top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | March 16, 2024


Blind item:


Ang bongga naman ng may-edad na pero sexy pa ring aktres dahil ipinagpapatayo raw siya ng bahay ng kanyang 'secret papa' na big time businessman sa Ayala, Alabang.


Sinabi naming 'secret papa' kasi 'di naman lantad sa showbiz ang relasyon nila lalo't ang nakikitang kasa-kasama ng big time businessman ay ang sosyal na aktres na matagal nang napapabalitang dyowa nito.


Iba na talaga ang mapera, imagine, kahit 'di naman hunk o heartthrob ang naturang bigtime businessman, aaang pogi-pogi niya sa paningin ng mga babae para makuha niya ang may-edad na pero sexy pa ring aktres at ang mala-diyosang sosyal na aktres.


'Yun na!


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Marso 9, 2024



BLIND ITEM:


Naguguluhan ang aming source tungkol sa ex-lovers na aktres at aktor dahil lagi pa ring magkasama gayung inamin naman nilang hiwalay na sila.


Sabi, inamin ng dalawa na okay naman sila kahit hiwalay na dahil mananatili raw silang magkaibigan.


Ang tanong lang ng lahat ay kung matutuloy ba ang kasal ngayong taon?


Kuwento ng aming source, “Base kasi sa tsikahan ng friends namin, parang oo na hindi na.  Oo, kasi nanghihinayang ang mga nakapaligid sa dalawa na hindi matuloy, especially ang mga friends nila. 


“Hindi na, kasi ‘yung sa relatives ni boy ay sobra silang nasaktan kasi lumabas na siya ang may kasalanan at sobrang binash siya.


“Si girl naman, feeling innocent kaya dedma siya sa nangyayari, pero actually, malaki ang part niya sa hiwalayan.


“Saka ang laki na ng nagastos para sana sa kasal nila, ang sosyal ng prenup shoot na si girl mismo ang namili ng lugar, sayang talaga.” 


Binanggit sa amin kung saan ginanap ang prenup shoot at talagang napa-"Wow!" kami. 


Then, sa pagkakaalam namin ay isang couple pa lang ang kinunan para sa prenup sa naturang lugar.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 25, 2024



Blind item:


Sa pagpapatuloy ng ating “blind item series” ukol sa mga sikat na celebrities na sangkot sa kontrobersiya, ibinuking ng aming source kung ano ang dahilan ng kaguluhan sa party hosted by the female star (FS) na ginanap sa bahay at ikina-shocked ng sosyalerang pamilya ng male star boyfriend (MSB) niya.


Kabilang sa mga naimbitahan ni FS sa kanyang party ang mga sikat na celebrity friends niya tulad ng young actress (YA) na nahiwalay sa kanyang BF na young actor, ang controversial couple na guwapong aktor (GA) at aktres-model (AM) at ang magaling na dramatic actor (DA).


Nalasing daw sa party si GA at ang siste, nag-away sila ni AM sa ‘di malinaw na dahilan. 


At sa pag-aaway ng controversial couple sa party, sinakal daw ni GA si AM sa kainitan ng kanilang pagtatalo na ikinagulat ng mga bisita at pamilya ni MSB.


Shocked si YA nu’ng makitang sinasakal ni GA si AM. Nanginginig daw sa takot si YA at ‘di malaman kung saan lalapit para maibsan ang kanyang nararamdaman.


Wala kasi doon ang ex-BF ni YA na itinuturing niya na kanyang ‘knight in shining armor.’ 


Sad to say, naghiwalay din si YA at ang kanyang BF ilang panahon pagkatapos mangyari ang sakalan ng controversial couple sa party. 


And aside kay YA, pati si DA ay ‘di rin makapaniwala sa pisikalang awayan ng controversial couple during the party ng common friend nila na si FS.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page