top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | May 11, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Umaagaw ng eksena ngayon ang hindi na mapipigil na “sigalot” sa pagitan ni Sen. Imee Marcos at ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM).

Marami ang tumaas ang kilay, pero iyan ay normal at ordinaryong bahagi ng buhay.


----$$$--


HINDI naman naiiwasan ang gusot sa magkakapatid lalo na sa magpipinsan o mismo sa magbabayaw, maghihipag at magbibilas.

Iyan mismo ang nararanasan ni Sen. Imee.


----$$$--


TANDISANG ibunyag ni Sen. Imee na hindi “Marcos” ang may control sa Malacanang, bagkus ay “Romualdez” at “Araneta”.

Ano ang implikasyon nito at ano ang mabubuong impresyon sa publiko?


-----$$$--


MASELAN ang akusasyon dahil ibig sabihin, ang nagmamaneho sa takbo ng bansa — ay hindi iisang tao at hindi rin “elected president”.

Napakabigat!


----$$$--


HINDI ordinaryo ang sitwasyon ng magkapatid na Marcos, dahil ang mismong magkapatid na Binay ay ‘yan din mismo ang eksena.

Sinabi umano ni Makati City Mayor Abby Binay na mas nanaisin niya na matalo sa Senado kaysa manalo ang kapatid na si Sen. Nancy Binay na tatakbo bilang mayor ng Makati City.


-----$$$---


TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby na mabigong makapasok sa Senate Magic 12 kaysa manalo si Sen. Nancy laban sa mister ng alkalde na si Atty. Luis Campos sa mayoralty race ng Makati.

Sa kanyang speech, sinabi ni Mayor Abby na pumunta siya sa rally upang ikampanya ang Team United na pinamumunuan ng kabiyak na si Atty. Campos.


----$$$--


INIHAYAG nito na kahit hindi nila iboto ang sarili bilang senador, basta iboto lamang ang straight Team United kontra sa grupo ni Sen. Nancy.

Tumatakbo naman si Sen. Nancy sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA), ang partidong itinayo ng ama nilang si dating Vice President Jejomar Binay.


----$$$--


“ANDITO ako sa pagbigay ng suporta sa Team United. Sasabihin ko ito, kahit huwag n’yo na akong iboto, iboto n’yo na lang straight ‘yung Team United. Ganito po ka-importante sa akin ang Team United,” pagdidiin ni Mayor Abby.

Sinabi pa nito na huwag na rin siyang ikampanya sa Makati City dahil mas importante sa kanya na manalo ang buong slate ng Team United.


----$$$---


NILINAW ng Makati mayor na bonus lamang ang kanyang pagtakbo sa Senado na hindi naman nito ikamamatay (sakaling matalo).

Gayunman, mas gugustuhin niyang makitang manalo ang kabiyak kaysa manalo ang kapatid na si Sen. Nancy.

Ganu’n talaga!


-----$$$--


SAKALI namang magwaging senador, tiniyak ni Mayor Abby na “makikipag-away” ito hinggil sa nangyari sa 10 barangay ng EMBO na ibinigay ng Supreme Court sa Taguig City.

“Lagi n’yong maririnig ang boses ng isang senador na taga-Makati. Lagi n’yo akong makikitang makikipag-away doon. Feeling ko nga parang ninenerbiyos na sila,” ayon kay Abby.


-----$$$---


Nakakalungkot ang pulitika sa Pilipinas, hindi lang talamak ang vote-buying ng magkakabilang kampo, kaliwa’t kanan din ang patayan at pananambang.

Pero, ang pinakamabigat, nag-aaway-away ang iisang pamilya, mag-iina, mag-aama, magpipinsan — at higit sa lahat -- magkakapatid tulad ng mga Marcos at mga Binay.

Sa kabila nito, ipagdasal natin ang payapang eleksyon bukas, Mayo 12.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | May 10, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Tao rin naman ang mga cardinal kaya’t bagaman lihim at sagrado ang proseso, hindi maiiwasan gumamit ng maselang diplomasya ang mga cardinal.


Likas sa Pinoy ang maging eksperto sa pakikipagsosyalan — at ang tawag na iba rito ay diplomasya at pulitika.


----$$$--


Marami ang nagdarasal na mahalal bilang bagong Santo Papa si Cardinal Luis Antonio Tagle ng Pilipinas.

Sakaling matupad, maibabantayog ang pangalan ng Pilipinas sa mapa ng daigdig.


----$$$--


HANGGANG kahapon, wala pang napipili ang 133 cardinals kung sino ang papalit sa yumaong si Pope Francis.

May mga karibal si Cardinal Tagle pero ang dalawa pang cardinal mula sa Pilipinas -- sina Cardinal Jose Advincula at Cardinal Pablo Virgilio David, na maaaring makatuwang niya sakaling magkaroon ng lihim na kampanyahan.


-----$$$--


HALOS nakisabay na rin ang Korte Suprema sa maniobrahan sa Makati at Taguig nang maglabas ng temporary restraining order laban sa Makati City kaugnay sa 10 EMBO barangay issue.

Nagkataon ito na nasabay sa kampanyahan.


