top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | August 11, 2023


NAKAKAKONSUME ang pahayag ng gobyerno kaugnay sa pambubrusko ng China partikular sa Ayungin Shoal.


Natotorete tayo sa paulit-ulit na iniyayabang na pag-asiste ng U.S. sa Pilipinas.

Hindi naman totoo.


---$$$---


KUNG aktuwal na may soberanya ang Pilipinas sa Ayungin Shoal, bakit ayaw nilang magpatulong sa Pentagon sa pagbabantay sa BP Sierra Madre.

Nambobola lang at hindi na kapani-paniwala ang mga impormasyon.


---$$$---


KUNG totoo na sakop ng Mutual Defense Act ang pag-asiste ng U.S. sa Pilipinas, bakit hindi kailanman naidepensa ng U.S. Navy ang mga barko ng Pilipinas na binobomba ng tubig?

Kalokohan ‘yan.


---$$$---


SA totoo lang, ang kaduwagan ang siyang nagpapahamak sa Pilipinas.

Dugo ng martir ang pinakaepektibong pandepensa sa lupang tinubuan.


---$$$---


ANG mga sundalo ay dapat magbuwis ng buhay para sa Inang Bayan.

Hayaan nating magkaroon ng martir sa West Philippine Sea dahil iyan ang pinakamatayog na antas ng pagka-Pilipino.


---$$$---


HANGGANG ngayon walang martir sa West Philippine Sea.

Sa panahon ni ex-PNoy, tumakbo at umatras ang barkong panggiyera ng Pilipinas mula sa Panatag Shoal.


Pinakamababang antas ‘yan ng pagkatao — ang pagiging duwag!


---$$$---


HINDI armas o panggiyerang makina ang pinakaepektibong pandepensa sa soberanya.

Sariwang dugo ng mga martir ang kailangan natin.


---$$$---


KAPAG naramdaman ng mga Tsino na handang magpakamartir ang mga Pinoy sa WPS, tiyak na aatras ang mga iyan.

Subukan nilang dumikit sa Mindanao partikular sa Basilan at Sulu — tiyak na mababahag ang kanilang buntot.


---$$$---


ALAM ng mga Tsino kung gaano katapang ang mga Moro kaya’t may takot sila sa Pilipinas.


Pero sa WPS, hindi sila natatakot, sapagkat walang handang magbuwis sa buhay para sa ating soberanya.

Ngasngas lang at puro protesta.

---$$$---


SA ibang isyu, kung seryoso na palakihin ang produksyon ng palay, dapat ay umangkat ng mga dambuhalang dapurak o tractor ang Department of Agriculture.


Ito ay upang bungkalin ang libu-libong ektaryang nakatiwangwang sa Luzon, Visayas at Mindanao.


---$$$---


DAPAT ay taniman ng palay o gawing plantasyon ang mga nakatiwangwang na lupain na siyang dahilan din ng pagbaha.

Ang paggawa ng mini-dike sa mga bubungkalin idle lands ay makakapigil sa pagbaha.


---$$$---


ANG pagbubungkal o paggawa ng plantasyon — ay multi-pronged solution — at pangmatagalan.


Magkakaroon ng dagdag na trabaho sa mga ordinaryong mamamayan, lalaki ang produksyon, bababa ang presyo, mababawasan ang pagbaha.


---$$$---


IMBES na magsiluwas sa kalunsuran o MetroManila ang mga probinsyano para maghanap ng trabaho — magiging bahagi sila ng “industriyalisasyon” sa agrikultura.


Opo, industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura po ang solusyon — at hindi importasyon.


Mahirap bang unawain ito?



 
 

ni Ka Ambo @Bistado | August 10, 2023



PINULONG ni P-BBM ang mga local officials ng Bulacan at Pampanga upang solusyunan ang baha.


Walang solusyon d’yan.


---$$$---


ANG irerekomenda ng mga opisyales ay ang dredging.


Bakit?

Malinaw ang dahilan, graft and corruption.


---$$$---


NILOLOKO ng mga kolokoy ang publiko.


Ang dredging projects kahit saan lugar ay garapal na “gamit sa corruption”.


Kailangan pa bang i-memorize yan?


---$$$---


PAULIT-ULIT nating binabanggit sa kolum na ito na kailangan magkaroon ng “elevated highways” sa kahabaan ng McArthur Hi-way mula Kalookan hanggang Pampanga.


‘Yan ay pangmatagalan solusyon.


---$$$---


DAPAT nating maunawaan na hangga’t may ulan ay may baha.


Gusto ng mga bopol ay hindi babaha sa “kapatagan” tulad ng McArthur Hi-way, kapag umuulan.


Imposible ‘yan.


---$$$---


HINDI abnormal ang klima o climate, ang abnormal ay mga tao partikular ang mga mangmang at corrupt na public officials.


Ang baha ay kakambal ng kasaysayan ng Pilipinas.


Epekto ito ng posisyon ng Pilipinas sa mapa.


