top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 17, 2026



WINNER - IPE, INAHAS DAW SI HONEYLET KAY DIGONG_FB Circulated

Photo: FB Circulated



Shookt ang mga netizens sa tsikang lumabas na nag-uugnay kay Phillip Salvador at kay Honeylet Avanceña, ang longtime-partner ni former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD).


May nag-repost kasi sa X (dating Twitter) ng isang post sa Facebook (FB).

Sey sa FB post, “So totoong si Phillip Salvador nga ang tatay, eh, ano ang magiging relation ni Josh Aquino Salvador kay Kitty Duterte at sa new baby?”


Tanong ng nag-repost sa kanyang caption sa X, “Hoy! Ano ‘to????”

Sey ng mga netizens:


“Nabuntis ni Phillip Salvador si Honeylet?”

“‘Di pa menopause ‘yung si Honeylet?”

“Stepsis si Kitty, half brother o sister ‘yung new baby.”


“Si IPE talaga ‘no, mahilig kumana ng kamag-anak ng Presidente. Noon, anak ng Presidente, ngayon ay asawa ng Presidente.”


“Katy Perry din pala si Honeylet, ‘noh (laughing emojis)?”

‘Kaloka ang mga reaksiyon, huh? 


Pero personally, kami man ay duda sa balitang ito dahil sa edad ni Honeylet na 56, hindi malayong menopause na siya. 


Hindi kaya may gusto lang sumira sa friendship nina Kuya Ipe at former Pres. Digong? 

Puwede!





Mula nang magkasakit…

KRIS, ‘DI NA ALAHAS, MAY BAGO NANG LUHO



OOOPS… wala naman sigurong kinalaman sa tsikang nabuntis ni Phillip Salvador si Honeylet Avanceña ang pagbitbit ni Kris Aquino kay Joshua sa Amerika next month.


At ang sabi pa ni Kris, iiwan din daw niya sa US si Josh sa mga kaibigan nila roon. Gusto siguro ni Kris na mag-enjoy ang anak sa US.


Magiging busy na kasi si Kris sa bago niyang talk show. At the same time, busy na rin ang bunso ni Kris na si Bimby sa kanyang showbiz career.


Anyway, tila nasa mood si Kris na sagutin ang mga comments ng mga followers niya sa Instagram (IG) sa kanyang latest post.


Comment-post ng netizen, “LOL (laugh out loud). Gotta love her trademark Kris kaartehan that only she can pull off.”


Banat ni Kris, “Will you believe me if I say I am no longer ‘maarte’? Kaya lang, for the material to work, I need to go back to how I was? I would love to do a reality show para makita at marinig n’yo how much I have toned down, in my opinion by at least 30%. For the most maarte pa rin, for me pang-school library na.”


Imbes naman na mairita si Kris, lalong na-excite ang kanyang mga faney sa reply ng host-actress na gusto rin niyang gumawa ng reality show.

Aniya, “@krisaquino OMG! We’ll love to see you in a new reality show! Make it happen, please.”


Isa pang comment ang sinagot ni Kris.

Pinabibili kasi ng IG follower si Kris ng lahat ng Chanel necklace and earrings sa store.


Sey nito, “Lumindol? Bilhin n’yo na po lahat ng Chanel necklace and earrings sa store @krisaquino! Gosh, I miss your vlogs na po.”


Ipinaliwanag ni Kris na sarado na raw ang kanyang earlobe kaya matagal na siyang hindi nagsusuot ng hikaw.


Sey ni Kris, “My left earlobe is closed. I haven’t been wearing earrings in so long. I have grown up a lot since then, but my new collection is personalized stationery, note cards, and 1.0 gel pens. I need to keep writing or else I will lose my grip and 3 of my autoimmune diseases that affect the control of my hands will win.”

Wow!


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 17, 2026



TEKA NGA - HEART, PINALUHOD, INUTANGAN NG P2M, GINAWA LAHAT TANGGAPIN LANG NG MGA KAIBIGAN_IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



May ilang rebelasyon si Heart Evangelista sa kanyang guesting sa programang Your Honor (YH), hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar, na idinaan niya sa temang blind item.


Aminado si Heart na napaka-naive pa niya noon nang nagsisimula pa lamang siyang pumasok sa showbiz. Madalas din umano siyang ma-bully at ipinahiya ng mga itinuturing niyang kaibigan.


Ikinuwento niya na nagawa niyang lumuhod sa isang party ng kanyang non-showbiz friend sa harapan ng maraming tao para lamang palabasin na bad girl siya. 


