top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 18, 2022



BLIND ITEM:


Dahil sa hindi magandang pagkaka-edit ng larawan ng kilalang aktres para sa isang magazine ay tinanggal niya ito sa kanyang social media account dahil nag-viral siya.


Nagtataka ang kilalang aktres kung bakit walang tigil sa katutunog ang notification bell niya at nakita nga niya na may kinalaman ito sa larawang ang ganda ng pose niya pero hindi maganda ang pagkaka-edit.


How true na ang nag-edit ng larawan ng kilalang aktres ay nakatanggap ng memo mula sa opisina at pinagpapaliwanag siya sa loob ng isang araw bakit ganu’n ang resulta.


“Tinanong ‘yung gumawa, hindi ba nito napansin na pumangit si (kilalang aktres) sa ginawa niya? Ibig sabihin, hindi perfect ang body niya?” kuwento ng aming source.


Hindi naman nabanggit ng aming source kung nagsabi ang kilalang aktres sa management ng magazine tungkol sa hindi magandang pagkakagawa ng larawan niya.


Ang worry lang ng aming source ay sana, hindi naman mauwi sa suspension ang gumawa ng larawan dahil base sa tsika ay sobrang inaalagaan nila ang kilalang aktres dahil nga hindi madaling magpa-schedule sa kanya ng pictorial at higit sa lahat, malakas ito sa market.


Oo naman, malakas talaga sa advertisers ang kilalang aktres kaya napakaraming produkto ang ineendorso nito. Kaya nga hindi na siya tumatanggap ng TV series dahil mas okay ang maging endorser at mas malaki pa ang bayad.


Agree naman kami dahil ang pinakamurang post ngayon sa social media ng baguhang artista ay nasa 50K hanggang 100K. Ang established artists ay nasa milyones na kahit hindi pa umabot sa milyones ang followers at subscribers.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 14, 2022



Blind item:


Usap-usapan ngayon sa grupo ng mga showbiz reporters ang isang baguhang aktor na may maamong mukha pero maangas at may attitude.


Mula't sapul ay may kakaibang "aura” raw ang guwapong aktor. Hindi pa siya gaanong sikat pero kung umasta ay feeling big star na.


Ang akala ng iba noong una ay napakabait at humble ng baguhang aktor. Pero, habang nagtatagal ay lumilitaw na ang tunay niyang ugali at pagkatao.


Ni hindi nga siya nagpasalamat sa isang talent manager na tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista. At may ugali pa ang feeling big star na aktor na nagpapapansin at gumagawa ng issue upang siya ay mapag-usapan. Kaya, minarkahan na siya ng mga movie producers.


Dismayado rin sa ugali ng aktor ang ilang entertainment press kaya pinagkaisahan na i-boycott at 'wag bigyan ng publicity. At ngayon pa lang, sinasabi na nilang hindi magtatagal ang showbiz career ng maangas na aktor.




 
 

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | August 11, 2022


BLIND ITEM:


Dapat mag-ingat ang isang aktres na galing sa angkan ng mga taga-showbiz sa kanyang mga kilos at paggimik-gimik.


Kalat na kasi sa sirkulong kanyang ginagalawan na ang boyfriend niya ay supplier ng drugs. So, malamang, sinusubaybayan na sila ng mga awtoridad at hinahanapan lang ng ebidensiya.


Ang siste, kapag hindi nag-ingat ang aktres, siya mismo ang magpapahamak sa kanila ng kanyang BF.


Kapag naha-high daw kasi sa droga ang aktres, super-lakas magtrip sa mga kostumer sa bar at tamang hanap-away.


So kapag nakahanap siya ng katapat, malamang, alam niya na ang babagsakan niya!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page