top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

AKTOR, TAMAD NA, BABAERO PA, MISIS NA AKTRES, NASAGAD KAYA NAKIPAGHIWALAY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 5, 2020



BLIND ITEM:


Sa halip na habulin at panghinayangan ang paghihiwalay ng aktor at ng aktres na ilang taon ding nagsama at inakala ng lahat na mala-fairytale ang kanilang love story, para sa mga kaibigan ng aktres-producer ay blessing in disguise pa ang nangyari.


Pabor ang mga partidos ng aktres-producer sa kanyang desisyon na hiwalayan ang aktor kahit na may mga anak na sila. Nakikita kasi ng mga kamag-anak ng aktres na batugan at walang ambisyon sa buhay ang aktor.


Binigyan na sila ng negosyo ng partidos ng babae upang may pagkaabalahan, tutal naman ay walang show at projects ang aktor, aba't ang aktres-producer pa rin ang kumikilos at nag-aasikaso ng lahat, pati na ang pagtataguyod sa kanilang mga anak.


Hindi nagbago ang ugali ng aktor kahit marami na silang anak. Tanghali na itong gumigising at laging tinatamad kumilos. Pero dahil sa mahal na mahal ng aktres-producer ang mister, tiniis na lang niya ang lahat at nagpakamartir alang-alang sa kanilang mga anak.


Ngunit may hangganan din pala ang pagtitiis. Hindi na kinaya ng aktres-producer na tamad na nga ang aktor ay nagagawa pang mambabae. Du'n nasagad ang kanyang pasensiya kaya nagdesisyon na makipaghiwalay na sa aktor na ama ng kanyang mga anak.


Tutal naman, kayang-kaya niyang buhayin ang mga anak kahit hindi magbigay ng ayuda ang kanyang ex-husband. Ngayon, deadma ang aktres-producer kahit na todo-displey pa sa social media ang aktor sa bago niyang dyowa!

 
 

'DI PINAGBIGYAN, NAG-OBER DA BAKOD, NALAOS NAMAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 2, 2020



BLIND ITEM:


Maraming fans ng dating sikat at guwapong matinee idol ang labis na nanghihinayang ngayon dahil unti-unti na siyang nawawala sa sirkulasyon. Wala na siyang tv shows at pelikula. Kung kailan pa naman niya kailangang kumita para itaguyod ang kanyang mga mahal sa buhay, saka pa naindulto ang kanyang career.


Nagsara na ang network na kanyang nilipatan. Wala na siyang aasahan pang trabaho sa pinanggalingang network. Wala rin siyang fallback o ibang trabahong puwedeng gawin kahit dalhin pa niya abroad ang kanyang pamilya.


Hindi naman kasi siya nakapagtapos ng anumang kurso. May naipundar man siyang bahay mula sa kanyang kinita sa pag-aartista at dati ay may sosyo siya sa negosyo ng ilang kaibigan sa showbiz, pero dahil gumagastos din araw-araw at walang pinagkakakitaan, unti-unti na ring nababawasan ang kanyang ipon.


May ilang nagmamalasakit na netizens ang nagsabi na maling-mali ang naging desisyon ng guwapong aktor at ng kanyang manager nang iwan niya ang network kung saan siya nagsimula. Markado at magaganda ang mga projects na ibinigay sa kanya noon. Bida siya palagi at malaki ang kanyang talent fee.


Nang mag-expire na ang kontrata ng guwapong aktor sa dating network, nag-demand ng sobrang taas na talent fee ang kanyang manager, bukod pa sa ibang demands at kondisyones. Pero hindi na kinagat at pinatulan ng network. Ni hindi na siya hinabol at pinapirma ng bagong kontrata. Kaya, no choice kundi lumipat na siya ng network kung saan marami siyang kakumpitensiya.

 
 

SINGER-ACTRESS, NABUKING NA ANG TOTOONG UGALI NG PINAKASALANG AKTOR, PANAY ANG AWAY PERO TODO-TIIS 'WAG LANG MAPAHIYA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 27, 2020




BLIND ITEM:


For sure, hindi aamin ang singer-actress na nagkakaproblema na sila ng pinakasalan niyang aktor. At maaaring idahilan na lang niya na natural lang na may tampuhan at mumunting away ang mag-asawa.


Sey naman ng malalapit na kaibigan ng singer-actress, hindi niya basta-basta igi-give-up ang kanilang marriage dahil hindi biro ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan upang maipaglaban lang ang kanilang pagmamahalan.


May ilang fans ang nagsasabing baka natuklasan na raw ni singer-actress ang mga hindi kanais-nais na ugali ng mister kaya raw napapadalas na ang kanilang pag-aaway.


May nagsasabi pang baka nga raw tama ang kutob ng maderaka ng singer-actress kaya todo-harang at umaayaw sa aktor na pinakasalan ng kanyang anak.

Sabi nga, "Mother knows best." Matalas ang kanilang radar sa pagkilatis sa ugali ng manliligaw ng kanilang anak.


Sobrang na-in love ang singer-actress sa aktor kaya hindi na niya nakilatis nang husto ang tunay na ugali nito. And for sure, dahil sobrang mabait, magpapakamartir na lang si singer-actress sa piling ng lalaking minahal niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page