top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 16, 2026



BIDA - PIKTYUR NI KATHRYN NA LABAS-PANTY, DINAYO SA MALL_FB Circulated

Photo: FB / Circulated



Ang daming nagpapa-picture sa tabi ng photo ni Kathryn Bernardo na kasama sa bagong Bench campaign at naka-display sa Bench stores sa mga malls.


Pinakamaraming nagpapakuha ay sa poster na nakababa ang pants ng aktres at kita ang kanyang underwear.


This is so far Kathryn’s sexiest and most daring pubmat, and her fans are loving it. Kita ang tiyan, abs at pati pusod ng aktres sa photo na ikinagulat ng lahat at obvious na nagugustuhan dahil ang dami ngang nagpapakuha ng larawan at hindi lang fans, pati non-fans nito.


‘Kaaliw basahin ang comment na mga misis mismo ang kumukuha ng picture ng kanilang mga mister. Ang iba, sumugod sa mall para makita, makunan at makapagpa-picture sa tabi ng display photo ni Kathryn.


Ang biruan ng mga fans, ano raw ba ang ipino-promote ni Kathryn sa bago niyang Bench campaign? Bench polo, T-shirts, pants o underwear? Kaya kung makikita ninyong nagkakagulo sa Bench stores, alam n’yo na ang rason.





Hindi naglalayo… DANIEL AT KAILA, TODO-HOLDING HANDS SA JAPAN



LUMIPAD pa-Osaka sina Daniel Padilla at Kaila Estrada para sa Summer Sonic 2026 na isang music festival. Tiyak na isa sa mga rason kung bakit nandoon sila ay dahil ang isa sa favorite band ng aktor, ang Jamiroquai ay isa sa mga performers. 


London-based ang English acid jazz and funk band at sa Summer Sonic lang sila mapapanood ni Daniel, kaya hindi niya sinayang ang pagkakataon.


Nakapag-cheer din sina Daniel at Kaila sa SB19 at BINI na kabilang din sa mga performers sa nasabing music fest. 


Hindi rin nakaligtas ang dalawa sa mga Pinoy na dumalo rin sa music fest.

Nagpakuha ng photo ang mga fans sa dalawa na kanila namang pinagbigyan.


Naalala ng mga fans ni Daniel na noong may shoot ng Incognito noong 2025 sa Tokyo, hindi pa magdyowa ang KaiNiel kaya madalas, hindi sila magkatabi sa group photos. Ngayon, sa Osaka, lagi silang magka-holding hands at hindi naglalayo. 


Anyway, mapapanood sina Daniel at Kaila sa Season 2 ng Incognito. Tila sa Pilipinas lang ang kanilang location, unless may naka-schedule silang shoot sa ibang bansa.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 16, 2026



WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07

Photo: IG _beaalonzo



Itinanggi ni Derek Ramsay na siya ang nagmamay-ari ng mamahaling kotse na may fake plate number.


Mabilis na naglabas ng reaksiyon ang aktor hinggil sa kumalat na balitang nahuli siya diumano ng LTO (Land Transportation Office) dahil sa pagmamaneho ng kotse na may fake plate number.


Ipinost ni Derek sa kanyang Instagram (IG) Story ang kanyang panig ukol sa naging akusasyon sa kanyang paglabag sa batas.


Paglilinaw ni Derek, “I’ve seen the issue regarding the 918 Spyder on social media. I do not drive any cars with fake plates. All my vehicles have proper plates. Pls. carefully read the statement issued by LTO to properly understand what is happening. I have not yet received any show cause order, but I will cooperate and appear when requested. 


“To the LTO, I apologize for what is going on. Driving with fake plates is wrong and should not be tolerated.”


That’s it.





KRIS, BABALIK SA AMERIKA PARA IWAN SI JOSHUA



BABALIK ulit ng Amerika si Kris Aquino. Hindi pa niya sinasabi ang dahilan, pero ang malinaw ay kasama niya ang panganay niyang anak na si Joshua.


Iyan mismo ang ini-reveal ni Kris sa isang video greeting para sa kanyang supporter na nasa Amerika.


Sa pamamagitan ni Mama Loi, nakausap ni Kris ang isang Pinoy salon owner na nasa United States (US) via video call.


Ipinost ng Pinoy salon owner sa IG ang nabanggit na pag-uusap nila ni Kris.


Tsika ni Kris, “If Kuya Josh gets his way, we’re gonna bring him to the LA (Los Angeles) area dapat end of September or early October. And then, we’ll leave him there with other friends.”

Sa hiwalay na IG post ni Kris, nag-react ang Queen of All Media sa comment ng abogado at kaibigan niyang si Atty. Gideon Peña.


Sinabi ni Kris kay Atty. Gideon na bumalik ang kanyang insomnia.


Comment ni Atty. Gideon, “A little too funny, a little too real. But the plot twist is that behind all the wit, memes, and iconic one-liners is someone with so much depth. Kris will make you laugh, then casually say something that makes you rethink your life.”


Reply ni Kris, “@attygideon Gid, life does imitate @netflixph, Kuya Josh because of the nonstop rain Zumbas every morning. My insomnia is back, I finished Nemesis last night (yes violent but with definite ‘family values’ and already renewed for a 2nd season).”


