top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 18, 2022



Sinuspinde ng Senado ang plenary sessions nito at on-site work ngayong linggo dahil sa naitalang 88 na aktibong kaso ng COVID-19 sa mga empleyado rito.


“Allowing the surge to simmer down. Too many positive employees. Secretariat and senator’s staff,” ani Senate President Vicente Sotto.


Sa kasalukuyan ay mayroong 88 active COVID-19 infections sa mga personnel habang 196 naman ang naka-home quarantine, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

“So medyo kulang ang personnel natin sa Senado. Our medical head suggested that we continue with the work holiday to allow the staff to recover,” ani Zubiri sa mga reporters sa isang Viber message.


Sinabi naman ni Sotto na ‘skeletal’ staff and members ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) lamang ang papayagan sa Senate building sa buong linggo.


Gayunman, maaari pa ring magpatawag ng sesyon ngayong linggo ang Senate president kung kinakailangan.

However, the Senate president can call for a resumption of the session this week if need be.


Sa isang advisory, ang Senate officers at employees ay inabisuhang extended ang work suspension mula Jan. 18 hanggang 23. Ipinag-utos naman ni Sotto ang ‘total closure’ ng Senado noong nakaraang linggo.

 
 

ni Lolet Abania | January 17, 2022



Inanunsiyo ng Dagupan City government ngayong Lunes na magpapatupad sila ng 1-linggong academic break matapos na mahigit sa 1,000 estudyante at 250 school personnel ang nai-report na nakararanas ng COVID-19 symptoms.


Batay sa Executive Order (EO) No. 03 Series of 2022 na nilagdaan ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, lahat ng online at physical classes mula sa elementary hanggang senior high school sa lahat ng pampubliko at pribadong institusyon sa lungsod ay suspendido mula Enero 18 hanggang 25, 2022.


Inisyu ang nasabing EO makaraang apat pang Schools Division Office personnel at apat na titser sa siyudad ang magpositibo sa RT-PCR test. Nananatili namang pending ang resulta ng test ng iba pa.


Una nang sinabi ng independent monitoring group na OCTA Research nitong Biyernes na ang Dagupan, kasama ang anim na iba pang lugar, kabilang ang National Capital Region, ay nasa critical risk na ng COVID-19.


Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang average daily attack rate kada 100,000 populasyon ay “very high” o napakataas sa Dagupan na nasa 29.60%, habang ang naitala sa kanilang infection o reproduction number ay nasa 4.58%.


Nakasaad naman sa EO, “The academic health break would allow students and school personnel a respite from physical and mental fatigue caused by the pandemic.”


Gayundin, makapagbibigay ito sa mga academic institutions ng, “sufficient time in determining the much needed recalibrating of minimum public health protocol to help protect the students and their staff from COVID-19,” batay pa sa EO.


Samantala, ang suspensyon ng mga klase para sa tertiary level ay ipinauubaya na nila sa deskrisyon ng mga school authorities ng mga kolehiyo at unibersidad sa lungsod.


 
 

ni Lolet Abania | January 17, 2022



Humigit-kumulang sa 161 personnel ng Civil Service Commission (CSC) ang nagpositibo sa test sa COVID-19.


Sa Laging Handa public briefing ngayong Lunes, sinabi ni Commissioner Aileen Lizada na ang latest data ay nanggaling sa CSC central at regional offices.


“More or less, we have 161 positive po and awaiting ho kami doon sa ibang close contact or ‘yung naghihintay ng result ng swabbing so ‘yun ho ang aming minomonitor. Right now, we are 161 positive,” ani Lizada.


Ayon kay Lizada, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID, tatalakayin nila sa CSC kung magpapatupad sila ng polisiya hinggil sa mandatory vaccination sa kanilang mga empleyado.


“Magkakaroon ho kami ng commission meeting twice ngayong week, if I’m not mistaken naka-agenda na po ‘yan so we are finalizing our policy on this one,” sabi ni Lizada.


Nagpahayag naman ng suporta si Lizada para sa mandatory testing ng mga empleyado ng gobyerno upan matiyak ang kaligtasan ng bawat personnel laban sa COVID-19 at para magarantiya ang mahusay serbisyo nito sa publiko.


Sinabi pa niya na ang COVID-19 testing ay walang bayad sa mga empleyado.


“Kukunin ho sa MOOE (maintenance and other operating expenses) ninyo so kung mayroon kayong teams, Team A, Team B, puwede ho kayong magtesting, let's say every two weeks kung kailan ho 'yung palitan ng next team natin,” saad ng opisyal.


“So let us be preventive and protective as well so at least assured kayo na lahat ho ng nandoon sa inyong bubble ay safe po at di tayo makakahawa sa ibang tao,” dagdag pa ni Lizada.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page