- BULGAR
- Aug 7, 2025
ni Imee Marcos @Imeesolusyon | August 7, 2025

Mga beshie, narinig niyo na ba? Sa 2025 national budget, may naka-allocate na P364.4 BILLION para sa flood control. Oo, bilyones! Pero bakit parang mas lumala pa ang baha sa ilang lugar?
Nawindang talaga ang lola niyo! Imagine — ganu’n kalaking budget, pero hanggang ngayon, baha pa rin ang eksena.
Aba, anong klaseng flood control drama ’to? Bilyun-bilyon ang ginastos ng gobyerno pero lutang pa rin ang solusyon?! Juice colored, tama ba ‘yun?!
Hindi na keri ang band-aid solutions! Kailangan ng matibay at long-term na plano — dredge ang Laguna de Bay, ituloy ang Parañaque Spillway, gawing NEP flagship project ‘yan!
Kung may plano na ang DPWH, ano pa inaantay mga besh? I-implement na agad! Pati ang private sector, isali niyo na! Gayahin ang peg ng San Miguel Corporation — naglabas ng P2B para sa Pasig River, P1B sa Tullahan, walang hinihingi sa gobyerno, klaro ang costing, at may sarili pang checklist. Sana all, ‘di ba?
At si DPWH Sec. Bonoan? Hindi siya newbie ah, kasama na siya sa MMETROPLAN since 1976, nagbigay din ng 60 reco matapos ang ‘Ondoy’ noong 2009, pero waley pa rin long-term plan sa baha?! Grabe!
Habang ang ibang bansa may sponge cities at SMART tunnels, tayo — nasa planning stage pa rin? ‘Di pa rin nakausad?
Real talk: makakatipid tayo ng 90% kung maagapan ang pinsala dulot ng mga pagbaha. Hindi lang pera ang nasasayang dito — buhay, kabuhayan, imprastraktura, at kinabukasan ang nakataya.
Kaya dapat lang magkaroon na tayo ng national flood control plan! Kilos na! Now na!




