top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | October 20, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Hindi naman humuhupa ang social unrest.

Mas organisado na ang mga Gen Z, dahil kumukonek na ang bawat unibersidad at kolehiyo.


-----$$$--


SA ngayon, wala pang matutukoy na charismatic leader ang Gen Z na puwedeng humigop ng malawakang suporta across-all-spectrum ng lipunan.

Sa ngayon.


----$$$--


BARA-BARA lang ang kilos-protesta, slogan at mga akusasyon.

Halatang idinikta o kinokopya lang sa iba.

Kumbaga, walang malinaw na ideolohiya na ipinakikipaglaban, bagkus ay simpleng protesta laban sa malawakang katiwalian.


-----$$$--


PERO, ang pinakasariwang balita at nakapagdududa ay ang “pangengelam” ng dayuhan sa isyu ng flood control projects scandal.

Iniulat na nagpunta sa ICI ang mga US diplomat.

Eh, bakit?


------$$$--


MAAARING kalmante lang si PBBM sa kaliwa’t kanang protesta ng mga Pinoy pero hindi niya dapat ipagkibit-balikat ang “pangengelam” ng US embassy.

Nakakapagduda ‘yan at nakakanerbiyos!


-----$$$--


MATAGAL na nating binabanggit-banggit sa kolum ang panganib na magmumula sa dayuhan.

At ito ay nagaganap na.


----$$$--


SA totoo lang, aminin o hindi ng mga pinakabatikang political analyst at akademisyan — hindi bumagsak ang rehimeng Marcos Sr. — dahil sa puwersa ng People’s Power.

Bumagsak ang administrasyong Marcos Sr. dahil sa lihim na kamay ng mga dayuhan.


-----$$$--


DAPAT ay makapulot ng aral at matuto si Marcos Jr. sa sitwasyon ng kanyang ama.

Ang US ay hindi kailanman kikilos ng pabor sa sinumang lider na kanyang kaalyado.

Ang US ay kikilos batay sa interest ng mismong mga Kano.


-----$$$--


HINDI naman itinatago, bagkus ay binanggit sa mga ulat na nababahala ang ilang US officials sa sitwasyon sa Pilipinas — dahil sa kanilang investment.

Pero, sa totoo lang, ang investment na ito ay posibleng kasama ang “military-component”.

‘Yan ay napakaselan!


-----$$$--


MANANATILI namang tahimik at hindi apektado ng gulo ang ordinaryong mamamayan kahit biglang magpalit ng liderato o administrasyon — gaya sa Nepal at Madagascar.

Imbes na mabahala ang ordinaryong mamamayan, mas dapat kabugan ang mga pulitiko — o mga ‘buwayang’ magkakasabwat sa pandarambong sa kaban ng bayan.


------$$$--


TULAD sa hindi maipaliwanag na pagsulpot ng 3I/ATLAS comet, mahirap ding ipaliwanag ang biglang pagpapalit ng US ambassador sa Pilipinas.

May nagsasabing ang 3I/ATLAS comet ay posibleng signos sa katapusan ng mundo.

Pero, ang pagdalaw ng US embassy diplomat sa ICI, isa rin bang signos ng biglaang pagwawakas?


Nagtatanong lang, at nababahala na rin.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | October 18, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Malilinaw ang mga ebidensya ng katiwalian sa DPWH, DepEd, DOH at maging sa Bureau of Customs.


Kahit ang mga transaksyon sa AFP, PNP, Department of Agriculture, DSWD, Department of Energy, DENR, BIR, LTO, LTFRB at iba pang kagawaran — ay nangangailangan ng ibayong imbestigasyon.


-----$$$--


ACROSS-ALL-DEPARTMENT ang katiwalian — at siyempre, hindi nakaligtas ang lehislatura — at of-course — ang Malacanang.

Ngayon lang ba nagaganap ‘yan?


Hindi po, kakambal na iyan ng burukrasya.


---$$$--


SA totoo lang, hindi makakaiwas mismo ang Duterte administration sa kaliwa’t kanang alingasngas.


Pero, dapat nating maunawaan — na ganyan din ang sitwasyon sa PNoy administration na nakilala ang DAP; at maging sa PGMA administration na nakilala ang PDAF, CDF at ZTE deal.


----$$$--


ANG administrasyong Erap ay gumuho dahil sa katiwalian pero ang Ramos administration ay sinisisi rin sa malawakang bentahan ng government assets gaya ng military bases at Manila Bay reclamation area na kinaroroonan ng MOA at Ayalas, at iba pa.


Lalong hindi makakaligtas ang Tita Cory administration sa malawakang sikwatan dahil sa “transition period” mula sa Marcos Sr. administration.


-----$$$--


INIYAYABANG na batbat ng corruption ang administrasyong Marcos Sr. — at tanging solusyon umano — ay magpalit ng gobyerno.


Matagal nang wala sa poder si Marcos Sr., pero hindi naresolba ang katiwalian — bagkus ay naging grabe pa ngayon, nang todo at LANTARANG pandarambong gamit ang amendment, insertion at unprogrammed fund sa annual budget.


----$$$---


WALANG silbi ang mga constitutional bodies na naatasang magbantay sa maayos na

pangangasiwa sa gobyerno.


‘Promotor’ dito at ‘kunsintidor’ ang COA, Ombudsman at Civil Service Commission.


----$$$--


NAKIKIPAGKUTSABA siguro ang mga auditor at mas malamang ay kaparte sa kulimbat.