Nagpakatanga rin daw siya para mapagbigyan ang isang kaibigan para lang mapatawad siya at mahalin uli.


May isa pa siyang ibinahaging blind item tungkol sa isang kaibigan na pinautang niya ng P2 million. Hindi lamang niya binanggit kung nabayaran siya ng naturang kaibigan.


Napag-usapan din ang isang pag-ibig na labis niyang pinanghinayangan na nawala sa kanya. May isang guy na itinuturing niyang TOTGA (The One That Got Away) na hanggang ngayon ay hindi niya makakalimutan.


Sa paglipas ng panahon, mas naging maingat na si Heart sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Marami na rin siyang natutunang lessons in life, at kahit konti na lamang ang kanyang circle of friends ngayon, mas panatag naman ang kanyang kalooban.





DARING at may pagka-seductive ang latest pictorial ni Kathryn Bernardo para sa kanyang endorsement ng jeans.


Tiyak na mapapansin ng kanyang mga fans ang sexy pictorial ng aktres, lalo na sa kaakit-akit na concept nito. 


Muling ipinakita ni Kath ang kanyang mas mature na image, malayo sa dating bagets na nakilala ng publiko.


Nag-mature na siya sa maraming aspeto, kaya hindi na lamang ang dati niyang sweet image ang nakikita sa kanya bilang isang artista. 


Patuloy din niyang ipinapakita ang pagbabago sa kanyang style at image.


Samantala, sabi ng ilang mga netizens, kung si Daniel Padilla pa rin ang kanyang karelasyon ngayon, baka hindi maging posible ang ganoong klaseng sexy pictorial kahit para sa isang endorsement. May pagka-conservative kasi, ayon sa mga netizens, ang aktor pagdating sa pananamit ng kanyang partner.





Nauntog na ‘di dapat maging kampante…

SHOOTING NG MOVIE, IPINAHINTO DAHIL KAY CHARO



SA launching ng librong SINE. FILM. PELIKULA: The 100+ Greatest Films of Philippine Cinema na dinaluhan ng mga celebrities tulad nina Charo Santos, Gina Alajar, Phillip Salvador, Richard Gomez, Amy Austria, Direk Joel Lamangan at Direk Carlitos Siguion-Reyna, nagbahagi si Charo ng kuwento tungkol sa naging encounter nila ni Direk Mike de Leon.


Ang pelikulang hindi niya malilimutan ay ang Kisapmata, kung saan kasama niya ang ilang magagaling na artista. Idinirek ito ni Mike de Leon at ipinalabas noong 1981. Si Charo rin ang line producer ng pelikula.


Ayon kay Charo, na-pack-up daw ang shooting dahil hindi niya nadala ang isusuot niyang blouse na may continuity sa mga naunang eksena niya. Dahil dito, nagalit umano si Direk Mike at ipinahinto ang shooting.


Ilang araw din daw na hindi sumipot sa set ang direktor, dahilan para mag-alala si Charo sa pagka-delay ng production. 


Matagal silang hindi nag-usap ni Direk Mike kaya minabuti niyang puntahan ito sa bahay upang malaman kung babalik pa ba siya sa shooting ng Kisapmata.

Ipinasabi niya ang kanyang mensahe sa kasama ng direktor, at ang naging sagot umano ni Mike de Leon, “Babalik na raw po.”


Nang magbalik si Direk Mike, natapos din ang pelikula.

Para kay Charo, marami siyang natutunan sa paggawa ng films. Kailangan umanong ihanda ang sarili sa karakter na gagampanan at huwag maging kampante.


Sa kabilang banda, ipinapakita rin ng kuwento ang kahalagahan ng pagpipigil sa emosyon sa isang production. Kapag may aberya sa set, mahalagang huwag pairalin ang ego at init ng ulo upang maipagpatuloy nang maayos ang trabaho.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 17, 2026



TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _marieltpadilla

Photo: IG _marieltpadilla



Hindi raw kailangan ni Mariel Rodriguez Padilla ng maraming kaibigan, basta’t mayroon siyang mga tunay at maaasahang kaibigan na nananatili sa kanyang tabi sa iba’t ibang yugto ng kanyang buhay.


Nagbahagi si Mariel ng ilang larawan sa kanyang social media account bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong August 10. Ipinagdiwang niya ang espesyal na araw sa pamamagitan ng isang simple at pribadong dinner kasama ang kanyang malalapit na kaibigang artista, kabilang sina Ruffa Gutierrez, Toni Gonzaga, Marjorie Barretto, at Camille Villar.


