top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 18, 2026



TEKA NGA - KIM, BUNTIS, PROMO LANG DAW SA MOVIE NILA NI PAULO-IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang tsikang preggy na si Kim Chiu dahil sa mga lumabas na larawan at video niya na napansin ng ilang netizens ang tila umbok sa kanyang tiyan.


Lalo pang pinalakas ng isang blind item (BI) ang isyu na ikinonek ng ilang netizens sa diumano'y relasyon nina Kim at Paulo Avelino. 


Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula sa kanila tungkol sa pregnancy rumor.

May mga netizens namang nagdepensa kay Kim at sinabing maaaring dulot lamang ng damit, anggulo o pagbabago sa kanyang katawan ang napansing umbok. 


Samantala, nagbahagi rin si Kim ng workout video habang umiikot ang tsismis. 

May mga kumakalat ding bersiyon na posibleng may kaugnayan sa isang pelikula nina Kim at Paulo ang naturang tsika, pero wala ring malinaw na kumpirmasyon na promo strategy lamang ito para umingay ang proyekto.


It seems ine-enjoy ng aktres ang buntis issue niya at hindi siya mukhang apektado.

Well, nananatiling tsismis at haka-haka lamang ang tungkol dito. Hangga’t walang direktang pahayag mula sa aktres, mas mabuting huwag munang ituring na kumpirmado ang naturang balita.





AMY, DREAM MAGING DANCER



LABIS na pinanghihinayangan ni Amy Austria na hindi niya nakasama sa pelikula ang mga movie icons na sina Fernando Poe, Jr. (FPJ) at Dolphy. Pero masuwerte pa rin daw siya dahil nakatrabaho niya ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor. 


Ilang pelikula ang kanilang pinagsamahan, at isa na rito ang award-winning na Atsay. Malaking karangalan na iyon para kay Amy at hindi niya ito malilimutan.


Napunta sa mga seryoso at madramang roles ang aktres. Minsan ay nabibigyan siya ng kontrabida role sa mga serye sa telebisyon. Pero pangarap naman niya ang makagawa ng action films at maging action star. Isa pa sa kanyang mga dream roles ay maging magaling na dancer.


Frustration daw ni Amy ang makilala bilang mahusay na dancer. Gusto niyang magbida sa isang character na sumasayaw siya.


Ganunpaman, kilala naman si Amy bilang isang de-kalibreng aktres. De-kalidad ang mga pelikulang kanyang ginawa.


Mahigit tatlong dekada na siya sa showbiz, nagmarka na ang kanyang pangalan at inihahanay sa magagaling na artista.


Maraming pagsubok sa buhay ang pinagdaanan ni Amy. Maraming bagyo ang kanyang sinagupa, pero nanatili siyang matatag.


Naging inspirasyon si Amy ng marami dahil sa kanyang online show na Finding Hope. Marami ang naka-relate sa kanyang mga naging karanasan.


Well, buhay na buhay pa rin ang career ni Amy. May serye siya ngayon sa GMA-7, ang Kamao.





Nang mabiyuda… DINA, MABILIS NAKA-MOVE ON DAHIL SA SHOW NILA NG MGA ANAK



NAGPAPASALAMAT si Dina Bonnevie at ang mga anak niyang sina Danica at Oyo, ganoon din sina Kristine Hermosa at Marc Pingris, dahil sa patuloy na pagtangkilik sa kanilang online show na House of D (HOD).


Bale naka-dalawang seasons na at nakapagtala ng 200,000 subscribers ang HOD.

Habang nagtatagal ay lalong gumaganda at interesting ang mga episodes at kapansin-pansin na mas komportable na sa kanilang pagho-host sina Dina, Danica, Oyo, Kristine at Marc.


Kaswal na kaswal ang kanilang atake sa mga topics na pinag-uusapan. May kani-kanya silang opinyon sa mga usaping kanilang tinatalakay.


Pansin din ng mga netizens na hindi na gaanong conscious si Dina sa kanyang mga outfit na isinusuot sa vlog. Mas okay sa kanya ang simple at casual clothes.


In a way, nakatulong din ang show sa aktres upang maka-move on na siya matapos yumao ang kanyang mister. Nagkaroon siya ng pinagkakaabalahan, sa tulong ng kanyang mga anak at manugang.


