top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 31, 2026



WINNER - TALENT MANAGER, HULI NG NBI SA ENTRAPMENT-FB Lito De Guzman

Photo: FB Lito De Guzman



Nabigla ang showbizlandia sa pagputok ng balitang nasa custody ng National Bureau of Investigation (NBI) ang talent manager na si Lito de Guzman.


Hinuli raw si Lito during entrapment operation ng NBI sa Manila dahil sa alleged foiled honeytrap plot kontra kay Executive Secretary Ralph Recto.


Dinakip diumano si Lito sa Manila Hotel ng NBI agents. 


Ayon sa news na kumalat, may limang babae ang ini-recruit para sa planong set-up raw kay ES Ralph. Ang limang babae ay under protective custody na diumano.


May tsika rin na binigyan ng tig-P5 million ang limang babae na diumano’y nag-ispluk sa planong setup.


Dagdag pa sa ulat, may isang showbiz writer na kakilala raw ni Lito ang nagsambulat ng plano. Hopefully, makuha natin ang dalawang panig sa tsikang ito.





USAPANG plano, masayang ibinalita ni Andi Eigenmann na mag-e-expand ang kanyang Happy Islanders Cafe next month.


Para ma-expand ay kailangan daw nilang lumipat sa ibang lugar malapit sa dagat.

Sobrang nae-enjoy na raw kasi ni Andi ang kanyang semi-retirement life sa piling ng kanyang mister na si Philmar Alipayo and their two kids.


Pahayag ni Andi sa interbyu sa kanya ni Karen Davila, “Philmar has always wanted to put up his own surf club and obviously renting a place that’s not going to be enough kasi the proceeds of that go to all the local boys. 


“Sabi n’ya, ‘You’re so passionate about preparing healthy, wholesome meals, why not just share and let’s do a cafe together?’”


In fairness kay Andi, kinakaya niya ang mag-business, mag-surf, mag-alaga ng mga anak, and at the same time, i-train sina Lilo at Koa as surfers.

Plus, may teen-ager na rin si Andi na kailangang bantayan, si Ellie.


Kung buhay ang parents ni Andi na sina Mark Gil at Jaclyn Jose, sure na magiging proud sila sa kanilang unica hija.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 31, 2026



TEKA NGA - JOHN LLOYD, WALANG PALAG SA PAGDIDISIPLINA NI ELLEN KAY ELIAS-IG _maria.elena.adarna

Photo: IG _maria.elena.adarna



Marami ang naaliw sa kuwento ni Ellen Adarna tungkol sa anak niyang si Elias Modesto. Kapag daw pinagsasabihan niya ito at sinasaway kapag may maling ginawa, dedma at matagal sumunod. 


Sa salitang English kinakausap ni Ellen si Elias. Kapag hindi pa rin siya iniintindi at sinusunod, babanatan na niya ng salitang Bisaya in high-pitched voice.


Dito raw natataranta si Elias at agad nang susunod sa kanyang Mama Ellen. Kaya hindi puwedeng lumaking spoiled brat si Elias hangga’t nasa poder ni Adarna. Behave at disiplinado ito, lalo na kapag nagagalit na ang ina.


Magkaiba sila ni John Lloyd Cruz na chill dad ang peg kapag kasama ang anak nila. Bumabawi ang aktor sa kanyang mga pagkukulang sa anak nila ni Ellen Adarna. 


Wala namang reklamo si Lloydie sa paraan ng pagdidisiplina ni Ellen sa kanilang anak na si Elias. Alam niyang nanay pa rin ang nasusunod at nakaaalam kung ano ang makabubuti sa kanyang anak.





Ngayon ang 29th birthday ng Kapuso actress na si Barbie Forteza. Tulad ng kanyang naunang pahayag, wala siyang bonggang selebrasyon at hindi rin siya magta-travel abroad. Wala rin siyang date sa kanyang special day dahil loveless naman siya ngayon.


Pagkatapos nilang mag-break ni Jak Roberto ay hindi na siya nagkaroon ng bagong karelasyon. Nagpaka-busy siya sa kanyang career.


Marami siyang commitments na dapat tapusin. May serye sila ni Megastar Sharon Cuneta at may movie rin siya, ang Saving Cherry (SC). Mas gugustuhin pa ni Barbie na magkawanggawa sa halip na gumastos sa kanyang kaarawan. 


Para kay Barbie, mas fulfilling ang kanyang pagdiriwang ng kaarawan kapag ang mga bata sa ampunan ang kanyang kasama. Ilang taon na niya itong ginagawa. 

Ngayon, sa mismong kaarawan niya ay tanging ang kanyang pamilya ang kanyang kasama para sa isang dinner treat. 


At this point of her life, hindi prayoridad ni Barbie Forteza ang kanyang love life. Darating ang kanyang ‘the one’ sa panahong itinakda.





MARAMI sa mga viewers ng The Master Cutter (TMC) ang sobrang naantig at naiyak sa eksena ni Ketchup Eusebio nang malaman niyang namatay na ang kapatid niyang si Tonet (Shuvee Etrata). Grabe ang iyak nito at hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang kapatid.


Mahirap ang eksenang iyon ni Ketchup. Komedyante siya at hindi mo aakalain na puwede rin pala siyang magdrama. Ramdam na ramdam ang kanyang matinding emosyon. Maging ang kanyang mga co-stars sa serye ay nagulat sa akting na ipinakita ng aktor. Tunay namang nakakaiyak ang kanyang mga eksena.