----$$$--


INAMIN naman ni Makati Mayor Abby Binay na reresbak siya laban sa desisyon ng Korte Suprema na ibigay sa Taguig City ang 10 EMBO barangay na isa sa agenda kaya tumakbo sa Senado.

Binasted kasi ng TRO ang pagtatangka ng Makati na idiskaril na mabuksan o magamit ng Taguig ang mga pasilidad na nasasakop ng 10 EMBO barangay.


----$$$--


SA isang speech sa ginanap na campaign rally ni Congresswoman Pammy Zamora sa CEMBO kamakailan, sinabi ni Binay na matagal nitong pinag-isipan kung tatakbo bilang senador.

Sinabi pa niya na maraming araw siyang umiiyak dahil wala siyang magawa sa desisyon ng Korte Suprema na ibigay ang 10 EMBO barangay sa Taguig City.  


----$$$--


NOONG 2022, nagdesisyon ang Korte Suprema na ibinabasura ang petisyon ng Makati City na hindi dapat ibigay sa Taguig City ang 10 EMBO barangay.

Inihayag ni Binay na tumakbo siya sa pagka-senador upang iakyat din ang isyu sa Mataas na Kapulungan hinggil sa desisyon ng SC.


----$$$--


NITONG nakaraan lamang, Mayo 5, nagpalabas ng TRO ang Regional Trial Court sa Taguig City na inaatasan si Mayor Binay na alisin ang lahat ng nakasagabal sa paggamit ng mga government-owned facilities ng 10 EMBO barangay.  

Ipinalabas ang order ni Executive Judge Loralie Cruz Dataha ng RTC-Taguig na nagpapatupad sa ‘pinal at executory decision’ ng Korte Suprema sa G. R No, 235315.


----$$$--


KINUMPIRMA ng utos na nasasakop ng Taguig City ang Barangay Cembo, South Cembo, Comembo, East Rembo, West Rembo, Pembo (kabilang ang Rizal), Pitogo, Post Proper Northside, at Post Proper Southside — na kilala bilang EMBOs.  

Sakop ng kautusan ang pasilidad tulad ng health centers, covered courts, multi-purpose buildings, day care centers, parks, at iba pang government properties.  


----$$$--


Sa kabila ng pinal na desisyon ng Supreme Court noong 2022, hindi pumayag ang Makati na kunin ng Taguig ang lahat ng naturang pasilidad.

Isinara ng Makati ang ilang health center at daycare center kaya hindi nagamit ng mga taga-EMBO barangay ang pasilidad.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | May 8, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Hindi lang pala si VP Sara ang may confidential fund kundi maging ang mga local executives tulad sa Makati City.


Walang masama sa confidential funds pero ito ay dapat nagagamit sa mabuti at nararamdaman ng mga residente ang positibong resulta.


----$$$--


HALIMBAWA, kung ang confidential fund ay ginagamit kontra sa kriminalidad, dapat ay hindi tataas ang bilang ng mga kidnapping, robbery at iba pang street crimes.

Sa linyang iyan, mabuti ang confidential funds.


----$$$--


SA Makati City, nais ng mga residente na ipaliwanag ni Mayor Abby Binay kung paano rin ginastos ang sinasabing P240 milyon confidential funds.

Bakit imbes na tumahimik ay dumami ang bilang ng krimen sa Makati?


----$$$--


SINASABING noong 2022 at 2023, nakapaglaan ang Makati City Council ng halagang P240 milyon kada taon para sa confidential funds na maaaring gamitin sa peace and order programs (POPs).

Ito ay upang masugpo ang kriminalidad pero nagkaroon ng sharp increase sa insidente ng krimen.


----$$$--


UMAAPELA ang mga residente ng Salcedo Village kay Binay na tugunan ang tumataas na bilang ng kriminalidad sa kanilang komunidad.

Marami nang naitala na kaso ng snatching, hold-ups at kahit kidnapping incidents.


---$$$--


NOONG Linggo ng gabi, Mayo 4, 2025, pinasok ng tatlong armadong kalalakihan ang Izakaya Kojiro sa Pasay Road, Makati City na nakakulimbat ng pera, alahas at cellphone base sa kumalat na video sa social media.

Sana ay maresolba ang krimen sa Makati City.


----$$$--


INIULAT na sa pinakahuling audit report ng COA, natuklasan na top spender ang Makati sa 17 local chief executives sa Metro Manila na umabot sa magkasanib na P480 milyon ang ginastos sa POPs sa dalawang magkasunod na taon, 2022 at 2023.

Nakita rin umano sa COA audit report na gumastos naman ng P120 milyon ang Lungsod ng Maynila nitong 2022 at 2023 na kahit pangalawa sa pinakamayamang lungsod.


----$$$--


PUMANGATLO ang Quezon City na umabot lamang sa P100 milyon ang ginamit sa confidential funds.

Kahit ito ang may pinakamalaking land area at populasyon at pinakamayaman na may P448.51 bilyon total.


----$$$--


NAPAKAHALAGA na maiulat o maging transparent ang mga ehekutibo ng gobyerno sa paggastos ng pondo ng bayan.


Sa panahon ng digital media, bakit walang nagpapanukala na i-post sa social media ang araw-araw o periodic expenses ng lahat ng sangay ng gobyerno — lalo na ang mga LGUs?


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page