Nagkaroon ng bagong sigla ang career ni Dina at na-enjoy niya ang bonding sa kanyang mga anak.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 18, 2026



TALKIES - DENNIS, WISH NA ‘WAG TULARAN NG ANAK-IG _dennistrillo

Photo: IG _dennistrillo



Isang sweet at makahulugang birthday message ang ibinahagi ng aktres na si Jennylyn Mercado para sa kanyang panganay na anak na si Alex Jazz ‘Jazzy’ Garcia, na nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ng aktres ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa anak na nakasama niya sa maraming masasayang alaala.


Aniya, “Happy 18th Birthday, Kuya Jazzy! Forever my baby boy, thank you for the laughter, the love, and the light you bring into our lives. We are so grateful for you, and we love you more than words can ever say. Always and always, you'll be my heart.”


Si Jazzy ay anak ni Jennylyn sa kanyang dating partner na si Patrick Garcia.

Samantala, sa naging panayam sa aktor at mister ni Jennylyn na si Dennis Trillo sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan, napag-usapan ang kanyang panganay na anak sa dati niyang karelasyon na si Carlene Aguilar, si Calix.


Sa panayam, tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang kanyang paalala sa kanyang panganay pagdating sa pag-ibig at buhay.


“Paalala ko sa kanya na ‘wag s’yang magmadali. I-enjoy n’ya lang ‘yung buhay n’ya kung may girlfriend man s’ya,” sagot ng aktor.


Nang tanungin naman ni Boy kung may girlfriend na ngayon si Calix, pabirong sagot ni Dennis, “Ngayon, meron, Tito.”


Ibinahagi rin ng aktor na ipinakilala na sa kanya ng anak ang nobya nito na isa ring fencer tulad ni Calix.


Samantala, tinanong din ni Boy kung ano’ng pagkakamali niya sa buhay ang ayaw niyang maulit ng kanyang anak.


“S’yempre, ayoko na makabuntis s’ya nang wala sa oras. Gusto ko prepared at alam mo ‘yun, siguradong kaya n’yang panindigan lahat ng responsibilities ‘pag nangyari ‘yun,” pahayag ni Dennis.


Dagdag pa ng aktor, mahalaga rin para sa kanya na palaging pinaaalalahanan ang kanyang anak na maging maingat sa mga desisyon nito.


“Mag-ingat palagi dahil s’yempre, ‘yung mga bata ngayon, mga mapupusok, ‘di ba? Minsan, ‘di natin alam kung ano ‘yung mga ginagawa nila. So, mga paalala lang talaga ‘yung magsisilbing reminder every day sa kanila,” ani Dennis.


Big tumpak ka riyan, Dennis! Ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot. 

Pak, ganern!





NAGBAHAGI ng makabuluhang paalala ang singer icon at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) director na si Imelda Papin tungkol sa kahulugan ng tunay na paglilingkod sa bayan.


Ayon kay Imelda, hindi nasusukat sa titulo, posisyon o pangalan ang tunay na serbisyo, kundi sa taos-pusong malasakit at mga konkretong gawa para sa kapwa.


Aniya, “Ang serbisyo ay ‘di titulo, ‘di ‘to posisyon. Ito ay isang panata na ang bawat ginagawa natin ay may layuning makatulong, makapagbigay ng pag-asa, at makapag-iwan ng magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.”


Dagdag pa niya, “Tapat na serbisyo. Totoong malasakit. Para sa bayan.”

In fairness kay Mel, mahusay talaga siya pagdating sa serbisyo sa kapwa.





Friends pa rin daw kahit naghiwalay na…

AIKO, INI-RECOMMEND SI OGIE SA IBA BILANG MANAGER



DAHIL sa mga espekulasyong may tampuhan sa pagitan ng aktres-pulitiko na si Aiko Melendez at ng ex-talent manager niyang si Ogie Diaz, nilinaw ni Aiko na maayos pa rin ang kanilang relasyon kahit wala na siya sa pamamahala nito.


Ayon sa aktres, walang naganap na alitan o hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Ogie. Sa halip, nananatili umano ang kanilang pagkakaibigan at pagmamahalan bilang magkakaibigan.


