top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 11, 2026



BULGARY - “MAGANDANG ARAW PO SA MGA YUMAMAN SA FLOOD CONTROL” – EDU-IG _realedumanzano

Photo: IG _realedumanzano



Sunud-sunod ang patama ni Edu Manzano tungkol sa flood control controversy.

Post niya sa Facebook (FB) page niya, “Dati, ‘pag may bagyo, halos lahat ng baha, nasa TV.


Ngayon, sa social media na natin nakikita ang mga kalsadang lubog at mga taong hanggang tuhod ang tubig.

“Napapaisip tuloy ako... Bakit?


“Sa gitna ng napakalaking isyu ng ghost at questionable flood-control projects, bakit nawala na naman ang atensyon dito?


“Bakit puro sa impeachment lang nakatuon ang gobyerno at hindi pati sa mas malawak na korapsyon sa flood control? Lagpas isang taon na. Puro kwento pa rin at pangako. 


“Ito ba ay dahil sa mga personalidad na sangkot sa korapsyon sa flood control ay mga tao rin na may impluwensya o may pagmamay-ari ng mga media company? 

“Kaya ba tahimik ang mga dating bumabatikos ng baha? 

“Follow the water. Follow the money. Ask WHY.”


Isa pang post nito: “Magandang araw po sa mga yumaman sa flood control. Sana dry kayo, komportable at enjoy na enjoy sa perang hindi naman sa inyo. Kami na po ang bahalang lumangoy. #NOCOLOR #neverforget.”


Dahil sa ilang araw na pagbuhos ng ulan, maraming lugar na naman sa Metro Manila at iba’t ibang probinsiya ang binabaha ngayon. 


Kaya maraming netizens ang naka-relate sa sentimyento ni Edu at ito ang mga komento nila… 


“Sir Edu, paano ibabalita, may maleta sa baha?”


“I’m happy someone with great reach like Edu has the balls to call out these networks and to remind everybody na wala pa ring nakukulong sa mga sangkot sa flood control issue.”

“Because Digong shut down and crippled ABS-CBN and all their satellite resources. That’s why.”

“Baka may busal ang bibig nila.”


“Baka bawal mag-report ng baha, may utos sa taas, may payola.”

“When will the flooding stop?


Every time heavy rain comes, people ask the same question: ‘When will the flooding in the Philippines stop?’ Our mountains are not just landscapes. Forested watersheds play a critical role in managing rainfall. Trees, vegetation, soil, wetlands, and natural drainage systems help intercept rain, increase infiltration into the ground, slow surface runoff, and regulate the movement of water toward rivers and communities below.


“Protect the watershed. Protect the mountains. Protect the communities downstream. Flood prevention begins upstream.”


“Mas malaking kalaban kasi si Sara kesa sa flood control, kasi ‘pag ‘di ‘yan na-impeach, tapos tumakbong pangulo at manalo (‘wag naman sana, please?), ‘di lang sa baha lulubog ang Pilipinas, baka maging probinsiyudad na lang talaga tayo ng China.”


“Nasa news naman, both GMA and ABS-CBN.. baka kasi ibang channel ang pinapanood mo. Hahaha!”

Ganern?!





Nainip, muntik na raw layasan ang showbiz… 

ALEXA, 16 YRS. BAGO GUMRADWEYT SA PAGIGING STARLET 



TANGGAP ni Alexa Ilacad na isa lang siyang starlet noon.

Sa isang panayam, nabanggit niyang muntik na siyang mag-quit sa showbiz.


Aminado siyang dumating siya sa puntong naisip niyang baka hindi talaga para sa kanya ang industriya dahil napakatagal niyang hinihintay ang malaking break.

Mahigit 16 taon na raw siya sa showbiz, parang delayed gratification daw ang nangyari o baka kailangan muna niyang maghintay dahil hindi pa siya handa noon.


Sey niya, “Baka if I experienced it any earlier, baka hindi ako handa. Maybe I wouldn’t be equipped to deal with it, unlike ngayon. Baka ngayon talaga ako handang-handa to receive all of the blessings na ibinibigay sa akin.” 


Ngayon daw, tanggap na niya kapag may naririnig siyang sinasabihan siyang starlet.


Sey niya, “Kasi most people would argue na, ‘Ang tagal mo na, starlet ka pa rin. Ang tagal mo na, ganyan ka pa rin.’”


Ang mahalaga raw sa kanya ay  nananatili siyang nakikita at nagawa niyang patuloy na baguhin ang sarili sa paglipas ng mga taon.


