top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 24, 2024


ree


Bahagyang itinulak ni Via si Nhel Zamora. Kahit kasi asawa na niya ito, nag-aalinlangan pa rin siya. Siguro nga dahil alam naman niyang hindi siya tunay na mahal ng binata. 


"Iyon nga lang ba ang dahilan?" Tanong niya sa kanyang sarili. 


Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung nalaman na niyang anak pala ito ng kanyang Tatay Pedro. Wala man itong pinakitang DNA result, nakakasiguro naman siya na nagsasabi ito ng totoo. 


“Masarap ba?” Nakangising tanong nito. 


“Nope,” mabilis niyang sagot. 


Alam niyang masama ang magsinungaling, ngunit mas nais niyang ipakita ang kanyang pride. 


“Ordinaryong halik lang naman 'yan.”  Kunwa’y balewala niyang sabi. Para tuloy gusto niyang humagalpak ng tawa sa pagsabi niya ng mga salitang iyon. 


“What?”


“Wala 'yan sa ibang halik na natikman ko.”  Ang nais niya kasi ay mabigyan ito ng impresyon na marami ng lalaki ang nakatikim sa kanyang labi.  


“Damn!” Sambit ni Nhel.


Nabigla siya sa sinambit ng binata kaya parang gusto niya tuloy aminin dito ang katotohanan na ito ang unang humalik sa kanya. 


At dahil sa nais niyang maitayo ang nagdurugo niyang pride, wala siyang lakas na loob para bawiin dito ang kanyang sinabi. 


“Kaya kung inaakala mo na naka-jackpot ka sa akin, nagkakamali ka. Para ka na lang kumakain ng tira-tira.”



Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 23, 2024


ree


“Damn!” Buwisit na bulalas ni Nhel. Alam niyang hindi lang iyon sa inis na nararamdaman niya para kay Via, kundi pati na rin sa kanyang sarili. Hindi dapat siya nagpapakita ng kahinaan sa dalaga. Pero,  hindi na niya kayang itago ang sakit na kanyang nararamdaman mula pa noong siya’y bata.


Samantala, hindi naman takot ang naramdaman ng dalaga kay Nhel kundi awa, ang ayaw pa naman ni Nhel sa lahat ay iyong kaawaan siya. Pakiramdam niya kasi ay ang hina-hina niya, nang biglang nag-flash sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanya noong siya’y bata.


Palagi siyang binu-bully ng kanyang mga kaedad kapag nalalaman ng mga ito na wala siyang siyang ama. Isa raw siyang putok sa buho. Kaya naman kahit sabihin ng kanyang ina na mayroon siyang ama, ayaw na niya itong maniwala. Hindi naman kasi niya ito nakikita. ‘Ika nga sa kasabihan, “To see is to believe,” so paano niya iyon paniniwalaan kung ‘di niya naman ito nakikita?


Nang mag-asawa ulit ang kanyang ina,  akala niya ay may ama na siyang matatawag. Naging malapit naman siya rito. Pero, ang dahilan pala ay para makuha nito ang tiwala ng kanyang lolo’t lola. Sa testamento kasi ng kanyang grandparents, ipapamana umano ng mga ito ang kanilang ari-arian kapag nagkaroon ulit sila ng apo.


Ngunit, dahil madami namang pera si Manuel Miranda, hindi nito inintindi ang naging desisyon ng matatanda. Ipinaramdam pa rin naman ni Manuel kay Nhel ang pagiging isang ama. 


“Kung paanong maging malupit?” Mariin niyang sabi, kaya napabuntong hininga siya dahil nakaramdam siya ng disappointment sa kanyang sarili. 


“So, hindi lang ang utang ni tatay ang dahilan kaya pinakasalan mo ako?” Marahang tanong ng dalaga sa kanya.


Naningkit ang mga mata niya, bago muling magsalita, “Ipapatikim ko sa’yo ang galit ko,” sabay halik kay Via.



Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 22, 2024


ree


Ayaw sanang paniwalaan ni Via ang sinasabi ng kanyang ‘asawa’. Hindi na kasi ito pumayag na magkahiwalay sila mula nang sila'y ikasal. 



Hindi niya alam kung bakit hindi rin siya gaanong nakakaramdam ng pagtutol. Para ngang bukal na bukal pa sa kanyang loob ang pagpapakasal sa binata. 


Dahil ba nais niya lang mailigtas ang kanyang ama-amahan? Hindi man sila magkadugo, pero naging mabuting ama naman ito sa kanya. Minahal at ibinigay nito ang pangangailangan niya, pero nagbago lang talaga ang kanyang Tatay Pedro mula nang mawala ang kanyang ina. 


“Anak ka ni Tatay Pedro? Pero, hindi ka niya naikuwento sa amin.” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ng dalaga. 


Talaga pa lang kinalimutan na niya ako,” wika nito. 


“Sure kang alam niya?”


“Hindi na iyon mahalaga ngayon.”


Nakangisi ang lalaki ng sabihin nito ang mga katagang iyon. 


“So, hindi lang ang utang ni Tatay Pedro ang dahilan kaya nagpakasal tayo?”


“Ini-expect mo bang kaya kita pinakasalan ay dahil na-love at first sight ako sa’yo? No. Pinakasalan kita dahil anak-anakan ka ng magaling kong ama. Gusto kong makita niyang nahihirapan ka sa piling ko,” mariin nitong sabi sa kanya. 


Dapat sana ay matakot siya sa pagbabanta na naaninag niya sa mga mata nito, pero hindi niya iyon magawa dahil kita naman niya sa mga mata nito ang lungkot. Para tuloy gusto pa niyang haplusin ang mukha nito para mapawi ang lungkot.



Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page