- BULGAR
- Nov 26, 2022
ni Ka Ambo - @Bistado | November 26, 2022
PALULUWAGIN na ang importasyon ng e-vehicles.
Napakalaking tama!
◘◘◘
DAPAT sabayan ang importasyon ng e-vehicles ng pagpapababa sa singil sa konsumo ng elektrisidad.
Dapat gumawa ng direktiba kaugnay sa g malawakang paggamit ng e-vehicles sa mga tanggapan mismo ng pamahalaan.
◘◘◘
ABA’Y napalaking bawas sa konsumo ng petrolyo ang paggamit ng electric car.
Kapag lumiit ang demand sa petrolyo, siyempre’y awtomatik na bababa ang presyo.
◘◘◘
ANG malawakang paggamit ng e-vehicle ay magpapalaki ng demand sa elektrisidad, kaya’t dapat sabayan ito ng malawakang paggamit ng solar energy.
Sa totoo lang, dapat direktang makipag-ugnayan ang gobyerno sa mga bansang gumagawa ng solar panels, tulad ng China, Germany, Japan at Taiwan upang makaangat ng murang solar panel.
◘◘◘
KUNG tatanggalin ang taripa sa e-vehicle, dapat kasabay tanggalin ang taripa sa solar panel o iba pang gamit sa solar energy.
Mas maganda nga’y isabay ang pag-aalis ng taripang ginagamit sa “renewable energy”, tulad ng inverter o mismo ng mga gamit sa pag-assemble ng turbine.
◘◘◘
KUNG mas darami ang e-vehicles, lilikha ito ng malawak na demand sa elektrisidad—mababalewala rin dahil lolobo ang presyo ng kuryente.
Common sense lang ‘yan.
◘◘◘
DAPAT paghandaan ng gobyerno ang seryosong face-to-face classes.
Obligahin ang PNP at DSWD na maglagay ng help desk bisinidad ng mga eskwelahan.
◘◘◘
MAY okay kung maglalagay ng feeding center sa public school upang magkaroon ng sapat na pagkain ang mahihirap na estudyante.
Hindi dapat magbigay ng cash assistance, dapat libreng pagkain.
◘◘◘
ANG pagbibigay ng libreng pagkain sa nagugutom ay hindi obligasyon ng gobyerno, bagkus ito’y banal na responsibilidad ng bawat mamamayan.
Isa rin itong “human right”—ang mabuhay sa gitna ng krisis.