Aniya pa, “Well, I’d be lying if I said na ‘di ako nainip. I’d be lying if I said na never ko naisip na mag-quit — or na baka hindi ito para sa akin. I would think about that all the time. Kasi nga, ang tagal. Ang tagal talaga.


“Samantalang some people get it so quickly. Some people, unang taon pa lang, nakukuha na nila lahat ng mga pinapangarap ko. So minsan, napapaisip ako na, ‘Ah, baka ‘di ‘to ‘yung para sa akin. Maybe this is God’s sign na I should start doing something else with my life.’”


Ngayon, pakiramdam ni Alexa ay handa na siya. Naniniwala siyang dumating ang mga oportunidad sa kanya sa tamang panahon dahil mas equipped na siyang harapin ang mga ito.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 11, 2026



BIDA - DOKYU SA HEALTH JOURNEY NI KRIS, INIHIRIT NG FANS-IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



May short update si Loi Villarama kay Kris Aquino at sa Netflix project nito. 

Ikinatuwa ng mga nakabasa ang post niyang: “Back to work si Ms. Kristina Bernadette Cojuangco Aquino. Nabitin ba kayo sa Episode 1? Abangan ang Queen of All Media this August only on Netflix.”


Hindi nabanggit ang date ng susunod na airing ng C.H.I.K.A. (Chief Head of Insight and Kontent Analysis), pero marami na ang nag-aabang at marami rin ang nag-comment sa post ng Netflix. May 2,932 comments na at karamihan, nagpahayag ng tuwa sa pagbabalik ni Kris at sana, masundan pa raw.


May request ang mga fans ni Kris sa Netflix na kapag nagawa, sobrang ikatutuwa ng mga supporters at mga nagmamahal sa Queen of All Media.


Sey ng isang netizen, “How about a Netflix documentary about Kris’ health struggles and the happy recovery (she gained weight and the positive aura is back). I’m sure Kris has saved some videos. It can be a combination of past videos and current interviews with her caregivers, doctors and, of course, Kris.”


May nag-comment pa ng “Grabe ang pinagdaanan ng isang @krisaquino—the assassination of her dad, her mom Cory became president during the EDSA Revolution, the EDSA rallies, love life and heartbreaks, losing trusted friends, then battling a long illness.

“But she’s still standing. It has to be for her kids and faith can truly move mountains... Praying for her breakthrough because she deserves it so much. Her resilience? Nakakabilib talaga. Love, love, love.”





BIRTHDAY gift daw kay Sanya Lopez ng boyfriend ang huge flower bouquet na alam mong special dahil hindi binibitawan ng aktres. Dala-dala nito ang bouquet sa pag-iikot at pagbati sa kanyang mga bisita. Blooming at glowing din ang aktres at ang biro sa kanya, obvious na in love.


Dahil may birthday gift, for sure, nasa party ni Sanya ang boyfriend. Hindi lang nag-post si Sanya ng photo nilang dalawa, pero may isang larawan ng isang guy na non-showbiz at mukhang foreigner. Siya na kaya ‘yun? 


Wala ring nagbanggit sa kanyang mga bisita ng dyowa ng aktres at konti pa lang ang nakakakita.


Sa post ni Sanya, ang sabi, “Still feeling so loved from last night.


“Despite the typhoon and flooding, the people I love still made their way to celebrate with me. Knowing it wasn’t easy to go out made me feel even more special and grateful.


“And to those who messaged me saying how much they wanted to be here but couldn’t because of the flooding, please know that I truly appreciate you too.


“My heart is full. Praying for everyone’s safety and for all those affected by the typhoon and flooding.”


Noong August 9 ang birthday ni Sanya at sa edad na 30, nasa tamang edad na siya para mag-settle down. Kaya lang, ine-enjoy pa nito ang pagiging single at bago pa lang ang relasyon nila ng boyfriend, kaya maghihintay pa ng konting panahon ang mga fans nito bago mag-asawa ang aktres.





BALIKANG JOSHUA AT JULIA, KALAT NA!



WALA pa mang formal announcement, tuwang-tuwa na ang JoshLia fans nina Joshua Garcia at Julia Barretto na ibabalik daw ng ABS-CBN ang tambalan nila sa isang bagong serye ng network.


Usap-usapan pa lang ang balik-tambalan ng dalawa, nagsasaya na ang mga fans at ang gusto nila, romance-comedy ang kanilang gawin. Huwag daw munang drama dahil mabigat, pampakilig muna ang gawin nilang project para magaan ang datingan.