---$$$---


DALAWA ang klima sa Pilipinas.


Ito ay ang tag-araw at ang tag-ulan.


---$$$---


ANG sinaunang Pinoy ay nauunawaan na palaging may baha tuwing tag-ulan.


Iyan ang dahilan kung bakit ang disenyo ng “Bahay Kubo” ay hindi bungalow, bagkus ay “elevated” o nakaangat mula sa lupa.


---$$$---


MALINAW kung gayon, na ang bahay ay nakadisenyo sa paulit-ulit na pagbaha.


Isang bahagi dito ay ang “batalan” na puwesto ng palikuran at paminggalan.


Walang “batalan” na nasa ground floor.


---$$$---


ANG mga arkitekto ay nangopya ng disenyo ng mga bahay at gusali mula sa ibang bansa.

Dahil sa maling disenyo, bumabaha ang ground floor — na “normal” lamang sa ating bansa.


Ito ay nararanasan kapag ang bahay mo ay nasa “kapatagan” tulad sa Bulacan at Pampanga.


---$$$---


IPINATIGIL ni P-BBM ang reclamation sa Manila Bay.


Pero hindi nito pinatigil ang pagtatambak sa Bulakan, Bulakan na pagtatayuan ng modernong airport.


---$$$---


ANG pagtatambak sa dalampasigan — ay isang abnormal na aktibidad.

Dahil abnormal ito, sanhi rin ito ng malakihang pagbaha.


---$$$---


NAKAPAGTATAKANG hindi binabanggit ng mga local na opisyal ng Bulacan ang masamang epekto ng pagtatambak sa Bulacan airport.


Isa ‘yan sa nagpapalubog ng McArthur Hi-way.


Magkano po?


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | July 26, 2023



MAAYOS naman ang SONA ni P-BBM.


Higit kalahati ng teksto ay ipinokus sa agrikultura.


Kumbaga, binoldyak ang sikmura.


◘◘◘


NAKAPOKUS ang talumpati sa pangangailangan ng ordinaryong tao.

Malaki ang tama nila.


◘◘◘


NILINAW ni P-BBM na target nila ang “100 percent” na makatikim ng elektrisidad ang bansa.


Siyempre, dapat magpokus sa mga liblib na lugar.


◘◘◘


PERO, hindi sapat na magkaroon lang ng elektrisidad, dapat ay maayos at episyenteng serbisyo.


Kumbaga, hindi tipong patay-sindi na “beerhouse” ang komunidad, bagkus ay dapat makatikim sila ng modernisasyon.


◘◘◘


MALAYA na kasi ang mga private player na makapasok sa distribusyon ng elektrisidad tulad sa More Power.


Ibinunyag naman ni Sen. Grace Poe, ang ginhawa sa Iloilo City nang palitan ang PECO ng More Power.


◘◘◘


NAG-INVEST agad ng P1.5 billion ang More Power para palitan ang ‘ageing, obsolete at dilapidated’ na power distribution facilities sa Iloilo City.


Mula sa dating P13 per kilowatt hour ay nasa P6.40 kwh na lamang ang singil sa kuryente — isa sa pinakamababang electricity rates sa buong bansa.


◘◘◘


MODERNISASYON talaga ang susi sa krisis.


Iniimbestigahan ng Senado ang rotational brownouts sa Panay, Negros, Nueva Ecija, Northern Samar, Pampanga, San Isidro at San Jose sa Nueva Ecija, Calaca sa Batangas, at Quezon province.


Patay-sindi rin ang elektrisidad sa Tabuk City sa Kalinga, South Cotabato, Maguindanao, Ozamiz, Lumban sa Laguna, Zamboanga City, Pangasinan, Tarlac, Marinduque, Camarines Norte, Echague sa Isabela, Zamboanga Sibugay, Masbate, Davao Oriental, Southern Leyte, Casiguran sa Aurora, at Bicol.


◘◘◘


NABATID na ang mga electric cooperatives ay ipinauutang ng pondo ng gobyerno at binibigyan ng incentives.


Pero, ganun pa rin, palpak pa rin ang serbisyo ng mga ito dahil sa dispalinghadong mga pasilidad.


◘◘◘


MARAMI ang natuwa sa pahayag ni P-BBM na pararamihin pa ang mga Kadiwa Center.


Mababa ang presyo sa Kadiwa dahil walang patong ang mga “middlemen”.


Gobyerno mismo ang nagsisilbing “ahente”.


◘◘◘


IBINALITA ni P-BBM ang mabilis na pagrekober ng ekonomiya.


At tinukoy niya ang Maharlika Fund na magiging giya o gulugod sa pag-unlad ng bansa.


◘◘◘


MAY ipinakilalang slogan si P-BBM, imbes na Bagong Lipunan, isinigaw niya ang Bagong Pilipinas.


Binuksan ang SONA sa saliw ng himig ng awiting Pilipinas Kong Mahal.


'Yun nga lang, hindi niya binigyan-diin ang “Ideolohiya” ng kanyang administrasyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page