top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 22, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 22, 2025 (Lunes): Kakambal mo ang mga suwerte. Kaya ang iba sa mga ito ay hindi sinasadyang naipamigay mo sa mga kasama mo. Gayunpaman, ang natira ay gamitin mo para sa ikauunlad mismo ng buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, magdahan-dahan ka. Hindi lahat ay nakukuha sa patsamba-tsamba. Sa pagiging marahan, nakikita ang mga posibleng balakid at hadlang na nakasasagabal sa iyong dinaraanan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-18-20-26-38-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na bigla-bigla kang pagkakalooban ng suwerte at magandang kapalaran. Huwag kang mag-alinlangan at magdalawang-isip, bagkus hablutin mo agad ang magandang kapalarang darating upang hindi na mapunta sa iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-29-31-37-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagsisimula nang magpakita ang mga nagagandahang bituin sa langit ngayong tag-araw. Dahil dito, ang personalidad mo ay may gaganda rin tulad ng mga bituin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-28-30-36-41.


CANCER (June 21-July 22) - Taas-baba ang mga alon sa dagat. Sa huli, masusumpungan mo ang dagat at ikaw ay punumpuno ng kayamanan at kasaganaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-18-25-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sisilip sa iyo ang mga suwerte, at kapag nakitang kapos ka sa magagandang kapalaran, ang suwerteng sumisilip ay tuluyan nang papasok sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-17-26-35-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itaya mo ngayon ang kapalaran upang manalo ka. Ang umaatras sa laban ay mga talunan. Hindi ka talunan at ikaw ay kabilang sa mga mananalo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-15-24-35-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sala sa init, sala sa lamig – sino kaya siya? Sino pa nga ba, kundi ikaw! Sa mga araw na ito, pabagu-bago ka ng gusto at naiiba ang iyong timpla at pananaw sa bawat minuto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-22-27-30-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabanggaan ang dalawang nasa iisang linya na magkasalungat. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit nakakabanggaan mo ang mga malapit sa puso mo na sumasalungat sa iyong mga kagustuhan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-10-21-37-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Langit ang gagawa ng paraan sa mga bagay na hindi mo kayang gawin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-19-28-30-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyo ang araw na ito, pero sa una, aakalain mong talo ka ng iyong mga karibal. Ngunit sa huli, kusa silang susuko sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-20-24-31-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon. Sino naman kaya ang malas? Walang iba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-16-26-38-40-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tulad ng mga mabilis na kabayo, ang malalaking suwerte ay magmamadali ring pumasok sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-19-25-39-42.

 
 

ni Chit Luna @News | September 20, 2025


World Health Organization (WHO)

Photo File: World Health Organization (WHO)



Nanawagan ang isang kilalang global health expert ng bagong estratehiya para sa tobacco harm reduction sa Asia-Pacific, ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng naninigarilyo sa buong mundo.


Sa webinar ng Asia Forum on Nicotine (AFN) noong Agosto 17 na may temang “The WHO FCTC, 20 years on,” sinabi ni Professor Tikki Pang, senior global health consultant ng Center for Healthcare Policy and Reform Studies sa Jakarta at dating Director ng Research Policy sa WHO, na kailangan ang mas ligtas na alternatibo para mabawasan ang pagkamatay.


"The fact is that Asia-Pacific, specifically Asia, has the highest number of global tobacco users. The number is staggering. It is 781 million people. That represents 63 percent of the global total of people who use tobacco," ayon kay Nancy Loucas, executive coordinator ng Coalition of Asia-Pacific Tobacco Harm Reduction Advocates (CAPHRA).


Binatikos ni Loucas ang agenda ng darating na WHO Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) conference sa Nobyembre, na umano’y mali ang pag-dismiss ng harm reduction bilang isinusulong lang ng industriya.


"Despite the fact that Article 1 of the convention implicitly includes harm reduction as a component of tobacco control, there is a failure to acknowledge and support the use of safer alternative tobacco products as an important strategy and tool to end smoking," sabi ni Pang.


"Despite the overwhelming evidence of the safety, efficacy and cost-effectiveness of these products, and the fact that 130 million people are actually using these safer alternatives, the WHO, FCTC and the COP have adopted a very strong anti-tobacco harm reduction stance, actually stating that these products are as harmful as combustible cigarettes and calling on its member states to ban them and actually giving awards to countries which have done so,” kanyang dagdag.


Bawat taon, humigit-kumulang 8 milyong tao ang namamatay dahil sa smoking-related diseases, karamihan mula sa low- at middle-income countries. "The Asia-Pacific region bears a very significant burden of these harmful effects of smoking," aniya.