May nag-akala na baka ang balik-tambalan nila ni Joshua ang dahilan ng pag-alis ni Julia sa Viva Artists Agency. Anuman ang dahilan ni Julia sa desisyon sa pagbitaw niya sa Viva, ang kapalit ay ang balik-tambalan nila ni Joshua at sapat na ito sa kanilang mga fans.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 10, 2026



WINNER - HIRIT NG NETIZEN ANAK NI MARIEL, MAGING KASINGTALINO SANA NI ROBINIG _marieltpadilla

Photo: IG _marieltpadilla



Another proud mom sa Instagram (IG) si Mariel Rodriguez. Ifinlex niya ang advocacy video ng panganay na anak nila ni Sen. Robin Padilla na si Maria Isabella.


Hiniling ni Mariel sa mga netizens na iregalo sa kanyang birthday na panoorin ang latest video sa kanyang YouTube (YT) channel.


Birthday na kasi ni Mariel ngayon, August 10, and she will be turning 42 years old. Ang content ng latest video ni Mariel sa YT ay tungkol sa Wheels Camp ni Isabella. 


Ipinaliwanag ni Mariel ang tungkol dito sa caption ng latest IG post niya, “On Monday, I turn 42. If I may ask for just one birthday gift from all of you... could you spare 12 minutes of your day to watch our latest YouTube video? It’s all about Isabella’s Wheels Camp.


“What makes this so special to me is that this wasn’t my project—it was hers. She conceptualized it, thought of every activity, every award, every little detail. I simply helped her bring her vision to life.


“As a mom, I couldn’t be prouder. Seeing your child choose to create something that brought her cousins together—playing outside, riding bikes, scooters and rollerblades, cheering each other on, making memories instead of just spending the whole day on gadgets, it’s a feeling that’s hard to put into words.


Wheels Camp reminded me that kids don’t need extravagant things to have an unforgettable summer. Sometimes all they need is a little imagination, fresh air, family, and someone who believes in their ideas.


“If you have 12 minutes to spare, I hope you’ll watch it. Maybe it’ll even inspire another family to create their own little Wheels Camp someday.


“Thank you for always celebrating life’s little moments with us. That would truly be the best birthday gift I could ask for. 


“See you on my YouTube channel tonight at 8 PM.”


Sa comment section ng IG post ni Mariel ay marami ang pumuri kay Isabella.

“Awwwww, I absolutely loveee that for Isabella and her cousins!!! What a sweet and fun idea! I’m going to watch your new vlog now.”


“Sana po, maging kasingtalino ni Robin ang mga anak n’yo.”

True.





Madir, todo-promote sa movie…

ANAK NI SHARON NA SI MIEL, ARTISTA NA RIN



Artista na rin ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta na si Miel Pangilinan. Ipinagmalaki nito ang first movie ng anak sa kanyang latest Instagram (IG) post.


Kasali si Miel sa pelikula nina Jodi Sta. Maria at Elijah Canlas, ang EDJOP.

Ipinost nito ang poster kung saan nakalagay ang schedule ng gagawing forum sa iba’t ibang eskuwelahan at unibersidad.


Caption ni Sharon: “My Kakie’s first movie!!! Hope you can all support it. Thank you!

“Matagal naming inisip paano ba namin ipo-promote ang EDJOP? S’yempre, nand’yan ‘yung mga usual events. Premiere night, presscon at preview. Lahat ‘yan, gagawin namin.


“Pero paano namin ito ilalabas ng mas malawak sa mundo ng pelikula/entertainment? Although masaya ‘yun, nandu’n ‘yun, pakiramdam namin, kulang kung nandu’n lang kami na iikot. So tiningnan namin ang buhay ni Edjop (Edgar Jopson). He was one of the most

impactful youth organizers of the time. Ang simple ng galaw n’ya.


“Dumirecho ka sa kailangan mong makausap at pakinggan. Make your case direct to your audience.


“Si Edjop ay dumiretso sa mga estudyante, sa manggagawa, sa naghaharing-uri—kay Marcos Sr. ‘Yun ang playbook. Honest, straight to the point. Kaya didiretso na rin kami sa inyo, dear Kabataan. Galawang Edjop.


“Lalakad kami sa iba’t ibang schools para makipagkuwentuhan sa inyo. Kayo ang number one inspiration ng pelikulang ito. Pupuntahan namin kayo para ikuwento ang buhay ng isang estudyanteng piniling makialam, tumayo at ‘di sumuko. Higit sa lahat, hindi nawalan ng pag-asa.


“Feeling namin, pag-asa ang isa sa mga pinakakailangan natin ngayon. Lalo na ng mga kabataan, so gusto rin namin kayong pakinggan. Safe space ‘to, pramis.

“Kaya tara. Kita-kita tayo. This is EDJOP Campus Conversations.”

Wow!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page