top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | September 17, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang magiging kapalaran ng Rooster o Tandang ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Rooster o Tandang ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Rooster o Bakal na Tandang - silang mga isinilang noong 1921 at 1981

  • Water Rooster o Tubig na Tandang - silang mga isinilang noong 1933 at 1993

  • Wood Rooster o Kahoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1945 at 2005

  • Fire Rooster o Apoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1957 at 2017

  • Earth Rooster o Lupa na Tandang - silang mga isinilang noong 1909 at 1969

Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Rooster, Water Rooster, Wood Rooster at Fire Rooster, kaya sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang pinakahuling uri ng Rooster at ito ang Earth Rooster o Lupa na Tandang.


Kilala sa pagiging praktikal, matalino at mapamaraan ang Earth Rooster. Sa panahong ito ng pandemya, hindi siya agad-agad magagapi o mawawalan ng pag-asa, sa halip, habang patuloy na may pagsubok at suliranin ang buhay, lalo namang tatatag at gaganda ang kanyang kapalaran. Kumbaga sa gradas ng sabungan, lagi silang handang makipaglaban kung saan sa bandang huli, ang kalaban ay madali nilang nagagapi.


Sa career at propesyon, bagama’t ngayong 2020 hanggang 2021 ay magtutuloy-tuloy na bubulas at gaganda ang kapalaran na may kaugnayan sa kabuhayan, ito ay mangyayari sa patuloy na pakikisalamuha at pakiki-umpok sa lipunan. May babala naman na ang mga intriga, paninira at inggitan ay hindi rin maiiwasan sa buong 2020. Kapag hindi ka nagpakahinahon, may babala na ang mga maliliit na intriga ay lumaki, na magiging dahilan upang pumangit ang career at kabuhayan. Kaya naman ngayong 2020 hanggang 2021, kung sakaling may maliit na sigalot at intriga, hindi mo na dapat itong patulan o palakihin. Sa halip, ang pagpapasensiya at pang-unawa ang siya pa ring pinakamabisang solusyon upang makaiwas ka sa mga problemang may kaugnayan sa pakikisalamuha sa iyong kapwa. Sapagkat kapag napanatili mo ang pagiging kampante at walang kaaway ngayon hanggang sa 2021, may pangako na lalo pang uunlad at lalago ang inyong kabuhayan.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, may babala na ang mga dating relasyon na dumating sa buhay mo ay muling mauulit, ngunit hindi mo dapat na patulan pa, higit lalo kung ikaw ay may karelasyon o pananagutan na sa buhay. Gayunman, kahit sabihin pang single ka, may kapareha o asawa, bukod sa mga dating pakikipagrelasyong babalik, may mga bago at kakaibang relasyong mararanasan, na makapagbibigay sa iyo ng kakaibang sarap at sigla sa kabila ng katotohanang ang mga biglaang relasyong ito ay itatala na panandalian lamang.


Sa pangkalahatan, magiging masarap at maligaya pa rin ang kasalukuyang relasyong iniingat-ingatan, hanggang napananatili ang mataas na level ng kabuhayan. Ibig sabihin, walang problema sa pamilya, pakikipagrelasyon, hangga’t napananatili mong masagana at maunlad ang materyal na aspeto ng iyong buhay, hindi lamang ngayong 2020 kundi maging sa 2021, may pangako at tiyak namang magkakatotoo na lalo pang uunlad at magiging maligaya ang buhay ng tulad mong praktikal, matalino at masayahing Lupa na Tandang.

Itutuloy

 
 

Suwerte sa negosyo ng Fire Rooster, bubuhos bago matapos ang taon

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | September 15, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang magiging kapalaran ng Rooster o Tandang ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Rooster o Tandang ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Rooster o Bakal na Tandang - silang mga isinilang noong 1921 at 1981

  • Water Rooster o Tubig na Tandang - silang mga isinilang noong 1933 at 1993

  • Wood Rooster o Kahoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1945 at 2005

  • Fire Rooster o Apoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1957 at 2017

  • Earth Rooster o Lupa na Tandang - silang mga isinilang noong 1909 at 1969

Sa nakaraang mga isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Rooster, Water Rooster, ganundin ang Wood Rooster at sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang Fire Rooster o Apoy na Tandang.


Kung ikaw ay Fire Rooster na isinilang noong 1957, ito ang panahon ng retirement o pamamahinga sa mabibigat na pagtatrabaho upang anihin mo na ang masarap na bunga ng iyong maghapong pinagpaguran. Ngayong 2020 hanggang 2021, bagama’t medyo nagkakaedad ka na at iniisip mo nang bawasan ang mga gawain o pagtatrabaho, hindi naman maiiwasang marami pa ring mga oportunidad at biyayang darating sa buhay mo sa iba’t ibang paraan at pangyayari na karamihan ay mga bagay na iaabot sa iyo ng langit at hindi mo na talaga gaanong paghihirapan pa. Bagama’t hindi gaanong maganda ang dating ng 2020 sa aspetong negosyo at kalakal, bago matapos ang taon, inaasahan namang may malaking buhos ng pera na biglang matatanggap.