Iyan din ang alegasyon sa Ombudsman na pinagbibintangan ding kunsintidor.


----$$$--


TAMAD naman, hindi kuwalipikado at iresponsable ang CSC dahil walang kakayahan itong iangat ang kalidad ng serbisyo sa hanay ng mga career executive at maging mga rank-and-file.

Batbat ng corruption sa lahat ng antas ng burukrasya — national, regional, provincial, city, municipality hanggang sa barangay.


----$$$--


Tumatakas at iresponsable ang CSC sa kanilang trabaho dahil mistulang “tamemeng ahensya” ito na simpleng administratibo lang ang ginagawa — imbes na serye ng mga programang magmumulat sa career executive at rank-and-file na iangat ang kalidad ng serbisyo-publiko.


‘Nababoy’ na nang todo ang serbisyo-publiko — at dapat sisihin dito ang CSC — dahil sa kapabayaan!


---$$$--


NAKAPAGTATAKANG sa serye ng mga pagdinig sa Kongreso kaugnay ng garapalang katiwalian sa burukrasya — hindi naririnig ang opinyon, panig at komento ng CSC.

Ibig sabihin, “walang patol” ang CSC — na isang kahihiyan at kamangmangan sa larangan ng lehislatura.


-----$$$--


PAANO mababago ang serbisyo-publiko nang hindi isasali sa usapan ang CSC?

Hindi ba’t sandamukal na kabulastugan ‘yan sa larangan ng public administration?


Iyan mismo ang ugat at dahilan kung bakit patuloy ang kapalpakan sa ating pamahalaan — katamaran at kamangmangan!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | October 17, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Kumakalat ang influenza.

Hindi na kayo nasanay!

----$$$---

Immune system ang susi upang hindi tablan ng influenza.

Kapag maayos ang immune system, kahit dapuan ka ng flu, mabilis ito gagaling.

----$$$--

LIBRE lang at walang gaanong gastos ang pagpapalakas ng immune system.

Una, huwag magpuyat o aktuwal na umiwas na magbabad sa gadgets nang hanggang hatinggabi o ubusin ang oras sa Facebook at YouTube.

----$$$--

MARAMI ang tinatamaan ng influenza ngayon — dahil mayorya ng mga Pinoy ay mahina ang immune system dahil kaka-FB.

Ang Facebook at YouTube — ang tunay na sanhi ng epidemya ng flu, sa akin lang.

-----$$$--

MAMAHINGA hanggang kaya upang mapalakas ang immune system.

Gayundin, kapag gadgets ka nang gadgets, hihina ang immune system dahil malilimutan mong kumain nang maayos at hindi ka maglalakad, bagkus ay magdamag kang nakaupo o nakahilata.

-----$$$--

KAPAG nakababad ka sa screen, sasakit ang batok mo at maging ang balikat — sapagkat puwersado ang iyong daliri.

Mapapagod din ang iyong mga mata at irritable ka ‘pag may kumausap sa iyo — kaya’t magiging tamad ka rin na maglinis ng bahay o kahit maligo — ay hindi mo na bibigyan ng prayoridad.

-----$$$--

NORMAL lang ang pagkalat ng influenza tuwing magpapalit ng panahon — lamig, init, ulan, alinsangan.

Ang hindi normal ay ang sobrang paggamit ng cellphone — at iyan ang magpapahina ng iyong immune system.

-----$$$--

BUKOD sa iwas-puyat at iwas-pagod, dapat ding kumain ng masusustansiyang pagkain.

Imbes kasi na ibili ng maayos na pagkain, titipirin ang badyet upang makabili ng load.

-----$$$--

SA lugar ng mga nagdarahop, kakarampot lang ng kanilang “cash” pero ang prayoridad nila ay mag-Facebook upang malimutan ang gutom.

Aktuwal na nalilimutang kumain at mamahinga kaya’t bagsak-papag o biglang tulog — nang nalalaglag pa ang cellphone nang hindi namamalayan dahil biglang idlip o pagkatulog.

----$$$--

ANG pagkaadik sa cellphone o social media — ang tunay na “epidemya” — hindi ang trangkaso o influenza.

May gamot kontra sa flu, pero ang walang gamot sa pagkakaadik sa paggamit ng cellphone.

-----$$$--

KAILANGAN din ang ehersisyo — maglakad o tumakbo pero dahil adik sa cellphone hindi na lumalabas ng bahay ang mga “sosyal na adik” sa social media.

Libre lang ang gamot — simpleng disiplina.

-----$$$--

ANG pagkain ng gulay at prutas ay nagpapalakas ng resistensya at immune system.

Mababa lang ang halaga ng gulay at prutas — pero kapag ang konting cash — ay inubos sa pagbili ng load — “magkakasya” na lang sa patis, toyo, bagoong at asin ang mga tao — kaya mabilis na tatamaan ng influenza.

-----$$$--

KAHIT mamigay ang gobyerno ng libreng gamot — hindi rin mareresolba ang pagkalat ng influenza — dahil ang immune system ng mga tao ay dispalinghado.

Mas dapat ay gumawa ng mga social activities ang gobyerno tulad ng cultural programs, sports activities at skills training program sa lahat ng sector — nanay, tatay, estudyante, obrero at maging sa mga professionals.

----$$$--

ANG epekto ng teknolohiya ay nagbubunsod ng aktuwal na sakit o epidemya.

Nalilimutan ng mga eksperto — ang kahalagahan ng kultura, sosyal at humanity.

Maunawaan sana ito ng lahat!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page