Sa kanyang post, mariing sinabi nito, “Inuulit ko po, ah, ‘di kami magkaaway ni Mader Ogie Diaz. In fact, inirekomenda ko pa sa isang kaibigan ko na s’ya ang kuning manager. So, walang dahilan para mag-iba ang pagkakaibigan namin. Mahal ko ‘yan, walang magbabago.”


‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Sarah Muñoz (OJT) @Special Article | August 18, 2026



SPECIAL ARTICLE - KATHERINE, HIYANG-HIYA PA RIN KINA COCO AT JULIA-FB Katherine Luna & Coco Martin PH

Photo: FB Katherine Luna & Coco Martin PH



Nagpaliwanag si Katrina Halili tungkol sa mga obserbasyon ng mga netizens sa pakikitungo niya sa ama ng kanyang anak at manliligaw na si Kris Lawrence.


Sa Facebook (FB) post ng aktres, nilinaw niyang hindi talaga siya natural na sweet at showy kaya marahil nami-misinterpret ng ibang fans ng rapper-singer.


“May mga nababasa akong messages at e-mails tungkol sa amin ni Mr. B (tawag n’ya kay Kris), kaya gusto ko lang sabihin ‘to. 


“Alam kong may mga pagkakataon na ‘di naiintindihan ng iba ang humor ko o ang paraan ng pakikitungo ko kay Mr. B. ‘Di talaga ako naturally sweet o showy na tao. Mahiyain din ako pagdating sa mga ganitong bagay, kaya minsan sa pang-aasar, pagpapatawa o pagme-make face ko, lumalabas ‘yung pagiging awkward ko,” paliwanag niya.


“Pero sana, ‘wag nating husgahan ang isang relasyon base lang sa ilang minutong nakikita natin sa videos o live. What you see on camera is only a small part of our lives,” patuloy niya.

“May mga bagay na masaya naming isine-share sa inyo, at mayroon ding mga bagay na gusto muna naming sarilinin at hayaan na lang ninyong makita ‘pag dumating na ang tamang panahon. ‘Di naman lahat ng plano, kailangang i-announce,” paliwanag pa ng aktres.


Naiintindihan naman daw niya na protective lang ang mga fans kay Kris pero in-assure naman niya ang mga ito na she respects and care for him.


“I appreciate na protective kayo kay Mr. B at alam kong karamihan ay nanggagaling lang sa pagmamahal ninyo sa kanya. Pero please know that I respect and care for him. Iba-iba lang talaga tayo ng paraan ng pagpapakita nu’n,” anang aktres.


Sey pa niya sa mga fans, huwag naman daw masyadong magalit sa kanya at huwag ding magmadali.


“Kaya enjoy lang tayo sa journey, ‘wag masyadong magalit sa akin at magmadali. Malay n’yo, marami pa kayong ‘di alam. Love lang tayo, mga MyLabs!” ang mensahe ni Katrina sa mga supporters.


Sa comment section ay sinuportahan naman siya ni Kris at sinabing huwag na lang pansinin ang mga negative comments.


“Ms. B, Hayaan mo sila. Ang importante, tayo, alam natin kung ano ‘yung totoo (wink emoji). And I’m enjoying every chapter with you,” message ni Kris kay Katrina.





Walang humpay na kilig at good vibes ang handog nina Coco Martin at Julia Montes sa pagtatagpo ng kanilang mga karakter sa mga susunod na episodes ng patok na Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo.


Ipinasilip ng ABS-CBN at CCM Film Productions sa behind-the-scenes na mga larawan at teaser video ang nakakakilig na muling pagkukrus ng landas ng CocoJul, kung saan nilalambing ni Gabo (Coco) si Sam (Julia) habang inaalagaan niya ang sugatang dalaga.


Kaabang-abang ang muling pagkikita nina Gabo at Sam dahil pagkatapos ng ilang matitinding engkuwentro nilang dalawa, tuluyan na nilang papasukin ang mundo ng isa’t isa matapos mapadpad si Sam sa komunidad ni Gabo kasunod ng makapigil-hiningang bakbakan laban sa grupo ng sindikato.


Samantala, itotodo na rin ni Gabo ang pakikipagsapalaran sa mga maaksiyong laban sa mga susunod niyang misyon upang patumbahin ang mga kriminal.


Napapanood ang Coco Martin’s Sigabo, gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant. 


Available rin ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page