top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 10, 2022



Blind item:


May iba't ibang bersiyon ng kuwento na lumulutang ngayon tungkol sa hiwalayan ng controversial showbiz couple.


Ang unang kuwentong lumabas ay third party sa parte ng sikat at guwapong aktor. Pero ngayon, may ilang nagsasabi na lumabas na ang tunay na ugali ng aktor nang magsama na sila sa iisang bubong ng karelasyong aktres.


May mga showbiz observers namang nagsasabi na blessing in disguise na habang maaga pa ay nalaman agad ng aktres ang kakaibang ugali ng aktor. May ilang tao sa kanilang paligid daw kasi ang nagpapatunay na may “kakaibang ugali” ang aktor na nakakabahala.


Hindi naman siya bayolente, pero minsan ay may kakaibang personalidad. Hindi ito nararamdaman ng iba, pero lumilitaw ang weird na ugali ng aktor nang hindi niya namamalayan.


Pero kapag matalas ang pakiramdam ng kanyang kausap, tiyak na malalaman na may kakaibang "pitik" ang personalidad ng nasabing aktor. Very alarming ito kung tutuusin.


Well, sa unang tingin ay walang maniniwala na may “something” nga ang mabait na aktor.


Ang nakapagtataka lang ay kung bakit hindi agad ito natuklasan ng aktres bago sila nagpakasal?


Ang tagal-tagal nilang magkarelasyon, pero hindi niya naramdaman ang kakaibang personalidad ng aktor?


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 07, 2022



Blind item:


Lihim na pinagtatawanan ngayon ng ilang nagtatrabaho sa TV productions ang isang sikat na singer-actress na kilalang may kakaibang angas sa katawan at madalas na nagluluka-lukahan kapag wala sa mood.


Dahil sa tinatamasa niyang kasikatan ay medyo lumaki ang ulo ng nasabing female celebrity.


Feeling niya ay siya ang pinakamagaling at pinakasikat kaya laging nagde-demand ng VIP treatment kapag nagso-show at nagko-concert.


Hindi rin basta-basta nakakapasok ang sinuman sa kanyang dressing room. Ayaw niyang mag-entertain ng kung sinu-sinong bisita lang.


Parang reyna ang trato sa kanya sa set ganu'ng dati naman siyang purita Mirasol (read: pobre) noong nagsisimula pa lang ang kanyang singing career.


Buking naman ng lahat na marami siyang ipinaayos sa kanyang mukha upang magkaroon ng konting ganda.


Masang-masa ang kanyang hitsura pero umaasta siyang sosyalin at hindi na ma-reach.


Kaya marami ang dismayado sa lukaret na singer-actress.


Pero, may katapusan naman ang lahat. Nang lumipat siya ng network, hindi niya alam na magkakaroon ng malaking indulto sa kanyang career. Kahit sikat na sikat siya, hindi naman siya puwedeng umarte at magluka-lukahan.


Hindi na puwede ang nakasanayan niyang VIP treatment. Maraming sikat na singers-actress ang kanyang dinatnan sa bagong network. Hindi na siya makakapagmalaki pa dahil halos pantay na ang level niya sa mga dinatnang talents.


At ngayon nga, wala pang katiyakan kung hanggang kailan siya mamamayagpag. Nang magkaroon ng pandemya, nabawasan ang kinang ng mga singers at artista. Tiyak naman na hindi na siya makakabalik pa sa tinalikuran niyang network.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 30, 2022


Blind item:



In denial pa rin ang ilang taga-showbiz sa breakup ng celebrity couple. Buong akala kasi ng marami ay match made in heaven sila.


Wala pa ring makumpirma kung ano talaga ang dahilan ng hiwalayan ng celebrity couple.


Although, may usap-usapan among showbiz insiders na maaaring may nadiskubre raw ‘yung aktres sa pagkatao nu’ng aktor — na hindi raw pala guy, but gay.


“Closeta” raw 'yung male celebrity.


In fairness sa male celeb, wala talagang makikita na anumang 'bahid' sa kanyang gender preference. Ni hindi rin siya na-involve sa anumang isyu ng kabadingan, ha?



 
 
RECOMMENDED
bottom of page