top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | June 21, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Yes na yes, finally nakapag-oath na ang lola niyo bilang re-elected SENADORA ng Republika ng Pilipinas!


Umuwi tayo sa aking beloved Ilocos Norte para makapagsimba sa St. Augustine Parish Church sa Paoay bago manumpa nu’ng Hunyo 18.


At mga sis, grabe ang weather ha — hindi pawisan, hindi maulan — kumbaga sa makeup, FRESH lang ang atake! Sabi nga ng tatay ko, ang tawag diyan, MARCOS WEATHER!


Of course, hinding-hindi natin malilimutan ang isang dosenang pasasalamat:


* Sa mga loyalistang hindi nagpa-shake kahit anong intriga!


* Sa mga sumuporta kahit maraming nega!


Sa totoo lang, hindi lang ako ang panalo — TAYONG LAHAT ITO!


Kaya ngayong palapit na ang 20th Congress, aba G na G na akong maghanap ng mga #IMEEsolusyon sa mga problema ng bayan!


Gutom, mabagal na internet, walang trabaho, tiwaling sistema — girl, nilista ko na lahat ‘yan sa planner ko with matching color coding pa!


So, push lang nang push! Asahan ninyong ilalaban natin ang national minimum wage; suweldo para sa mga magsasaka; at pag-amyenda sa Regional Specialty Centers Act, Cooperative Code at marami pang iba.


Simula pa lang ng laban at ang paghahanap natin ng tunay na IMEEsolusyon.


20th Congress, lezzgo! Reding-ready na ang inyong Manang!


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | June 13, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, ‘wag na tayong magpa-stress sa mga linyang “Connecting... reconnecting...” habang nanonood ng inyong paboritong teleserye o nagla-live selling! ‘Di mo na kailangan maki-join sa WiFi ng kapitbahay — dahil ngayon, may Konektadong Pinoy Act na! Afford mo na ang cheap, pero fast and reliable na internet.


Ito na ang sagot sa mga panalangin natin para sa maayos na internet connection!


Isipin niyo ‘to: mas mura, mas mabilis, at mas maaasahang internet na hindi kailangan ng mga paandar na drama!


Kaya mga beshie, ready na ba kayong mag-FB Reels nang walang lag at makahanap ng online love? Dahil sa Konektadong Pinoy Act, lahat tayo may chance maging connected ang life — in HD!


Dasurv na dasurv niyo ‘yan!


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | June 6, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, na-miss ko kayo! Tapos na ang bloody kampanya at eleksyon kaya back-to-work na ang lola niyo! 


Sa unang araw pa lang ng pagbabalik ng sesyon, pak na pak agad tayo dahil pasado na sa ikatlong pagdinig ang ating Free Funeral Services Act!


Sa wakas momsh, hindi mo na pagluluksaan ang gastos sa pagpapalibing! Focus ka na lang sa pag-cry! No more gastos sa embalming at lamay, transpo ng dead-ly body pauwi sa family, at iba pang gastusin sa pagpapalibing. I got your back, mga teh!


Kung may pangkabuhayan showcase, aba may bonggang pangkamatayang showcase tayo!


Oh, curious ka kung paano mo ito maa-avail? Ito na sis, i-take note mo na ang requirements:

•⁠  ⁠valid ID ng humihiling ng tulong o ng namayapang kaanak

•⁠  ⁠⁠death certificate

•⁠  ⁠⁠social case study report mula sa rehistradong social worker, at

•⁠  ⁠⁠funeral contract na nagpapakita ng kasunduan sa pagitan ng pamilya, funeral establishment, at DSWD (Department of Social Welfare and Development).O ‘di ba, keribels?!


Finally, hindi na problema ang pagpapalibing sa mga mahal natin sa buhay! Basta kahit may #IMEEsolusyon ng libreng libing, mag-ingat ka pa rin beshie ha? Babush!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page