ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 9, 2026

Photo: IG _iamhearte & _annecurtissmith
Para kay Heart Evangelista, hindi threat sa kanya ang pagrampa rin ngayon ni Anne Curtis sa fashion events sa Paris at New York. In fact, masaya siya para sa aktres-host na naka-penetrate na rin sa fashion world.
Halos magkasabay sila noon ni Heart sa ABS-CBN, kaya naging malapit sila sa isa’t isa. Pareho silang nangarap na magtagumpay sa kanilang career.
At para kay Heart, deserve ni Anne ang lahat ng blessings na dumarating sa kanyang buhay. Mabait ito, humble at napaka-down-to-earth. Wala itong ere at hindi feeling diva kung umasta.
Gusto ni Heart na tulad niya ay tanggapin din si Anne ng mga sikat na designers sa Paris at New York. Babagayan din ang aktres ng mga fashion clothes na kanyang irarampa.
Handa rin si Heart na suportahan si Anne sa kanyang journey bilang isang fashion model. Tulad niya, medyo petite rin ito, pero classy naman ang porma.
DAHIL sa pagpuri ni Barbie Forteza kay Khalil Ramos, co-star niya sa pelikulang Saving Cherry (SC), naging issue ito at hindi nagustuhan ng ilang fans.
Well, para sa amin, hindi naman siguro balak ng aktres na maliitin ang kakayahan ng ibang aktor na nakatrabaho niya sa mga nauna niyang projects.
Natural lang sa isang seryoso at professional na artistang tulad niya na purihin ang sinuman na seryoso sa kanyang trabaho, tulad ni Khalil. Puring-puri niya ang BF ni Gabbi Garcia dahil sa pagiging professional nito sa trabaho.
Ganunpaman, hindi ito nangangahulugan na binabalewala ni Barbie ang ibang aktor na kanyang nakatrabaho tulad nina David Licauco, Jak Roberto, atbp..
Ang naging opinion niya ay base lang sa kanyang point of view bilang isang artist.
Wala naman siyang binanggit na pangalan ng sinumang aktor na laging cause of delay, may attitude at hindi sineseryoso ang kanyang trabaho.
Sad lang ngayon ang BarDa fans dahil mukhang wala nang chance na muling magkatambal sina Barbie at David sa anumang serye ng GMA-7.
Pinagpahinga muna ang dalawa kahit na ang lakas ng impact nila sa publiko nang magtambal sila sa Maria Clara at Ibarra (MCIB).
Well, parehong nakinabang sina Barbie at David sa kanilang tambalan on screen kaya nakakapagtaka kung bakit sila pinaghiwalay at may kani-kanya nang diskarte sa kanilang career.
30 yrs. nang magkasama…
JOLINA, TINUTURUAN NI MARVIN NA MAGKAPERA
THIRTY years na ang tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Pero hindi sila iniiwan ng kanilang mga loyal fans at laging nag-aabang ng kanilang projects.
Hindi pa rin nawawala ang kilig sa tuwing nagbibiruan sina Jolens at Marvin. Wala pa ring kupas ang kanilang chemistry, kaya swak na swak sa kanilang tambalan ang romcom na Mommy Guard (MG), na mapapanood na sa TV5 sa September.
Magkukulitan at mag-aasaran na naman sila sa kanilang mga eksena.
Sa kabila ng pagkakaroon nila ng kani-kanilang pamilya at pagma-mature, kuwela pa rin ang appeal nina Jolens at Marvin sa mga Gen Z. At tiyak na ibibigay ng kanilang mga tagahanga ang all-out support sa MG.
Kuwento nga ni Jolens noong mediacon ng TV5, solid ang friendship nila ni Marvin at tinuturuan daw siya nito na mag-venture sa business.
Isang matagumpay na businessman ang aktor at marami siyang resto business. Kahit hindi siya magtrabaho sa showbiz ay malaki ang kanyang kinikita. Isa rin siyang chef, kaya sa food business siya luminya.
Tulad ni Jolina, masaya si Marvin sa piling ng kanyang mga anak.





