (poet, essayist, host at Pan de Panitikan co-founder).


Sa Arizona na pala naka-base ngayon si Ihman na nag-start bilang stage actor, pero last year, kinuha raw siya ni Coco sa Batang Quiapo at ngayon sa Sigabo ay isinama rin siya para guumanap na chief of staff ni Edu Manzano.


Naikuwento sa amin ni Ihman na 13 yrs. old pa lang pala si Coco nang una niyang makilala. Pinsan ito ng isang kaibigan niyang nag-aartista rin. Dahil gusto talagang mag-artista ni Coco, tinulungan niya ito at siya raw ang nagturo rito ng maraming bagay tulad ng pagda-drive, pag-o-open ng account at ipinasok din niya sa theater.


After maka-graduate ni Coco ng HRM, ini-launch niya ito sa film na Masahista, na film debut din ni Direk Brillante Mendoza. 


Hindi raw niya na-foresee na magiging ganito kalaking artista si Coco ngayon dahil nu’ng nag-uumpisa raw ang aktor, napakamahiyain nito. ‘Pag may taping daw, 4 hours nasa loob lang ng sasakyan si Coco at hindi bumababa kung ‘di pa niya susunduin.

Kaya naman sobrang proud daw siya sa narating ngayon ni Coco dahil lahat ng nangyayari rito ay pinagpursigehan at pinagsikapan nito.


Imagine, dati raw ay pinag-PA (personal assistant) niya pa ito sa talent din niyang si Aleck Bovick, nag-assistant director din kay Direk Buboy Tan at umikot sa iba’t ibang trabaho sa produksiyon, kaya ru’n daw talaga natuto nang husto si Coco.


At hanggang ngayon, natutuwa si Ihman na hindi nagbago si Coco, marunong tumanaw ng utang na loob at lumingon sa kanyang pinanggalingan, kaya hindi raw siya nagkamali sa pagtulong dito.


Sabi namin kay Ihman, kung nagbago man siguro si Coco, ‘yun ay mas confident na itong magsalita ngayon kesa noon. Pero aniya, likas naman talagang madaldal si Coco, nailalabas lang niya ang tunay na siya kapag komportable sa mga taong kasama.


At kung hindi man daw ito confident mag-host o magsalita ng Ingles, hindi ‘yun kabawasan ni Coco dahil ang payo niya rito, maging totoo lang sa sarili, ang mahalaga ay marunong makipagkapwa-tao.


Samantala, hiningi namin ang reaksiyon ni Ihman sa mga bali-balitang kasal na raw sina Coco at Julia Montes at may mga anak na raw.


Sagot naman ng discoverer ni Coco, “Alam mo, may kani-kanya tayong buhay, ‘di ba? So, irespeto natin kung ano ‘yung gustong mangyari ni Coco. Ganu’n lang, ‘di ba? Kasi it’s his choice. We never talk about that kasi hindi naman dapat.”


As long as wala naman daw tinatapakang ibang tao si Coco, irespeto raw sana kung ano’ng gusto nito para sa personal niyang buhay.


Hindi lang sa pagiging aktor puring-puri ni Ihman si Coco kundi sa pagiging direktor din. Seryoso raw ito at alam ang ginagawa. Three o’clock pa nga lang daw ng madaling-araw, nagma-mind conditioning na ito ng mga gagawin sa taping ng Sigabo


At kung istrikto man daw si Coco sa set, tama lang ‘yun dahil nagse-set ito ng standard ng professionalism.


Aminado rin si Ihman na lahat halos ay na kay Coco na, kaya ang wish na lang daw niya palagi para sa kaibigang si “Deng-Deng” ay good health at peace of mind.





Baka ‘di lang isa, lima pa ang bisita… LADY POLITICIAN, VIP SA KULUNGAN, REGULAR NA NAGPAPA-DERMA PARA LAGING FLAWLESS AT FRESH



BLIND ITEM


BLIND ITEM:


HINDI showbiz celebrity ang blind item natin pero feeling-artista rin ang ganap ng female personality na ito na galing sa mundo ng pulitika.


Nakulong ang ating bida ngayon na tawagin nating Madam LP (lady politician) nang masangkot sa isang controversial issue na may kaugnayan sa pera.


Akala ba natin ay nagdusa siya habang nakakulong? Wit!!! 


Naku, VIP (not person, but very important politician) ang drama ni Madam LP sa loob ng piitan dahil take note, ha, may pa-jail (hindi home siyempre dahil nasa kulungan nga siya) service siya ng kanyang skincare!


Trulili! May regular schedule ang visit ng kanyang derma para mapanatili niya ang kanyang younger looking skin kahit nakakulong. Gusto pala ni Madam LP na lagi siyang flawless habang humihimas ng rehas.