Dagdag pa ni Kris, “I loved UNMARRY because sometimes a person comes into your life not because he was your ‘reward for all the tears everyone else made you cry,’ BUT because despite all the heartache from your past, you had the grace to move forward.”


Well, mukhang may hugot din si Kris sa kanyang pahayag tungkol sa pag-ibig at sa mga pinagdaanan niya.





NAGBIGAY-TRIBUTE si Diego Gutierrez sa kanyang ama na si Ramon Christopher. Isang madamdaming pagbati ang ipinost nito para kay Monching.


Nag-celebrate kasi ng kanyang 55th birthday si Monching noong August 14.

Ipinost ni Diego ang old and latest photos nila ng daddy niya at ng kanyang mga siblings.


Caption ni Diego: “Luckiest bunch of sibbies because we have you as our papa! I love you, Papa. Happy birthday, always here like you are for us.


“P.S. Swipe to the last photo for proof that I’m the fave because I’m his top artist on Spotify.”


Sa isang picture na ipinost ni Diego, kasama niya ang kanyang ama, mga kapatid, tita na si Jackie Lou Blanco, at ang inang si Lotlot de Leon with her hubby na si Fadi El Soury.


Nandoon din sa picture si Jericho Rosales na dyowa ng sister ni Diego na si Janine Gutierrez. Plus, join din sa family picture ni Diego ang anak ni Jericho na si Santino, ang ‘future’ stepson ng kanyang Ate Janine.

Bongga!


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 16, 2026



TEKA NGA - CLAUDINE, GUSTONG MAGKAAYOS NA SILA NI RAYMART_IG _claubarretto & _raymartsantiago

Photo: IG _claubarretto & _raymartsantiago



Labis na pinagtakhan ng mga netizens ang naging pahayag ni Claudine Barretto sa isang interview. Ibang-iba na kasi ang tono ng pananalita ng aktres nang mapag-usapan ang ex-husband niyang si Raymart Santiago. Hindi na siya hyper at galit, tulad ng una niyang mga pahayag tungkol sa problema nila. 


Gusto na rin daw ni Claudine na magkaayos na sila ni Raymart at magkapatawaran. Nag-wish pa nga siya ng ‘good luck’ kina Raymart at Jodi Sta. Maria.


Dahil dito, marami ang natuwa at humanga sa kanya. Mukhang hindi na siya bitter sa buhay at payapa na ang kanyang mundo. Sana raw ay magtuluy-tuloy na ang magandang mood at pananaw ni Claudine.


Samantala, recently ay may post sa social media si Raymart kasama ang anak na si Santino. Nag-bonding sila habang magkasama sa ilalim ng dagat. At least, may communication naman pala silang mag-ama.





Vincent, naipakilala na sa mga BFF…

BEA, ‘DI PA SANAY NA TINATAWAG NA ‘MRS. CO’



MAHIGIT isang buwan nang kasal sina Bea Alonzo at Vincent Co, pero marami pa rin ang interesadong malaman kung anu-ano ang mga kaganapan sa buhay nilang mag-asawa.


Obvious na masayang-masaya ngayon ang mundo ng aktres dahil ganap na siyang Mrs. Co. Feeling nasa cloud 9 siya dahil araw-araw na silang magkasama ni Vincent at may sarili na silang tirahan. 


Naipakilala na rin niya ang mister sa kanyang mga kaibigan.

Well, medyo naninibago lang si Bea dahil hindi siya sanay na tinatawag na ‘Mrs. Co’. Hindi pa ganap na nagsi-sink in sa kanya na isa na siyang misis.


Ganunpaman, kahit kasal na sila ni Vincent, hindi rin tumigil ang tsika tungkol sa prenup agreement na inayawan daw niya.


Ang sabi ng ilang malalapit na kaibigan, okay kay Bea ang lahat ng kondisyon sa prenup, pero isa lang ang kanyang tinutulan. Ito ay kung sakaling magkahiwalay sila ni Vincent, ang mga anak nila ay mapupunta sa pangangalaga ng pamilya Co.

Gaano naman kaya ito katotoo?





Kaya laban kung laban… 

MICHELLE, MJ, GAZINI, AHTISA, SANYA, SHUVEE, ATBP., TARGET ANG P25 M SA BEAUTY PAGEANT



DAHIL sa premyong P25 milyon ng tatanghaling Queen of the Islands, pati ang mga dating nanalo sa mga national beauty pageants ay sumali rin at handang makipagsalpukan sa mga kalabang kandidata.


Join sa Queen of the Islands ang mga beauty queens na sina MJ Lastimosa (Miss Universe Philippines 2014), Gazini Ganados (Miss Universe Philippines 2019), Michelle Dee (Miss Universe Philippines 2023) at Ahtisa Manalo (Miss Universe Philippines 2025).


Nagpakatotoo si Michelle at sinabing dahil sa cash prize na P25 milyon kaya siya sumali. 

Maging ang mga Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Shuvee Etrata at Ashley Ortega ay makikipagsabayan sa mga dating beauty queens.


Pati na sina Faith Da Silva, AZ Martinez at Vanessa Peña ay join din.


Magiging kaabang-abang at exciting ang Queen of the Islands beauty pageant dahil may kakaiba itong twist. Hindi lang ganda at talino ang pagbabatayan ng mga hurado sa pagpili, may pasabog daw na magaganap.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page