top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 13, 2026



TEKA NGA - TETCHIE, NAGING DYOWA NI OGIE-FB Tetchie Agbayani & Ogie Alcasid

Photo: FB Tetchie Agbayani & Ogie Alcasid



Naging dyowa pala ni Ogie Alcasid si Tetchie Agbayani. Mismong si Regine Velasquez ang nagbunyag nito nang mag-guest si Tetchie sa dating show niya. 


Nagulat si Tetchie, pero wala nang magawa kundi aminin na nagkaroon nga sila dati ng relasyon ni Ogie.


Well, 27 years old daw siya noon, at 23 naman ang singer-aktor. 


Sabi pa ni Regine, maalagang GF daw si Tetchie, base sa kuwento ng kanyang mister.


Amused na amused si Regine na naging GF ni Ogie ang naging Playboy cover girl na si Tetchie Agbayani.


Nangangahulugan na malakas ang appeal ng kanyang mister. Iba talaga ang karisma nito sa mga babae. Napangasawa nga ni Ogie ang beauty queen na si Michelle Van Eimeren.


Pero sa kabila ng makulay nitong love life, kay Regine naging ‘one-woman man’ si Ogie.





BARBIE, SHOCKED NA KUMALAT NA BILYONARYA NA SIYA



Labis na ikinagulat ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang kumakalat na tsika sa social media na ang total net worth niya ngayon ay umaabot na sa P1 billion. Ganito na raw kalaki ang kinita ni Barbie Forteza sa kanyang mga shows, pelikula at endorsements.


Pinabulaanan ito ni Barbie. Although pinarangalan siya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang isa sa Top Taxpayers ng 2025, “Wish ko lang na totoo ‘yan,” aniya.


Pero sa official na report, ang naitalang net worth ni Barbie noong 2025 ay P541 million, kaya ang ranking niya sa Celebrity Top Earners ay nasa 15th place, dahilan para magbayad siya ng malaking income tax sa BIR.


Well, hindi naman dapat pagtakhan kung nakaipon man ng malaking halaga si Barbie. Napakasipag niya at professional sa trabaho. Kinakaya niya ang lahat ng klaseng role na ibinibigay sa kanya.


Pero sa pelikulang Saving Cherry (SC) ng Regal Films, tiyak na ikagugulat ng mga fans ni Barbie ang kanyang character na may pagka-wild at sobrang liberated. Malayo ito sa dating image niya na sweet, kalog at down-to-earth.


Bilang isang tunay na aktres, kailangang magampanan ni Barbie ang kanyang character sa pelikulang kanyang tinatanggap. Bihira ang suwerte na dumarating sa kanyang career.


Well, ngayon ay may upcoming serye siya sa Prime Video at makakasama niya ang Megastar na si Sharon Cuneta.





Kahit artista na…

SHUVEE, JOIN SA BEAUTY PAGEANT



NAG-JOIN na pala sa Queen of The Islands beauty pageant ang Kapuso star na si Shuvee Etrata.


Dati na siyang sumasali sa mga beauty pageants sa bayan nila sa Cebu, kaya sanay na siyang rumampa at humarap sa maraming tao. At ginagawa raw niya ang pagsali upang kumita lang, kahit hindi siya manalo. May natatanggap naman siyang premyo kapag pumasok siyang runner-up. Sumali na siya noon sa Hiyas ng Pilipinas beauty pageant sa Cebu.


Excited daw si Shuvee sa kanyang pagsali sa Queen of The Islands beauty pageant. Mahirap ang kanyang pinagdaraanan na training bago ang final night. Marami siyang dapat matutunan, bukod sa tamang pagrampa sa stage.


Bagama’t kumikita na nang malaki si Shuvee sa kanyang mga shows at endorsements bilang artista, sa kanyang pamilya pa rin niya ibibigay ang cash prize sakaling manalo siya.





MARAMING viewers ng The Master Cutter (TMC) ang nagtatanong kung kailan ba papasok ang character ni Jennylyn Mercado sa serye. Awang-awa na sila kay Ibyang (Sienna Stevens) ngayong mas pinili ni Natoy (Dingdong Dantes) si Janine at hindi na itutuloy ang pag-ampon kay Ibyang.


Kaya pakiusap ng lahat sa GMA-7, ipasok na si Jennylyn upang magkaroon ng kakampi at magmamahal sa bata.


At sana raw, matuklasan na nina Audrey (Max Collins) at Natoy na hindi nila tunay na anak si Janine.


Galit na galit na ang mga viewers sa malditang si Janine. Ganoon kaapektado ang lahat sa serye.



