top of page
Search

ni Ka Ambo - @Bistado | June 19, 2022


MAY krisis sa petrolyo ngayon.

Alam ba ninyong inalok ng Russia ang Pilipinas ng bultu-bultong langis nang mag-state visit si P-Digong sa Moscow noong 2017?


Pero, dinedma ito ni Energy Sec. Alfonso Cusi.


◘◘◘


KUNG mabilis ang utak, masinop at alerto si Cusi, napakinabangan sana ngayon ng Pilipinas ang “buffer stock” na iniaalok ni Vladimir Putin noon pang 2017.


Isa ito sa kahinaan at kapalpakan ng DoE.


◘◘◘


BAGAMAN hindi maiiwasan ang giyera ng Russia at Ukraine, pero ang negatibong epekto nito ay maaaring mabawasan kung may diskarte ang nauupo sa DoE.


Matabang kasi ang pagtanggap ng DoE sa alok ng Russian counterpart energy department na magbibigay-daan para makapag-ipon ang Pilipinas ng “buffer stock” na bahagi ng bilateral agreement.


◘◘◘


TINABLA lang ni Cusi ang kasunduang binalangkas ng PNOC EC na noo’y pinamumunuan ni PNOC EC President Pete Aquino at ng Rosnet Oil Company ng Russia matapos ang state visit ni Pangulong Duterte sa Moscow noong 2017.


Umaabot sa €10 billion ang ilalagak ng Rosnet Oil Company sa Pilipinas kung hindi ito tinabla ni Cusi.


◘◘◘


SINASABING ang dahilan ng pananabla ay hindi muna kasi kinonsulta ng PNOC EC si Cusi bago nakipag-usap at isinapinal ang kasunduan sa Rosneft.


Bilang secretary ng DoE ay siyang din chairman ng Philippine National Oil Company (PNOC) na tumatayong mother company ng PNOC EC.


◘◘◘


TOTOO kayang imbes na mag-courtesy resignation si Cusi, nagkakapit-tuko pa rin ang kanyang mga undersecretaries, assistant secretaries at mga hepe ng attached agencies ng DoE?


He-he-he!


◘◘◘


PORMAL nang magpapaalam si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.


Marami ang malulungkot sa paglisan ni TitoSen na binansagang ‘master of rules’.


◘◘◘


MATAPOS ang 24-taon singkad, siya ay magiging ‘Citizen Tito’.


Isa siya sa mga dating taga-showbiz na nagmarka sa pulitika — at wala siyang kinasasangkutang kaso ng graft and corruption.


◘◘◘


LUTANG si TitoSen kahit ang mga bigating abogado at beteranong senador ang kanyang naging kasabayan.


Hindi siya natitinag sa floor debate at maayos niyang naipatutupad ang parliamentary procedure.


◘◘◘


NASA likuran palagi ni TitoSen sina Madame Jen, Mike at iba pang miyembro ng media group.


Malaking marka kayo sa Senado, kongrats!

 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | June 17, 2022


HINDI pa rin tapos ang eleksyon sa ilang lugar sa Mindanao.


Ito ay bunga ng kaguluhan at isyu ng mga pandaraya.


◘◘◘


IPINASUSUSPINDE ang proklamasyon sa nanalong mayor sa Malabang, Lanao del Sur.


Nagsumite ng motion to suspend proclamation sa Commission on Elections (Comelec) ang kampo ng natalong mayor ng na si Al-Rashid Macapodi.


◘◘◘


SA petisyon ni Macapodi, tinukoy nito na nagkaroon ng failure of election sa ilang presinto sa bayan ng Malabang.


Ito ay dahil sa mga nangyaring kaguluhan noong araw ng eleksyon, kung saan ilan ang namatay at nasugatan.


◘◘◘


NASAKSIHAN ang karahasam mismo nina Aminoden Macapodi at Aliya M. Tangcolo na kabilang sa mga tumatayong petitioner.


Pinasok umano ng mga supporters ng kalabang mayoralty candidate na si Dagar Balindong ang ilang voting precincts at kinumpiska ang ilang mga balota.