Sa kanyang post, ibinahagi ni Mariel ang isang makabuluhang repleksiyon tungkol sa pagkakaibigan.


Ani Mariel, “At 42, I’ve realized that I don’t need a lot of friends. I just need the true ones.


“The ones who have seen you through different seasons of your life. The ones you can laugh with until your stomach hurts, cry with, be completely yourself with, and somehow pick up exactly where you left off no matter how much time has passed.


“Life has a funny way of showing you who your people really are... and at this age, I value that more than ever.


“My circle may be smaller, but my heart has never felt fuller.

“These are my people. My constants. My truest friends. And I wouldn’t trade them for anything.”


Samantala, sa comment section ng post ni Mariel, nagpaabot din ng pagbati ang kanyang mga kaibigan na sina Ruffa Gutierrez at Marjorie Barretto.


Ani Ruffa, “Love your caption and love you, Ma mhie. I’ll always be your constant through thick and thin. Just holler & I’ll be there!! @marieltpadilla. Happy birthday!”

Saad naman ni Marjorie, “Proud to be your friend! We should always celebrate you, Mommy Mariel! Last night was a lovely group, good food, lots of fun, and everybody loves you.”


Anyway, happy birthday, Mrs. Mariel Rodriguez-Padilla!





Mukha pa naman ang puhunan…

ANGELU, NAGKA-BELL'S PALSY, NA-DEPRESSED



Nagbahagi ang aktres na si Angelu de Leon sa social media tungkol sa kanyang personal na laban matapos siyang magkaroon ng Bell’s palsy, na naging dahilan din upang makaranas siya ng depression.


Ayon sa aktres, hindi naging madali para sa kanya ang biglaang pagbabago sa kanyang mukha, lalo na bilang isang artista na malaking bahagi ng trabaho ay nakasalalay sa kanyang hitsura.


“Sa totoo lang, nagkaroon din ako ng depression dahil sa Bell’s palsy. Bilang artista, mukha ang puhunan mo. Kaya ‘di madaling tanggapin ‘pag biglang nagbago ang mukha mo,” saad ng aktres.


Sa kabila ng pinagdaanan niya, nanatiling positibo at mapagpasalamat si Angelu. Aniya, patuloy pa rin siyang pinagpala sa kabila ng kanyang pagsubok.


Dagdag pa niya, “Pero sa kabila ng lahat, pinagpala pa rin ako ng Diyos—nagkaroon pa ako ng billboard sa EDSA at naging bahagi ng Pulang Araw.


“Natutunan ko na ‘di ru’n nasusukat ang halaga ko. Maaaring ang mukha ang puhunan sa showbiz, pero ang buhay, pagkatao, at halaga natin ay higit pa sa ating panlabas na anyo.

“Health is wealth. ‘Wag nating balewalain ang ating kalusugan. ‘Wag nating hintaying may mangyari bago natin alagaan ang ating sarili.


“My grace is sufficient for you, for My power is made perfect in weakness. — 2 Corinthians 12:9.”


Ipinakita ni Angelu na kahit ang mga taong tila matatag ay may kani-kanyang pinagdaraanan. Kaya naman, pahalagahan natin ang ating kalusugan dahil tunay na ‘health is wealth’. Huwag nating hintaying magkasakit bago natin ito bigyang-pansin. 





KAKAIBANG love story na may halong tema ng esports ang mapapanood ng Pinoy sa Chinese romantic drama na Falling Into Your Smile (FIYS), tampok ang mga hinahangaang Chinese stars na sina Xu Kai at Cheng Xiao, ngayong Lunes (Aug. 17), 10:15 PM sa ALLTV2, Kapamilya Channel, A2Z, at iWant.


Lubos na pinag-usapan at naging global sensation ang serye dahil sa magkahalong timpla nito ng romansa, komedya, pagkakaibigan, at competitive esports.


Muling masisilayan ng Pinoy viewers si Xu Kai, na unang napanood sa Story of Yanxi Palace (SOYP), na unang umere sa ABS-CBN noong 2020.  Kilalanin ang kanyang karakter na si Lu Sicheng, ang mahusay ngunit tila supladong captain ng ZGDX.


Makakatambal niya rito si Cheng Xiao, na gaganap naman bilang si Tong Yao, isang mahusay na gamer na magiging bahagi ng kanyang team.


Sa kuwento, haharapin ni Tong Yao ang matinding hamon ng pagiging bahagi ng isang all-male team habang pinatutunayan ang kanyang kakayahan sa competitive esports.


Mas magiging makulay ang kanyang journey nang mapalapit siya sa kanyang team captain na si Lu Sicheng.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page