 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 13, 2026



TALKIES - DENNIS, MAY AKTOR NA MUNTIK MAKASUNTUKAN-IG _dennistrillo

Photo: IG _dennistrillo



Umamin si Dennis Trillo na takot sa misis niyang si Jennylyn Mercado sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Unang tanong ni Boy, “Yes or no, may role ka na pinagsisihan?”

“Meron,” sagot ni Dennis.


Sinundan ito ng tanong, “Yes or no, naging laman ka na ng blind item?”

“Yes,” mabilis na sagot ng aktor.


Tinanong din siya ni Boy, “Yes or no, may aktor na muntik mong makasuntukan?”

“Yes,” sagot ni Dennis.


Pero ang pinakanagpakilig at nakatawag-pansin sa mga manonood ay ang huling tanong ni Boy, “Yes or no, takot kay Jen?”


Hindi na nagpaliguy-ligoy si Dennis at sumagot ng, “Yes.”

Well, biro man o seryosong pag-amin, sure si yours truly na maraming netizens ang matutuwa sa rebelasyong ito tungkol sa mag-asawang Dennis at Jennylyn.


Sa panayam, napag-usapan din ang panganay na anak ni Dennis sa dating beauty queen at modelo na si Carlene Aguilar na si Calix. 


Ayon kay Dennis, interesado rin ang kanyang anak na sundan ang kanyang yapak sa pag-aartista.


Bagama’t kasalukuyang varsity fencer si Calix sa University of the Philippines (UP), nagtatanong na rin umano ito tungkol sa pagdalo sa acting workshops at pagkuha ng voice lessons.


Samantala, nang tanungin ni Boy Abunda kung kumusta siya bilang ama, ibinahagi ni Dennis na mas nakatuon na siya ngayon sa pagiging isang ama at asawa.


“Actually, nu’ng isang gabi, naiisip ko na parang part-time actor na lang ako. Mas full-time na ama at asawa kasi feeling ko, mas du’n ako naka-focus talaga ngayon—sa pagiging tatay at asawa, sa pag-provide at pagsuporta sa kanilang lahat,” saad ni Dennis.


Nang tanungin naman kung ano ang nag-trigger sa pagbabagong ito, sinabi ni Dennis na nagbabago ang prayoridad ng isang tao habang siya ay nagma-mature.


“Siguro po, habang nagma-mature ka, nag-iiba ‘yung mga priorities mo. Nag-iiba ‘yung mga source ng kaligayahan mo. So, ‘yun ‘yung nag-iba,” ani Dennis.


Nang tanungin naman ni Boy kung interesado rin si Calix na pasukin ang mundo ng showbiz, kinumpirma ito ni Dennis.


“Gusto rin po. Gusto n’ya, ah. Mahilig din s’ya ngayon. Tinatanong n’ya kung puwede raw s’yang mag-workshop at mag-voice lessons. Sabi ko, ‘Sige, gawin natin ‘yan ‘pag wala kang school.’ Ako mismo, magwo-workshop sa kanya,” pahayag niya.


In fairness kay Dennis, kitang-kita kung gaano siya kabuting ama at asawa. Pak, tumpak!





Out sa show ng Sexbomb sa Abu Dhabi…

“BUHAY PA PO AKO” AIRA



TODO-PALIWANAG ang aktres-dancer na si Aira Bermudez sa kanyang social media post tungkol sa kanyang hindi pagdalo sa SexBomb Girls’ live performance sa Etihad Arena sa Abu Dhabi noong August 8, 2026.


Sa kanyang post, sinabi ni Aira na kinailangan niyang umuwi sa Adelaide dahil sa isang urgent personal matter, dahilan para hindi siya makasama sa naturang show.


Aniya, “Para sa lahat ng nagtatanong at nag-aalala kung bakit ‘di ako nakasama sa aming Abu Dhabi show, buhay pa po ako! I had to fly back home to Adelaide to attend to an urgent personal matter, kaya unfortunately, hindi ako nakasama sa show.


“Sobrang nanghihinayang ako dahil napakalaking milestone nito para sa Sexbomb. The first Filipino act to perform at the iconic Etihad Arena! Kaya masakit talaga na ‘di ko nakasama ang mga sisters ko sa stage.


“Pero don’t worry, ginagawa ko na ang lahat para makabalik at makasama kayo sa mga susunod na ganap. ‘Di pa ako tapos sa inyo.


“Thank you so much sa lahat ng nag-message, nag-alala, at umunawa. Mahal ko kayo!”

In fairness, successful ang naganap na live performance. Congratulations, Sexbomb Girls!


‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Lucille Galon @Showbiz Special | August 13, 2026



SPECIAL ARTICLE - ANGELINE, ITINAGO SA MISTER AT MGA ANAK ANG PAG-AARAL-IG _loveangelinequinto

Photo: IG _loveangelinequinto



Isang malaking sikreto pala ang itinago ni Angeline Quinto sa halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya, kabilang na ang kanyang asawang si Nonrev Daquina, habang tahimik niyang tinatapos ang kanyang college degree sa loob ng halos apat na taon.


Sa interview niya sa Oh My Gan! (OMG!), ikinuwento ni Angeline ang journey niya bilang isang estudyante habang pinagsasabay ang kanyang career, pagiging asawa at ina, at pagbubuntis.


Kamakailan lang ay nagtapos ang singer ng Bachelor of Business Administration, major in Marketing Management, sa Immaculada Concepcion College (ICC).


Ani Angeline, matagal nang pangarap ng kanyang yumaong ina na si Mama Bob na makatapos siya ng pag-aaral. Paulit-ulit umano siyang hinihikayat ng kanyang ina na bumalik sa school bago ito pumanaw noong November, 2020.


“Lagi n’yang sinasabi sa ‘kin, ‘Gie, magtuloy ka ng pag-aaral mo ‘pag kaya ng oras,’” pag-alala ni Angeline sa habilin ng ina.


Maging ang manager niya ay hinilingan umano ni Mama Bob na tulungan siyang makahanap ng school kung saan maaari niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Napabayaan ni Angeline ang kanyang pag-aaral nang maging paraan na niya ng pagkita ng pera ang pagkanta para makatulong sa kanyang ina. 


Matapos sumali sa mga amateur singing contests at tuluyang pasukin ang showbiz, naging priority niya ang trabaho.


Pero matapos ang pagpanaw ni Mama Bob, nagdesisyon si Angeline na tuparin ang pangako niya rito.


Bumalik siya sa school noong 2021, kasabay ng taon na nalaman niyang buntis siya sa kanyang panganay na si Sylvio. 


Noong 2024 naman, nag-aaral pa rin siya habang buntis sa kanyang anak na si Sylvia at nagtatrabaho sa series na What’s Wrong with Secretary Kim (WWWSK).


Dapat ay nakapagtapos na siya noong nakaraang taon, pero dahil sa ilang incomplete requirements, na-delay ng isang taon ang kanyang graduation.


Ang mas nakakagulat pa rito, halos walang nakakaalam sa kanyang pamilya na bumalik siya sa pag-aaral. Pati ang kanyang mister na si Nonrev ay hindi rin alam ang ginagawa niya.


“‘Di n’ya alam. Kahit si Nonrev, ‘di n’ya alam,” pag-amin ni Angge.


Sa loob ng halos 4 na taon, hinihintay muna ni Angeline na matapos ang kanyang work bago siya mag-aral. Kapag tulog na ang kanyang mga anak at pati na si Nonrev, saka siya pumupunta sa isang kuwarto para gawin ang kanyang schoolwork.


“Pag-uwi ko ng bahay, pagtulog na ang mga bata, at tulog na rin si Nonrev, saka ako babalik. Saka ako pupunta sa isang kuwarto,” kuwento niya.


Kapag tinatanong naman siya ni Nonrev kung ano ang ginagawa niya, sinasabi lang daw niya na nag-aaral siya ng kanta.


“Wait lang, babe, mag-aaral lang ako ng kanta, ha?” ani Angeline.

Tanging ang kanyang manager lamang ang nakakaalam ng kanyang sikreto.


Ipinaliwanag ni Angeline na gusto niyang maging surprise sa kanyang pamilya ang kanyang graduation. Ayaw rin niyang dagdagan ang pressure sa sarili sakaling hindi niya matapos ang kanyang pag-aaral.


Sa kabila ng hirap, nanatiling determined ang singer dahil ang pagtatapos niya ay isang pangakong ginawa niya kay Mama Bob. Naniniwala rin si Angeline na kasama niya ang kanyang ina nang tuluyan niyang makuha ang kanyang diploma.


“Malamang kasama ko talaga ang Mama habang nasa stage ako na tinatanggap ko ‘yung diploma ko,” aniya.


Para kay Angeline, nagsisilbing proof ang kanyang journey na hindi ibig sabihin na kapag isinantabi muna ang isang pangarap ay tuluyan na itong mawawala.


“Minsan may mga pangarap talaga tayo na kailangan natin maisantabi dahil kailangan nating tuparin ‘yung isang pangarap natin. Pero ‘di ibig sabihin nu’n na kakalimutan natin ‘yung isang pangarap natin,” saad niya.


Dagdag pa niya, “Baka kailangan lang natin bigyan ng time. So ‘pag natupad natin itong isang pangarap natin, puwede nating balikan ‘to anytime.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page