◘◘◘


NATIGIL ang botohan at maraming botante ang umuwi dahil sa takot.

Ni-record ang ebidensya sa videos na nag-viral pa sa social media.


◘◘◘


MAY kabuuang 7, 878 ang mga botante sa mga apektadong presinto.


Sakali mang naiproklama na si Balindong bago ilabas ang desisyon, dapat umanong kanselahin ang proklamasyon.


◘◘◘


AYON pa sa petisyon ni Macapodi, ang paglalagay sa Malaban sa ilalim ng Comelec control ay hindi nakasapat para pigilan si Balindong at mga supporters nito sa paghahasik ng karahasan.


Iba umano ang magiging resulta ng eleksyon kung nakaboto nang malaya ang taumbayan.


◘◘◘


SERYOSO na ang kampo ni President-elect BBM na manungkulan simula sa tanghaling tapat ng Hunyo 30.


Isinasagawa na ang serye ng transition conference sa mga apektadong tanggapan.


◘◘◘


MARAMI ang excited sa pag-upo ni Marcos, Jr.


Marami rin ang nagtatanong kung ano ang magiging papel ni P-Digong sa “Marcos, Jr.” administration.


◘◘◘


TUMODO pa ang presyo ng petrolyo sa merkado.


Isang malaking paghamon kay P-BBM para mababa ito.


◘◘◘


TULAD sa presyo ng petrolyo, tumataas din ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19.


Pero, mas maganda ay paimbestigahan ni P-BBM kung awtentikado ba o totoo ang datos na inilalabas ng DOH.


◘◘◘


MARAMI ang nagdududa sa datos ng DOH, kung saan maaaring inimbento na lang ito upang patuloy na gamitin ang krisis upang makapagnakaw sa pamahalaan.


May suspetsa kasi na ginagamit kasi ang COVID-19 fund upang makapagdambong ang ilang nasa pribado at publikong opisina tulad ng PhilHealth.

 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | June 14, 2022


NADISMAYA si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa seremonya sa Independence Day.


Bad omen!


◘◘◘


TATAAS pa ang presyo ng petrolyo.


Walang katapusang kalbaryo.


◘◘◘


MARAMI na ang nag-face-to-face sa graduation ceremony.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


INALIS na ni Gov. Gwen Garcia ang compulsory face mask sa public places.


Inggit lang sila.


◘◘◘


ISA nang national artist si Nora Aunor.

Tumaas ang kilay ng mga Vilmanians.


Nag-Leni kasi sila.


◘◘◘


MAGPAPAALAM si P-Digong sa Palasyo nang hindi bumaba ang popularidad.


Inirerekomenda natin na pamunuan niya ang United Nations.


◘◘◘


MATUTULAD daw sa Ukraine ang Taiwan.

Siyempre, mag-a-ala Russia ang China.

At magiging Belarus ang ‘Pinas.


◘◘◘


DAHIL kay P-Digong, lumakas na ang AFP dahil sa ipundar na military hardware.


‘Yan ng tunay na patriotiko.


◘◘◘


INAASAHANG itutuloy ni P-BBM ang pagpapalakas ng military.


Puwede na mag-imbento ng libu-libong drone na pandepensa sa West Philippine Sea.


◘◘◘


SIMPLE lang ang dapat imbentuhing drone.

Puwedeng gumawa ng libu-libong saranggola na may pulbura.


‘Pag pinasabog ‘yan ng mga barko ng China — babagsak ang pulbura sa sarili nilang mukha.


◘◘◘


SA totoo lang, puwedeng rin gawing disenyo ang “walis tingting” na lumilipad, sakay ang imahe ng bruha.


Kapag nakita ‘yan ng mga Tsekwa, tatakbo ‘yan dahil may bitbit ang mga patay na “daga”.


◘◘◘


INOBASYON, imbensyon at teknolohiya ang panlaban sa Tsekwa.


Kayang-kaya ng kalokohan ni “Juan”.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page