Kaya pala nang finally ay lumaya na si Madam LP, aba, hitsurang fresh pa rin siya at parang ‘di na-stress. 


Teka, baka naman kasi ‘di lang isa kundi lima pa ang regular visitor niya sa jail? Hahaha!


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | July 30, 2026



INSIDER - JULIE ANNE, KUMANTA KUNG BAKIT HINIWALAYAN NG FIRST LOVE-IG _myjaps & _aldenrichards02

Photo: IG _myjaps & _aldenrichards02



Na-bleep man nang sabihin ni Julie Anne San Jose ang first love niya na ang deskripsiyon niya ay “naaning” o nakaranas siya ng temporary insanity gaya ng paglalarawan ng iba sa mga panahong iyon, pero ang hula ng marami ay si Alden Richards ang tinukoy ng Kapuso singer-actress. 


Sa panayam sa kanya sa online show na TRGGRD! (Triggered), inamin niyang katulad ng iba ay dumaan din siya sa estado ng buhay niya na sobrang nahulog ang loob sa isang tao, nasaktan at nag-iwan sa kanya ng maraming leksiyon sa buhay. 


Ayon pa kay Julie Anne, ang pagiging bata pa nila noong mga panahong iyon at ang pagpaprayoridad nila sa kani-kanilang career ang maaaring dahilan kung bakit naudlot ang kanilang pagkakamabutihan. 


Dagdag pa niya, nakaranas ang naturang aktor ng pang-aaway mula sa mga fans at baka ito ang rason kung bakit umiwas ito at dumistansiya.


Sa panayam naman kay Alden noong 2023 sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inako nito ang kasalanan kung bakit naudlot ang muntik-muntikan nang pagkakamabutihan nila ng singer-actress. 


Pagtatapat din noon ni Alden, 7 taon silang hindi nag-usap kahit magkasama sila sa Sunday PinaSaya (SP)


Sa rehearsal din ng Sunday variety show sila nagkaroon ng tsansa na makapag-usap kung saan humingi si Alden ng tawad kay Julie Anne dahil sa nangyari. 


Pagkatapos ng pag-uusap nila ay naramdaman ng aktor na parang nawala ang mabigat na dala-dala niya sa kanyang dibdib at sa ngayon ay maayos na ang samahan nila.


Sa ngayon ay nananatiling single at pokus sa kanyang career si Alden, samantalang maayos at masaya naman si Julie Anne sa relasyon nila ni Rayver Cruz. 


Sa panayam nga namin kamakailan kay Rayver ay siniguro sa amin ng Kapuso actor na tanging ang girlfriend lang ang nakikita niya na makakasama habambuhay, pakakasalan at bubuo ng pamilya pagdating ng panahon. 


Wala pa mang maibigay na eksaktong petsa kung kailan niya gagawin ang proposal sa girlfriend, pero darating din ito at siguradong malalaman ng lahat.





BILANG isa sa mahuhusay na character actress ng kanyang henerasyon, tiniyak sa amin ni Therese Malvar na kahit magpakasal na sila ng fiancé na si Jaime Morados ay tuloy pa rin ang kanyang showbiz career at hindi niya tatalikuran ang pag-arte lalo’t suportado ng GMA-7, ang kanyang mother network, ang desisyon niya. 


Naiintindihan din siya ng fiancé dahil isa itong film director-writer at siniguro niya na hindi sila magiging hadlang sa career ng bawat isa.


Sa kabila ng alam naman na sa susunod na taon talaga sila magpapakasal ay ikinagulat pa rin ni Therese ang naging proposal ng fiancé dahil isa itong movie-inspired proposal sa harap ng kani-kanilang pamilya. 


Sa Abril sa susunod na taon mangyayari ang kasal dahil ito rin ang buwan na isine-celebrate nila ang kanilang taunang anibersaryo.





PAGKATAPOS tanghaling New Male Recording Artist sa katatapos na 17th Star Awards for Music, sasabak na rin sa pag-arte si Dwayne Garcia sa pelikulang Uploading


Makakasama niya sa nasabing pelikula ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Zeus Collins, Dawn Chang, Aljon Mendoza, Eliza Borromeo at Dylan Yturralde.


Bukod sa cast, dapat ding abangan ang Uploading dahil sa relatable nitong tema na iikot sa mga pangarap at personal na hamon na kinahaharap ng mga kabataan sa digital age. 


Ito ay ididirek ni Direk Joven Tan na kamakailan ay tumanggap ng Joe Quirino Award sa katatapos na 9th Eddys Awards Night.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page