top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | August 6, 2022


BLIND ITEM:


Sabi nga, walang lihim na hindi nabubulgar… lalo na't level-up na ang mga Marites ngayon, char!


Eh, kasi, imagine, kahit nananahimik lang naman kami, aba'y kusang dumating sa amin ang bulung-bulungan ng mga nasa alta-sosyedad kung bakit naghiwalay ang rich showbiz couple na itey.


Chika nga sa amin ng isang sosyal na Marites na belong sa circle na iniikutan ng rich showbiz couple, may kakaibang trip pala sa sex ang mag-asawa.


Siguro, dahil sa tagal na rin ng pagsasama nila, may sawaan factor na, kaya nagkaroon sila ng agreement na puwede silang tumikim-tikim ng ibang putahe, pero dapat, hindi sila maiinlab sa makaka-chuva tienes nila.


Ang siste, itong si girl, nainlab sa guwapong guy na kaibigan pa nila ng kanyang mister kaya ayun, ang ending, hiwalay na ang rich showbiz couple!


Well, kilala pala ng mga friends nila at belong sa kanilang circle na parehong swinger ang mag-asawa. 'Yun nga lang, marupok si girl kaya paaaak, tinamaan ng lintek, babuuuu!


Kaya natatawang sabi ngayon ng mga sosyal na Marites, 'wag na raw magpa-victim si girl dahil magiging trying hard lang siya.


Ohhh!


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 13, 2022



Blind item:


Hindi na ipinagtataka ng marami kung bakit sa paghihiwalay din humantong ang relasyon ng female celebrity at ng kanyang papa na isang foreigner.


Noong una pa lang ay pangarap na ng female celeb na magkaanak ng maganda at tisay.


Morena kasi siya, ganu'n din ang una niyang anak sa isang Pinoy.


Kaya nang makilala niya ang isang guwapong foreigner ay hindi na siya nagpakipot pa.


Hindi na niya ito pinakawalan pa.


At natupad ang kanyang pangarap na magkaanak ng magandang tisay! Ilang taon ding tumagal ang kanilang relasyon ng tisoy niyang boyfriend.


Pero, simula pa lang ay sinasabi na ng ilang tao sa kanilang paligid na hindi magtatagal ang kanilang relasyon. Magkaiba kasi ang kanilang kultura at maraming bagay silang hindi napagkakasunduan.


At nangyari na nga ang hiwalayan. Hindi gaanong dinamdam ng female celebrity ang paghihiwalay nila ng kanyang dyowa. May mga anak naman siyang nakakasama.


Kahit single parent ay kaya niyang itaguyod ang dalawang anak. Besides, napaghandaan na rin ng female celeb ang future ng kanyang mga anak. Marami na siyang naipundar na kabuhayan, Hindi na niya kailangang umasa sa suporta ng kanyang tisoy na ex-jowa!



 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 31, 2022

BLIND ITEM:


MUKHANG walang balak makipag-ayos ang aktor sa dyowa niyang aktres dahil may iba na siyang nilalanding babae ngayon.


Kaswal na naitsika ito ng aming source, “Si ______ (aktor), mukhang kinikiyeme si ______ (may sabit na aktres) at mukhang type rin siya kasi hindi nila napapansin na sweet sila sa set at maraming nakatingin.


“Eh, ano ba ang estado nina ______ at ______ (aktor at dyowang aktres)? Wala naman kasi silang inaming hiwalay na sila o anuman, nakita na lang sa social media na they’re not living together na pala. Kani-kanyang uwi na sa bahay.


“Tapos, itong si ______ (nilalanding babae), 'di ba, may asawa siya? Hiwalay na ba sila? Kung hiwalay na at si ______ (aktor), ganu’n din, eh, di G (go) sila. Pero kung si babae, eh, may sabit, parang teka lang.”


Parehong tahimik sina aktor at aktres sa kasalukuyang estado ng relasyon nila. Siguro, dahil may anak sila at ayaw nilang pagdating ng araw ay mabasa ng bagets sa internet ang nangyari sa mga magulang niya.


Sabagay, mas magandang huwag nang magsalita sina aktor at aktres para hindi na ito pag-usapan pa.


Base sa tsika naman ng isa pang source namin ay hindi nagustuhan ng aktres na laging umiinom ang aktor dahil nababago ang ugali nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page