Sa halip na maghintay ng pagbabago mula sa WHO, iminungkahi ni Pang na bumuo ang mga tagapagtaguyod ng harm reduction ng malayang plataporma na nakabatay sa ebidensya, katulad ng International Federation of Pharmaceutical Manufacturers and Associations (IFPMA).


"In the years that I've become a supporter for tobacco harm reduction… I have been struck by the support the cause has received from many quarters," ani Pang.


"Reflecting on that, I sometimes wonder, we can't all be wrong. The second reflection comes from Alex Wodak in Australia, and I quote Alex, 'WHO's position on this issue is now as irrelevant as the position of governments in Eastern Europe and the Soviet Union in the 1980s on the future of central command economies. WHO's position will collapse at some point, but I don't know when,” kanyang sabi.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | August 26, 2025



Aljur Abrenica at Kylie Padilla - IG

Photo: Aljur Abrenica at Kylie Padilla - IG



Lumabas last Sunday (Aug. 24) ang socmed (social media) post ni Kylie Padilla na nagpapasalamat kay Aljur Abrenica dahil sa ‘daddy duties’ sa mga anak nila.


May pinuntahang circus ang mag-iina at sinamahan sila ni Aljur, that resulted to having them a family picture na ikinagalak ng mga nakasubaybay sa kanila.


Sey pa ni Kylie, nanatili naman silang magkaibigan ng dating asawa at maayos ang co-parenting system o agreement nila.


Sa naturang post, sinabi nitong hindi lang daw naibabalita na matagal na silang nag-uusap ni Aljur at very open ang mga linya ng komunikasyon nila lalo’t para sa kanilang dalawang anak.


At dahil lumabas nga kamakailan na mayroon na rin palang dalawang anak si Aljur sa current partner nitong si AJ Raval, marami ang nagwa-wan-plus-wan na obligado nga ang aktor na ilabas na sa socmed (social media) ang kanyang ‘daddy duties’ sa mga anak niya kay Kylie Padilla.



“PARA lang hindi na s’ya kuwestiyunin sa panalo n’ya,” reaksiyon din ng netizen sa ginawang pambubuking ni Jeric Raval sa anak na si AJ at partner nitong si Aljur Abrenica.


Mas pinag-usapan nga ang pagkukuwento ni Jeric na may dalawa na ngang anak sina AJ at Aljur, at ine-enjoy niya ang kanyang pagiging lolo sa mga ito.


At dahil tinalo nga ni Jeric sa katatapos na FAMAS Awards Night as Best

Supporting Actor ang gaya nina Ruru Madrid, Jhong Hilario, Sid Lucero, Will Ashley at Joel Torre, siyempre, marami ang nagtaas ng kilay.


“Magaling s’yang maglihis ng intriga. Kesa nga naman kulitin pa s’ya kung bakit n’ya tinalo ang mga umano’y higit na magagaling sa kanya, iniba na lang n’ya ang kanyang narrative,” hirit pa ng mga intrigerong Marites. Hahaha!


Pero ganu’n naman talaga ang mga award-award, ‘noh? Laging may intriga sa mga winners. Ano bang pakialam natin kung sa panlasa ng mga umupong jury ay higit na lumutang si Jeric Raval?  



KAHIT ang gaya ng The Clones (TC) segment ng Eat… Bulaga! (EB!) ay hindi rin nakaligtas sa mga batikos.


Sa nakaraang grand finals para sa Classic Male category nila that featured the clones o kaboses nina Basil Valdez, Elvis Presley, Matt Monro, Julio Iglesias at Eddie Peregrina, sangkaterba rin ang mga hindi masaya ang reaksiyon.


‘Yung kaboses ni Basil Valdez ang nanalo (to which we agree na talagang kuhang-kuha at dikit na dikit sa boses ng idol natin) and yet, may mga nagkukuwestiyon na dapat daw ay nanalo rin ‘yung kaboses ni Matt Monro.


Naging runners-up kasi ‘yung boses-clone nina Eddie Peregrina at Elvis Presley.


“Kaya nga bigla na naman silang gumimik na magkaroon ng resbak o wild card para pabalikin ‘yung mga naging runner-up at natalo,” sey ng mga netizens.


At dahil damay na damay si Kapatid Allan K. bilang nagiging bahagi pala ng kanyang The Klownz ang mga nananalo sa show, hindi rin maiiwasang intrigahin siyang ‘may influence o hand’ umano ito sa resulta ng contest.


Binanggit nilang example ang ilan sa mga naging kalahok (at mga nanalo pa) na may regular na pala na ‘puwesto’ sa naturang comedy bar?


Ahhh, so?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page