Sa negosyo, hindi naman pinapayagang mag-invest sa panahong ito ng pandemya sa kahit ano’ng uri ng kalakal kung saan dapat ay palipasin muna ang 2020 at sa 2021, maaari nang mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain at kalakal na may kaugnayan sa kalusugan at basic services.


Sa pakikipagrelasyon, patuloy namang magiging kaaya-aya ang pakikisalamuha sa mga kapamilya at mahal sa buhay. Bagama’t may maliliit na problemang magaganap, ito ay agad namang masosolusyunan sa pamamagitan ng pagpapasensiya at pang-unawa. Sikaping tulungan o abutan ang mga kapamilya ng kahit na ano’ng tulong kung sakaling bigla kang makahawak ng malaking halaga dahil ang tulong na ipagkakaloob mo sa kanila ay doble-dobleng ibabalik sa iyo ng langit sa 2021.



Sa pangkalahatan, ngayong 2020 hanggang 2021, ingatan ang kalusugan dahil may babala na masasayang lamang ang malalaking biglaang suwerte na darating sa panahong ito ng iyong buhay kung ikaw ay magkakasakit. Kaya sa panahong ito ng pandemya, iwasan pa ring lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan. At kung hindi maiiwasan ang paglabas ng bahay, ugaliing magsuot ng face shield at face mask, gayundin, sumunod sa health protocols sa lahat ng oras.


Upang lalo pang gumanda, humaba at lumigaya ang buhay, mahalaga pa ring iwasan ang mga bawal na pagkain sa buong 2020 habang panatilihin din ang regular na page-ehersisyo at pagre-relaks kahit na magtanim-tanim ng gulay at bulaklaking halaman sa gilid ng bahay.


Sa ganyang paraan, tulad ng nasabi na, tuluy-tuloy na magiging mapalad at magiging maligaya ang kapalaran sa pagtatapos ng 2020 hanggang sa pagbungad ng Year of the Metal Ox na may pangako ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | September 12, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang magiging kapalaran ng Rooster o Tandang ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Rooster o Tandang ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:


● Metal Rooster o Bakal na Tandang - silang mga isinilang noong 1921 at 1981

● Water Rooster o Tubig na Tandang - silang mga isinilang noong 1933 at 1993

● Wood Rooster o Kahoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1945 at 2005

● Fire Rooster o Apoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1957 at 2017

● Earth Rooster o Lupa na Tandang - silang mga isinilang noong 1909 at 1969

Sa nakaraang mga isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Rooster at Water Rooster, kaya sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang Wood Rooster o Kahoy na Tandang.


Kahit laganap pa rin ang pandemya, basta lagi mong pananatilihin ang pagiging optimistic at masayahin, mas madali mong maaakit ang magagandang kapalaran at suwerte.


Ipagpatuloy mo lang ang pagiging friendly o palakaibigan dahil sa panahong ito, maraming magagandang oportunidad ang darating na manggagaling sa lipunan na iyong ginagalawan at sa pakikipagkaibigan.


Anumang oportunidad ng pagkakaperahan ang ibigay sa iyo ng tadhana, wala kang dapat gawin kundi sunggaban agad ito dahil kapag ito ay dumating at iyong binalewala, madali itong mawawala at maglalaho sa kawalan.


Kapag naman biglang nawala ang suwerte na hawak mo na, ‘wag kang mag-alala dahil ang mahalaga ay patuloy kang nakikipagkaibigan at may lipunang ginagalawan. Dahil sa pakikipagkapwa-tao at pakikipagkaibigan, patuloy sa iyong darating ang suwerte at iba’t ibang uri ng magagandang kapalaran. Kaya kahit mawala ang suwerte, babalik din ‘yan sa iyo nang kusa, mas marami at doble-doble pa.


Dagdag pa rito, marami ring mga gawain ang mabubuksan sa buong 2020 hanggang 2021 na lalo pang magpapasigla at magpapayabong ng iyong career at personalidad. Kaya tulad ng nasabi na, wala kang dapat tanggihan, kumbaga, sunggab lang nang sunggab upang lalo ka pang umunlad at maging maligaya.


Nagiging maligaya at mas maunlad ang Kahoy na Tandang, mientras marami silang ginagawa at pinagkakaabalahan. Kaya sa buong taong ito, ‘wag na ‘wag kang mamamahinga, sa halip, dapat maging hectic at laging abala ang schedule mo upang lalo ka pang suwertehin at datnan ng mas marami pang magagandang kapalartan.


Sa love life, sa mga mag-asawa, tinatayang magiging positibo ang relasyon sa buong 2020 hanggang 2021 at lalo pang uunlad at lalago ang pagmamahalan.


Sa mga Wood Rooster na wala pang karelasyon, maaari nang dumating ang hinihintay mong lalaki o babaeng mamahalin sa taong ito, ngunit hindi ka pa rin dapat magkaroon ng commitment dahil alalahanin mong ang higit na mahalaga ay ang pagpapaunlad at papapalago ng career. Kapag nakatapos ka na ng pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho, saka ka pa lang dapat makipagrelasyon nang seryoso upang mas madaling makamit ang maligaya at panghabambuhay na pag-ibig at pagpapamilya.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page