Maging ang child star na si Sienna Stevens (Ibyang) ay grabe rin ang iyak nang malamang patay na ang kanyang Ate Tonet. Awang-awa ang mga viewers kay Ibyang sa kanyang crying scenes.


Samantala, pinuri ni Dingdong Dantes si Shuvee dahil nagmarka ang kanyang character sa TMC. Kahit baguhan pa lamang ay nagpakita na si Shuvee ng husay sa pag-arte at nakakasabay sa mga datihang artista. 


Sobrang na-appreciate ng aktres ang papuri sa kanya ni Dong at flattered siya sa magagandang reviews sa kanyang pagkakaganap bilang si Tonet.





IBINAHAGI ni Leandro Baldemor sa panayam sa kanya ni Julius Babao ang hindi niya ikinahiyang karanasan na magtrabaho bilang isang host sa Japan nang lumamig ang kanyang showbiz career noon.


Three years siyang namalagi sa Japan bago bumalik sa ‘Pinas upang asikasuhin ang kanilang family business, ang wood carving.


May 4 hectares sina Leandro sa Paete, Laguna. Meron silang events place na may swimming pool, at meron din silang handicraft workshop para sa kanilang carvings.


Mahusay na wood carver ang aktor, namana niya ito sa kanyang pamilya. Karamihan sa kanyang mga gawa ay mga santo. Mga pari ang nag-o-order nito na galing pa sa iba’t ibang lalawigan.


‘Yun nga lang, nang subukan ni Leandro na bumalik sa showbiz, nakaranas siya ng hindi magandang treatment. Para na lang daw siyang extra kung tratuhin sa set. Wala rin siyang standby area habang hindi pa kinukunan ang kanyang eksena.


Kaya laging pasasalamat niya kay Randy Santiago na nakasama niya sa movie. Niyaya raw siya nito sa kanyang tent upang doon magpahinga. Si Randy din ang nagsabi sa buong production staff ng movie na si Leandro ay dating nagbida na sa mga pelikula ng Seiko Films, kaya dapat siyang tratuhin nang maayos.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 31, 2026



TALKIES - MARTIN, PALABAN, HUBAD KUNG HUBAD-IG _martinmiguelmdelrosario

Photo: IG _martinmiguelmdelrosario




“Magre-reply ako,” ito ang nakakagulat ngunit nakakatawang sagot ni Kapuso actress Heart Evangelista nang tanungin kung ano ang gagawin niya sakaling bigla siyang i-chat ng kanyang first love ngayong muli itong single.


Napag-usapan ang tungkol sa mga ex sa pinakabagong episode ng The People Have Spoken (TPHS), kung saan magkasamang hosts sina Heart Evangelista at Sean Lucas.


Sa umpisa ng usapan, si Heart ang nagtanong kay Sean.


Aniya, “Paano ba ‘to? Bigla raw nagparamdam ang first love mo ngayong single ka na ulit. Ano’ng gagawin mo? Re-reply-an mo ba ‘yan o makikita ko na lang sa TikTok?”


Napatawa naman si Sean sa tanong at pabirong sumagot, “Hoy, grabe! Ba’t bigla akong na-hot seat? Pero ako, isi-seen zone ko na lang siguro. Pero ito, ikaw ang gusto kong malaman. Kung kinumusta ka bigla ng first love mo, what would you do?”


Walang pag-aalinlangang sumagot si Heart, “Magre-reply. Hahaha!”


In fairness, muli na namang napangiti si Heart nang mapag-usapan ang kanyang ex. 

Well, ano kaya ang magiging reaksiyon ng mister niyang si Chiz Escudero sa pahayag na ito? 


Pakihulaan nga, madlang people!





Ibinida ng aktres-beauty queen na si Megan Young sa kanyang Instagram (IG) ang ilang larawan na nagpapakita ng kanyang fitness journey.


Ayon kay Megan, “It’s been quite the journey! Sobrang hirap dahil ‘di ako kumuha ng shortcuts at kinailangan kong maging disiplinado sa aking workouts at food intake. But we’re not stopping here — road to building muscle, here we go!”


Matatandaang nanganak si Megan noong Mayo 20, 2025 sa kanilang unang anak ng kanyang asawang si Mikael Daez. Isang baby boy na pinangalanan nilang Leon.





ANG ina ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na si Angelica Yulo ay nagbahagi ng mga larawan sa kanyang social media post kasama ang kanyang mga magulang at asawa niyang si Mark Andrew Yulo.


Ibinahagi niya ang kanilang first domestic travel bilang pamilya pero hindi kasama ang kanilang mga anak kundi ang mga magulang nila.


Ikinuwento rin niya ang saya ng kanyang ama na unang beses na nakasakay ng eroplano.


Ayon sa kanyang post, “First domestic travel together.”


Dagdag pa niya, “Giving them the world because they gave me mine. Lord, ipanalo Mo ako not for myself but for the people who I love the most.”


Ibinahagi rin niya ang excitement ng kanyang ama, “‘Yung tatay mo na first time sumakay ng eroplano, sobrang excited s’ya.”


Enjoy your vacation, Angelica and Mark Yulo!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page